• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 16th, 2022

Ibang pasahero ng PUJs kusang nagbabayad ng P10

Posted on: March 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY MGA  pasahero ng public utility jeepneys (PUJs) ang bulantaryong nagbabayad ng P10 bilang pamasahe upang bigyan ng suporta ang mga drivers at operators na nakararanas ng paghihirap dahil sa tumataas na presyo ng krudo.

 

 

Ayon sa Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) may ibang mga pasahero na kung P10 ang kanilang binayad ay hindi na kinukuha ang kanilang sukli kahit na hindi pa aprobado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang petisyon sa pagtataas ng minimum na pamasahe.

 

 

“Accordingly, some passengers, in consideration of the rising prices of petroleum products, they don’t ask for the P1 change and drivers are not forcibly asking for P10 from passengers. Passengers are the ones being considerate,” wika ni FEJODAP president Ricardo Rebano.

 

 

Subalit mayron din naman na mga drivers na humihingi na ng P10 na pamasahe kahit na hindi pa aprobado ng LTFRB ang kanilang petisyon.

 

 

Samantala, nagbabala naman si LTFRB executive director Tina Cassion sa mga jeepney drivers at operators na huwag magcharge ng mataas na pamasahe hanggang hindi pa naaaprobahan ang kanilang petisyon.

 

 

“If this is committed, they can be fined for overcharging commuters. Overcharging is considered a breach of franchise. Violators will be fined P5,000 for the first offense, P10,000 for the second offense and P15,000 for the third offense as well as suspension or revocation of franchise,” wika ni Cassion.

 

 

Para sa mag pasahero na nakaranas ng overcharging maaari silang maghain ng complaint sa LTFRB sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline ng LTFRB 1342.

 

 

Mananatiling P9 pa rin ang minimum na pamasahe hanggang hindi pa binibigyan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility jeepneys (PUJs) na P10 bilang provisional na pamasahe.

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na humingi ang mga transport groups na itaas ang pamasahe mula sa P9 upang maging P10 kung saan ang petisyon ay “submitted for resolution by the board.”

 

 

Ang Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), 1-UTAK, Pasang Masda and Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang mga naghain ng petisyon para sa pagtataas ng pamasahe sa mga PUJ sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon dahil sa tumataas na presyo ng krudo.

 

 

“The said transport groups asked for a provisional increase of P1 while the agency is hearing their main petitions seeking a P5 increase in the minimum fare of jeepneys,” dagdag ni Cassion.

 

 

Kung maaaprobahan ang nasabing petisyon, ang pamasahe sa jeepney ay magiging P15 mula sa dating P9 o 66 percent na pagtaas. . LASACMAR

P470 taas sahod sa NCR, iminumungkahi

Posted on: March 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMIRIT na ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng P470 taas-sahod o P1,007 daily minimum wage sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ito’y kasunod ng inihaing petisyon ng hanay ng mga manggagawa sa Regional Tripartite Wa­ges and Productivity Board (RTWPB)-NCR Office bunsod ng lingguhang taas sa presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin sa bansa.

 

 

“Clearly, our minimum wage earners and their families have fallen from the category of low-income to newly poor,” pahayag ni TUCP Partylist at President Raymond Mendoza.

 

 

Inihayag ni Mendoza na lubha itong nakakalungkot para sa bansa na nais palaguin ang ekonomiya para makaahon sa pandemya pero nagdurusa ang mamamayan sa kahirapan.

 

 

Ang daily minimum wage sa NCR ay nasa P500 hanggang P537, base sa National Wages and Productivity Commission ng DOLE.

 

 

Ipinunto ng TUCP na ang kasalukuyang P12,843.48 take home pay ng mga manggagawa ay masyadong mababa kumpara sa P16,625 ‘po­verty threshold” para sa pamilyang may 5 miyembro sa Metro Manila.

 

 

“In 2019, our wage petition was dismissed. In 2020, COVID-19 took its toll on us. In 2021, we fought to recover and endured. Today, we make an action for and behalf of the poor workers and their families in Metro Manila. We are waging our war against poverty, we are aiming for a wage that will save our lives,” ang sabi pa ni Mendoza. (Daris Jose)

Panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law- Malakanyang

Posted on: March 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa Malakanyang, panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law.

 

 

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at global supplies na tinamaan ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na nakatakdang talakayin ng Department of Energy (DOE) at Department of Finance (DOF) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi ang panawagan na suspendihin ang fuel excise tax kasunod ng fuel price hikes na ipinatupad linggo-linggo.

 

 

“I think tonight, when the President meets with the Cabinet members, a more solid decision and a more compelling answer will be given to the public. I think tungkol sa oil subsidy will already be out after that meeting,” ani Matibag.

 

 

“The President also mentioned that they might call for an emergency session for the Congress. There should be some legislation to address this looming problem,” dagdag na pahayag na ito.

 

 

Sa ulat, epektibo ngayong araw ng Martes, nagpatupad ng panibagong major price hike ang mga kompanya ng langis. ito ang pang-11 “straight week” ng pagtataas sa domestic pump prices kung saan pumalo sa P84.55 kada litro sa ilang piling lugar sa bansa.

 

 

Ang presyo kada litro ng gasolina ay tumaas ng P7.10; diesel ng P13.15, at kerosene ng P10.50, epektibo ngayong araw, Marso 15.

 

 

At nang tanungin kung may magagawa si Pangulong Duterte na ipagpaliban ang taas sa presyo ng produktong petrolyo, sinabi ni Matibag na, “I’m sure it’s in the agenda of the President later today when they will meet with the Cabinet. But the problem is alam naman natin na there’s an oil deregulation law that’s been a problem a long, long time ago. So, it should be addressed.”

 

 

“Siguro what should we do with this problem is to amount with a solution. Not only a short-term solution but a long-term one. Maybe time for Congress to take a look at the oil deregulation law if it still serves the public interest,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, hiniling ng Malakanyang sa Kongreso na pag-aralan ang Oil Deregulation Law sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Ito ang isa sa mga solusyon ng bansa para maging handa sa mga epekto ng sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia, na inaasahang makakaapekto sa presyo ng langis sa world market.

 

 

Bukod pa sa kabilang kasi ang nasabing batas sa medium-term measures na napagkasunduan na i-review sa ginawang special meeting ni Pangulong Duterte sa matataas na opisyal ng gobyerno.

 

 

Matatandaan na tinanggal sa nasabing batas ang kontrol ng gobyerno sa mga kompanya ng langis upang mas magkaroon ng kompetisyon at mapababa ang presyo ng mga produktong petrolyo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads March 16, 2022

Posted on: March 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 55) Ang pagwawakas…

Posted on: March 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT NAKAUSAP na ni Regine si Bernard tungkol kay Roden ay hindi pa rin siya mapalagay. Kaya’t nagpasya siyang pumunta ulit sa ospital upang makabalita at siguraduhin ang ligtas niyang sitwasyon. Sa kuwarto ni Bela sa ospital ay nadatnan niya si Cecilia at sa pagtatama ng kanilang mga mata ay naroon na agad ang pagdududa sa isa’t isa.

 

“Kumusta si Bela?” si Regine ang unang bumasag ng saglit na katahimikang namagitan sa kanila.

 

“Mabuti na siya at wala na ulit pwedeng makapanakit sa kanya.”

 

“That’s good. Pero payo lang sis, ‘wag kang masyadong umakto na parang ikaw ang ina ni Bela.”

 

“Naging ina ako ni Bela sa mahabang panahon at walang makapagbabago no’n.”

 

Nilapitan ni Regine ang hindi pa rin nagigising na dalaga.

 

“So what’s next, you will be Bernard’s wife or other woman?” tanong niyang nakatalikod kay Cecilia.

 

Tumayo si Cecilia mula sa kinauupuang bangko na nasa gilid ng hospital bed.

 

“Hindi. Napakabuti sa akin ng mga Cabrera kaya gagampanan ko lang kung ano ang nararapat.”

 

“Ipokrita.”

 

“Hindi ako tulad mo. Alam kong ex ka ni Bernard at hanggang ngayon ay inaasam mo pa rin siya. Amoy na amoy kita. Iniisip ko nga na baka ikinatutuwa mo pa ang nangyari kay Bela.”

 

Inis na nilingon ni Regine si Cecilia.

 

“Pinagbibintangan mo ba’ko?”

 

“Pinagbabantangan saan. Teka…baka nga may kinalaman ka sa nangyari sa anak ko?”

 

“Shut up! Wala kang alam sa mga nangyari!”

 

Humakbang si Cecilia palapit kay Regine at hinawakan ito sa braso.

 

“Bakit, ikaw, may alam ka ba?”

 

Hindi agad nakasagot si Regine. Natetense siya kapag naiisip ang sabwatan nila ni Roden. Pero ayaw niyang magpatalo kay Cecilia. Kaya mismong sa mga bibig niya lumabas ang mga bagay na hindi dapat malaman ninuman dahil sa kanyang nerbiyos.

Inalis niya ang kamay ni Cecilia sa braso niya at mabilis na idiniin ang magkabilang daliri sa mga pisngi nito.

 

“Manang mana sa’yo ang anak-anakan mo, pakialamera kaya dapat sa’yo matulad din sa kanya. Ayaw niya sa’kin, hadlang siya sa mga plano ko para sa aming dalawa ni Bernard, kaya oo, ako ang nag-utos kay Roden na alisin siya sa landas ko. Ngayon, anong ebidensya mo para sabihin sa kanila ang nalaman mo ngayon? Paniniwalaan ba nila ang isang tulad mo na dating miyembro ng akyat bahay gang?”

 

Tumingala si Cecilia sa cctv na nasa tagong bahagi ng ceiling. Napatingala rin doon si Regine na lumuwag ang pagkakapisil sa pisngi ng babae. Umalon ang kaba sa dibdib niya. Tatalikuran na sana niya si Cecilia at tatakbo nang palabas sa pintuan nang bumungad naman doon si Angela.

Isang ubod lakas na mag-asawang sampal ang tinanggap niya mula rito.

 

“Ikaw? Ikaw ang may gawa nito sa anak ko, hayup ka!” gigil sa galit na pinagtulungan nina Angela at Cecilia na sabunutan at saktan ang babae. Inawat na lamang sila ng dalawang pulis na naroon.

 

Nang magising si Bela mula sa tila isang bangungot na pinagdaanan nila ni Jeff ay wala na si Roden at nakakulong na rin si Regine maging ang tatlong ulupong na dating mga ka-grupo ni Cecilia.

Sama-sama ang Pamilya Cabrera na nagtungo sa puntod ni Janine upang ihingi ng tawad ang nangyari sa kanyang mama na kailangan nitong pagbayaran.

 

Makalipas ang dalawang taon.

 

Nilapitan ni Angela si Bela na nakaupo sa upuang bato sa hardin ni Lola Corazon.

 

“Bela…ready ka na ba?”

 

“Opo mommy…after ng kasal, sa wakas makakabalik na rin tayo sa bahay natin sa Villa Luna sa San Gabriel. Medyo matagal din ang naging renovation pero sulit naman po diba?”

 

“Oo naman anak. Sinigurado lang namin ng daddy mo na magiging komportable at safe na tayo sa bahay natin kahit dumaan pa ang ilang bagyo.”

 

“Thank you po mommy!” sabay yakap ni Bela sa ina.

 

Sa kabila nito ay bakas na bakas pa rin sa mukha ni Bela ang kalungkutan. Subalit wala naman siyang magawa upang maibsan ang nararamdaman ng anak. Nauunawaan niya ang pinanggagalingan ng damdamin nito.

Saglit silang nag-usap at pagkatapos ay gumayak na sila patungo sa simbahan.

 

Sa simbahan ay matiyagang naghihintay si Jared. Suot ang kanyang gray wedding suit. Napangiti ito nang matanaw si Bela na paparating kasama sina Angela at Bernard.

 

Sa bahay ng mga Cabrera huminto ang isang motor. Sakay nito si Jeff na kadarating lang mula sa America. Sarado ang gate. Mabuti’t may napagtanungan pa siyang kasambahay na nagdidilig mula sa kalapit na bahay.

 

“Kakaalis lang po nila patungo sa simbahan, sa St.Anthony.”

 

“Simbahan, ano pong meron?”

 

“Kasal po.”

 

Kinabahan si Jeff nang marinig ang salitang kasal. Nabalitaan din kasi niya kamakailan na ikakasal na raw ang pinsan niyang si Jared, hindi nga lang niya inalam kung kailan at kanino. Bakit nga ba hindi niya inalam?

Pinaharurot niya ang motor patungo sa binanggit na simbahan.

 

Huminto siya sa mismong harapan nito. Ngunit tila nahuli na yata siya ng dating nang makita niyang nakaluhod na sa harap ng altar ang bride at ang groom.

Pero hindi siya makatiis. It’s now or never. Baka sakaling mapagbago pa niya ang isip ni Bela.

Sakay ng kanyang motor ay pinasok niya ang simbahan at saka sumigaw ng ubod lakas.

 

“BELAAA!”

 

Naglingunan ang mga tao sa loob. Inalalayan ni Jared ang kanyang bride sa pagtayo mula sa kanilang pagluhod at saka sabay na humarap kay Jeff.

 

Nabigla si Jeff nang makita ang bride.

 

“Bela…”

 

Mula sa hanay ng mga abay ay marahang humakbang si Bela patungo kay Jeff. Suot ang blue gown na siyang motif ng kasal.

 

“Bakit mo ginulo ang kasal nila?” kunot noong tanong ni Bela na abay at hindi bride.

 

“A-akala ko…ikaw at si Jared…”

 

Nagmamadaling lumabas si Bela ng simbahan kasunod si Jeff upang hindi na sila makaabala.

 

“Yan, yan ang ibubungad mo sa akin matapos mo akong pagtaguan ng dalawang taon?”

 

“Bela, magpapaliwanag ako.” ani Jeff habang pababa sa kanyang motor.

 

“Sige, pero bago ‘yan tanggapin mo muna ‘to!” isang sampal ang iginawad ni Bela sa pisngi ng binata.

 

“Para saan ‘yon?”

 

“Para sa dalawang taon ng kalungkutan na ipinaramdam mo sa’kin, dapat nga dalawang sampal din ‘yan eh kaya lang masakit sa kamay!”

 

“Ok fine, sorry na. Nagkadiprensya ang mga paa ko dahil sa mga balang tumama rin sa binti ko. Na-depress ako ng sobra dahil akala ko hindi na ako makakalakad ulit. Kaya mas pinili ko na manatili na lang doon sa ibang bansa at kalimutan ka…pero nang magkaroon ng pag-asa ang mga binti ko, nabuhay din ang pag-asa ko na makita at makasama ka ulit…kaya heto bumalik na ako!”

 

“Sa tingin mo gano’n lang kadali ‘yon? Hindi mo man lang inisip kung gaano kasakit sa akin ang nangyari sa’tin tapos iniwan mo ‘ko sa ere. Napakababa ba ng tingin mo sa’kin para hindi ko maunawaan ang kalagayan mo? Sa tingin mo iiwan kita dahil hindi ka na makalakad?”

 

“Hindi gano’n ‘yon, lumayo ako para ibigay ang kalayaan mo dahil ayokong matali ka sa isang baldado na gaya ko…mahal na mahal kita Bela, alam mo ‘yan.”

 

“Paano kung ako nga ang naging bride ni Jared?”

 

“Agawin kita sa kanya.”

 

“Nababaliw ka na, ang gawin mo ngayon umalis ka na at bumalik ka sa America, natiis mo nga ako ng dalawang taon eh kaya makakapagtiis ka pa ng mas maraming taon!” tatalikod na sana si Bela nang hawakan siya ni Jeff sa braso at kabiging palapit sa kanya.

 

“Sige gagawin ko ‘yan, pero kailangan mo munang sabihin sa akin na hindi mo na ako mahal.”

 

Nabigla si Bela kaya’t hindi agad siya nakasagot. Sinamantala naman ni Jeff ang pagkakataon na iyon upang siilin ng halik ang dalaga.

 

“Ehem!” si Bernard na sinundan si Bela sa labas ng simbahan.

 

Nagulat at napalingon ang dalawa.

 

“Ahm, sorry po!” kambyo agad ng binata.

Awkward na ngiti naman ang ibinigay ni Bela sa ama sabay kurot sa tagiliran ni Jeff.

 

“Jeff, hindi pa kita pinapatawad ha, kailangan mo pa akong suyuin.” bulong ni Bela sa binata habang ang mga mata’y nasa daddy niya.

 

“Kahit araw-araw kitang suyuin hanggang sa magkaapo na tayo gagawin ko mapatawad mo lang ako.” mahinang sagot din ni Jeff na nakatingin din kay Bernard.

 

Nang makabalik na sila sa Villa Luna sa San Gabriel ay labis ang naging kaligayahan ng mga Cabrera. Sayang nga lang at hindi na nila makakasama roon si Lola Corazon. Pero alam naman nilang masaya itong bago nilisan ang mundo ay natagpuan na nila si Bela.

Nagdesisyon ang mag-asawa na palaguin na lang ang kanilang restaurant na nagkaroon na rin ng bagong branch sa kanilang lugar. Habang si Jeff ay siya nang namamahala sa negosyo ng kanyang mga magulang na nanatili na sa America.

 

Si Cecilia naman ay nagkaroon ng bagong pag-asa sa pag-ibig nang ipakilala sa kanya ni Mang Delfin ang anak nitong matandang binata. Ipinasok kasi ito ni Mang Delfin na hardinero sa mga Cabrera.

 

Sadyang mahiwaga ang pag-ibig. Tatangayin tayo nito sa masalimuot na mundo na hindi natin kabisado. Ipadarama sa atin ang saya at lungkot na kaakibat nito. Bibigyan tayo ng pagkakataon na makapagdesisyon ngunit sa huli ay tadhana pa rin ang magpapasya para sa atin.

 

 

Ang sumunod na eksena sa kanilang buhay ay ang garden pre-wedding photoshoot nina Bella at Jeff. Bawat anggulo ay kakikitaan ng kilig sa kanilang mga kuha. Bakas sa kanilang mga ngiti ang kaligayahang dulot ng tunay na pag-ibig.

 

Samantala.

Habang nasa kanilang pre-wedding photoshoot sina Bela at Jeff ay sinubukan ni Bernard kung tutunog pa ang luma nilang plaka. Sa saliw ng musika na paborito nila ni Angela ay muli silang nagsayaw tulad ng dati. Nakadantay ang mga kamay ni Angela sa balikat ni Bernard habang ang mga kamay naman ni Bernard ay nasa beywang ni Angela.

 

“Sweetheart…wala na akong mahihiling pa…sana lang wala ng malaking pagsubok pa ang dumating sa ating buhay…” ani Angela.

 

“Huwag kang matakot sweetheart. Kasama mo ako sa lahat ng laban. Kahit na ano pang mangyari, hindi tayo bibitaw sa ating pag-ibig.”

 

Masuyong hinagkan ni Bernard sa noo si Angela habang magkayakap silang nagsasayaw ng sweet suot ang kuwintas na ilang ulit nang nagpasalin salin sa mga taong pinagbubuklod ng pag-ibig. Kung hanggang kailan mananatili sa kanila ang magkapares na kuwintas ay walang nakakaalam.

 

Sa mga nagmahal, nasaktan at muling nagmahal, huwag nating susukuan ang pag-ibig kahit sa tingin natin ay wala ng pag-asa. Always believe in love, deep inside your heart…

 

Wakas

Sandra Bullock Announced She‘s Taking A Break From Acting

Posted on: March 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ACADEMY Award-winning actress and producer Sandra Bullock has announced that she is taking a break from her acting career.

 

 

Bullock first emerged on the Hollywood scene in the early ’90s with standout performance in movies like Demolition Man with Sylvester Stallone, Speed with Keanu Reeves, and Irwin Winkler’s The Net.

 

 

The actress continued her run with a string of dramas and romcoms that helped define her career, teaming up with other A-listers that could match her wits, including Nicole Kidman in Practical Magic, Ben Affleck in Forces of Nature, Hugh Grant in Two Weeks Notice, and Ryan Reynolds in The Proposal.

 

 

Bullock could more than hold her own, however, leading a number of projects that helped launch her into the next echelon of her career. Bullock’s Miss Congeniality series was a massive hit for the actress before she started taking on more dramatic fare, such as The Blind Side, which brought her a Best Actress Oscar. Bullock went on to star in the widely acclaimed Gravity from director Alfonso Cuarón, which netted her another Oscar nomination. After starring in the one-two punch of Netflix’s Bird Box and Ocean’s Eight in 2018, Bullock took a small hiatus, before returning with last year’s The Unforgivable and this month’s (slated to hit theaters on March 25)The Lost City with Channing Tatum.

 

 

In an interview, Bullock revealed that she’s going to once again put her acting career on hold and take a break in order to be with her kids, saying she needs to be “in the place that makes me happiest.

 

 

Bullock said that she’s fully dedicated to her career when she’s working, saying, “I take my job very seriously when I’m at work,” and that now she wants to change gears and “be 24/7 with my babies and my family.

 

 

As for how long Bullock plans to be taking a break, the actress said that she just plans to be with her family “for a while,” but gave no specific timeline on her return.

 

 

Bullock will next be seen in Brad Pitt’s Bullet Train, which is set to release this summer, but has no other projects lined up outside of that. It was announced a while back that Bird Box 2 was in development at Netflix, but nothing has been mentioned in the last few years on the potential sequel.

 

 

In the meantime, Bullock already completely another film for the streamer (The Unforgivable) that was completely unrelated. Ironically, Bullock joins her The Proposal co-star Ryan Reynolds as the latest actor to announce taking a break from making movies to focus on family, even though they both have projects still set to release in the coming year.

 

 

Actors taking a break from their career pursuits is fairly common and not always something that’s announced. For Bullock, it feels like she’s merely mentioning her intent for the near future, rather than issuing a statement about taking a break. For actors who can afford to take the time it’s great, although there are many that are still chasing the dream to reach that level.

 

 

Of course, some actors seem to never sleep, churning out dozens of movies per year, but it all catches up at some point. There’s likely a large part of the population that would love to take a break to spend more time with their kids, but it’s not always in the cards. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Kasama ang girlfriend na si CHELSEA at pet dog nila: BENJAMIN, mabibisita na ang ina sa Guam at doon na rin magbi-birthday

Posted on: March 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BAKASYON grande si Kapuso hunk Benjamin Alves bago sumapit ang kanyang birthday sa March 31.

 

 

Sa Guam niya i-celebrate ang kanyang birthday dahil two years niyang hindi nakita ang kanyang ina at nabisita ang puntod ng kanyang ama.

 

 

“Thank God that Artikulo 247 is airing and we’re getting good feedback from a lot of people. Matagal bago natapos ang teleserye na ito but it was all worth it. 

 

 

“Marami rin kaming na-sacrifice during our lock-in taping. Like last Christmas, I wasn’t able to visit my mom. Ngayon nakapagpaalam na ako. I deserve a one month vacation with my family,” diin ni Benjamin.

 

 

Makakasama niya sa kanyang bakasyon ang non-showbiz girlfriend na si Chelsea Robato at ang kanilang pet dog na si Nala.

 

 

Maayos ang relasyon nilang dalawa na pinatibay ng dalawang taong pandemya.

 

 

“It’s getting stronger every day. She’s my family here kaya importante that we always check on one another even if I am working. Now that we’re done with the teleserye, I get to spend lots of time with her now.”

 

 

***

 

 

MAY nadi-discover pa rin daw si Dingdong Dantes sa pagiging game master niya ng Family Feud na mag-uumpisang mapanood sa GMA-7 sa March 21.

 

 

“Na-discover ko na minsan pala, maraming tumatakbo sa isip ko kapag may isang idea tapos hindi ko na makontrol kasi very transparent ako eh yung reaction ko na minsan hindi ko talaga siya natatago. 

 

 

“So, para sakin feeling ko nadiscover ko na ano pala kapag into it ako especially kapag hindi acting, na parang madali akong maapektuhan sa kahit anong mga sabihin nakakatawa man ‘yan o hindi.

 

 

Gusto rin ni Dong na para magkakaibigan lang sila ng mga players.

 

 

“Hindi siya scripted, talagang gusto mo lang magenjoy,  gusto mong maglaro.  Gusto mong makakilala. Game lang talaga,” diin ni Dong.

 

 

Pag-alala pa noong 2009 nung kunin siyang replacement kay Richard Gomez sa Family Feud: “Yung Family Feud po talaga nung una ko syang napanood noong 2009, 2010 talagang sobrang nagustuhan ko na siya much more noong pumalit ako pansamantala kay Richard Gomez kasi kinailangan niyang mag-leave muna nung time na ‘yun.

 

 

Hindi ako player noon pero mas talagang kita mo ‘yung value ng show especially as a host kasi syempre iba pag nanonood ka, iba rin lalo kapag ikaw ‘yung contestant.

 

 

Ibang expe­rience ‘yan pero lalo na ikaw talaga yung nandun bilang host at ikaw yung nagpapatakbo kakaibang experience and pinaka-nagustuhan ko sa kanya ay kasi ano sya eh very very entertaining plus the fact na nagkakaroon ng pagkakataon para makauwi ng limpak limpak na papremyo.”

 

 

***

 

 

ANG pelikulang The Power of the Dog ni Jane Campion ang naging big winner sa naganap na 27th Critics’ Choice Awards noong nakaraang March 13 sa Fairmont Century Plaza Hotel in Los Angeles.

 

 

Live itong na-broadcast sa CW at TBS. Ang naging mga host ng awards event ay sina Taye Diggs at Nicole Byer.

 

 

Bukod sa best film, napanalunan ng The Power of the Dog ay best cinematography, best adapted screenplay and best director.

 

 

Will Smith was named best actor for King Richard at best actress naman si Jessica Chastain for The Eyes of Tammy Faye. 

 

 

 

Troy Kotsur and Ariana DeBose were named best supporting actor and best supporting actress for CODA and West Side Story. 

 

 

Ang pelikulang Belfast ay nagwagi ng three trophies: best original screenplay, best acting ensemble and best young actor for Jude Hill.

 

 

Ang pelikulang Dune ay tumanggap din ng three awards for best production design, best visual effects and best score.

 

 

Nakuha naman ng pelikula ni Paul Thomas Anderson na Licorice Pizza ang Best Comedy award.

 

 

Ang HBO series na Succession ay nagwagi ng best drama series, best supporting actor for Kieran Culkin and best supporting actress for Sarah Snook.

 

 

Best Actor in a Drama Series ang Korean actor na si Lee Jung-jae for the Netflix series Squid Game na nagwagi rin as best foreign language series. Best Actress in a Drama Series was awarded to Melanie Lynskey for Yellowjackets. 

 

 

Apple TV’s Ted Lasso ang big winner sa TV category winning best comedy series, best supporting actor for Brett Goldstein, best supporting actress for Hannah Waddingham and best actor for Jason Sudeikis. Jean Smart won best actress in a comedy series for Hacks. 

 

 

Michael Keaton won best actor in a limited series for Dopesick. Kate Winslet won best actress in a limited series for Mare Of Easttown na nanalo rin as best limited series. Best supporting actress and supporting actor in a limited series were given to Jennifer Coolidge and Murray Bartlett for The White Lotus.

 

 

Ang Lifetime Achievement Award ay ginawad kay Billy Crystal.  Ang See Her Award ay binigay kay Halle Berry. 

(RUEL J. MENDOZA)

Babalik agad para sa lock-in taping nila ni ALDEN: BEA, muling nakatapak ng Europe ‘di nga lang nakasama si DOMINIC

Posted on: March 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MASAYA ang Kapuso actress Bea Alonzo na nag-post sa kanyang Instagram habang sakay na ng airplane papuntang Madrid, Spain.

 

 

After 15 hours of travel, muli siyang nag-post sa IGS niya ng ‘touchdown Madrid’ last Monday, March 14.  Ngayon lamang muling nakapag-travel sa Europe si Bea, last pa raw niya noong 2019.

 

 

Kasamang umalis ni Bea ang road manager niyang si Nina. Hindi niya nakasama ang boyfriend niyang si Dominic Roque dahil sa marami raw itong work ngayon.

 

 

Hindi naman magtatagal si Bea sa bakasyon niya, dahil kailangan niyang bumalik agad, may schedule na kasi ang pagsisimula nila ni Alden Richards ng lock-in taping ng kanilang first teleserye together sa GMA Networks, ang Philippine adaptation ng K-drama na Start-Up na ididirek ni Jerry Sineneng.

 

 

 

Last week of March ang quarantine nila at tuloy na ito sa lock-in taping.

 

 

***

 

 

NAUWI nga ba sa totoong away, at nakunan pa ng camera, sina Jillian Ward at Elijah Alejo, sa set ng Prima Donnas?

 

 

Ang eksena nga raw ay nag-aaway ang dalawa na humantong pa sa pagbabatuhan nila ng iba’t ibang klase ng fruits at fresh eggs.  Hindi raw mapigilan ng mga PA ng show ang pagsasagutan nila, kahit pinatatahimik na sila at kailangan na raw nilang ituloy ang eksena.

 

 

Sige pa rin ang galit ni Elijah kay Jillian, hanggang dumating na rin si Direk Gina Alajar at tinanong sila kung bakit sila nag-aaway.

 

 

Nag-explain si Jillian, pero hindi pa rin ma-appease si Elijah, hanggang dumating na ang kanilang Executive Producer, at nang lumapit sa kanila, nagtawanan ang dalawa at sumigaw ng “Praannkk!!!”

 

 

Birthday pala ni Elijah ng araw na iyon at napagkasunduan nila ni Jillian na mag-drama silang dalawa na akala ng mga kasama nila ay totoo silang nag-aaway!

 

 

Samantala ay patuloy ang mga maiinit na eksena ng Prima Donnas at ang mga mahuhusay na acting ng buong cast.  Kung kinainisan si Aiko Melendez as Kendra sa season one, mas kaiinisan si Sheryl Cruz as Kendra/Bethany.

 

 

Napapanood sila Mondays to Saturdays, 2:30 PM, after Eat Bulaga sa GMA-7.

 

 

***

 

 

TAPOS na si Kapuso actor Xian Lim sa shooting nila ni Glaiza de Castro ng new series ng GMA Network, ang False Positive, kaya ngayon may time na siyang tumanggap ng ibang shows, abroad.

 

 

Isa nga si Xian sa magpi-perform sa Expo 2020 Dubai, para sa mga Pinoy doon, sa March 30. For more details, follow GMA Pinoy TV on social media.

 

 

May isa pang project na itutuloy si Xian sa GMA, hinihintay na lamang niya ang availability ng leading lady niyang si Jennylyn Mercado.  

 

 

Nahinto ang taping nila ng serye dahil naging preggy si Jennylyn sa first baby nila ng husband nitong si Dennis Trillo. 

 

 

***

 

 

TULOY na pala ang pagpu-produce ng GMA Network ng Sang’gre na spin-off ng epic series na Encantadia.

 

 

Ayon kay GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, nasa creative development na at may nai-cast na rin sila.

 

 

Mas marami raw silang mortal world scenes, pero hindi aalisin yung equity ng Encantadia. Kasi yun naman talaga ang jump-off point nito.  Kaya nasa process na ang paghahanda nila ng iba’t ibang elements ng show, tulad ng special effects.

 

 

      “Inihahanda na ni Suzette Doctolero, ang creator nito, kasi iba na ‘yung part two mula sa 2016 series, sabi ni Ms. Rasonable.

 

 

“May napili na rin kami para sa title role at isa siya sa mga homegrown talents ng GMA.  May posibilidad din na makita rito ang mga dating Sang’gre.”

 

 

Kuwento ito ng isang babaeng hindi inaasahang matutuklasan ang kanyang angking kapangyarihan na wala siyang kalam-alam na siya pala ang nag-iisang anak ni Reyna Danaya ng Lireo.

 

 

Tunay na kaabang-abang na ang Sang’gre!

 

(NORA V. CALDERON)

Handa na para manggulat sa kakaibang pagganap sa ‘Greed’: NADINE, sobrang na-excite na patindi nang patindi ang binibigay sa kanya ng Viva

Posted on: March 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG-HANDA na si Philippine’s Multimedia Princess Nadine Lustre para gulatin ang Vivamax audience around the world sa kanyang newest acting piece sa suspense thriller na Greed, kasama si Diego Loyzaga at sa direksyon ni Yam Laranas.

 

 

Be the first to experience ang pagbabalik-pelikula ni Nadine simula ngayong March 16 sa Vivamax Plus.

 

 

Set in a remote village, a young couple finally has the chance to free themselves from the hardships of life and start anew as they win the biggest prize in the lottery. Not wanting anyone to know about this great news, the couple decides to keep it a secret until they have moved to a different town.

 

 

But a former neighbor learns about their dumb luck and tries to steal it from them. What follows after is a nightmare of a hunt fueled by dark intentions and selfishness.

 

 

Huling napanood si Nadine sa Indak noong 2019 kaya tiyak na gusto nang masilayan ng mga fans and moviegoers ang award-winning actress. At sa Greed, makikita nga ang kakaibang Nadine Lustre, first Vivamax Original movie ng premyadong aktres.

 

 

Super happy si Nadine na nakatrabaho niya si Direk Yam at ang Aurora ay isa na pinaka-gusto niya.

 

 

Kaya sobra siyang na-excite nang nag-pitch sina Boss Vic del Rosario at Direk Yam tungkol sa Greed.

 

 

Say ni Nadine,this time, hindi na siya romantic-comedy or hindi lang siya drama. Thriller-horror siya so very exciting po.

 

 

I’m really happy kasi this time around everyone is really trying to make an effort into changing, I guess, the genre or the stories that are being given to me.

 

 

Dugtong pa niya, “Gusto talaga namin iba-iba na yung mga klase ng pelikula na gagawin ko I guess, pa-intense nang pa-instense yung mga istorya na ibibigay sa akin. Kaya super exciting.”

 

 

Kasama nga niya ang isa sa in-demand actor ng Vivamax na si Diego Loyzaga na kung saan napanood sa Death of a Girlfriend, House Tour, Bekis on the Run, Dulo, The Wife at Adarna Gang.

 

 

Ang Greed ang bagong obra ng outstanding and award-winning director na Yam Laranas, ang direktor ng Aurora, na official entry to MMFF at pinagbidahan ni Anne Curtis. Siya rin ang nag-direk ng Vivamax Original Movies na Death of a Girlfriend at Paraluman.

 

 

Prepare for a violent chase full of Greed, na kung saan kasama rin si Epi Quizon, streaming na sa Vivamax Plus na available sa mga active subscribers of Vivamax. Look for Vivamax Plus rail and book your tickets.

 

 

With Vivamax Plus, you can enjoy Vivamax Originals and Exclusive content in advance. Price starts at 99 Pesos.

 

 

Subscribe to Vivamax for only P149 per month or P399 for three months. Visit web.vivamax.net or download the app and subscribe via Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

 

 

For payments via website, you may choose EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. For payment thru app, you can have Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard as options. For payment thru Ecommerce, you may choose from Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. For payment thru authorized outlets, choose from Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. VivaMax’s cable partners are SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, and Concepcion Pay TV Network, Inc.

 

 

Streaming din ang Vivamax sa Middle East. Para sa mga Pinoys sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can for only AED35/month. Vivamax can also be streamed in Europe for only 8 GBP/month.

 

 

Available din ang Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, and now also in Canada and the United States of America.

 

 

Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)