MAS lalo pa yatang na-inspire magtrabaho si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kahit sunud-sunod ang dumarating na work sa kanya.
Bukod kasi sa pagti-taping niya ng daily show niya sa GMA Network, ang high-rating na “Family Feud Philippines,” hands-on pa rin siya sa kanyang delivery business na “Dingdong PH.”
Sa Instagram post ni Dingdong: “Soon, you can have your passports delivered by Hatid Dingdong and be assured your passport arrives in a safe, courteous and reliable manner.”
Last Monday, March 21, 2022, Doorbell Technologies, the Department of Foreign Affairs and APO Production Unit Inc. formalized their partnership which adds Dingdong PH as the DFA’s newest delivery solutions provided. When the partnership takes effect, you may now choose Dingdong PH as your preferred delivery service in DFA’s ePassport Online Appointment System.
Tamang-tama siguro ito dahil back to normal na ang travels abroad at kitang-kita ito sa dami ng mga nakapila sa DFA para sa pagri-renew at pag-aayos ng kanilang mga passport.
Kaya naman very supportive ang misis niya, si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at nag-comment siya ng ‘galing! Kaka-proud!!!’ Sagot naman ni Dingdong: “@marianrivera mission possible.”
***
NGAYONG tapos na si award-winning director-actress Gina Alajar sa lock-in taping niya ng “Prima Donnas, Season 2,” tumanggap na siya ng offer na muling umarte naman.
And this time, muli niyang itsa-challenge ang sarili niya sa pagganap ng isang mabait na lola na tutulong sa kanyang mabait na apo sa Philippine adaptation ng hit Korean drama na “Start-Up.”
Sa interview ni Nelson Canlas sa “24 Oras,” inamin niyang tiyak na maninibago siya sa bagong character na ginagampanan.
“Yes, that would be the challenge because doing villain roles for so long, of course my facial muscles are different, because I always frown, always angry, always irritating,” natatawang pahayag ni Ms. Gina.
“So ngayon, kailangan ko namang i-exercise ang facial muscles ko para magmukha akong mabait.”
Kung matatandaan, ang huling GMA afternoon prime na ginawa ni Ms. Gina ay ang “Nagbabagang Luha” kasama sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz na talaga namang ubod ng sungit ang kanyang character. Pagkatapos ng nabanggit afternoon prime drama, balik-directing na siya sa season 2 ng “Prima Donnas.”
Ngayong tapos na ang lock-in taping ng top afternoon prime series, libre na muling umarte si Ms. Gina.
Ang primetime series ay first team-up nina Alden Richards at Bea Alonzo sa GMA, makakasama nila sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Royce Cabrera, Kim Domingo at Boy Quizon.
Ang serye ay ididirek ni Jerry Sineneng.
***
HINDI makapaniwala si Kapuso actress Glaiza de Castro nang malaman niyang ipalalabas na ang katatapos lamang niyang gawing bagong GMA teleserye.
Sa Instagram caption niya: “Is this real? “Is this true?” As in, sa April 25 na nga mapapanood ang “False Positive” sa GMA Network?”
Binanggit ni Glaiza na kasama niya sa serye sina Xian Lim, Herlene Budol, Buboy Villar, Rochelle Pangilinan, Dominic Roco, Luis Hontiveros, Tonton Gutierrez, and Ms. Nova Villa.
Habang naka-lock in taping sina Glaiza at ang cast ng “False Positive,” sa isang five-star hotel, isinama na niya ang husband niyang si David Rainey at biro niya ay extended honeymoon daw nila iyon since kababalik lamang nila mula sa Ireland, at pagkatapos ay nag-report na siya sa lock-in taping nila.
Naging busy rin si Glaiza afer, na mag-guest sa iba pang shows ng GMA, like “Tadhana,” “Family Feud,” at regular siyang napapanood sa GMA noontime show na “All-Out Sundays.”
(NORA V. CALDERON)