• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2022

‘Build, Build, Build’, matagumpay ba? Ni-rate ng mga Presidential bets

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING magpatuloy ang sinasabing legacy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘Build, build, build” subalit kailangan ng malawakang improvement nito.

 

 

Ito ang inihayag ng karamihan sa presidential hopefuls sa presidential debates na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), araw ng Sabado.

 

 

At nang hilingin sa mga presidential hopefuls na i-rate ang infrastructure program ng Duterte administration, sinabi ni presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang scheme ay maaari pang magiging “better and bolder,” lalo pa’t 12 lamang na proyekto mula sa 118 proyekto ang nakumpleto.

 

 

Para kay Ernesta Abella, maituturing na matagumpay ang nasabing proyekto subalit kailangan ng “push it beyond building structures.”

 

 

Pinuri naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang Build, Build, Build, subalit kailangan aniya niya itong rebisahing mabuti kabilang na ang “more housing, more schools, more hospitals, more post-harvest facility, more source of energy.”

 

 

Para naman kay Norberto Gonzales, kailangan ang masusing pagsusuri sa programa bago pa sabihing matagumpay ito.

 

 

Sinabi naman ni Vice President Leni Robredo na ipagpapatuloy niya ang inisyatiba, manghihiram o mangungutang siya ng pera para makompleto ang mga nasabing proyekto.

 

 

Bibigyang diin naman niya ang Public-Private Partnership sa halip na Official Development Assistance.

 

 

Gagamitin naman ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang “personal efforts” para makapagbigay ng pabahay sa mas maraming Filipino, at mas makabubuti aniya ang Build Build Build kung mas mapakikinabangan ito sa Mindanao.

 

 

Sinabi naman ni Jose Montemayor, dapat lamang na ipagpatuloy ang programa dahil sa umiiral na kontrata nito subalit kailangan na tiyakin ng pamahalaan na malayo ito sa korapsyon.

 

 

Kailangan naman ayon kay Faisal Mangondato na ang “rightful recipients” ang makinabang sa Build, Build, Build.

 

 

Sinabi naman ni Labor leader Leody de Guzman na ang pondo para sa imprastraktura ay magamit din sa iba pang usapin gaya ng kagutuman at kahirapan lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

“Na-resolve sana ang unemployment at kahirapan. Madami nga tayong expressway at tulay, pero madaming gutom na mamamayan. Walang kwentang gobyerno. Yung basic na pangangailangan ng mamamayan ay hindi natugunan. Ang pagtingin ko sa Build, Build, Build, binaon tayo sa utang,” ayon kay de Guzman.   (Daris Jose)

Magpapainit ngayong Summer dahil sa sexy photos… JERIC, mas inspired ngayon sa career dahil kay RABIYA

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang tatlong bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan na sobrang ini-enjoy ni Elijah Alejo ang kanyang pagiging kontrabida nito sa kanila.

 

 

Kahit na raw tatlo sila na pinagtutulungan ang character ni Elijah na si Brianna, kayang-kaya raw sila nito at all-out daw kung magkontrabida ito sa kanila.

 

 

Sey ng Kapuso teen kontrabida: “Ini-enjoy ko lang po ang role ko. Kasi sabi ni Direk Gina (Alajar), ibigay ko ang lahat as Brianna. Don’t hold back. Kaya iyon po ang ginagawa ko. Lahat ng puwede kong masabi at magawa sa kanila, nagugulat na lang sila. Pero sa totoong buhay po, magkakaibigan po kami. May bonding time kami at hindi nawawala ‘yung kuwentuhan namin. Three months po kaming nag-lock-in taping kaya ang dami naming nalaman pa sa isa’t isa.”

 

 

Kaya noong maisip ni Elijah ang gumawa sila ng prank video, tinuloy daw niya ito para may magawa lang silang kakaiba sa set.

 

 

“Naisip ko lang po iyon habang nakahiga ako. Kinausap ko si Jillian at si Direk Gina. Pumayag naman po sila. Kaya tinuloy namin kahit kinakabahan kami ni Jillian. Si Jillian pa ang nagsabi na paiyakin ko siya. Si Direk Gina naman ang nag-suggest na sabihin ko yung ‘porke’t Jillian Ward ka’ Kaya lahat sa set natulala sa amin kasi biglang nangyari iyon. Pero noong dumating na si Ms. Redgyn (Alba), doon na namin sinabi na prank yun. Nagtawanan na lang po kaming lahat.”

 

 

Nagkaisa nga sina Jillian, Sofia at Althea na si Elijah ang pinakabaliw sa kanilang apat sa Prima Donnas.

 

 

***

 

 

MAS inspired daw ngayon si Jeric Gonzales sa kanyang career dahil sa inspirasyon niya na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

 

 

After na gawing Instagram official ang two-month relationship nila, gusto ni Jeric na matanggap siya ng mga sumusuporta kay Rabiya. Hindi rin daw siya makikialam sa mga gagawing trabaho ng girlfriend basta suportahan din daw siya sa mga gagawin niya.

 

 

This year ay sunud-sunod kasi ang mga ginagawa ni Jeric. Mag-launch ito ng kanyang single under GMA Music na “Hihintayin Kita”, kasali sa 41st Oporto International Film Festival in Portugal ang pinagbibidahan niyang pelikula na Broken Blooms at nasa cast siya ng inaabangan na primetime teleserye ng GMA na The Start-Up kasama sina Alden Richards, Bea Alonzo at Yasmien Kurdi.

 

 

“Masaya ako na sunud-sunod ang mga ginagawa natin for 2022. Ever since naman, kahit na noong magka-pandemic, hindi naman tumigil ang trabaho. Tuloy lang yung blessings. Kaya lahat ng puwede kong gawin ngayon, binibigay ko ang 100 percent focus at dedication ko.

 

 

“Sa personal naman, alam ko namang nandiyan lang si Rabiya. Siya pa ang nagsasabi sa akin na mas galingan ko pa. Gusto kong balansehin lahat, eh. Maging successful sa career at sa lovelife,” ngiti pa niya.

 

 

Ngayon at summer na, may mga lalabas din daw na bagong sexy at mapangahas na photos si Jeric para sa ini-endorse na underwear brand.

(RUEL J. MENDOZA)

Pasahe sa rail lines di tataas; Pamimigay ng fuel subsidy may problema

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN diin ng Department of Transportation (DOTr) na walang mangyayaring pagtaas ng pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 2) at Philippine National Railways (PNR).

 

 

 

Ito ang binigay na kasiguraduhan ni undersecretary for railways Timothy Batan sa nakaraang Lagang Handa media briefing na ayon sa kanya ay siyang pinagutos ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

 

“It has been made certain in the order of Sec. Tugade to the railways sector that no fare hike will be considered,” wika ni Batan.

 

 

 

Kung kayat mananatili sa dati pa rin ang pamasahe sa MRT 3, LRT 1 at LRT 2 at PNR.

 

 

 

Samantala, iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Budget and Management (DBM) na ibigay na ang pondo para sa rollout ng tulong pangkabuhayan sa sektor ng transportasyon.

 

 

 

Ayon sa LTFRB, ang kanilang Service Contracting Program (SCP) na siyang isa sa pangunahing tulong ng pamahalaan para sa tumataas ng presyo ng krudo kasama rin ang binibigay na fuel subsidy ang siyang makakatulong kahit paano upang mabawasan ang mabigat na problema ng mga drivers at operators dahil sa restrictive cost ng diesel at gas.

 

 

 

Sa ilalim na nasabing programa, ang mga operators at drivers ay magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero at sila naman ay bibigyan ng compensation ng pamahalaan kada linggo. Ang pamahalaan din ang bahala sa mga gastusin sa gasolina, disinfection, monthly amortization at iba pang overhead na gastos.

 

 

 

“That’s why we are pleading to the DBM to release the funds for this. They have committed to releasing the funds within seven days from the receipt of our submitted documents, which the LTFRB submitted last February but has yet to be approved,” sabi ng LTFRB.

 

 

 

Dagdag pa ng LTFRB na ang tulong na P6,500 fuel subsidy at ang mabilis na pagbibigay ng SCP ay malaki ang maitutulong kung kayat ang LTFRB ay umaasang mabibigay na ang pondo sa lalong madaling panahon.

 

 

 

Nagkakaron naman ng problema ang pamimigay ng fuel subsidy na P6,500 sa ibang mga operators at drivers dahil ang ibang units ay inaalis na sa listahan sapagkat ang mga units na nakarehistro sa dating operator ay binenta na ang nasabing unit sa ibang operator. Ito ay ayon sa national president ng Fejodap.

 

 

 

Nakararanas din ang mga meyembro ng Piston ng tulad ng sa Fejodap kung saan sila ay nahihirapan na kunin ang kanilang fuel subsidy.

 

 

 

“The claiming is very difficult because the LTFRB does not recognize the agreement in the deed of sale. For example, I sold my unit, which means my authority should be transferred to the new owner,” wika ni national president ng Piston Mody Floranda.

 

 

 

Ayon kay Floranda, ang nasabing issue ay naresolba na ng nakaraang hearing sa House of Representatives subalit and LTFRB at DOTr ay wala pang aksyon na ginagawa tungkol dito.

 

 

 

“Dirvers need to pass through needle eyes just to claim their subsidy. So, our question is, what happens to the allotted budget for the sold PUJ unit?” dagdag ni Floranda.

 

 

 

Habang ang iba naman miyembro ng Piston, Pasang Masda at Fejodap ay nakakuha na ng kanilang fuel subsidy. Ganon pa man, humihingi sila ng tulong sa pamahalaan na bigyan pansin ang nasabing problema.

 

 

 

Ang mga operators naman ng mga UV Express, taxi drivers, shuttle service, tourist service at app-based transport services ay makukuha nila ang kanilang fuel subsidy sa linggong ito.

 

 

 

May ibang mga tricycle drivers naman na nasa ilalim ng lokal na pamahalaan subalit kasama sa LTFRB fuel subsidy ang hindi pa nakatatangap sapagkat hindi pa nagbibigay ng buong listahan ang DILG at DTI.  LASACMAR

Desisyon sa minimum wage hike, malalaman bago Mayo

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG  bago pa pumasok ang buwan ng Mayo ay maglalabas na ng desisyon sa mga petisyon hinggil sa hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.

 

 

“Kumikilos na ang mga regional wage board… Nagbigay na tayo ng gabay sa kanila at may utos na rin si Secretary Bello na pabilisin ang proseso,” ani  DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.

 

 

“Bago ang Mayo, malalaman na ang desisyon kaugnay sa wage increase petitions” dagdag pa ni Tutay.

 

 

Ang Labor unions alliance Unity for Wage Increase Now! ay nagsagawa ng rally sa National Capital Region Wage Board office upang igiit ang pag-apruba sa kanilang petisyon na maitaas sa P750 ang minimum wage.

 

 

Samantala, ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay umapela ng karagdagang P470 kada araw sa minimum wage sa NCR upang umabot ito sa P1,007.

 

 

Una nang iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards na repasuhin ang minimum wages sa buong bansa.

 

 

Sinabi ni Bello na hindi sasapat ang P537 daily minimum wage sa NCR para sa mga gastusin sa pagkain, at bayarin sa kuryente at tubig.

 

 

Suportado naman ng Malakanyang ang naging pasiya ni Bello na repasuhin ang minimum wage.

Naospital dahil sa blood clot sa utak… JUSTIN BIEBER, nagbigay na ng update sa health ng asawa na si HAILEY

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng update si Justin Bieber tungkol sa kalusugan ng kanyang misis na si Hailey Bieber pagkatapos itong madala sa ospital noong magkaroon ito ng blood clot sa utak.

 

 

Inamin ni Bieber na natakot daw siya dahil wala naman daw siyang naramdaman na kakaiba sa kinikilos ni Hailey noong magkasama sila noong umagang iyon. Doon niya na-realize na wala tayong kontrol sa mga puwedeng mangyari.

 

 

Ayon sa Canadian pop star: “It’s kind of crazy how life randomly throws you curveballs. You can’t really control much. Most of you probably know or have seen the news about my wife… but she’s okay, she’s good, she’s strong. It’s been scary, you know, it’s been really scary. But I know for a fact that God has her in the palms of his hands, and that’s a good thing.”

 

 

Sa isang ospital sa Palm Springs, California nadala si Hailey pagkatapos itong makaramdam ng stroke-like syndrome.

 

 

Kuwento ni Mrs. Bieber sa kanyang Instagram Stories: “On Thursday morning, I was sitting at breakfast with my husband when I started having stroke like symptoms and was taken to the hospital. They found I had suffered a very small blood clot to my brain, which caused a small lack of oxygen, but my body had passed it on its own and I recovered completely within a few hours. Although this was definitely one of the scariest moments I’ve ever been through, I’m home now and doing well, and I’m so grateful and thankful to all the amazing doctors and nurses who took care of me! Thank you to everyone who has reached out with well wishes and concern, and for all the support and love.”

 

 

Ayon sa medical report ni Hailey, ang naranasan daw nito ay sakit “for much older people”. Hailey is only 25 years old.

Mukhang open na pag-usapan ang lovelife… JULIE ANNE, inamin na matagal sa silang close ni RAYVER at comfortable kasama

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG open na si Kapuso Limitless Actress Julie Anne San Jose, na pag-usapan ang tungkol sa lovelife.

 

 

         Yesterday, sa noontime show ng GMA-7 na “All-Out Sundays,” na summer vacation na ang topic, naitanong ni Alden Richards sa mga kasama niyang sina Julie Anne, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez at Barbie Forteza, kung enjoy ba silang mag-beach kapag summer?

 

 

        Sagot ni Jasmine, looking forward siya, si Barbie, ngayon daw pwede nang mag-beach muli, tiyak na isa yun sa gagawin niya at si Julie, “siyempre, enjoy kapag kasama mo ang family mo at love one,” kaya biniro siya ng mga kasama na ikinatawa nito.

 

 

            Matagal nang napapansin ng mga fans ni Julie na medyo open na raw itong magsalita tungkol sa love, lalo pa kung kasama nito si Kapuso actor Rayver Cruz, kapag gumagawa sila ng TikTok videos, na ang latest, they are seen dancing to the tune of Backstreet Boys’ hit song na “As Long As You Love Me” na siyempre pa ang nagtuturo sa kanya ay si Rayver.  Bakas ang saya sa dalawa habang sumasayaw at hindi na maitago ang closeness nila sa isa’t isa.

 

 

            “We’ve always been close po  naman ni Rayver, best friends kami niyan,” sabi ni Julie.

 

 

          “Matagal na po, since pa nang mag-co host kami sa “The Clash,” for three years na.   Isa po talaga si Rayver sa mga taong napagkukuwentuhan ko ng anuman meron sa akin, kung ano iyong problema ko, ang mga pinagdadaanan ko, like matters of the heart, family.

 

 

         “Comfortable po ako na kasama siya, kasi mabuti siyang tao, very thoughtful.”

 

 

            Sayang nga lamang at ilang Sundays nang hindi nagkakasama ang dalawa sa “All-Out Sundays,” dahil naka-lock-in taping si Rayver ng sports-serye na “Bolera” ng GMA, na pinagsasa-mahan nila nina Kylie Padilla at Jak Roberto.

 

 

***

 

 

            KUNG excited na ang mga netizens na muling makitang mag-host si Dingdong Dantes ng world’s favorite game show na “Family Feud,” ganoon din ang feeling ni Kapuso Primetime King, dahil hindi niya nalilimutang minsan din siyang nag-pitch-in nito noong 2009 sa host na si Richard Gomez.

 

 

            “Nakamarka na kasi sa akin iyon.  Isa ito sa longest-running game shows in the world, at ngayong gawing local version para sa Pinoy viewers ay tiyak na makaka-relate sila.  At kahit na sabihin natin na ako yung host o game master, eh, naglalaro rin kasi ako.  Sobrang saya kasi, kaya hindi ako makapigil na makisama sa laro;”

 

 

           Sinu-sino kaya ang bubuo sa dalawang families na maglalaro ngayong hapon, na ang winning team ay tatanggap ng P 100,000 plus another P 100,000 kung sila pa rin ang mananalo sa jackpot round.  Ang losing team naman ay mag-uuwi ng P 50,000.

 

 

       Ang mga viewers  naman ay pwedeng manalo ng cash prizes habang nanonood sila sa kani-kanilang tahanan.  Panoorin lamang kung paano sila mananalo sa “Guess To Win” promo.

 

 

       Ang “Family Feud” ay mapapanood simula ngayong Monday hanggang Fridays, 5:45 PM bago ang “24 Oras” sa GMA-7 at abroad sa GMA PinoyTV.

 

 

              ***

 

 

    PANSALAMANTALANG iniwanan si Kapuso actor-comedian Buboy Villar ng bunso niyang anak, ang 2-year old son niyang si George Michael.

 

 

         Malungkot man, hindi nagpahalata sa anak si Buboy nang ihatid na niya sa airport last March 14.  Ihahatid si George sa mommy niyang Angielyn Gorens at magkikita na sila muli ng older sister niya, ang 4-year old na si Vlanz.

 

 

         Kailangan daw pumunta ng US si George para mag-appear doon since he was born in the US, two years ago.  Pero babalik din si George at muli silang magkakasama ni Buboy.

 

 

              Three years ago nang maghiwalay sina Buboy at Angielyn pero hindi naputol ang relasyon nila dahil nga sa mga anak nila.  At naging mabuti namang ama si Buboy na hindi tumitigil sa pagtatrabaho para sa kanilang mga anak ni Angielyn.

      (NORA CALDERON)      

ILANG BATAS SA COMELEC, SUSURIIN

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUSURIIN  ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang mga batas sa halalan sa withdrawal bilang batayan para sa pagpapalit ng kandidato, pagkatapos ng Mayo 2022 na botohan.

 

 

“Isa sa mga dapat nating ma-review din, after this election, dapat ma-review din natin ‘yung tungkol sa nuisance, ‘yung tungkol sa substitution, ‘yung tungkol sa withdrawal, et cetera,” ayon kay Comelec commissioner George Garcia sa media briefing

 

 

Aniya, dati nang nirepaso ng Comelec ang nakabinbing panukalang batas sa Senado na naglalayong amyendahan ang pagpapalit ng mga kandidato sakaling mag-withdraw.

 

 

“‘Yung iba sinasabi naabuso raw ang withdrawal, sinasabi dapat hindi pinapayagan ang withdrawal na may substitution, lalo’t parang pinaasa mo ang tao,”

 

 

Inihalimbawa ni Garcia ang nangyari kina General Parlade at sa iba pa na magandang pag-aralan kung talagang  naabuso ang withdrawal upang sa gayun ay malaman ng poll body kung ano ang posisyon nito na planong isumite sa Kongreso.

 

 

Gayunman, ipinunto ni Garcia na ipapatupad ng Comelec ang batas na ipinasa ng Kongreso

 

 

Sa huling pagsusuri ang Kongreso ang may pinal na masasabi  kung ano talaga ang dapat na batas na kailangang gawin at ipatupad. GENE ADSUARA

NAVOTAS NAGBIGAY NG P1.5M AYUDA SA ‘ODETTE’ SURVIVORS

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng tulong cash aid ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa limang local government units na lubhang naapektuhan ng Bagyong Odette.

 

 

Sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Office, nagbigay ang Navotas ng kabuuang P1.5 milyon sa local na mga opisyal ng Dapa, Surigao Del Norte; Ilog, Negros Occidental; Gingoog, Misamis Oriental; at mga probinsya ng Dinagat Islands at Bohol.

 

 

“Although our budget and resources are also limited because of our two-year long battle with COVID-19, we are still fortunate that we have the capacity to help our fellow Filipinos in dire need of support and assistance,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“Dati, tayo ang tinutulungan dahil binabaha tayo nang matindi. Ngayon, tayo na ang tumutulong sa iba. At nagpapasalamat tayo sa bawat Navoteño dahil sa kanilang pakikiisa, mas madali nating natutugunan ang pandemya, mas nagagamit natin ang pondo ng bayan di lang sa pagpaaangat ng buhay sa Navotas kundi sa pagtulong din sa kapwa natin Pilipinong higit na nangangailangan,” dagdag niya.

 

 

Hinagupit ng Bagyong Odette ang Pilipinas noong December 2021 at sinalanta ang maraming lugar sa Visayas at Mindanao.

 

 

Noong 2014, sa pamumuno ng alkalde noon at ngayon ay representative ng Navotas na si John Rey Tiangco, nagbigay din ang lungsod ng P2 milyon sa dalawang coastal municipalities sa Eastern Samar na sinalanta ng Typhoon Yolanda. (Richard Mesa)

Panibagong round ng fuel subsidy ipalalabas sa buwan ng Abril- DBM

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ipamahagi ng pamahalaan ang panibagong round ng subsidiya para sa public transport drivers at delivery riders, at diskwento para sa agriculture sector sa darating na Abril.

 

 

Isa pang P2.5 bilyong piso ang inilaan para sa subsidiya para sa public utility vehicle (PUV) drivers at P600 milyong piso naman para sa agriculture sector.

 

 

“To help them cope with the rising prices of petroleum products,” ayon kay Acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda.

 

 

“Mayroon pa silang inaasahan next month,” ayon kay Canda.

 

 

Ngayong buwan, mamamahagi ang gobyerno ng first tranche ng susidiya.

 

 

Mahigit sa 377,000 public utility vehicle drivers ang inaasahan na makatatanggap ng P6,500 bawat isa habang sa agriculture sector naman ay makatatanggap ng P3,000 bawat isa.

 

 

Tumanggi naman si Canda na magbigay ng timeline sa pamamahagi ng P200 monthly subsidy para sa mahihirap na pamilya subalit tiniyak na maibibigay ang nasabing financial assistance.

 

 

“Maaaring ibigay ng April or May, depende kasi sa certification ng [Bureau of the] Treasury,” anito.

 

 

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ng finance department na magbigay ng P200 monthly subsidy sa “bottom 50 percent of all Filipino households” para sa taong kasalukuyan sa halip na suspendihin ang fuel excise taxes sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Sinabi ni Canda na ang P33.1 billion na inilaan para sa cash aid ay manggagaling mula sa unprogrammed appropriations sa ilalim ng national budget.

 

 

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mamamahala sa distribusyon ng subsidiya.

 

 

“Ang hindi ko lang alam [ay] kung papano ito madi-distribute ng DSWD, kung gagawin ba ito quarterly o initial na bigay medyo malaki,” ani Canda.

 

 

“Matrabaho naman kasi kung every month naglalabas ang DSWD ng P200. So baka lump sum nang lump sum ang gagawin nila,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matapos ang 11 consecutive weeks ng oil price hikes, magpapatupad ang local industry ng rollback sa paparating na linggo, kauna-unahan para sa taong 2022.

 

 

Sa pagtaya ng industriya, “oil companies may lower their prices of diesel by P11 to P11.70 per liter, gasoline by P6 to P6.20 per liter, and kerosene by P8.70 to P8.80 per liter.” (Daris Jose)

Informal workers hindi kasama sa panukalang subsidiya ng pamahalaan; MSMEs, prayoridad

Posted on: March 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi raw kasama ang lahat ng minimum wage earners sa P24 billion na panukalang subsidiya ng labor department.

 

 

Sinabi ni Labor Asec. Dominique Tutay, hindi raw kasama sa naturang panukala ang mga freelancers o informal sector workers.

 

 

Ang pinag-uusapan daw kasi dito ay ang mga formal sector worker dahil ito raw ang mayroong employer-employee relationship at ito ang mga bumabalik ngayon.

 

 

Dahil daw sa kanila ay muling sumisigla ang mga sektor sa paggawa habang patuloy ang pag-recover ng bansa sa epekto ng pandemic.

 

 

Dagdag ni Tutay, uunahin din umano nila ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs), dahil sila ang labis na maaakeptuhan kapag nagtaas ng minimum wage.

 

 

Natanggap na rin umano ng DOLE ang 10 wage hike petitions mula sa anim na rehiyon kasama na ang National Capital Region.

 

 

Nakatakda na raw sumailalim sa konsultasyon dito ang Labor department sa susunod na linggo.

 

 

Sa kanilang panukala, nais nilang makatanggap ng P8,000 na subsidiya ang bawat empleyado sa loob ng 3 buwan.

 

 

Inirekomenda ng department na ang pondo ay kukunin sa contigency fund ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa ngayon, pirma na lamang daw ng chief executive ang kailangan para sa kanilang panukala.

 

 

Una rito, sinabi ni Department of Finance Asec. Paola Alvarez na sa ngayon ay wala pang pondo ang pamahalaan sa naturang panukalang subsidiya.