• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 18th, 2022

QC gov’t namahagi ng P500 fuel subsidy sa mga tsuper kasunod ng pagtaas ng presyo ng krudo

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng P500 fuel subsidy voucher para sa lahat ng tricycle driver na pumapasada sa siyudad.

 

 

Ito ay para alalayan ang mga tsuper na lubos na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng tulong sa halos 4,000 registered tricycle drivers.

 

 

Ang iba pang TODA drivers ay mabibigyan naman sa susunod na mga araw.

 

 

Maliban sa P500, magbibigay pa ang lokal na pamahalaan ng P1,000 fuel subsidy ayon sa Ordinance SP3100, S-2022 na naipasa ng Sangguniang Panglunsod na inakda ni Majority Leader Franz Pumaren.

 

 

Ang mga nabanggit na fuel subsidy program ng QC ay iba pa sa nakatakdang ibigay ng national government.

6% itinaas ngayon ng presyo ng mga basic goods – retailers

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA na umanong tumaas ang presyo ng mga basic goods kasabay nang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association (Pagasa) president Steven Cua, ang presyo raw ngayon ng basic necessities at prime commodities ay tumaas ng 4 hanggang 6 percent.

 

 

Ang ibang goods naman gaya ng body lotion o facial cream ay nagtaas na rin ng 8 hanggang 15 percent.

 

 

Mas mataas naman ang increase sa presyo ng mga food mixes at enhancers na nasa 24 percent.

 

 

Sinabi ni Cua na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay dahil na rin daw sa mas mataas na logistics at production costs.

 

 

Ito ay epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

 

 

Kung maalala, kahapon nang nagpatupad ang mga oil companies ng ika-11 na oil price hike.

 

 

Pumalo sa P13 pesos at 15 centavos ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P7 pesos at 10 centavos naman sa gasolina.

Omicron sub-variant sa HK , maaaring makapasok sa Pinas- Duque

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING makahanap ng paraan para makapasok ng Pilipinas ang Omicron sub-variant na nakakaapekto sa Hong Kong.

 

 

Ito ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III nang tanungin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibilidad na “bumisita” ang BA.2.2 sub-variant sa bansa.

 

 

“There is a possibility, Mr. President,” ayon kay Duque sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Miyerkules.

 

 

Gayunman, hindi naman masabi ng Kalihim kung ang sub-variant ay labis na makakaapekto sa bansa lalo pa’t ang nagdaang surge ay bunsod ng BA.2 variant.

 

 

“So hindi pa natin masabi kung ito ho ba ay magdudulot ng ganong ka seryosong pangyayari katulad sa Hong Kong,” dagdag na pahayag ni Duque.

 

 

Idagdag pa rito, tiniyak naman ni Duque sa publiko na ang vaccination rate ng Pilipinas ay mas mataas kumpara sa Hong Kong lalo na sa hanay ng mga lolo’t lola. Ayon sa ilang researchers, ang pagtaas ng kaso sa ibang bansa ay bunsod ng mababang vaccination rate.

 

 

“On the other hand, ‘yun po kasing vaccination coverage ng citizens sa Hong Kong mababa… so tayo mas maganda ang ating protection level,” aniya pa rin.

 

 

“We have experienced five surges… so that has also rendered out population some degree of protection as well. So from natural immunity and also from vaccination,” pahayag ng Kalihim.

 

 

Ayon kay Duque, ang vaccination rate ng mga seniors o lolo’t lola sa Hong Kong ay 33% lamang.

 

 

Aniya, patuloy namang mino-monitor ng ahensiya ang situwasyon.

 

 

“Sa ngayon… wala pang natutuklasan na BA.2.2 sublineage sa samples na nasequence ng Philippine Genome Center sa ating bansa, pero patuloy tayo nagbabantay,” ayon kay Duque.

Slash price ‘yun na ka-presyo ng parking slot… CARLA, nilinaw na hindi P2M lang ang binebentang posh condo unit

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KLINARO ni Carla Abellana na hindi totoong P2M ang presyo ng pag-aaring condo unit sa may The Grove by Rockwell na matatagpuan sa E. Rodriguez Jr. Avenue, Pasig City.

 

 

Matatandaang pinost ni Carla ang kabuuan ng video ng unit niya noong Pebrero 28 para ipakita sa pubiko dahil ibinebenta na niya ito o long term lease.

 

 

Ang caption ng aktres sa video ay, “My condo unit at The Grove by Rockwell is still available for sale/lease!

 

“It is now below market value!

 

“And yes, everything you see inside the condo unit comes inclusive. It’s fully (and excessively) furnished! If they’re not your type, then go ahead and sell them to make money! It’s totally up to you.

 

“Of course parking (which alone costs more than 1M!) is included in the asking price already.

 

 

“I mean, come on, what a bargain!”

 

 

Marami ang nagulat sa post na ito ni Carla dahil ibig sabihin ay palugi na niya itong ibinebenta sa sinabi niyang ‘Its now below market value.’  Kaya marami rin ang nagka-interest nito.

 

 

Nasabay din kasi ang pagbenta ng unit sa isyung may problema sa pinansiyal ang aktres dahil ang naipon nilang pera ng asawang si Tom Rodriguez ay wala na dahil in-invest daw ito ng aktor sa party list na sinamahan niya pero hindi naman lumusot sa COMELEC.

 

 

Maituturing na mag-asawa pa rin sina Carla at Tom kahit magkahiwalay na sila dahil hindi pa naman sila annulled.  Sa madaling salita magkahiwalay lang ng tirahan.

 

 

Going back to condo unit ay lumutang pa ang tsikang kaya ibinebenta ito ng aktres ay dahil ayaw niyang maalala na minsan ay tumira sila nito ni Tom at may tsismis din na dito dinala ng aktor ang umano’y naka-one night stand niya na kuwento ng biyenang si Rey ‘PJ’ Abellana na binawi ang sinabi dahil nagalit ang anak na si Carla.

 

 

And to set the record straight regarding the price of the condo unit, Carla posted some computations in her IG stories today kung magkano ang per square meter. Binura naman kung ilang square meters ang kabuuan ng unit nap ag-aari mismo ng aktres.

 

 

Aniya, “Hello, everyone! I needed to clarify the price of my Condo Unit at The Grove URGENTLY.”

 

 

At binilugan nito ang, “IT IS NOT WORTH 2M.

 

 

“Some press articles, including Sir Ogie Diaz’s video, are FALSE. They state that it is only worth 2M, which is NOT TRUE.

 

 

“I also bought the Condo Unit back in 2015, so the CCT is under my name only. Nobody has ever lived there because I bought it as an investment for myself and myself alone,” diin ni Carla.

 

 

Muli niyang binilugan, “P.S. Just so you have an idea, a parking slot ALONE costs 2M.”

 

 

“Thank you.”

 

 

May bilog ulit, “PS Please see next IG Story for the ACTUAL market value computation so you can do the math.

 

 

“Okay na po tayo?  Please only believe me, my 3 official brokers and The Grove, hehe. THANK YOU, everyone!”

 

 

Dagdag pa, “I NEVER said that my The Grove Condo Unit is selling for 2M ONLY. Bakit ko po sasabihin yun kung hindi totoo? Hindi po ako click-baiter, si Tinder Swindler o si Anna Delvey (Google n’yo na lang po ‘yung mga yan)

 

 

“Paki Google narin po ang term na ‘Price SLASH”, “SLASHED PRICE’ o “price SLASH OFF.

 

 

May bilog ulit, “2M slashed off’ does not mean ‘2M NALANG.’”

 

 

“Gets na po ba? O sige po, mas klaruhin ko pa po ha? Ibig sabihin po ng ‘2M slashed off’ ay ‘2M po ang binawas.’ HINDI PO ‘2M nalang ang halaga.

 

 

“Sana okay na po at na-gets niyo na po. Tinagalog ko narin po para mas maintindihan po.

 

 

“Maraming salamat po! – C”

(REGGEE BONOAN)

DepEd, naglaan ng P1-B na pondo para sa expansion phase ng limited F2F classes

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ng humigit-kumulang isang bilyong piso ang Department of Education (DepEd) bilang support funds para sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

 

 

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones na ito ay bilang paghahanda ng kagawaran para sa mas dumarami pang mga paaralan na nakatakdang lumahok sa progressive expansion ng limitadong face-to-face classes sa bansa.

 

 

Iniulat naman ni Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na ang kagawaran ay naghanda ng pondo para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa pagpapatupad ng safety measures laban sa COVID-19 sa mga paaralan at makapagbigay ng mga learning materirals para sa blended learning ng mga mag-aaral.

 

 

Ang naturang budget ay ipammahagi sa lahat ng mga public schools na maaaring gamitin para magkaroon ng mga telebisyon, speakers, at laptop ang mga silid-aralan para suportahan ang blended learning ng naturang expansion phase ng isinasagawang in-person classes sa bansa.

 

 

Samantala, muli namang binigyang-diin ni Secretary Briones na hindi ibig sabihin ng programang progressive face-to-face classes ng kagawaran ay iiwanan na aniya ang konsepto ng blended learning.

 

 

Magugunita na noong Marso 1 ay iniulat ng DepEd na mayroong 4,295 na paaralan sa 6,213 na mga eskwelahan ang nagpapatupad na ng limitadong face-to-face classes sa buong bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

P200 monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya, aprubado na

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o “ayuda” para sa mga mahihirap na pamilyang filipino para sa buong taon para pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekumendasyon ng Department of Finance (DOF) kaugnay na rin ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

“Inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekomendasyon ng DOF kaugnay sa pagtaas ng fuel price,” ayon kay Andanar.

 

 

“Una, ang pag-retain ng fuel excise taxes na ini-impose ng TRAIN [Tax Reform for Acceleration and Inclusion] Law dahil ang pagsuspende nito ay magre-reduce ng government revenue ng P105.9 billion na magpopondo sa mga programa ng pamahalaan. At pangalawa, ang pagbibigay ng targeted subsidies ng P200 bawat household to the bottom 50% of Filipino households,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna nang inirekumenda ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Duterte na ibasura ang panukalang suspindehin ang implementasyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN law.

 

 

Sa Talk to the People na inere ngayong Miyerkules, sinabi ni Dominguez na imbes na suspindehin, maglalaan na lamang ng P200 kada buwan sa bawat pamilya sa loob ng isang taon para sa mga Pinoy na nasa bottom 50 porsiyento ng populasyon.

 

 

Idinagdag ni Dominguez na maglalaan ng P33.1 bilyon para pondohan ang ayuda para sa mahihirap.

 

 

Matatandaang, nanawagan ang iba’t ibang grupo kay Pangulong Duterte para ipatigil ang implementasyon ng excise tax sa harap ng pagtaas ng presyo ng langis.

Blinken nagpaabot ng pakikiramay sa 2 napatay na journalist ng Fox News

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pakikiramay si US Secretary of State Antony Blinken sa pagkasawi ng dalawang journalist ng FOX News.

 

 

Napatay ang 55-anyos Irish national na si Pierre Zakrzewski at 24-anyos Ukrainian na si Oleksandra Kuvshinova ng paulanan ng mga Russian forces ang sasakyan nila sa labas ng Kyiv.

 

 

Sinabi ni Blinken na nagpapasalamat siya sa mga sumusugal ng kanilang buhay sa nagaganap na kaguluhan sa Ukraine.

 

 

Mariing kinondina rin ng US ang anumang nangyayaring karahasan sa Russia.

 

 

Nauna rito ay napatay din ang journalist at war zone veteran na si Brent Renaud matapos na mabaril ng sundalo ng Russia sa isang checkpoint sa Irpin.

5 hanggang 6M doses ang ituturok ngayong Marso

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumababa na ang vaccination numbers sa bansa.

 

 

Sa katunayan, 5 hanggang 6 na milyon na COVID-19 vaccine doses na lamang ang ituturok ngayong Marso.

 

 

Iniulat ni Galvez sa Chief Executive ang patuloy na pagbaba ng vaccination rate simula pa noong Nobyembre 2021.

 

 

“Nakita po natin noong unang mga panahon meron po tayong mga supply issue, sa ngayon naman po nakita po natin nagsisimula tayong magkaroon ng demand issue dahil gumaganda na po ang kalagayan ng Pilipinas meaning nagiging complacent yung mga kasamahan natin sa pagpapabakuna,”ayon kay Galvez.

 

 

“Nakita natin since February our output decreased by more than 50% and this month we might only achieve five to six million doses administered,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya, mayroong patuloy na pagbaba ng daily vaccination output bunsod ng mababang turn-out sa pagtuturok ng booster shots sa kabila ng mataas na porsiyento ng vaccine willingness na 80%.

 

 

“We have to highly encourage our government workers and economic frontliners to get boosted. Second, mag-provide po tayo ng possible incentives for people with boosters. Lastly, maybe ang nire-recommend po ng ating mga business sector that boosters may be a requirement for travel and entering establishments,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer na ang kabuuang 139.06 million COVID-19 vaccine doses ay naiturok na habang 64,660,228 Filipino ang fully vaccinated.

 

 

Mayroon namang good turn-out ang pediatric vaccination na mayroong 8,766,899 fully vaccinated para sa mga may edad na 12 hanggang 17 taong gulang at 1,233,017 first dose ang naiturok para sa 5 hanggang 11 taong gulang.

 

 

Samantala, nabigo naman ang pamahalaan na mapagtagumpayan ang target nito mabakunahan ang 1.8 milyon pang mga Filipino sa panahon ng fourth wave ng “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination drive.

 

 

“At least 1,400,889 COVID-19 vaccine doses were administered which 75% of the 1.8 million target in the fourth wave of the national vaccination drive,” ayon kay Galvez.

Price rollback, posible sa susunod na linggo-Cusi

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng price rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

 

 

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bunga di umano ng mga pinakabagong pangyayari sa Ukraine, Russia, at China.

 

 

Sinabi ni Cusi na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo kung patuloy din na bababa ang presyo ng krudo sa world market.

 

 

“Next week po, inaasahan nating bumaba ang presyo ng petrolyo kung tuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo sa merkado,” ayon kay Cusi.

 

 

“Dalawang bagay ang nakapagpababa. Ang isa po is the lockdown in China because of COVID and ang projection ng lower demand for oil by China. Itong dalawang araw na tuloy-tuloy na pag-uusap between Russia and Ukraine, medyo na-temper din po ‘yung demand for oil,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya, sa nangyayaring pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, umabot na sa P90.39 kada litro ang gasolina; P84.76 sa diesel, at P84.17 sa kerosene.

 

 

Matatandaang, noong nakaraang linggo, pumalo na sa $150 per barrel ang krudo sa world market. Subalit, ngayong linggo, naglalaro ito sa $100 level.

 

 

Sinabi pa ng Kalihim, sa kanyang pagtataya ay posibleng P5 per liter ang matapyas sa presyo ng gasolina at P12 sa diesel sa susunod na linggo.

 

 

Sa kabilang dako, siniguro naman ni Cusi na sapat ang suplay ng krudo sa Pilipinas sa kabila ng nangyayaring krisis sa Ukraine at Russia.

 

 

“Sinigurado natin ang supply. Nakipag-usap tayo sa lahat ng mga industry players ng assurance sa supply. Tayo naman sa ngayon, meron pong sufficient supply,” ayon kay Cusi.

 

 

Binanggit din ni Cusi ang iba pang posibleng maging daan para bumaba ang presyo ng krudo sa world market.

 

 

“Bababa lang po ang presyo ng langis kung magkakaroon ng increase ng supply sa pamamagitan ng pag-alis ng sanction sa Venezuela, Iran, at Syria,” ani Cusi.

 

 

“Nakakapagbigay po ito ng mahigit isang milyong barrel a day kung maaalis maaalis ‘yung sanction. Then kung bababa ‘yung decrease ng demand at kung magkakaroon ng ceasefire sa Russia,” ayon kay Cusi.

 

 

At para matapyasan aniya ang epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, iminungkahi ni Cusi ang short-term solution ng DOE gaya ng pagpapatupad ng P1 hanggang P4 promotional discounts sa oil companies, paglalaan ng P1.1 billion fuel discounts sa mga magsasaka at mangingisda, at pagpapatupad ng Pantawid Pasada program.

 

 

Samantala, ang magiging long-term solution naman umano ang pag-amyenda ng Kongreso sa Oil Deregulation law at TRAIN law. (Daris Jose)

Courteney Cox Reveals When ’Scream 6’ Is Set To Begin Filming

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

COURTENEY Cox has revealed when Scream 6 is planned to begin filming.

 

 

The actress recently returned to her iconic role as Gale Weathers with the debut of the 2022 iteration of Scream, which premiered earlier this year in January. Cox has appeared as Weathers in every installment of the franchise and is apparently already gearing up for the next one as well.

 

 

2022’s Scream dusted off Wes Craven’s beloved franchise in a big way. Passing the baton from the late Craven (who passed away in 2015) to Ready or Not filmmakers, Matt Bettinelli-Olpin and Tyler Gillett, the latest film brought the Ghostface killer back to Woodsboro. In classic Scream fashion, the film was a careful dissection of horror genre tropes – in this case, taking particular aim at the Force Awakens-esque legacyquel.

 

 

Scream ultimately proved to be a massive hit at the box office, actually putting up a commendable fight against box office juggernaut Spider-Man: No Way Home.

 

 

The huge success of the latest installment in the Scream franchise has made a sixth film inevitable. That said, it seems that the arrival of the next film in the series may come fairly soon.

 

 

In fact, during an appearance on the Just For Variety podcast (via Cinemablend), Cox opened up and confirmed that she already has the script and expects to film in June. She explained: “I got the script yesterday. I haven’t read it yet, I just got it. … I’m excited to read it, and I know they’re gonna start filming I think in June, in Canada. I don’t know if I’m supposed to say anything. Let me tell you the killer!

 

 

So, audiences can rest easy knowing that the story for Scream 6 has already been written and delivered to the actors. As of right now, the sequel is set to begin filming in Canada this summer, which (barring unforeseen delays in production) makes a 2023 release window possible. While it is now confirmed that Cox will be returning to the Scream universe when she goes on set in June, it is still unclear if Neve Campbell’s Sydney Prescott will return to join Gale Weathers on the next adventure.

 

 

A quick turnaround on Scream 6 makes quite a bit of sense from a business perspective. The latest film came over a decade after the release of Scream 4 and capitalized on audience nostalgia for that particular brand of horror. Now that the iron is hot, the creative team behind the next film can strike quickly and hopefully continue that success. For now, audiences will just have to hope that Campbell also comes back as Sydney, and that these two legacy Scream heroes survive the next film. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)