• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 1st, 2022

7 drug suspects timbog sa P1 milyon shabu sa Malabon, Navotas at Valenzuela

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang pitong drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela, Malabon Navotas Cities.

 

 

Sa ulat ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa 051 C Molina St., Brgy., Viente Reales na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeffrey Diaz alyas “Boss”, 36.

 

 

Nakuha kay Diaz ang tinatayang nasa P30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P204,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 15 pirasong P500 boodle money, cellphone at coin purse.

 

 

Sa Malabon, alas-3 ng madaling araw nang madakma din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa Pinagtipunan Circle corner Santol Road., Brgy. Potrero sina Ester Dela Cruz alyas “Teru”, 37, Sharon Dela Cruz alyas “Shawie”, 31, at Benjie Gardoce alyas “Bebe”, 23, pawang ng Caloocan City.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 9 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,200 at P500 marked money.

 

 

Nauna rito, dakong alas-9:30 ng gabi nang masakote ng kabilang team ng SDEU si Adrian Besin, 24, delivery rider at Christer Olajay alyas “Terry Boy”, 18, kapwa ng Caloocan City sa buy bust operation sa M.H Del Pilar Brgy. Tugatog.

 

 

Ani PMSg Randy Billedo, nasamsam sa kanila ang tinatayang nasa 7.00 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P47,600.00 at P500 marked money..

 

 

Samantala, tinatayang nasa 103.00 grams ng hinihinalang shabu na nasa P700,400.00 ang halaga ang nakumpiska naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Dexter Ollaging kay Abdullah Pasandalan alyas “Abdul”, 41 ng New UE, Baseco, Port Area Manila matapos maaresto sa buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City dakong alas-12:05 ng madalibg araw. (Richard Mesa)

Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula  Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge.

 

 

Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level 3 noong Enero 3 matapos na sumirit ang Omicron variant cases.

 

 

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, magpapatuloy ang ginagawa nilang monitoring dahil inaasahan na nilang daragsa ang mga tao sa mga malls at iba pang public places habang tataas naman ang workforce.

 

 

“Ang pinaka-importante kasi dyan ‘yung cooperation ng lahat. Nakita naman natin nu’ng nag-Alert Level 3, hindi na tayo nag-Level 4. Sila na ‘yung nag-stop papunta ng mall, sila na mismo ‘yung tumigil sa mga ibang  activities. That’s a good sign that we have learned so much from this pandemic,” ayon sa Kalihim.

 

 

Kailangan din aniyang mapagtanto ng mga Filipino ang kahalagahan na magpabakuna, kilalanin ang sintomas ng Covid-19, at mag-isolate kung kinakailangan.

 

 

“Kahit na marami ‘yung numbers na na-infect, hindi overwhelmed ‘yung ating health care facilities. ‘Yung nagkakasakit sa bahay lang gagaling so ibig sabihin pwede tayong magbukas ng mga economic activity. Ang kailangan lang dito ‘yung individual responsibility na watch out for yourself. Kapag ikaw ay naging close contact, dapat self-isolate na. Look out for symptoms,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, inilagay din naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal sa Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao sailalim ng Alert Level 2 hanggang Pebrero 15, ayon kay , Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Maliban sa mga general guidelines, ang local government units ay maaaring magpatupad ng iba pang paghihigpit na “subject to evaluation.”

James Gunn unknowingly cast a Guardians of the Galaxy actress in ‘Peacemaker’

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

JAMES Gunn, writer and director of Peacemaker unknowingly cast Guardians of the Galaxy Vol. 2 actress Elizabeth Ludlow in his HBO Max series without realizing they’d previously worked together.       

 

 

Gunn is best known for helming Marvel Studios’ Guardians franchise. With last summer’s R-rated The Suicide Squad, he has introduced a slew of new characters to the DC Extended Universe.

 

 

One of which, John Cena’s Christopher Smith/Peacemaker, is now enjoying his own spin-off series. In addition to Cena, Peacemaker sees Jennifer Holland and Steve Agee reprise their roles as Emilia Harcourt and John Economos from The Suicide Squad. New cast members include Robert Patrick, Danielle Brooks, Freddie Stroma, and Chukwudi Iwuji.

 

 

Following the events of The Suicide SquadPeacemaker’s eight-episode first season sees its eponymous vigilante/villain recruited by Amanda Waller’s (Viola Davis) ARGUS to once again help “save the f—king world.

 

 

This time, the operation is “Butterfly” and the threat he’s facing comes in the form of a suspected alien invasion. In addition to ARGUS wildcards like Vigilante (Stoma) and Clemson Murn (Iwuji), one of Peacemaker’s most intriguing characters is Leota Adebayo (Brooks)—who, unbeknownst to the rest of the gang, is Waller’s daughter. Unlike Waller, Adebayo seems to be a righteous character who just wants to do right by her family, including her wife, Elizabeth’s Ludlow’s Keeya.

 

 

During a Twitter watch party with the Peacemaker cast for the series’ fifth episode, “Monkey Dory,” Gunn revealed he cast Ludlow as Keeya Adebayo without even realizing he’d also worked with her on Guardians of the Galaxy Vol. 2 (2017)

 

 

The reason for this is Ludlow wore such extensive makeup to play “Easik Mother” in the previous project that Gunn didn’t recognize her until she’d already been cast in his new series.

 

 

Even if it was accidental, this is yet another example of Gunn’s proclivity for working with the same actors across multiple projects. Other examples include Nathan Fillion, Michael Rooker, and his brother, Sean Gunn, who have all appeared in both the Guardians franchise and The Suicide Squad. Pom Klementieff, who plays Mantis in the Marvel Cinematic Universe also has a brief cameo in the DC film.

 

 

Guardians alum Stephen Blackehart even appears in Peacemaker episode 5 as Charlie the Gorilla. Peacemaker’s Iwuji is also set to appear in the upcoming Guardians of the Galaxy Vol. 3. While keeping his MCU role a secret, Iwuji recently opened up about working with Gunn.

 

 

Gunn and company will have plenty of job opportunities moving forward. Despite the current iteration of the Guardians franchise coming to an end, Peacemaker‘s stellar reviews bode well for both a second season and more spinoffs.

 

 

For now, Peacemaker continues to release new episodes on HBO Max every Thursday, and Guardians of the Galaxy Vol. 3 is due to hit theaters on May 5, 2023. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Pinas, nakatanggap ng P48.7-M Aussie aid para sa Covid-19 response

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang Pilipinas, araw ng Biyernes ng P48.7 milyong halaga ng cold chain equipment at iba pang tulong mula sa Australian government, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (Unicef) Philippines.

 

 

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang Australian government ay “long-time ally” ng Pilipinas at nagbigay ng technical, logistical, at in-kind assistance sa buong coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

“These are life-saving equipment indeed critical in our pandemic response and also including some supplies and consumables, which have already arrived last year,” ayon kay Duque sa idinaos na ceremonial handover ng nasabing donasyon sa Goetz Cargo Center sa Parañaque City.

 

 

Ang Pilipinas ay nakatanggap ng  30 solar-powered vaccine refrigerator, walong walk-in cold rooms equipped na may generator, 106 set ng spare parts, at 20 set ng personal protective equipment.

 

 

“Rural health units located within geographically isolated and disadvantaged communities in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao and Davao region will get a solar-powered vaccine refrigerator each,” ayon kay Unicef Representative to the Philippines Oyunsaikhan Dendevnorov.

 

 

Ang magiging benepisaryo naman ng ibang equipment ay ang Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Caraga regions.

 

 

“This partnership is exemplary for our joint commitment to strengthen the national health system and making sure that health services and Covid-19 and routine immunization reach families in the Philippines,” ani Dendevnorov.

 

 

Sinabi naman ni Australian Ambassador Steven Robinson na ang donasyon ay makadaragdag sa layunin ng pamahalaan na bilisan ang Covid-19 vaccination program sa mga remote areas sa pamamagitan ng pagbibigay ng cold storage facilities na makapag-iimbak ng malaking bilang ng mga bakuna

 

 

“It will help ensure that those most at risk and other vulnerable members of the population have equal access to vaccines,”ayon kay Robinson.

 

 

Aniya pa, nangako ang Australian government na suportahan ang Pilipinas na itaas ang cold chain capacity, paghusayin ang information management, at palawakin ang suplay ng Covid-19 vaccines.

 

 

Samantala, nakiisa naman sa idinaos na ceremonial handover ng nasabing donasyon sina DOH Undersecretary Ma. Carolina Taiño, immunization specialist Dr. Carla Orozco, cold chain officer Benme Bersola, at Unicef Health section chief Dr. Malalay Ahmadzai.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 19) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAISIP na sana ng paraan si Cecilia upang hindi makaalis sina Bernard at Angela patungong ibang bansa, subalit pinlano pa lang niya ay hinadlangan na siya ng tadhana na magamit si Bela nang dumating si SPO2 Marcelo dala ang hindi magandang balita tungkol sa anak ng mag-asawa. Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ng dalaga.

 

Mabilis ang naging pagpapasya ni Bernard para sa paglayo nila ni Angela kaya naman agad ding nagpasya si Cecilia para mapigilan ito.

 

Gabi. Bago ang flight ng mag-asawa.

 

“Hello Cecilia, akala ko ba gusto mong tulungan ‘yung mag-asawa, ba’t ngayon nag-iba ang plano mo?” si Brent sa kabilang linya.

 

“Basta. Kapag nagawa nyo ito ng pulido, babayaran ko kayo ng patas.” Mahinang tugon ng dalaga.

 

“Okay fine!”

 

Kalaliman na ng gabi nang pagbuksan ni Cecilia ng gate at pinto ang tatlong tropa niya.

 

“Cecilia, sigurado ka ba?”

 

“Oo, basta siguraduhin nyo rin na hindi nyo sasaktan si Ma’am Angela. ilalayo nyo lang siya rito.”

 

“Opo madam. Safe siya ro’n sa probinsya namin, doon namin siya dadalhin.” ani Brent.

 

Hinayaan na ni Cecilia na makapasok ang mga ito sa loob ng bahay.

 

Mahimbing na natutulog ang mag-asawa sa kanilang silid habang maingat na nakapasok dito sina Brent gamit ang kanilang teknik sa pagbubukas ng naka-lock na pinto. Ang isa ay kumilos para takpan ng panyong may pampatulog ang babae upang siguradong hindi ito magigising  at saka nilagyan din ng tape ang bibig nito. Itinali ang mga kamay at paa at saka kinarga. Nakatutok naman ang baril ni Brent kay Bernard na tinapalan din nila ng panyong may pampatulog, para kung sakaling bigla itong magising ay hindi agad ito makakapalag.

Marahan silang humakbang palabas ng silid.

 

Naalimpungatan si Lola Corazon sa silid niya. Naisipan niyang bumangon.

 

Si Cecilia ay nakasilip lamang mula sa kuwarto niya habang tinatangay ng tatlo si Angela.

 

“S-Sorry Ma’am Angela…” sa isip niya.

 

Nagulat ang dalaga nang biglang magbukas ang pinto ng silid ni Lola Corazon at maabutan pa ang tatlo.

 

“HOY, SAAN NYO DADALHIN SI ANGELA?”

 

Nabigla rin ang tatlo. Upang mapigilan ang pasugod na matanda ay tinutukan ito ng baril ni Brent.

 

“Hanggang dyan ka lang tanda!”

 

Pero hindi natinag si Lola Corazon, nagpatuloy pa rin ito sa paglapit kaya’t napilitan si Brent na iputok dito ang baril.

 

“HUWAAAG!” sigaw ni Cecilia.

 

Agad Dinaluhan ng dalaga ang matanda. Napailing si Brent. Kaya’t sa halip na tangayin pa si Angela ay binitawan nila ito at sila na lamang ang tumakas.

 

Sa ospital na nagkamalay ang matanda. Nasa tabi niya si Bernard.

 

“Bernard…”

 

“Huwag ka na munang magsalita lola. Mabuti at naalis agad ang bala sa balikat mo. Hindi ko po alam kung bakit hindi gumana ang mga cctv na ipinakabit ko sa bahay natin. Pero huwag kang mag-alala lola, si SPO2 Marcelo na ang bahala sa mga pumasok sa bahay natin. Isa pang naguguluhan ako, ay kung bakit si Angela ang pakay nila?”

 

Sinulyapan ni Lola Corazon ng tingin si Angela na nakaupo lang sa upuan sa loob ng silid na iyon.

 

“Iniisip ko, baka may kinalaman si Roden sa nangyari. Siya lang ang pwedeng magtangka ng masama sa asawa ko. Kailangan na talaga naming makaalis, pero bago kami lumayo, sisiguraduhin ko munang nasa likod na ng rehas ang hayup na Roden na ‘yon!”

 

“Sayang at nanlalabo pa ang paningin ko nung gabing iyon, hindi ko matandaan ang mukha ng mga ulupong na ‘yon para makatulong sana sa imbestigasyon.”

 

“Hayaan nyo na lola. Pag-alis namin ni Angela, sasabihin ko kay Mang Delfin na ihatid ka na muna ulit  sa bahay mo. Doon ka na muna dahil mas safe ka ro’n. “

 

“Papaano si Cecilia?”

 

“Pauuwiin ko na muna siya sa kanila. Ibibilin ko na lang kay Marcelo na baka pwedeng mahanapan siya ng ibang trabaho.”

 

“Pwede ko naman siyang kunin na kasama ko sa bahay.”

 

“Huwag na muna lola. Pinaiimbestigahan ko rin siya.”

 

“Ano? Pero bakit?”

 

“Ang mga cctv ay hindi gumana lahat kaya’t malayang nakapasok sa bahay natin ang mga ulupong na ‘yon na para bang sadyang may nagpatuloy sa kanila. Alam kong may alam si Cecille sa mga ganoong bagay. Kaya hindi ako makampante. Parang kinukutuban ako na hindi ko mawari. Kaya para mapalagay ang loob ko sa pag-alis namin, ilalayo ko na lang kayo sa mga tao na pinagdududahan ko. pero huwag kang mag-alala lola, may inirerekomenda sa aking nurse si Marcelo. Kaibigan ng asawa niya. Gusto kong siya ang mag-alaga sa’yo habang wala pa kami ni Angela.”

 

“Sige Bernard, ikaw ang bahala. Pero ang totoo hindi ko naman talaga kailangan ang mag-aalaga, napakalakas ko pa.”

 

“Mas mabuti na rin po iyon na may kasama rin kayo.”

 

Nang makauwi na si Lola Corazon ay inasikaso na agad ni Bernard ang naudlot nilang pag-alis ni Angela. Sa kanilang silid. Nilapitan ni Bernard ang asawa at ginagap ang kamay nito.

 

“Sweetheart, don’t worry, inayos ko na ulit ang flight natin. Wala ng makakahadlang pa sa mga plano ko para sa’yo. Para sa ating pamilya. Huwag kang mag-alala sweetheart, hindi pa rin natin susukuan si Bela. Hindi kailanman.”

 

Tumango tango si Angela at saka yumakap sa asawa.

 

Gabi. Habang nagkakape si Bernard sa hardin ay lumapit si Cecilia.

 

“S-Sir Bernard…”

 

“Cecille bakit?”

 

“Totoo po bang aalis pa rin kayo ni Ma’am Angela?”

 

“Oo, bakit?”

 

“At ako…babalik na ako sa amin…”

 

“Oo Cecille. Huwag kang mag-alala, tutulungan ka ni Marcelo na makahanap ng bago mong trabaho. Iiwanan na rin kita ng pera na magagamit nyo ng lola mo habang wala ka pang mapapasukan.”

 

Nabigla si Bernard at muntik nang maibuga ang hinigop na kape nang biglang lumuhod sa harapan niya ang dalaga.

 

“Sir Bernard, huwag kang umalis, pakiusap, huwag kang umalis!”

 

“Anong sinasabi mo?”

 

Hinawakan ni Cecilia ang kamay ng lalaki. Kasabay ng pagpatak ng mga luha niya ang pagsisiwalat ng kanyang damdamin.

 

“Mahal kita Sir Bernard. Mahal po kita. Huwag mo po akong iwan!”

 

Sa bukana ng hardin ay bumungad si Angela.

 

(ITUTULOY)

Siguraduhin na ang ‘sabong’ operations ay susunod sa health protocols- DILG

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na tiyakin na ang pagpapatuloy ng cockpit operations at ang pagbabalik ng tradisyonal na “sabong” sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o o mas mababa pa ay hindi magiging super spreader events ng Covid-19 at mas nakahahawang Omicron variant.

 

 

“Governors, mayors, and village chiefs must exercise sound judgment, undertake necessary actions, and ensure compliance with health and safety protocols in the management of cockpits and cockfighting activities,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

 

 

“Kahit nasa Level 2 or 1 na kayo, mahigpit pa rin nating paalala na maging maingat, disiplinado, at alisto sa inyong pagbabalik-operasyon ng sabong. Hindi pa napapanahon upang tayo ay makampante, lalo’t mataas pa ang kaso ng Omicron,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

 

 

Nakasaad sa DILG Memorandum Circular 2022-003, pinapayagan nito ang operasyon ng sabong at ang tradisyonal na tupada sa ilalim ng Alert Level 2 o mas mababa pa, dapat ay walang pagtutol mula sa LGU at ang coronavirus disease 2019 health protocols ay mahigpit na obserbahan.

 

 

“The maximum venue capacity for indoor gatherings is 50 percent – all fully vaccinated – as ordered by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases,” ayon sa DILG.

 

 

Ang mga manggagawa at empleyado ay dapat na fully vaccinated.

 

 

Tanging ang technology-based platforms at cashless betting ang pinapayagan upang maiwasan ang pisikal na pagpapalitan ng pera sa kahit na anumang sabog.

 

 

Ang minimum public health standards ay kinabibilangan ng tamang pagsusuot ng face masks, mahigpit na pagpapatupd ng “no mask, no entry” policy, physical distancing ng isang metro at availability ng alcohol/hand sanitizer/disinfecting materials para sa hand hygiene ng mga tumatangkilik or suki, empleyado at mga bisita.

 

 

“We are not yet out of the woods and we do not encourage mass gatherings, which could be super spreader events. Make sure you exercise extra caution before entering a cockpit or participating in cockfighting activities,” ayon kay Año.

 

 

Ang mga local police officers naman ay kailangan na tumulong sa pagmo-monitor at inspeksyon ng cockpit arenas.

 

 

Nagbabala naman ang Kalihim na ang kabiguan na sumunod sa alituntunin o guidelines ay awtomatikong magreresulta ng pagsasara ng sabungan habang ang mga kinauukulang opisyal at empleyado ay mahaharap at aaksyunan sa ilalim ng batas. (Daris Jose)

Women’s football team ng bansa pasok na sa World Cup

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ng kasaysayan ang Philippine women’s football team matapos na makakuha ng spot sa FIFA Women’s World Cup 2023.

 

 

Tinalo kasi nila ang Chinese Taipei sa 4-3 sa penalty shootout sa AFC Women’s Asian Cup quarter-final na ginanap sa Pune, India.

 

 

Itinuturing na bayani sa laro si Olivia McDaniel matapos na maharang ang dalawang spot kicks mula sa Chinese Taipei.

 

 

Hawak ng Chinese Taipei ang kalamangan 3-2.

 

 

Labis naman ang kasiyahan ng kanilang head coach na si Alen Stajcic kung saan sinabi nito na magiging isang inspirasyon ang panalo ng Philippine team.

 

 

Hindi niya ngayon iniisip ang pagharap nila sa South Korea sa semifinals dahil isinaisip nila ang pagpasok sa World Cup.

 

 

Susunod na makakaharap ng PIlipinas sa semifinals ang South Korea.

 

 

Magiging host ang New Zealand at Australia sa FIFA Women’s World Cup 2023.

CARLO, tahimik lang at wala pang reaction sa hiwalayan issue

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PALAGING nahihigitan ng Asia’s Multimedia Star ang expectation sa kanya.

 

 

Nagawa na naman ito ni Alden dahil sa kanyang Alden ForwARd online documentary concert noong January 30.

 

 

Halos karamihan ng mababasang comment ay sinasabing, “It is your best concert to date, ginalingan masyado.”

 

 

True to his words, ‘yung Richard Faulkerson Jr. nga ang mas na-highlight, mas ipinakilala niya sa kanyang concert at hindi si Alden Richards. Binalikan din niya ang dati niyang alma mater, ang memories niya sa kanyang minamahal na namayapang ina at ang mga ginagawa niya bilang si RJ, not Alden.

 

 

Part of the concert, hiningan si Richard ng message niya kay Alden. Kaya sabi nito, “Si Alden, wow, ngayon lang yata kita kakausapin.  Gusto ko sanang magpasalamat sa ‘yo for not giving-up. Although there are a lot of times that you wanted to and I am eternally grateful or the hard work and unconditional love that you’ve given me. 

 

 

“Kasi, ginawa mo lahat, alam mo ‘yan. Dinaanan mo lahat ng pinakamahirap na pwedeng daanan just to support me. So thank you sa ‘yo and I will never leave your side as much as you did to me. And I love you.”

 

 

Ang Alden ForwARd’s proceeds ay para sa mga beneficiary/scholars ng AR Foundation. At sa success nga na ito at mga positive reviews ng concert, ‘di-malayong dalhin din ito ni Alden bilang producer ng concert sa iba’t-ibang bansa.

 

 

***

 

 

“HELL hath no fury like a woman scorned,” ang naiisip naming linya sa nangyayari ngayon sa bagong mag-asawa pa rin na maituturing na sina Carlo Aquino at Trina Candaza.

 

 

Kung gaano katahimik lang noon ni Trina na mag-jowa pa lang sila ni Carlo hanggang sa maikasal sila, ngayon e, sa pamamagitan ng kanyang social media, parang ang ingay nito.

 

 

Wala naman siyang direktang sinasabi tungkol sa isyung diumano’y hiwalay na sila ni Carlo. Pero naikokonek talaga ng mga netizens na si Carlo at tungkol sa nangyayari sa kanila ang mga status niya.

 

 

Sey nga sa isang comment, parang wala raw yatang makapipigil kay Trina na magsalita o mag-post.

 

 

Yung Facebook post lang niya na, “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae…

 

 

Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago.”  

 

 

      So siyempre, madaling i-assume na babae raw siguro ang dahilan ng balitang paghihiwalay na nila. Nag-upload pa si Trina sa kanyang YouTube account ng video ng new home raw niya, pero kapansin-pansin na sila lang dalawa ng anak nila na si Enola Mithi.

 

 

At pati ang pagpu-post niya ng naka-red outfit na may caption na, “Looking forward with hope,” binibigyan din ito ng kahulugan ng mga netizens na diumano’y palaban talaga.

 

 

So far, aside sa mga naunang tila cryptic posts ni Carlo, tahimik lang ito at wala pang reaction sa hiwalayan issue.

 

 

Base nga lang sa ilang comments na nababasa namin, mukhang nahusgahan na ang actor gaya nang, “Kahit anong ganda ng babae, may lalake talagang ‘di kuntento.”

 

 

      Pero kung bakit dawit na naman ang pangalan ni Angelica Panganiban na diumano’y binabalikan, sey naman ng ilang netizens, karma raw kay Trina kasi inagaw raw nito si Carlo kay Angelica.

 

 

Na sinagot ni Trina at sinabing never naging sina Carlo at Angelica.

(ROSE GARCIA)

NCR nasa ‘moderate risk’ na – OCTA

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA ‘moderate risk classification’ na muli ang National Capital Region (NCR) maging ang mga karatig-lalawigan na Rizal at Cavite  dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, ayon sa OCTA Research Group.

 

 

Base sa COVID Act Now, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nasa 23.01 kada 100,000 indibiduwal na lamang ang ‘average daily attack rate (ADAR) sa NCR habang nasa 20.30 ito sa Cavite at 15.09 sa Rizal.

 

 

Nananatili naman sa ‘high risk classification’ ang lalawigan ng Batangas, Quezon at Laguna.

 

 

Naitala ang ‘case growth rate’ ng NCR sa -68% habang nasa -65% ito sa Cavite at -66% sa Rizal.

 

 

Nitong nakaraang Sabado, nakapagtala rin ng ‘very low’ na COVID-19 reproduction rate na nasa 0.47 na lamang sa NCR, 0.69 sa Cavite at .54 sa Rizal.  Ang reproduction number ay nangangahulugan na bilang ng tao na maaaring mahawa ng isang taong may COVID-19. (Gene Adsuara)