• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 10th, 2022

GARY, first time voter pa lang sa May 2022 national election dahil dating American citizen

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FIRST time voter si Mr. Pure Energy Gary Valenciano this coming May 9 elections.

 

 

May mga nabasa kaming comment asking kung bakit ngayon lang boboto si Gary.

 

 

So we asked his wife Angeli P. Valenciano why is he voting only now?

 

 

Ito ang sagot niya, “It was because he carried a USA passport before and became a dual citizen now.

 

 

“His mom is Puerto Rican and even if he was considered Filipino citizen by nature of his birth here, he was not allowed to vote.”

 

 

Maraming mga artista sa ABS-CBN na first time voters din. Ang comment tuloy ng ibang tao, kung hindi pa raw nawalan ng prangkisa ang network, hindi pa raw maiisipan ng mga artista ito na magparehistro at bumoto.

 

 

Basta ang importante ay rehistrado tayo at pwedeng bumoto. Importante ang election sa May 9 para sa kinabukasan ng ating bayan.

 

 

Huwag kaligtaang bumoto sa May 9. Bumoto ng tama.

 

 

***

 

 

OPEN na si Ms. Nora Aunor na ang kanyang manok sa election sa Mayo ay sina former Senator Bongbong Marcos at dating Davao Mayor Sara Duterte.

 

 

Siyempre mga fans si Ate Guy na nagulat sa kanyang naging desisyon at hindi sila sang-ayon dito.

 

 

Mayroon naman nagsabi na suportado nila ang gusto ng kanilang idolo at ito rin ang kanilang iboboto.

 

 

May mga fans naman na nagsabi na bagamat ‘di nila feel ang choice ni Ate Guy ay nirerespeto nila ito at Noranian pa rin sila.

 

 

May mga iba naman na kumukutya sa naging choice ni Ate Guy sa kandidatong susuportahan niya sa election.

 

 

Ayaw na raw nila kay Ate Guy dahil misplaced daw ang values ng aktres. And so on and so forth.

 

 

So ano ba dapat ang maging reaction natin sa mga ganitong kaganapan? Respeto sa napili ng ating kapwa.

 

 

Hindi naman tayo dapat mag-away magkasalungat man ang ating paniniwala pagdating sa politika. We are in a democracy and we are free to choose kung sino ang nais natin suportahan.

 

 

Walang pilitan. Lahat tayo may karapatan pumili. Maaring ang choice ng isang kaibigan ay hindi natin gusto pero di naman ito dapat maging dahilan para sirain ang friendship or burn bridges in the process.

 

 

At the end of the day, pag tapos na election, friends pa rin tayo. Pero ang mga kandidatong naluklok sa pwesto, kaibigan ba natin?

 

 

Baka ni hindi alam ng mga ito ang pangalan natin? Pero we always remember our friends and the times we shared.

(RICKY CALDERON)

Pagbalik ng ekonomiya sa pre-pandemic levels, ‘di pa rin sapat sa recovery ng bansa – NEDA

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAS MARAMI pa ang kailangan at dapat gawin upang sa gayon magtuloy-tuloy ang economic growth ng Pilipinas kahit pa makabalik na ang bansa sa prepandemic form nito ngayong quarter, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

 

 

Sinabi ni Socioecoomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon ay nakikita nilang makakabalik sa prepandemic level angekonomiya ng bansa.

 

 

Pero nangangahulugan lamang ito na dalawang taon ding behind ang growth potential ng bansa kaya napakarami pa ang kailangan gawin upang sa gayon matiyak na magtutuloy-tuloy ang paglago na ito.

 

 

Sinabi ni Chua na para magawa ito kailangan na matiyak na masusunod ang 10-point policy ng national government para sa economic recovery.

 

 

Dapat din aniya na maisama ang apat na key areas sa susunod na Philippine Development Plan: ang smart infrastructure; regional equity; pagsusulong nang innovation act; at climate change.

Ex-Pope Benedict XVI nag-sorry sa mga biktima ng mga child abuse laban sa mga pari

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI  ng kapatawaran si dating Poepe Benedict XVI dahil sa hindi agad nitong pagtugon sa mga child sex abuse noong ito ay namumuno pa bilang arsobispo ng Munich.

 

 

Sa sulat ng 94-anyos na dating Santo Papa ay labis ito ng nalulungkot sa sinapit ng mga biktima.

 

 

Dahil sa sobrang pagkadismaya aniya ay humihingi ng kapatawaran sa mga nabiktima ng child sex abuse.

 

 

Itinanggi nito na kaniyang pinagtakpan ang mga kaso dahil sa sangkot ang mga pari at opisyal ng simbahan.

 

 

Kasagutan ito ng Santo Papa sa ginawang imbestigasyon ng Germany ukol sa paghawak nito ng mga kaso ng pang-aabuso na ang sangkot ay mga opisyal ng simbahan noong 1980.

PDU30 wala pang susuportahang kandidato sa pagka-presidente

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO  ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang ieendorsong kandidato sa pagka-presidente sa ngayon.

 

 

Ayon kay Duterte, halos lahat ng tumatakbong presidente ay naghahangad ng kanyang endorsement.

 

 

Bagaman at lahat naman ng tumatakbo ay kuwalipikado, may mga kandidato aniya na iba ang ideolohiya.

 

 

Hindi naman pinangalanan ni Duterte kung sino ang kanyang tinutukoy.

 

 

“May iba kasi diyan na may ideology ang nakasabit eh…They are all qualified kung sino man sila, those running now are qualified to be president. I hope so but… Okay man ang tingin ko sa kanila except for a few misgivings about the danger of falling into the hands of — well, getting into a trap with the communists…” ani Duterte.

 

 

Samantala, wala pa ring ineendorsong kandidato sa pagka-pangulo ang ruling party Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) bagaman at sinuportahan noong nakaraang buwan si Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbong bise presidente.

 

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na patuloy pa ring nag-uusap ang PDP-Laban lalo pa’t sinabi ni Duterte na wala pa siyang susuportahang kandidato maliban na lamang kung may magpapabago ng kanyang desisyon.

Ads February 10, 2022

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TONI, nag-resign na bilang main host ng ‘PBB’ at ipinasa kay BIANCA

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUMABOG na ang galit lalo na ng mga Kapamilya employees at Kapamilya staff, maging ang ilang mga netizens dahil sa lantarang pagsuporta na ni Toni Gonzaga sa kandidatura ng kanilang ninong na si Bongbong Marcos, plus of course, kay Mayor Sara Duterte.

 

 

Kitang-kita naman sa mga Instagram stories na pinost at ni-repost ni Toni kung gaano siya ka-proud na maging host ng campaign rally ng BBM-Sara.

 

 

Kung paano ipinakilala ni Toni si Rodante Marcoleta na siyang nag-push ng franchise denial ng ABS-CBN. Tinatawag si Toni na “ingrata,” “fake preacher” “duling” at iba-iba pa.

 

 

Naglalabasan na rin ang mga personal experiences ng iba kay Toni na ‘di-kagandahan. At halos karamihan, nagre-request na i-cancel na ito ng ABS-CBN, particular na bilang main host ng Pinoy Big Brother (PBB).

 

 

At mukhang wish granted, si Toni na raw ang nag-resign bilang main host ng PBB at ipinapasa na raw nito kay Bianca Gonzales. 

 

 

Anyway, base sa mga nire-repost ni Toni, kini-claim niya na she’s the “unbothered queen.” ‘Yun nga lang, hindi rin maitatanggi na kahit siyempre, suportado siya ng mga katulad niyang BBM-Sara, “mukhang pera” ang tingin sa kanya ng ibang netizens.

 

 

***

 

 

ANG panganay na anak ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes ay isa na rin sa mga batang anak ng celebrities na nagpa-vaccine anti-COVID.

 

 

Kasama na nga si Zia sa listahan ng mga celebrity kids na nang mag-open na ng vaccination sa edad 5-11 ay mga unang ipinila na rin ng mga magulang.

 

 

Si Dingdong ang kasama ni Zia nang magpa-booster ito. Natutuwa rin ang mga netizens dahil given naman daw ang pagka-hands on mommy ni Marian sa dalawang anak na sina Zia at Sixto.

 

 

Pero ‘yung makita kung paano may time talaga si Dingdong sa mga anak bukod nga sa pagsama rito sa pagbabakuna, ‘yung mga lumalabas din sa social media na playtime niya sa dalawa.

 

 

Anyway, siguradong malaking influence rin lalo na sa mga magulang na takot pang bakunahan ang mga anak nilang bata na makitang ang mga artista nga ay hindi natakot na gawin na ito sa mga anak nila.

(ROSE GARCIA)

TikTok user na nagbantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos, sumuko sa NBI

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Justice (DoJ) na sumuko kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng TikTok account kung saan inupload ang video na nagbabantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos.

 

 

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, boluntaryo umanong sumuko kahapon ang subject sa NBI.

 

 

Sa ngayon, hindi pa idinetalye ng NBI ang pagkakakilanlan ng subject para sa kanyang seguridad.

 

 

Inabisuhan na rin daw itong maghanap ng counsel na aalalay sa kanya habang patuloy na iniimbestigahan ang naturang isyu.

 

 

Una rito, sinabi ng tagapagsalita ni Marcos na nakausap na niya si NBI Deputy Director Vicente De Guzman III at kanyang napag-alaman mula rito na ngayon ay aasikasuhin at kikilalanin din ang sumukong indibidwal at aalamin din kung gaano kalalim ang pananakot na ginawa nito.

 

 

Nauna nang kinumpirma ni Guevara na nakatanggap nga ng online tip ang Office of Cybercrime ang Department of Justice hinggil sa umano’y planong pagpatay sa senador.

 

 

Sinabi ng kampo ni Marcos na mismong ang Office of Cybercrime ang siyang nagtutulak na maipagpatuloy ang imbestigasyon sa Tiktok video na nagsasabi na may nagpupulong daw araw-araw para pagplanuhin ang pagpaslang kay Marcos Jr.

 

 

Ang usapin ay iniimbestigahan na rin ng Philippine National Police (PNP).

MEKANIKO HULI SA BARIL AT SHABU SA VALENZUELA

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO isang mekaniko matapos makuhanan ng baril at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Comelec checkpoint nang parahin dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City, Martes ng umaga.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong suspek na si Eduard Santos alyas “Tata”, 41 ng 59 F Pio Valenzuela St., Brgy., Marulas.

 

 

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Glenn De Chavez, dakong alas-11:50 ng umaga, nagsasagawa ng COMELEC checkpoint sa kahabaan ng R. Valenzuela St., harap ng Valenzuela National High School, Brgy., Marulas ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 sa pamumuno ni SS3 commander P/Major Tessie Lleva nang parahin nila ang suspek dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

 

 

Sa halip na makinig, pinaharurot ng suspek ang kanyang minamanehong motorsiklo na naging dahilan upang habulin siya nina PCpl Reymon Evangelista at PCpl Peter Harold Datiles hanggang sa makorner kaya inaresto siya dahil sa paglabag sa Art 151 of RPC.

 

 

Sa isinagawang verification, nadiskubre ng pulisya na wala ring driver’s license ang suspek maging ang certificate of registration at official receipt ng minamaneho nitong motorsiklo.

 

 

Narekober din sa suspek ang isang itim na sling bag na naglalaman ng dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa P3,400 ang halaga, isang cal. 38 revolver na kardago ng apat na bala at cellphone.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, Art 151 of RPC (Resistance and Disobedience) RA 10054 (Motorcycle Helmet Law of 2009), Sec. 15 & 19 of RA 4136 (Failure to Carry OR/CR and Driver’s License) at RA 10591 in relation to COMELEC resolution No. 10728. (Richard Mesa)

Maynila lugmok sa utang!

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALAKING problema sa susunod na administrasyon ng Maynila ang lugmok nitong kabuhayan at ang malaking utang sa mga lokal na bangko sa bansa.

 

 

“Nakalulungkot kasi po, napakaraming pera … pero umutang pa ang city hall ng mahigit sa P15-bilyon na ginastos sa mga maling priority. Sino ang hindi madidismaya sa economic condition ng Maynila,” sabi ni Atty. Alex Lopez.

 

 

Lalo pang nalungkot ang negosyante at ekonomistang panganay na anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez ang katotohanang naunahan na ang Maynila ng mga katabing siyudad tulad ng Quezon City, Makati at Pasig sa Metro Manila.

 

 

“Sa maraming bagay, napag- iwanan na ang Maynila,” sabi ni Atty. Lopez na pamangkin ni dating Manila 2nd District Rep. Jim Lopez.

 

 

Dagdag ni Lopez, malaking pondo ang iniwan ng kanyang ama nang iwan ang city hall, “ sa tantiya ko, aabot ng mahigit na cash na P1.2 bilyon noong 1992.”

 

 

Kung sa palitang dolyar sa piso ngayon, katumbas ng P20-bilyon ang P1.2–bilyon ang iniwang pondo ni Mayor Lopez sa Maynila.

 

 

Kung siya ang pagtitiwalaang maging alkalde, sinabi ni Atty. Lopez sisikapin niyang maibalik ang tawag sa Maynila na “ Pearl of the Orient.”

 

 

Ikatlo na lamang ang Maynila sa may malaking income sa mga siyudad sa Metro Manila.

 

 

Kung hindi mababago ang liderato sa city hall, nangangamba si Atty. Lopez na iiwanan na ito ng Quezon City, Makati, Pasig at iba pang siyudad sa bansa.

 

 

“Ikinatatakot ko, magiging kulelat pa tayo kung hindi maaagapan,” pangamba ni Lopez.

 

 

Tiwala ng mga negosyante ang kailangang maibalik sa Maynila at mapataas ang koleksiyon ng buwis at iba pang bayarin.

 

 

“Ibabalik natin ang tiwala ng mga negosyante sa City of Manila. ‘Yong tax at permits, ibaba na ‘yan. Padaliin na ‘yong city permits para hindi na pinahihirapan nila ang mga negosyante,” ani Lopez.

 

 

Kukuha siya ng magaling na taong hahawak sa salapi ng lungsod. Gagawin niya sa tulong ng City Council na maibababa ang tax at city permits para mapabilis ang proseso nito at mahikayat ang mga negosyanteng mamuhunan sa Maynila.

 

 

“Pati ang big foreign investors ay hihikayatin natin na mag-invest at bibigyan natin sila ng kaluwagan at mabilis na business permits, walang red tape nang sumigla ang economy, makalikha ng maraming industry, establishments, trabaho at mapagkakakitaan,” sabi ng kandidatong mayor ng PFP.

 

 

Tungkol sa mahigit na P15- bilyong inutang ng kasalukuyang administrasyon, sinabi ni Lopez na sana ay naiukol sa mga tamang proyekto ang salapi.

 

 

“Sa hindi tamang priority ginastos ang mga inutang, sayang ang laki ng pera (ng Maynila), kung saan-saan lang napunta at kailangan na maipaliwanag nila ito sa taumbayan,” sabi ni Atty. Lopez. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

LOUISE, nagtiwala sa direktor kaya napapayag sa love scene nila ni DIEGO

Posted on: February 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPA-BOOSTER shot na rin si Bea Alonzo at pinost niya ang photo sa kanyang IG account at mayroon din siyang ni-reveal.

 

 

Caption ni Kapuso actress, “Got boosted last night!

 

“The start of this year was challenging. I caught covid early January (just like most people because of the covid surge), And at that time, I was also struggling with the worst muscle spasm, all while getting ready for my dream shoot. A brand endorsement I never thought would happen. (ticked off that box ✅)”

 

Say pa ni Bea sa kanyang naranasan, “It was a challenging moment, I got most of the symptoms, and I was having a hard time breathing, but I survived!

 

“Posting this to encourage you to get the booster if you haven’t already. Let’s help end this pandemic.”

 

 

Marami naman ang nagulat sa kanyang rebelasyon na nagka-COVID din at naka-survive din siya, kaya agad nakabalik sa kanyang mga trabaho.

 

 

Comment naman ng netizens:

 

“Kahit kompleto ka pa sa vaccine at booster kung di ka naman nag iingat. waley pa rin.”

 

“Don’t be so judgmental, people have to go to work. And not just talking about Bea.”

 

“At kht fully vaccinated at nag iingat ka, kung tatamaan ka, tatamaan kpa din..”

 

“Hindi naman porke tinamaan ng covid ay hindi na nag-iingat. 2022 na di niyo pa rin gets kung para saan ang vaccine. nung binakunahan ba kayo sa measles at chickenpox hindi na kayo nagkaroon?”

 

“Di nyo pa ba ma-gets? Kung naka-booster ka at tinamaan ka ng covid ay pwedeng hindi severe.”

 

“Higher chances na di mategibelles ang tao kung may vaccines.
“Lower chances na magmutate ang virus sa highly vaxxed population.
“Fewer lockdowns. Less people in hospitals and ICUs.
“Di ba better yan kesa sa wala?”

 

“Bakuna is to protect us sa severe infection. Better to have one than none.”

 

“Got covid with only 1 symptom. A very mild cough. Un lang kahit unvaccinated ako. It means depende pa rin sa immune system ng katawan, hindi sa vaccine.”

 

“Yes depende pa rin sa immune system ng katawan mo, pero isipin mo rin ang ibang tao na pwede mo mahawaan kung naging carrier ka at hindi kasing lakas ng immune system mo. Malasakit sa kapwa tawag dun.”

 

“Wag ka, maraming nategi na health buffs dahil sa mentalidad na yan. Look them up!”

 

“OMG! Parang hindi namin namalayang na-COVID ka pala, girl…KAKATAKOT!”

 

Kaya tama si Bea sa pag-i-encourage na magpabakuna at magpa-booster shot, para makatulong tayo sa pagtatapos ng pandemya.

 

 

***

 

 

NABIGYAN uli ng pagkakataon ang versatile actress na si Louise delos Reyes na maging bida sa latest Vivamax Original movie na The Wife, na mula sa premyadong direktor na si Denise O’Hara.

 

 

Kasama niya sa adult drama film si Diego Loyzaga bilang Cris at ang breakthrough star na si Cara Gonzales na gaganap na ex-girlfriend na si Lee at makakahati niya sa pagmamahal ng asawa.

 

 

Aminado si Louise na nagustuhan niya ang karakter niya bilang Mara sa The Wife kaya niya ito tinanggap ang gumawa ng daring love scene kasama si Diego.

 

 

Paliwanag ng aktres, “laking leap sa akin or step na napapayag ako na gawin ang eksena.

 

 

“Naniniwala kasi ako na nasa story pa rin ‘yan, sa director at D.O.P.. Yun nag-iilaw sa ‘yo, kung paano magiging tasteful ang isang eksena, tulad ng mga intimate scenes.

 

 

“Pinagkakatiwala ko na lang talaga sa mga tao sa likod ng kamera, kung paano nila ako aalagaan.

 

 

“Siyempre, I’m very thankful kay Direk Denise, kasi inalagaan talaga niya ako sa eksena namin ni Diego.”

 

 

Sabi pa niya kahit naitawid naman niya ang eksena dahil babae nga ang direktor nila, “But I don’t think, in the future mas marami pa akong gagawin na ganun.”

 

 

Sa virtual mediacon, natanong din si Louise na sa matagal-tagal na rin sa showbiz, kung ano pa ang pinapangarap na magkaroon at role na magampanan.

 

 

Sagot niya, “ang sarap isipin kung magkaroon ka ng Best Actress trophy, o supporting actress, kahit ano pang acting award ‘yan. Parang ‘yun na lang siguro ang dream ko na magkaroon.

 

 

“Saka siguro yun role na hindi ko na nagagawa, like ‘yun may pagka-psycho. Na hindi ko rin alam kung kaya kong ma-justify ang ganung kabigat na role.”

 

 

Anyway, sa The Wife, masisira ang pagsasama ng mag-asawa nang mangaliwa si Cris dahil may nangyari sa dating kasintahan.

 

 

At habang inaayos ang kanilang relasyon, matutuklasan na may cancer ang kanyang asawa, makakasama nilang nanirahan sa isang bahay ang ex-girlfriend ng asawa.

 

 

Hanggang saan dapat ipaglaban ang pagsasama ng mag-asawa sa kabila ng pagtataksil?  Paano rin tatanggapin ng asawa ang huling kahilingan ng may kaugnayan sa naging kalaguyo ng kanyang mister?

 

 

Saksihan ang kasagutan sa The Wife na exclusive na mapapanood sa Vivamax ngayong February 11 sa available sa iba’t-ibang panig ng mundo.

(ROHN ROMULO)