MAY 10.7 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa non-commissioned survey na ginawa noong Disyembre 12-16, 2021 sa may 1,440 respondents, 43 percent ng pamilyang Pinoy ay nagsabing sila ay mahirap, 39% ang nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap, 19% naman ang nagsabing sila ay hindi mahirap.
Ang latest rate percentage na 43% ay mas mababa sa 45% noong September 2021.
Dahil dito, bumaba sa 10.7 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap sa huling quarter ng 2021 na mas mababa sa 11.4 milyon noong third quarter ng 2021.
Ayon sa SWS, kung ikukumpara sa September 2021, ang self-rated poor ay mula sa Mindanao (58%) mula sa dating 43%, Metro Manila (34%) na dating 25%. Bahagyang tumaas sa Visayas mula 54% naging 59%, at sa Balance