• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 13th, 2022

PDu30, gustong palitan ni Roque si Gordon sa Senado

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palitan ni dating presidential spokesperson at senatorial bet Harry Roque si reelectionist senator at Philippine Red Cross (PRC) chairperson Richard Gordon sa Senado.

 

 

“I think you should really be in the Senate…Dapat ‘yan kagaya nila Gordon, palitan mo na ‘yan,” ang tinuran ni Pangulong Duterte kay Roque sa second episode ng President’s Chatroom na in-ere ng state-run PTV-4, Linggo ng gabi.

 

 

Muling binanatan ni Pangulong Duterte si Gordon para sa ginagawa nitong imbestigasyon sa di umano’y irregular contracts ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corp. para magbigay ng medical supplies sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic noong 2020.

 

 

Aniya pa, tila “inihaw” ng ilang oras nina Gordon at ng iba pang senador ang kanyang mga Cabinet officials, sinayang ang oras na dapat sana ay nagamit sa kanilang trabaho.

 

 

“The only thing really that I was not in agreement with them was tinatawag nila, nandiyan sa umaga, in the morning, and yet the whole day nakaupo sila doon, hindi sila tinatawag at all,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Para naman kay Roque, inilarawan nito nang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee sa pangunguna ni Gordon bilang “in aid of election.”

 

 

“Wala naman silang kahit anong batas na binuo. Tapos ni hindi man lang nakakuha ng mayorya ng mga senador para pirmahan ‘yung report. So talagang wala pa pong report ‘yan ,” ayon pa rin kay Roque.

 

 

Nakahihiya rin aniya sa parte ni Gordon na gamitin ang PRC sa kanyang political advertisements.

 

 

“Nakakahiya po na tayo lang ‘yung mayroong chairman na ginagamit ‘yung Red Cross sa advertisement niya sa eleksiyon,” anito.

 

 

Sakali aniya at palarin si Roque na makaupo sa Senado ay maaari na niyang ipaalam sa International Red Cross ang tungkol sa di umano’y “misdeeds” ni Gordon.

 

 

“Kaya gusto ko nandiyan ka sa Senado. Hihingiin ko lang magsabi ka lang ng totoo. Mag-privilege speech ka lang and you just tell the truth and nothing but the truth para malaman ng tao, para malaman ng International Red Cross kung anong ginagawa nitong kumag na ‘to,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na ginamit ni Gordon ang PRC bilang kanyang “milking cow” para pondohan ang kanyang election campaign. (Daris Jose)

TRAILER OF “PAWS OF FURY” SHOWS JOURNEY OF HERO UNDERDOG

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WHEN a town of cats is in danger, an unlikely hero rises: a dog named Hank! Watch the official trailer for Paramount Pictures’ new comedy adventure Paws of Fury: The Legend of Hank, in Philippine cinemas August 10.

 

 

YouTube: https://youtu.be/bKANfMWuQNM

 

 

About Paws of Fury: The Legend of Hank

 

 

A hard-on-his-luck hound Hank (Michael Cera) finds himself in a town full of cats who need a hero to defend them from a ruthless villain’s (Ricky Gervais) evil plot to wipe their village off the map. With help from a reluctant teacher (Samuel L. Jackson) to train him, our underdog must assume the role of town samurai and team up with the villagers to save the day.

 

 

The only problem… cats hate dogs! Also starring Mel Brooks, George Takei, Aasif Mandvi, Gabriel Iglesias, Djimon Hounsou, Michelle Yeoh, Kylie Kuioka, and Cathy Shim, Paws of Fury: The Legend of Hank pounces into cinemas across the Philippines August 10.

 

 

Paws of Fury: The Legend of Hank is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Follow us on Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/ and YouTube at https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw.

 

 

Connect with #PawsofFury and tag paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

HIGH RANKING OFFICIALS, EXEMPTED SA GUN BAN

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, na ilang mataas na opisyal ng gobyerno ay exempted sa umiiral na gun ban.

 

 

Sinabi ni Comelec Chair Saidamen Pangarungan na maging ang kanilang mga security personnel ay papayagang magdala ng baril sa panahon ng gun ban  na nagsimula noong Enero 9 at magtatapos sa Hunyo 8.

 

 

“We don’t want any senior government official to get injured or lose his life from an armed assailant simply because he cannot defend himself with his own firearm due to the gun ban,” anang opisyal sa isang press briefing

 

 

Giit nito ,ang mga opisyal na ito ay kailangang maging ligtas sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, malaya sa takot at panggigipit mula sa iba.

 

 

Maliban sa  President at Vice President,  exempted din sa  gun ban ang  Chief Justice, Senate at  House of Representatives members, at lahat ng  justices ng Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals.

 

 

Kasama rin sa listahan ng exemption ang lahat ng mga hukom ng rehiyonal, munisipyo, at metropolitan na mga trial court; ang Ombudsman, Deputy Ombudsman, at mga imbestigador at tagausig ng Opisina ng Ombudsman; ang prosecutor general, chief state prosecutor, state prosecutors, at prosecutors ng Department of Justice; at opisyalat ahente ng  National Bureau of Investigation.

 

 

Ang mga cabinet secretary, undersecretary, at assistant Secretaries, lahat ng opisyal ng halalan, provincial election supervisor, at regional election directors ay may katulad na awtomatikong exemption.

 

 

Sinabi ni Pangarungan na ang pag-amyenda ay naglalayong mapabilis at pasimplehin ang pagbibigay ng exemptions sa pagbabawal sa pagdadala, pagtransport  ng mga baril o iba pang nakamamatay na armas sa mga “karapatdapat” na aplikante.

 

 

Samantala, si Pangarungan ay pinahintulutan ng Comelec en banc na magdeklara ng mga lugar sa ilalim ng kontrol ng Komisyon

 

 

“For example, there is a gun battle in Lanao del Sur. I don’t need to wait for another week to convene the Committee on the Ban of Firearms to declare it under Comelec control,” anang opisyal. (GENE ADSUARA)

Mapayapa, violence-free polls sa May 9 national at local elections

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan ang mapayapa at malinis na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

“Again, it is my commitment to the nation that the elections will be peaceful and free from violence, intimidation of voters. ‘Wag ninyo gawin iyan  because I would still be here to oversee the elections,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People.

 

 

Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan ang anumang election-related violence na mangyayari sa panahon mga nalalabing buwan ng kanyang administrasyon.

 

 

Nagbabala ang Chief Exective laban sa violent electioneering.

 

 

“Do not do it kasi I will see to it na itong eleksyon na ito ay malinis at walang dayaan, walang patayan sa panahon ko. Maghanap kayo ng ibang presidente. Huwag ninyong gawin sa akin kasi pupuntahan talaga kita,” anito sabay sabing ang mga pulitiko ay hindi dapat gumamit ng karahasan para puwersahang iboto ang mga ito sa eleksyon.

 

 

Ipinangako rin ng Punong Ehekutibo na poprotektahan niya ang pagkasagrado ng boto ng mga mamamayang Filipino.

 

 

“I have a sacred oath, and that sacred oath is not only for friends or enemies but for all Filipinos. Kaya pagdating sa election, tingin ko tabla lahat,” anito.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagiging ‘neutral” ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng halalan.

 

 

Base sa DILG memorandum na may petsang Marso 24, ang mga PNP personnel ay hindi pinapayagan na umakto bilang bodyguards ng political candidates.

 

 

Ide-deploy ang mga police officers sa identified election hotspots para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

 

 

Nauna nang inirekomenda ng PNP na ilagay sa ilalim ng red category ang 100 munisipalidad at 14 lungsod sa buong bansa para sa May 9 elections. (Daris Jose)

Inamin ng ka-loveteam na totoong nagkarelasyon sila: SETH, pinasalamatan ni ANDREA sa pagdepensa sa kanila ni RICCI

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALITA na si Andrea Brillantes sa pamamagitan ng kanyang Instagram Live sa mga isyu sa kanilang tatlo nina Seth Fedelin at Francine Diaz.

 

 

Nagpauna naman ito na binabasa niyang talaga ang statement niya para raw wala siyang makakalimutan.

 

 

Sinimulan ni Andrea sa pasasalamat kay Seth dahil sa ginawang pagdepensa sa kanya, after na tanggapin niya ang proposal ng ngayo’y boyfriend na basketball player/actor na si Ricci Rivero.

 

 

Sabi ni Andrea, “I would like to say thank you to Seth Fedelin for speaking up. Thank you, Ali kasi kahit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako pinabayaan.

 

 

      “Alam ko na this past few months, napakahirap para sa atin, para sa ating dalawa at para sa ating lahat. And I have mad respect for you dahil kinaya mo pa rin akong ipagtanggol, kahit alam ko na gustong-gusto mo na rin magsalita.”

 

 

      Inamin na rin ni Andrea na nagkaroon talaga sila ng relasyon ng ka-loveteam sa loob ng two years and three months.

 

 

Sey pa niya, “We broke-up last year, early October ‘yon. It was a painful break-up but it was a mutual decision, ‘yung paghihiwalay namin.  We both loved each other truly and deeply. We learned so much from each other but in the end we realized na we weren’t growing as individual na.”

 

 

Inisa-isa rin ni Andrea ang mga naging isyu at inamin nito na ang pagkakamali niya, dahil mas pinairal daw niya ang emotion niya. Sobra raw siyang in pain noong makita niya ang larawan nina Seth at Francine na magkasama (pero hindi niya binabanggit ang pangalan ng huli) kaya nag-post siya. Huli na raw nang malaman niya ang totoo.

 

 

Kaya sana raw, maging lesson sa lahat na think before you post.

 

 

Pero pinakadiin-diin ni Andrea na hindi raw totoo na sumugod siya sa dressing room. Sabi pa niya, May CCTV raw sa buong ABS-CBN at nanghingi raw siya ng kopya para maipakita ang ebidensiya kung nasaan siya.

 

 

Sa ngayon, masaya raw siya at gusto na niyang mag-move-on.

 

 

***

 

 

SAKSI kami sa naganap na Pampanga rally ng tandem nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa San Fernando, Pampanga and so far, pinakamarami ang attendees with 220,000 kakampinks.

 

 

Isa si Nadine Lustre sa inaabangan din na mag-perform among the artists present. Pero ang witty ng isa sa mga Kakampink na habang nasa stage at kumakanta. Tuwang-tuwa naman si Nadine sa nangyari.

 

 

Nag-trending din ang pangyayaring ‘yon kaya ang daming nagsa-suggest na dapat, kuhanin na ng Mang Tomas si Nadine bilang celebrity endorser nila.

 

 

Aba, kung hindi man, dapat siguro ay magpahatid sila ng pasasalamat kay Nadine na nabibigyan talaga sila ng bonggang publicity at marketing.

 

 

Nagsimula ang pagkaka-link ng naturang brand kay Nadine noong nasa Siargao ito at ang daming naaliw sa kasimplehan ng actress habang nakuhanan na bumibili ng bote ng Mang Tomas sa isang sari-sari store.

 

 

***

 

 

INIHALINTULAD ni Anne Curtis sa isang mother’s love ang isa sa mga kandidato sa pagka-Presidente na si VP Leni Robredo.

 

 

Kasunod ni Piolo Pascual, tumindig na rin nang todo si Anne kay VP Leni at larawan ng isang pink rose ang pinost nito sa kanyang Instagram kasunod ang caption na, “A mother’s love.

 

 

      “Yan ang tawag sa rosas na ito. My mum planted this rose in her garden and how apt it is for this time… dahil ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito… mamahalin tayo…

 

 

      “Kaya para sa akin, #KulayRosasAngBukas. #LetLeniLead at saka siya gumawa ng sariling hashtag na Luv Anne Leni.”

 

 

      Ang dami namang kapwa niya artista ang natuwa sa pagtindig na ito ni Anne kabilang na sina Pokwang, Angel Locsin, Bianca Gonzales, Jolina Magdangal na nag-comment pa na, “Mabuhay ang mga nanay na may paninindigan!”

(ROSE GARCIA)