• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 9th, 2022

Trike drivers mabibigyan din ng fuel subsidy

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY HIGIT kumulang na 1.2 million na mga drivers ng tricycle ang maaaring mabigyan ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.

 

 

Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano sa isang panayam.

 

 

Inutusan ni Ano ang mga local government units (LGUs) na magbigay ng listahan ng mga pangalan ng mga tricycle drivers at operators na magiging eligible sa nasabing programa ng fuel subsidy.

 

 

“More or less the estimate is about 1.2 million tricycle drivers. Some LGUs have already submitted their list of beneficiaries,” wika ni Ano.

 

 

Ang nasabing listahan ay ibibigay sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na silang naatasan na mamahagi ng fuel subsidy sa mga beneficiaries na naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng krudo at iba pang produktong petrolyo. Bawat isang beneficiary ay makakatangap ng one-time payment na P6,500.

 

 

Nabigyan na ng exemption ang petisyon na inihain ng LTFRB para sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga drivers at operators ng Commission on Elections (Comelec) subalit hindi pa rin maipagpatuloy ang programa sapagkat hinihintay pa ng LTFRB ang resolusyon na mangagaling sa Comelec.

 

 

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10747, ang mga ahensiya ng pamahalaan ay pinagbabawalan na mamigay ng mga cash assistance mula March 25 hanggang May 8 kung kayat naghain ng petisyon ang LTFRB para sa exemption.

 

 

Ayon sa Comelec, ang petisyon ay pinahintulutan subalit kailangan na sumailalim ang programa sa mahigpit na implementasyon.

 

 

“The LTFRB’s petition was granted but subject to strict implementation of the program as we would require the board to submit information on how the project will be implemented,” wika ni Comelec Commisisoner George Garcia.

 

 

Idiniin din ni Garcia na kailangan din malaman ng Comelec ang mga parameters ng implementasyon lalo na ang specific target beneficiaries at kung paano sila makakuha ng nasabing benipisyo.

 

 

“We also want to know the parameters of the implementation, specifically on the specific target beneficiaries and on how they intend to apply to avail themselves of the grants, among other conditions,” dagdag ni Garcia.

 

 

Ang mga nasabing kondisyon ay ilalagay sa ibibigay na resolusyon ng Comelec na inaasahang lalabas sa lalong madaling panahon.

 

 

Sinabi pa rin ni Garcia na madali ng mapapatupad ang implementasyon ng programa sa fuel subsidy basta nabigay na ang resolusyon mula sa Comelec na nagsasaad ng mga kondisyon sa implementasyon ng program.

 

 

Hinihintay na lamang ng LTFRB ang resolusyon na magmumula sa Comelec upang masimulang muli ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga PUV drivers at operators.

 

 

Habang hinihintay pa ang resolusyon, ang LTFRB naman sa ngayon ay nakikipagugnayan sa Land Bank of the Philippines (LBP) na siyang namamahagi ng cash subsidy upang tanggapin nila ang kanilang authority para madebit ito sa mga beneciaries.

 

“What we forwarded are news links of the Comelec’s announcement so that when the resolution finally gets released, the cash subsidy would only need to be credited immediately,” saad ni LTFRB executive director Cassion.

 

 

Samantala, pinuri naman nila Senators Grace Poe at Panfilo Lacson ang Comelec dahil sa desisyon nito at sa madaling aksyon na binigay ng Comelec. Hinimok naman ni Poe ang LTFRB na dapat siguraduhin na ang fuel subsidy ay talagang makakarating at maibibigay sa mga PUV drivers at operators. LASACMAR

Ads April 9, 2022

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Malakanyang, hindi sigurado kung ilalabas ni PDU30 ang drug list bago ang 2022 polls

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI sigurado ang Malakanyang kung ilalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang listahan ng narco-politicians bago pa ang May 9, 2022 national at local elections.

 

 

“On whether the Chief Executive would release a list of candidates involved in illegal drug trade, we cannot second guess the President in this regard,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang kalatas.

 

 

Matatandaang, may inilabas din na drug list ang Pangulo noong 2019 midterm elections.

 

 

Ang pahayag na ito ni Andanar ay tugon sa tanong ng mga mamamahayag kung may posibilidad na isapubliko ng Pangulo ang tinatawag nitong “narco list” na naglalaman ng mga pangalan ng mga politiko na dawit sa ilegal na droga.

 

 

Bago pa isagawa ang May 2019 midterm elections, isa-isang pinangalanan ni Pangulong Duterte ang ilang politiko na di umano’y sangkot sa illegal drug trade, layon nito na tulungan ang publiko na pumili ng tamang kandidato.

 

 

Ginawa ng Punong Ehekutibo ang hakbang na ito upang matiyak na makapipili ang mga botanteng filipino ng “competent, able, [and] honest” na kandidato noong 2019 polls.

 

 

Bagama’t hindi naman sinabi ni Andanar na gagawin ngayong taon ito ng Pangulo, sinabi ni Andanar na nagpahayag ng pagsuporta si Pangulong Duterte sa mga kandidato na suportado ang kanyang mga programa at polisiya.

 

 

“President Rodrigo Roa Duterte would surely give support to candidates he believes will continue his platform and the reforms he initiated,” ani Andanar.

 

 

Magugunitang, noong Marso 31 ay sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa siya na ang kanyang successor ay masigasig din na haharapin ang problema ng ilegal na droga sa bansa.

 

 

Nais din ng Pangulo na talakayin ang kanyang anti-narcotics drive sa susunod na Pangulo ng bansa.

 

 

Tumanggi naman ang Pangulo na mag-endorso ng kahit na sinumang presidential candidate sa nalalapit na halalan upang maiwasan ang pagdududa na gagamitin niya ang public funds para pondohan ang campaign activities ng kanyang successor. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Eddie Redmayne Answers Call of the Wild in the New ‘Fantastic Beasts’

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OSCAR Best Actor winner Eddie Redmayne returns in the epic fantasy adventureFantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” the newest adventure in the Wizarding World™ created by J.K. Rowling.

 

 

In the film, Professor Albus Dumbledore (Jude Law) knows the powerful Dark wizard Gellert Grindelwald (Mads Mikkelsen) is moving to seize control of the wizarding world.

 

 

Unable to stop him alone, he entrusts Magizoologist Newt Scamander (Eddie Redmayne) to lead an intrepid team of wizards, witches and one brave Muggle baker on a dangerous mission, where they encounter old and new beasts and clash with Grindelwald’s growing legion of followers.

 

 

But with the stakes so high, how long can Dumbledore remain on the sidelines?

 

 

“I was thrilled that we finally get to see Newt where he’s at his best and happiest—out in the wild, tracking beasts,” Eddie Redmayne states.

 

 

“One of the things I’ve always loved about Newt is the seeming anomaly between his physicality, mixed with his slight social awkwardness, and his facility and dexterity when he’s in the field.  I’d been appealing to David Yates to show more of that.”

 

 

Director David Yates attests, “Eddie is a transformative actor who loves to dive deep into every aspect of his character.  He was excited about showing Newt’s anthropological skill set, trekking through the jungle to find the beautiful, mysterious Qilin (pronounced as “chillin.”)     

 

 

We’ve never seen Newt in the wild before, and it makes for a fun way to open our journey with him in this particular story.”              

 

 

“Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” continues the series’ tradition of crossing new borders in the wizarding world.  The adventure circles the globe—from China to Great Britain, from New York to Germany, and from the Austrian Alps to Bhutan.  The movie also takes audiences back to the beloved Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry and the nearby village of Hogsmeade.

 

 

Redmayne says that the juxtaposition of the wizarding and non-magical world “has always appealed to me—this idea that alongside the world we’re living in, brushing shoulders with us through that wall, is another entire universe that is one of magic and adventure.  It ignites that sense of childlike wonder that anything could be possible.  And to see that unfold in other countries beyond the UK has been astounding.”  Warner Bros. Pictures presents a Heyday Films Production, a David Yates film, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore.”

 

 

The film opens in cinemas across the Philippines on Saturday, April 16 and distributed worldwide in select theatres and IMAX by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #SecretsOfDumbledore

 

 

(ROHN ROMULO)

GINEBRA BABALIKWAS SA GAME 2 – TENORIO

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SOBRA ang pagkadismaya ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone sa Barangay Ginebra San Miguel na tinambakan ng Meralco 104-91 sa Game 1 ng 46th Philippine Basketball Association 2021-222  Governors Cup best-of-seven Finals nitong Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.

 

 

Hindi na nakapalag ang Gin Kings sa Bolts nang matambakan ng 21 puntos sa laro kaya walang saysay ang triple-double ni Earl Scottie Thompson na 19 points, 10 rebounds at 10 assists.

 

 

Gayundin ang 20 markers at 14 boards ni Christian Standhardinger at ang iniskor na 27, kinalawit na 6 boards  at inisyung 5 feeds ni Justin Brownlee para sa crowd darling squad.

 

 

“Sabi niya, hindi ito ang team na naglaro sa past playoff games,” bulalas ni Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio sa mensahe ni Cone paglabas ng dugout ng Quezon City playing venue. “Offensively, defensively, we’re out of whack.”

 

 

Hindi nagpainterbyu sa PBA Press Corps ang Gins coach kaya si Tenorio na lang ang nagsalita para sa media.

 

 

Nagtala lang ng 31 of 81 sa gield goal ang Ginenbra, kabilang ang 10 for 34 sa 3s hambing sa mga magkukuryente na  na mayroong 42 of 81 at 11 for 21.

 

 

Pero pinangwakas na sey ni Tenorio na reresbak sila sa Game 2, Biyernes ng alas-6:00 ng gabi sa SM MOA Arena sa Pasay City. (REC)

Tumanggap ng cash na ipinapamahagi ng mga kandidato, mananagot din sa batas – Comelec

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY agad ng paglilinaw ang Commission on Elections (Comelec) sa Kontra Bigay na binuo ng komisyon kontra pa rin sa vote buying sa halalan.

 

 

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang Kontra Bigay ay hindi lamang limitado sa pamimigay. Aniya, para raw itong ‘it take two to tango’ o mananagot din sa batas hindi lamang ang namimigay kundi pati ang mga tumanggap.

 

 

Gayunman, huwag daw matakot ang mga nabigyan na mga botante na dumulog sa mga otoridad dahil puwede raw nila itong hindi sampahan ng reklamo.

 

 

Paliwanag ni Garcia, puwede raw kunin ng Comelec ang mga ito bilang state witness.

 

 

Pero ang mga lokal na opisyal lamang daw may hurisdiksiyon ang Comelec sa mga mapapatunayang bumibili ng boto.

 

 

Kapag ang posisyon ay mas mataas sa lokal tulad ng congressman pataas ay mawawalan na raw ng hurisdiksyon ang Comelec. (Daris Jose)

OFW Center, layon na ipromote ang kapakanan ng overseas workers’- PDU30

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAKATUTULONG ang paglikha ng Overseas Filipino Workers (OFW) Center sa Las Piñas City para i-promote ang karapatan at kapakanan ng ng mga overseas workers.

 

 

Dinisenyo kasi ito upang maging one-stop hub para sa mga migrant workers.

 

 

Sa isinagawang groundbreaking rites ng OFW Center sa Daang Hari, Las Piñas City, tiniyak ni Pangulong Duterte na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para masiguro ang proteksyon at kapakanan ng mga OFWs.

 

 

“The productive collaboration of the government and its partner is the key to achieving concrete results for activities that promote the welfare and the holistic development of our unsung heroes,” ayon kay Pangulong Duterte sabay sabing “In recognition of their service and heroism, this administration has remained steadfast in providing the best service it could give to our OFWs.”

 

 

Ang OFW Center ay isang 10-storey building na magsisilbing satellite offices ng mga ahensiya ng gobyerno para sa “documentation and travel needs” at legal assistance para sa OFWs.

 

 

Ang center ay proyekto ng Global Filipino Movement Foundation Inc., isang non-stock at non-profit organization na nakikipagtulungan sa Christian churches, organisasyon at indibiduwal upang magbigay ng libreng tulong sa mga overseas workers.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang Global Filipino Movement Foundation para sa inisyatiba nito na suportahan ang mga OFWs sa pamamagitan ng pagtatayo ng one-stop shop.

 

 

“[OFWs] will always play a crucial part in our country’s development, especially during times of recovery after tumultuous events such as the ongoing Covid-19 (coronavirus disease 2019) pandemic,” ayon sa Punong Ehekutibo sabay sabing “I am pleased to join my fellow workers in government, members of the private sector, and of course, our overseas Filipinos and their families as we hold the groundbreaking ceremony of the OFW Center, a hub dedicated to serving our OFWs.”

MMDA, magde-deploy ng mahigit sa 2.7K personnel para sa Mahal na Araw

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG mag-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,681 tauhan nito sa iba’t ibang pangunahing lansangan, transport hubs, at iba pang mahahalagang lugar sa National Capital Region (NCR) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Semana Santa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na ang mga tauhan na ito ay ide-deploy mula Abril 8 hanggang Abril 18.

 

 

“Majority of the traffic personnel will be assigned to roads leading to provincial bus terminals, seaports, airports, and major churches, to ensure the safety of thousands of commuters expected to travel to nearby provinces to take advantage of the long Holy Week break,” ayon kay Artes.

 

 

Nakatuon ang pansin ng mga tauhan ng MMDA ani Artes sa “entry and exit points” sa Kalakhang Maynila gaya ng North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Coastal Road, MacArthur Highway, Mindanao Avenue, at A. Bonifacio.

 

 

Ang mga traffic enforcers at iba pang personnel ay itatalaga sa madalas na binibisitang simbahan gaya ng Redemptorist Church sa Parañaque City, Sto. Domingo sa Quezon City, San Agustin sa Intramuros, at Quiapo Church sa Maynila.

 

 

At upang matiyak na sapat ang mga personnel para sa panahon na ito, idineklara ng MMDA ang “no day-off and no absent policy” para sa lahat ng kanilang traffic at field personnel lalo na sa panahon na inaasahan na mas magiging mahigpit ang vehicular traffic.

 

 

“These contingency measures are aimed to ensure a peaceful, orderly, and meaningful observance of Lent,” ayon kay Artes.

 

 

Inanunsyo rin ni Artes ang suspensyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o mas kilala bilang number coding scheme sa NCR sa panahon ng Huwebes Santo (Maundy Thursday) at Biyernes Santo (Good Friday) kapwa deklaradong holidays.

 

 

Ang deployment ayon kay Artes ay bahagi ng “Oplan Metro Alalay Semana Santa 2022” ng gobyerno kung saan kasama ang Philippine National Police NCR Police Office, at iba’t ibang local government units, traffic bureaus, at iba pang ahensiya ng gobyerno. (Daris Jose)

5 araw bago Holy Week: Simbahan, may paalala sa mga deboto sa gitna pa rin ng pandemya

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-INGAT ng simbahan ang mga mananampalataya sa mga aktibidad na gagawin kasabay nang pag-aayuno sa nalalapit na Holy Week.

 

 

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, ang Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bago pa man nagkaroon ng pandemya ay sinasabi na ng Simbahan sa mga mananampalataya na hindi naman kailangan na magpapako sa krus para lang mapatawad ang kasalanan.

 

 

Kung pagpapatawad lang naman ang kailangan, sinabi ni Fr. Jerome na sapat na ang pangungumpisal.

 

 

Maaari naman kasi aniyang gawin pa rin ang penitensya pero hindi naman ibig-sabihin nito ay kailangan ding saktan ang sarili.

 

 

Iginiit ni Fr. Jerome na sa lahat ng mga posibleng gawin para sa nalalapit na Holy Week, ang pinakamahalaga pa rin ay ang pagdarasal.

 

 

Ito ay lalo pa at nahaharap pa rin ang bansa sa banta ng Coronavirus Disease 2019, kahit pa pinayagan na ang 100 percent capacity sa mga simbahan sa ilalim ng Alert Level 1.

 

 

Kaya naman kahit ang nakaugalian nang Station of the Cross ay puwede naman gawin kahit nasa loob lang ng bahay.

 

 

Sa darating na April 10, ay papasok na ang Palm Sunday o Linggo ng Palaspas na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week/Mahal na Araw.

Pinakamahusay umarte sa magkakapatid: BRYAN, wala pang balak mag-asawa kahit may longtime girlfriend

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON na ng pagkakataon na sagutin ng Limitless Star na si Julie Anne San Jose ang isyung diumano’y ini-unfollow siya ng ex-girlfriend ni Rayver Cruz na si Janine Gutierrez sa Instagram.

 

 

Base sa sagot ni Julie, makukumpirma na may pag-unfollow nga na naganap.  At ito ay sa part ni Janine.  Sinubukan kasi naming i-check ang Instagram account ni Julie at until now, pina-follow pa rin niya si Janine.

 

 

Nang hingan ng reaksyon tungkol dito, sinabi ni Julie na, “Nagulat lang din po ako, to be honest. Pero wala naman po sa akin yun. Kasi, lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang, like, reasons. May kanya-kanya naman pong dahilan.

 

 

      “But sa end ko naman po, sa sarili ko, wala naman pong masamang tinapay sa kahit kanino. Wala po akong problem with anybody and, you know, kumbaga, wala po akong masamang loob po.

 

 

      “Everyone is entitled to their own opinion kaya kung ano man po ‘yung nangyari before, wala po yun sa akin.”

 

 

At sabi pa niya, “Basta po malinis po ang aking konsensiya, at wala, para masaya lang po lahat.”

 

 

Nakausap ng ilang entertainment press si Julie sa naging online mediacon ng Limitless: Rise na ikatlo at huli na sa kanyang musical trilogy na mapapanood online sa April 9 at 10.

 

 

Masaya si Julie, gayundin ang GMA Synergy team at si Direk Paolo Valenciano na ilang araw bago ang concert, nakatanggap na agad ng recognition ang concert sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards under the Entertainment Special: Variety Special category

 

 

At hindi man nagbigay pa ng totoong status ng relasyon na nga sa pagitan nila ni Rayver dahil puro, “siya na lang po ang tanungin niyo” sa tanong namin kung sila na nga, hindi naman na itinanggi ng Kapuso star na masayang-masaya siya ngayon.

 

 

***

 

 

HALOS lahat ng kaharap na press people ni Bryan Revilla ay uma-agree na sa mga anak ni Senator Ramon ‘Bong Revilla Jr. at Congresswoman Lani Mercado, si Bryan ang mahusay sa pag-arte.

 

 

Pero alam naman din ng lahat na si Bryan din ang parang reluctant actor. Ang tagal na ng huli niya.  At nakatatawa na parang peg nito ang kanyang namayapang lolo, ang dating Senator Ramon Revilla Sr. na 45 years old na raw nang bumalik sa pag-arte.

 

 

Meaning, it’s not too late for him sakali man at maisipan niyang seryosohin pa rin ang showbiz now na he’s 35.

 

 

Pero sa totoo, mukhang si Bryan talaga ang sa lahat yung hindi sugod lang nang sugod. Kahit kasi sa pulitika, for the longest time, gumagawa siya at isa sa staff ng Papa niya at ng Mama niya. It’s only now na si Bryan ay formal na pumapasok sa pulitika.

 

 

Siya ang unang nominado ng Agimat Partylist na ang workers, health at economic ang agenda. Na even before election, lalo na during pandemic, doon daw sila talaga mas nakatulong sa mga nangangailangan.

 

 

Single pa rin si Bryan, though may longtime girlfriend siya since college na ayon dito, non-showbiz and non-political.

 

 

Nang tanungin kung wala pang planong pakasal, “Hindi pa, hindi pa,” sey niya.

 

 

Hindi ba siya nape-pressure na magpakasal na, lalo na mula sa mga magulang niya?

 

 

     “I wouldn’t say na walang pressure, ang tanong, nagpapa-pressure ba ‘ko?  Noong una siguro, oo. But now, napaisip na lang din ako, I can’t really rush. I can’t rush these things e. 

 

 

“I think you’ll know when the right time and I don’t know kung ngayon ba ang tamang panahon for that because right now, I’m busy trying to win this election and that’s where my focused now. Let’s see after that.”

 

 

***

 

 

OBVIOUSLY, very proud at very happy ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa outcome ng pagbabalik niya bilang game master.

 

 

Mataas kasi sa ratings ang nakukuha araw-araw ng Family Feud at halatang mas ginaganahan si Dingdong dahil alam niyang inaabangan ng mga Kapuso viewers ang show.

 

 

Umabot na sa 9.6% ang rating ng show na masasabing napakataas na for its time-slot. Actually, pang primetime na nga.

 

 

Kaya super thank you naman si Dingdong sa kanyang Instagram post. At kung meron na pinaka-proud sa kanya, walang-iba kung hindi ang kanyang misis na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nag-comment sa IG post ni Dingdong na, “Hooraaaay! Congrats Dada!”

(ROSE GARCIA)