• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 17th, 2022

Bidang-bida na sa ‘Ang Babae sa Likod ng Face Mask’: HERLENE, ipakikita na kayang maging leading lady at may chemistry sila ni KIT

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Summer, i-expect ang pure fun and entertainment ang hatid ng Puregold Channel sa much-anticipated release sa kanilang first ever romcom digital series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, streaming na ngayong March 26.

 

 

Ang 13-episode romantic comedy series ay conceptualized ng Puregold at prinoduce ng award-winning filmmaker na si Chris Cahilig, directed by critically-acclaimed na si Victor Villanueva.

 

 

Sa Ang Babae sa Likod ng Face Mask mamarkahan na ang social media personality and comedienne na si Herlene Budol ang kanyang very first starring role.

 

 

Nakilala bilang “Hipon Girl,” nakatulong ang kanyang wit and charm para magkaroon ng regular exposure sa variety show na Wowowin na hino-host ni Willie Revillame.

 

 

Bidang-bida nga si Herlene sa second digital series ng Puregold Channel.

 

 

“Napaka-exciting na opportunity ang ibinigay ng Puregold sa akin,” pahayag ni Hipon Girl.

 

 

“Nakilala ako bilang co-host at sa aking sariling YouTube show. Ngayon naman, gusto ko ipakita sa lahat ng followers at Hiponatic supporters ang kakayahan ko bilang isang leading lady.”

 

 

At ang guwapo at hunk actor pa ang binigay sa kanya na leading man.

 

 

Kuwento nga ni Herlene, “first time ko lang siya nakita in person si Kit. Pinapanood ko lang siya dati sa TV.

 

 

“Bonus na nga, ang guwapo, tapos magaling siya. Para siyang may push button, tulad nang nagtatawanan kami, tapos ‘pag kailangan na, automatic, bigla siyang magiging seryoso.

 

 

“Kaya parang naging kumportable na agad sa mga eksena namin.”

 

 

Kuwento naman ni Direk Chris tungkol sa napiling rom-com series, “nag-present kami sa Puregold ng mga nakaraming konsepto for the series.

 

 

“Tapos may luma akong concept na kinausap ko na si Herlene noong October 2021 about ‘Ang Babae sa Likod ng Face Mask’ nga at noong isinama ko sa mga pinitch ko na stories, unanimously ‘yun ang napili ng ating mga friends sa Puregold.

 

 

“So, it was really meant and I think para kay Herlene ‘to, moment talaga niya ito.”

 

 

Sa Ang Babae sa Likod ng Face Mask iikot ang kuwento tungkol kay Malta (Herlene Budol), ang 25-year-old cashier. Na todo-kayod para masuportahan ang ina na si Madam Baby (portrayed by seasoned actress, Ms. Mickey Ferriols).

 

 

Isang araw, makikilala niya ang handsome but unlucky in love na si Sieg (Kit Thompson). Love at first sight ito para kay Sieg, na na-mesmerize sa mga mata ni Malta.

 

 

Alamin kung ano ang magaganap sa love story nina Malta at Sieg and how they overcome their doubts and insecurities, and break the negative cycles of their past.

 

 

Base sa trailer at pictorials, lumabas talaga ang chemistry nina Kit at Herlene, ‘yun ay agad nakita ni Direk Victor.

 

 

Say ng premyadong direktor, “I just watched their videos online, ganun muna, tapos na nasi-sense ko na may meron eh.

 

 

“I think, I also have this thing na I have to trust my gut feel.  So, when it was presented to me na it’s going to be, si Herlene at si Kit, parang ang ganda, kasi may curiosity factor.  Na parang paano, puwede ba?

 

 

“Tapos ang ganda pala I-explore and I think from there, masi-sense mo na ‘yung chemistry. Then, noong na-meet ko sila finally para sa line reading, ah tama nga ang gut feel ko, naramdaman ko ang chemistry nila.

 

 

“Ang ganda ng resulta nang naka-isip na silang dalawa ang gawing magka-partner.”

 

 

Ang rom-com series ang follow-up sa Puregold Channel’s first series na GVBOYS. Na parehong nagbabalik ng warm feelings of nostalgia from the early years.

 

 

Kung sa GVBOYS nanumbalik ang 90s sitcom na Palibhasa Lalake, sa new series na ito puwedeng makita bilang modern and comical na Blusang Itim, wala lang ‘yung elements of fantasy.

 

 

Ayon pa sa Puregold marketing manager na Ivy Piedad, “The ever-present face mask is now a symbol of hope and self-love for our lead in this new series. And we hope to entertain a large number of viewers online especially given the Pinoy’s fondness for light, romantic comedies.”

 

 

Expect laughter, tears, and the highs and lows of great romcoms sa Ang Babae sa Likod ng Face Mask. Libreng mapapanood ang digital series sa YouTube Puregold Channel tuwing Saturday, 6PM, simula sa March 26, 2022.

 

 

For more updates, like @puregold.shopping on Facebook, follow @puregold_ph on Instagram and Twitter and subscribe to Puregold Channel on YouTube.

(ROHN ROMULO)

Tuloy na tuloy ang Miss World 2021 Coronation: TRACY MAUREEN, handa nang ipakita na kayang mapanalunan ang korona

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na ang Miss World 2021 Coronation matapos itong maantala last December 17 dahil sa Covid-19 pandemic.

 

 

Ready na ang Philippine bet na si Tracy Maureen Perez to conquer greater heights at ipakita na kaya niyang mapanalunan ang korona as she competes with 40 candidates aiming to win the Miss World 2021 crown.

 

 

Ang Cebuana beauty queen ay nagkaroon ng good start nang makakuha ng slot sa Top 30, matapos niyang magwagi sa second round ng Head-to-Head challenge.

 

 

Napili rin siya among the Top 5 finalists para sa Beauty with a Purpose challenge, kung saan ibinandera ang kahalagahan ng empowering single parents.

 

 

Ang Miss World 2021 ay gagawin sa Jose Miguel Agrelot Coliseum sa San Juan, Puerto Rico today, March 17, 8 a.m. Philippine Standard Time.

 

 

The coronation will be streaming LIVE online and commercial-free via Upstream PH.

 

 

Oras na para ipakita natin ang suporta kay Tracy kaya nood na ng Miss World 2021 night anytime, anywhere, via Upstream PH!

 

 

***

 

 

AMINADO si Andrei Yllana na naging pasaway siya when he was still in high school.

 

 

Sinabi ng anak ng estranged couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana na lahat ng kalokohan na pwedeng gawin ng isang estudyante ay ginawa niya.

 

 

Butas-butas ang attendance niya (meaning ‘di siya pumapasok) o kaya late siya dumarating sa klase.

 

 

“It was like that when I was in my first two years in high school. Pero I realized na hindi rin naman maganda ang ginawa ko kaya bumawi naman ako,” sabi ni Andrei na kasama sa Vivamax series na The Seniors na streaming na sa March 20, pinagbibidahan ito nina Julia Barretto Awra Brigeula, Andrea Babierra at Ella Cruz.

 

 

***

 

 

BATA pa siya ay pangarap na ni Ronnie Liang na maging piloto.

 

 

Pero alam daw niya na medyo mahirap tuparin ang dream niya dahil magastos ang kursong ito.

 

 

Pero this did not stop to continue dreaming kaya naman malapit-lapit na niyang matupad ang pangarap niya na maging commercial pilot.

 

 

Sa isang chikahan over merienda, ibinahagi ni Ronnie ang hirap na kanyang pinagdaan nang mag-volunteer siya sa Philippine Army. Mahirap daw ang training nakayanan naman niya.

 

 

Masayang ibinalita ni Ronnie na he was promoted recently. First lieutenant na ang kamyang ranggo and may mga sundalo under him.

 

 

Isa si Ronnie sa jurors ng Sing-Galing na isa sa mga top-rating shows ng TV 5.

(RICKY CALDERON)

PNP sa mga retired police officials: ‘Wag idamay ang organisasyon sa political agenda

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ilang retirado nilang opisyal na huwag idamay ang organisasyon sa kanilang political agenda.

 

 

Ang panawagan ay ginawa ni PNP spokesperson Pol. B/Gen. Roderick Augustus Alba matapos na makarating sa kanilang kaalaman na may ilang dating police official at organisasyon na nag-eendorso ng mga kandidato sa halalan na gamit ang pangalan ng PNP.

 

 

Binigyang-diin ni Alba, nirerespeto ang mga pananaw ng kanilang mga retiradong opisyal pero walang kinalaman ang PNP sa personal na opinyon sa politika ng mga tao o grupong ito na ipino-post sa social media.

 

 

“With all due courtesies to our retired PNP Officers, we respect your political views and opinions as private individuals. But by all means, please spare the PNP from partisan political activity,” wika ni B/Gen. Alba.

 

 

Giit ni Alba, hindi gawain ng PNP na magpahayag ng suporta para sa sinumang kandidat at nananatiling non-partisan na organisasyon.

 

 

“The PNP maintaines a non-partisan stance and will never endorse any political paty or candidate vying for any elective position,” dagdag pa ni Alba.

 

 

Babala ni Alba, hindi lang ang mga tao na gumagamit sa pangalan ng PNP sa pamomolitika ang hahabulin ng PNP kundi maging ang mga grupong politikal na nagbayad sa kanila para sa pag-endorso.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Hidilyn Diaz mangunguna sa weighlifting team ng bansa para sa SEA Games

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANGUNGUNAHAN ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang 13-member weightlifting team na sasabak sa Vietnam Southeast Asian (SEA) Games.

 

 

Makakasama nito sina Fernando Agad Jr ng men’s 55 kg, Rowel Garcia ng men’s 61 kgs, Nestor Colonia ng men’s 67 kg, Lemon Denmark Tarro ng men’s 73 kgs, John Kevin Padullo ng men’s 89kg, John Dexter Tabique ng men’s +89kg , Mary Flor Diaz ng women’s 45kg, Rosegie Ramos ng women’s 49kg , Margaret Colonia ng women’s 59kg, Elreen Ann Ando (women’s 64kg), Vanessa Sarno (women’s 71kg) at Kristel Macrohon (women’s +71kg).

 

 

Sasamahan sila ng mga coaches na sina Gregorio Colonia, Gary Hortelano, Nicolas Jaluag at Patric Lee.

 

 

Inilabas ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas ang pinal na listahan matapos ang pagsasagawa ng mga serye ng qualifying tournaments sa Zamboanga City, Cebu City at sa Muntinlupa City.

 

 

Sa nasabing 13 na mga weightlifters ay anim sa mga dito ay nakakuha na ng medalya noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa.

 

 

Target ng Pilipinas na ma-improve ang performance nito sa weightlifting kung saan nasa pangatlong puwesto sila na ang nangunguna ay Vietnam at sinundan ng Indonesia.

 

 

Gaganapin ang weightlifting competition sa Mayo 19 hanggang 22.

Kulang-kulang 700K rice farmers, makikinabang mula sa RCEF Mechanization Program

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IN-UPGRADE ng Department of Agriculture (DA) ang pamamaraan ng mga magsasaka sa kanilang paghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng makinarya at kagamitan.

 

 

Sinabi ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) na may 682,502 magsasaka sa buong bansa ang recipients ng Rice Competitiveness Enhancement Fund’s (RCEF) Mechanization Program “as of December 2021.”

 

 

“Our goal is to reduce the production cost of rice farmers so they can save up some for their savings and other farm needs. These (pieces of) machinery, which are given by the government for free, are meant to make the farmers’ lives more convenient, work will be faster, and there will be more yield compared to manual or traditional way of farming,” ayon kay PhilMech Director Dionision Alvindia.

 

 

Aniya pa, bumili ang kanyang tanggapan ng 19,542 makinarya. Sa nasabing bilang, 16,167 makinarya na ang kanilang naipamahagi.

 

 

“We just need to clarify that while these are free, we call on the farmers to please join groups as we prioritize farmer cooperatives and associations as beneficiaries of the program,” dagdag na pahayag ni Alvindia.

 

 

Ang mga ‘accomplishments’ aniyang ito ay bunsod ng nilagdaang batas na Republic Act No. 11203 o Rice Tariffication Law noong 2019. Layon nito na tiyakin ang “food security” at gawing “viable, efficient and globally competitive” ang sektor ng agrikultura sa bansa.

 

 

Ang batas aniya ang siyang lumikha sa RCEF o Rice Fund para mapabuti ang competitiveness at income o kita ng mga rice farmers sa gitna ng liberalisasyon ng Philippine rice trade policy na binawi ang quantitative restrictions sa rice imports at pinalitan ng taripa.

 

 

Ang RCEF ay mayroong P10 billion annual appropriation para sa anim na taon, inilaan at ipamamahagi ito sa 4 na components o bahagi kabilang na ang Mechanization Program na mayroong 50% shares sa kabuuang budget.

PDu30, pinababawasan sa PAGCOR ang oras ng operasyon ng E- sabong

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINABABAWASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang oras ng operasyon ng E-sabong.

 

 

Para sa Chief Executive, hindi dapat tumakbo ng 24 oras ang operasyon ng E-sabong.

 

 

Hindi naman nabanggit ni Pangulong Duterte  kung ilang oras lamang ang dapat na maging operasyon ng nasabing on-line gaming pero ang tugon naman ng PAGCOR dito ay nakahanda silang tumalima sa gusto ng Punong Ehekutibo.

 

 

Hinggil naman sa operasyon ng nasabing on line gaming, inamin naman ng Pangulo na hindi siya naging padalos dalos sa pagpapasya kung isususpinde ito dahil kailangan din naman ng pamahalaan ng pera.

 

 

Kapos aniya ang pera ng gobyerno at sadyang kailangang may mapagkunang dagdag pondo ang pamahalaan.

 

 

Kung tutuusin ayon sa Pangulo ay ayaw niya talaga ng sugal subalit kailangang humanap ng resources ng pamahalaan. (Daris Jose)

Preparasyon sa FIBA World Cup pukpukan na

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKAKASA  na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang puspusang paghahanda para sa FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas sa susunod na taon.

 

 

Buo na ang grupong magpapatakbo ng torneo para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng FIBA World Cup sa Pilipinas na tatakbo mula Agosto 10 hanggang Set-yembre 25.

 

 

Nagpulong na sina SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan, President Al Panlilio, Executive Director Sonny Barrios, Executive Advisor to the President Ricky Vargas at Special Assistant to the SBP President coach Ryan Gregorio.

 

 

Nais ng SBP na masiguro na nasa tamang direksiyon ang paghahanda ng Pilipinas na nakalinya sa standards ng FIBA.

 

 

Kaya naman madalas na binibigyan ng SBP ang FIBA head office sa Geneva, Switzerland upang ipaalam ang estado ng preparasyon para sa World Cup.

 

 

“This hosting is MVP’s lasting gift to our nation. Together, we will show the world that having a shared passion leads to a strong nation,” ani Panlilio.

 

 

Nangunguna sa lista­han ng SBP ang maibigay ang kilalang katangian ng mga Pilipino ang mainit na pagtanggap sa mga bi­sita o hospitality para sa lahat ng dadalo sa torneo.

 

 

“We are hoping that during the buildup to the World Cup, each and every Filipino joins hands in welcoming our guests and to help us showcase the value of ‘Bayanihan’ to the world,” bahagi ni Vargas.

 

 

Naniniwala si Pa­ngilinan na kahit maliit na bansa ang Pilipinas, kaya nitong magtaguyod ng isang world class competition gaya ng FIBA World Cup na dadaluhan ng pinakamahuhusay na basketball players sa mundo.

 

 

Kabilang na sa mga darating sa bansa ang powerhouse United States Dream Team na binubuo ng mga NBA stars.

 

 

Handa si Pangilinan na ibuhos ang buong suporta nito para sa lubos na tagumpay ng torneo.

 

 

“We will be exhausting all our efforts and resources to prove to the world that the Philippines can organize and host the world’s biggest sporting events,” ani Pangilinan.

 

 

Magiging katuwang ng Pilipinas sa hosting ang Japan at Indonesia na magsisilbing co-hosts.

HIGIT 1M EDAD 5-11 NABAKUNAHAN NA

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KABUUANG 1,233,017 mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang ang nabakunahan laban sa Covid-19 mula nang magsimula ang Department of Health sa pagbabakuna sa bata noong Pebrero 7.

 

 

Sa online media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na 381,433 mga bata sa ilalim ng 5-11 age bracket ay ganap na nabakunahan.

 

 

“Sa kabilang banda, 9.7 million na ang bakunadong 12 to 17 years old,” ani Vergeire

 

 

Ayon kay Vergeire, na ang mga empleyado ng gobyerno na sasamahan ang kanilang mga anak sa kanilang iskedyul ng pagbabakuna ay “maaaring maka-avail ng mga espesyal na pribilehiyo sa bakasyon”.

 

 

Tiniyak din nito sa mga magulang ng pediatric population na ang pamahalaan ay patuloy na kumukuha ng naaangkop na Covid-19 jabs para sa mga menor de edad upang maprotektahan sila laban sa Covid-19.

 

 

March 11 nang aprubahan ng Food and Drug Administration ang  emergency use authorization (EUA) para sa Sinovac’s CoronaVac na nagpapahintulot na ang  Chinese vaccine ay gagamitin sa pediatric vaccination.

 

 

Sinabi naman noong Martes ni  National Vaccination Operations Center Chief Myrna Cabotaje na isinasapinal na ng mga eksperto ang  alituntunin para sa pagbibigay ng bakuna sa Covid-19 ng Sinovac para sa mga batang 6 taong gulang pataas.

 

 

Dagdag pa ng Cabotaje na magbibigay ang bakuna ng karagdagang dami ng proteksyon para sa mga bata at magulang na maaaring hindi gustong gumamit ng Pfizer Covid-19 na bakuna. (GENE ADSUARA)

P31-B loan para sa mga apektadong kooperatiba at negosyo dahil sa pandemya, inaprubahan na ng LandBank

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng state-owned lender na Land Bank of the Philippines ang nasa P30.96 billion loan para matulungan ang mga kooperatiba at lokal na negosyo na makarekober mula sa impact ng pandemya.

 

 

Ilalabas ang naturang halaga sa ilalim ng I-RESCUE program ng LandBank o ang Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably affected Enterprises.

 

 

Sinusuportahan ng state lender ang nasa kabuuang 687 borrowers na binubuo ng 462 micro , small at medium enterprises, 115 kooperatiba , 105 malalaking negosyo at 5 micro-finace institutions.

 

 

Sa ilalim ng naturang programa, maaring makapag-loan ang mga kwalipikadong borrowers ng hanggang 85% ng kanilang emergency o permanent working capital requirements na may abot kayang interest rate na 5% kada taon sa loob ng tatlong taonnna maaaring bayaran ng hanggang 10 taon at may maxmum 2 years na grace period para sa paunang bayad.

 

 

Sa naturang programa, mayroon ding ibinibigay na sub-credit facility para sa mga MSMEs at kooperatiba gayundin para sa mga self-employed na indibidwal na nakarehistro sa DTI ar sa Securities and Exchange Commission (SEC) na lubhang apektado ng pandemiya.

 

 

Ayon kay Landbank president and CEO Cecilia Borromeo na batid nila ang mahalagang kontribusyon ng local businesses para mapabilis ang economic recovery ng bansa kayat patuloy aniya ang kanilang pagbibigay ng napapanahon at accessible na credit assistance para sa kanilang pangangailangang pinansyal sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

 

 

Maaaring makapag-avail sa naturang programa ng LandBank na magtatagal hanggang sa katapusan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

Robredo camp nakahanda sa mas marami pang ‘dirty tricks’ ng kalaban

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG mas ­darami pa ang “dirty tricks” at propaganda ng mga katunggaling partido kaya nakahanda ang kampo nina Vice President Leni Robredo at running mate na si Senador Francis “Kiko”Pangilinan.

 

 

“Nararamdaman na ng mga kalaban ang init kaya sagad-sagarin na ang kanilang maduming propaganda para hadlangan ang pag-usad ng kampanyang Leni-Kiko,” ani senatorial aspirant Alex Lacson.

 

 

“Tradisyunal at lumang istratehiya na ang hilahin pababa ang mga kalaban sa politika,” sabi ni Lascon na pinatutungkulan ang “red-tagging” at iba pang black propagandang ibinabato kay Robredo.

 

 

“Maliwanag na ‘yan ay propaganda,” aniya. “Wala silang; mahanap sa aming kandidatong si VP Leni, sa kanyang pagkatao, sa kanyang track record, kaya maghahanap ng ibang issue,” dagdag ni Lacson.

 

 

Sabi naman ng dating kongresista na si Teddy Baguilat, na kandidatong senador sa ilalim ng hanay ni Robredo, noong 2016 nagsimula ang mga “dirty tricks” at paninirang ipinupukol para ilihis ang atensyon ng publiko sa tunay na usapin.

 

 

Binigyan-diin ni Baguilat na “walang alyansa” sa pagitan ng kampo ni Robredo at mga rebeldeng komunista ngunit tiniyak niyang bukas ang susunod na pangulong Robredo na “ituloy ang usapang pangkapayapaan.”

 

 

Sinabi ni Baguilat na patunay ang dami ng taong pumupunta at sumusuporta sa mga political rallies ni Robredo na hindi epektibo ang ginagawang paninira ng mga kalaban.

 

 

Sabi naman ng da­ting kongresista na si Erin Tañada at campaign manager ng senatorial slate ng Robredo-Pangilinan camp, na kung referendum ang attendance sa mga political rally, “tukoy at alam na ng mga kalaban ni VP Leni na lumayo na sa kanila ang publiko.”