MARRIED na ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang non-showbiz girlfriend na si AC Banzon.
Naganap noong gabi ng February 3 sa Capas, Tarlac ang civil wedding ng dalawa. Kinasal sila ng mayor ng Capas na si Hon. Reynaldo Catacutan.
Witness sa kanilang pag-iisang dibdib ay ang kanilang 5-year old daughter na si Pre.
Sa mga pinost na photos sa Instagram acount ng Sparkle GMA Artist Center, makikitang mas emotional si Kristoffer kesa sa kanyang misis.
Sa pinost naman ng GMA Network, pinakita ng newly-weds ang suot nilang wedding rings.
Wala namang naganap na proposal drama si Kristoffer kay AC tulad sa nauuso ngayon at mukhang dumiretso na sila sa pagpapakasal.
Dumaan sa maraming pagsubok noong nakaraang taon ang relasyon nina Kristoffer at AC. Kabilang na rito paghihiwalay nila at makarelasyon ni Kristoffer ang
StarStruck 6 alumna na si Liezel Lopez. Nag-break din sila noong July 2021.
December 2021 nang muling makitang kasama ni Kristoffer si AC at ang kanilang anak na si Pre. Namasyal sila sa Manila Ocean Park.
Patunay lang na kahit dumaan sa maraming pagsubok ang kanilang relasyon, sa bandang huli ay sila pa rin ang “meant to be”.
Kung magkakaroon ng church wedding, hintayin na lang natin kung kelan ito.
***
PUMANAW sa edad na 91 ang veteran actress na si Rustica Carpio noong nakaraang February 2 sa kanyang bahay sa Cavite.
“We wish you farewell in your journey to eternity. You’d never be forgotten. Rest in peace, Tita Rustica Carpio,” post pa ng pamangkin ni Carpio na si Nessea sa Facebook.
Hindi lang film and TV actress si Carpio. Isa rin siyang author, playwright, scholar, literary critic, and book editor. Nagsilbi rin siya bilang dean ng College of Languages and Mass Communication sa Polytechnic University of the Philippines at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Nakuha ni Carpio ang kanyang master’s degree at the Manuel L. Quezon University, and completed her doctorate degree in literature at the New York University.
Naging board member din si Carpio ng MTRCB from 1996 to 1998 and a member of the Optical Media Board from 1998 to 2000.
Nakatrabaho ni Carpio sa pelikula, TV at entablado ang mga National Artists na sina Lamberto Avellana, Daisy Hontiveros-Avellana, Severino Montano, Rolando Tinio, Ishmael Bernal at Fernando Poe Jr.
Bilang aktres, nagwagi ng ilang parangal si Carpio, kabilang na rito ang Gawad Urian best actress para sa pelikulang Lola na dinirek ni Brillante Mendoza noong 2009. Nanalo rin ng ilang international awards si Carpio mula sa Fajr International Film Festival in Iran, and the Las Palmas International Film Festival in Spain.
Ang iba pang pelikulang ginawa ni Carpio ay Nunal sa Tubig, Hubad na Bayani, Pinagbuklod ng Pag-ibig, Aliw, Nang Bumuka Ang Sampaguita, Bona, T-Bird at Ako, Moral, Sisa, Rizal sa Dapitan, Damong Ligaw, Totoy Mola, Tarima, #WalangForever at Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap. Lumabas din siya sa mga teleserye na Aryana, 100 Days To Heaven at Amaya.
***
OPISYAL nang nag-retire sa paglaro ng football ang tinaguriang “greatest quarterback of all time” na si Tom Brady.
After 22 years na paglaro ni Brady sa NFL (National Football League), magre-retire na ito para mag-focus siya sa kanyang pamilya at iba pang bagay.
“There is a physical, mental, and emotional challenge EVERY single day that has allowed me to maximize my highest potential. And I have tried my very best these past 22 years. There are no shortcuts to success on the field or in life. This is difficult for me to write, but here it goes: I am not going to make that competitive commitment anymore. I have loved my NFL career, and now it is time to focus my time and energy on other things that require my attention,” post na official statement ni Brady on Instagram.
Malaki ang pasasalamat ng 44-year old quarterback sa kanyang misis, ang supermodel na si Gisele Bundchen at ang tatlo nilang anak (Jack, Benny, Vivi) dahil nagsilbi raw silang inspirasyon niya tuwing football season.
“Our family is my greatest achievement. I always came off the field and home to the most loving and supportive wife who has done EVERYTHING for our family to allow me to focus on my career. Her selflessness allowed me to reach new heights professionally, and I am beyond words what you mean to me and our family. Te amo amor da minha vida.”
Naglaro for 20 years si Brady for the New England Patriots tapos ay lumipat siya sa Tampa Bay Buccaneers in 2020.
(RUEL J. MENDOZA)