• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 18th, 2022

PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa ‘Agaton’-hit Baybay City

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT Biyernes Santo o Mahal na Araw ay nagsagawa pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang aerial inspection sa Baybay City, lalawigan ng Leyte, isa sa mga lugar sa Eastern Visayas na hinambalos ng Tropical Depression Agaton ngayong linggo.

 

 

Kasama ng Pangulo si Senador Christopher “Bong” Go, na lumapag sa Ormoc City.

 

 

Nakipagkita rin ang Pangulo sa mga opisyal ng concerned government agencies at local government units para i-assess ang danyos o pinsala at bisitahin ang one-stop center para sa mga indigent patients, ang Malasakit Center, sa Western Leyte Provincial Hospital.

 

 

Ang Baybay City ay inilagay sa ilalim ng state of calamity dahil smassive landslides at pagbaha na dahilan ng pagkamatay ng mahigit 100 katao.

 

 

Ang kabuuang bilang ng namatay na naiulat sa lugar na matinding tinamaan ni “Agaton” ay umabot na sa 137, ayon sa 8 a.m. report na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, araw ng Biyernes.

 

 

Sa nasabing bilang, may 128 katao ang mula sa Eastern Visayas, anim naman ang mula sa Western Visayas, at tatlo mula sa Davao region.

 

 

Naapektuhan din ang 2,068 barangay sa Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

Tinatayang 65,130 pamilya naman ang nananatili sa evacuation centers.

 

 

May kabuuang 75 lungsod at munisipalidad ang nakaranas ng power interruption. Naibalik pa lamang ang suplay ng kuryente sa 11 lugar.

 

 

Sa kabilang dako, may 9,266 kabahayan naman ang naiulat na labis na napinsala sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.

 

 

Tinatayang pumalo na sa P186,632,976.31 ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccksksargen, at BARMM.

 

 

Ang pinsala naman sa imprastraktura ay umabot na sa P2.96 milyon sa Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at BARMM.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na mahigpit na naka-monitor ang executive branch sa situwasyon sa mga typhoon-hit areas, at maging sa “response efforts” ng pamahalaan. (Daris Jose)

22 nadakma sa drug operation sa Valenzuela

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa dalawampu’t dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong bebot ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-6:50 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Doddie Aguirre ng buy bust operation sa Herrera St., Brgy. Marulas na nagresulta sa pagkakaaresto kay Harvi Sangil, 33 at Junearch Salazar, 26.

 

 

Ani PSSg Ana Liza Antonio, nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug priceP40,800, marked money na isang tunay na P500 bill at dalawang P1,000 boodle money at cellphone.

 

 

Dakong 1:20 ng madaling araw nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Road 6, No. 3279, Teachers Village, Brgy. Gen. T De Leon sina Oswaldo Sarmiento, 50, Ricky Ruebela, 37, Jonard Abogado, 27, Robert Ibanez, 53, at Reynaldo Venadas, 57.

 

 

Sinabi ni PCpl Christopher Quiao, narekober sa mga suspek ang nasa 2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,600, P500 marked money, P980 cash, dalawang cellphones at coin purse.

 

 

Nauna rito, alas-11:15 ng gabi nang maaktuhan ng isa pang team ng SDEU sa isinagawang validation na sumisinghot amano ng shabu sa loob ng isang walang numerong bahay sa Dahlia St , Brgy. Ugong sina Reneboy Santos, 42, Renaldo Casador Jr, 30, Warren Galguerra, 31, Shiela Mae Cabradilla alyas “Yam-Yam”, 31 at Roan Villavelez, 33.

 

 

Nabatid kay PSMS Fortunato Candido, nasamsam sa mga suspek ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, cellphone at ilang drug paraphernalias.

 

 

Habang natimbog din ng kabilang team ng SDEU sina Jaime Valera, 48, (AWOL BJMP personnel), Kimberly Claire Sawal, 28, casino agent, Joel Sebastian, 33, Joshua Abidan, 24, Niño Rogales, 44, German Pereda Jr, 51 at Cesario Sawal, 49, matapos maaktuhang nagsa-shabu sa 11D-10 Camus Cmpd.,  Gumamela St., Brgy. Gen. T. De Leon bandang alas-11:15 ng gabi sa isinagawang validation.

 

 

Ayon kay PSSg Carlos Erasquin Jr, nakumpiska sa mga suspek ang isang unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P1,360 ang halaga at ilang drug paraphernalias.

 

 

Sa Brgy. Palasan, naaktuhan rin ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 5 na sumisinghot ng shabu sa loob ng Polo Catholic Public Cemetery alas-2:15 ng hapon sina Jullius William Tecson, 24, Angelo Mariano, 31 at Jude Serito, 23.

 

 

Sabi ni PCpl Glenn De Chavez, nakuha sa mga suspek ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, nakabukas na plastic sachet ng hinihinalang shabu, P700 cash, coin purse, dalawang cellphones at ilang drug paraphernalias. (Richard Mesa)

Eleazar sa mga kandidato, supporters: ‘Fake news iwaksi’

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si senatorial aspirant Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa lahat ng kapwa kandidato at kanilang mga supporter na tumulong sa pagtataas ng lebel ng political maturity ng mga Pilipino sa pamamagitan ng ‘di pagkakalat ng fake news laban sa mga katunggali.

 

 

Ayon kay Eleazar, “toxic” o umabot na sa sukdulan ang batuhan ng putik at polarization ng politika sa bansa kaya tila maraming botante ang ‘di na nag-uusap tungkol sa mga plataporma at qualification ng mga kandidato.

 

 

“Sa halip qualification ng kandidato at kung anong plataporma ang higit na makakatulong sa kanila ang pag-usapan, ginawang parang Marites level na ang usaping pulitika dahil mas naging interesado na sa paninira na fake news at inimbentong impormasyon naman ang pinagmulan,” ani Eleazar.

 

 

“Tandaan ninyo na hindi naman kayo personal na kakilala ng mga kandidato at ang tanging garantiya na matutulungan kayo sa susunod na tatlo at anim na taon ay ang tamang pagboto—pagboto sa kuwalipikado at pagboto sa may magandang plataporma na makikinabang ang lahat,” aniya pa.

 

 

Tiniyak ni Eleazar, na minsa’y naging commander ng PNP Anti-Cybercrime Group, na itutuloy niya ang paglaban sa mga nagpapakalat ng fake news at disinformation sa social media kapag nahalal sa Senado. (Gene Adsuara)

Ads April 18, 2022

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGTAAS NG KASO NG DENGUE, NAKITA SA 4 NA REHIYON

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKITAAN  ng pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao regions, ayon sa isang opisyal ng health department.

 

 

Sa  media forum, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mga partikular na lugar at probinsya lamang ang naapektuhan ng pagtaas ng kaso ng dengue at hindi ang buong apat na rehiyon.

 

 

“Dun sa Zamboanga City, dun natin nakita lumagpas sa epidemic threshold ‘yung bilang ng mga kaso. That’s why the local government declared an outbreak,” pahayag ni Vergeire.

 

 

Gayunpaman, ang lingguhang naiulat na mga kaso noong 2022 ay mas mababa pa rin kaysa sa “mga kaso na mayroon  noong 2021 sa buong bansa.”

 

 

Paalala ni Vergeire, kailangan na masusing linisin ang mga kapaligiran , tahanan, public spaces para mawala ang aedes aegypti o ‘yung lamok na nagdudulot ng dengue .

 

 

Upang tulungan ang mga pasyente ng dengue, ang DOH ay nag-activate ng mga Fast Lanes sa mga ospital, nag-proposisyon ng logistical para sa mga pangangailangan ng rehiyonal at lokal na pamahalaan, tulad ng mga kemikal na ginagamit upang maiwasan ang pagkalat ng mga lamok na ito, at pinayuhan ang mga lokal na pamahalaan tungkol sa diskarte sa 4S.

 

 

Ang 4S strategy ay tumutukoy sa  “search and destroy mosquito-breeding sites; self-protection measures; seek early consultation of symptoms; at support spraying o fogging” upang maiwasan ang outbreak. (GENE ADSUARA)

4 pres’l bets, walang balak umatras sa May 9 elections

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAKAISANG  inanunsyo nina Senator “Ping” Lacson, Senator Manny Pacquiao, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, at Manila Mayor “Isko” Moreno na hindi nila iuurong ang kandidatura sa pagka-pangulo.

 

 

Pahayag ito ng apat na presidential candidates sa ginanap na joint press conference sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City, kasabay ng Easter Sunday.

 

 

Ayon kay Isko, ang bawat isa sa kanila ay magpapatuloy sa kani-kanilang indibidwal na kandidatura upang maging karapat-dapat na pagpilian ng mga mamamayang Pilipino.

 

 

“Kami, pangalawa ay magsasanib puwersa upang labanan ang anumang pagtatangka upang baluktutin ang totoong pagpapasya ng taongbayan sa pamamagitan ng paggalaw na hindi kanais-nais o maglilimita sa malayang pagpili ng ating kababayan,” wika pa ni Moreno.

 

 

Nakapirma rin aniya sa parehong statement si Pacman ngunit padating pa lamang sa venue nang kanyang basahin sa publiko.

 

 

Nabatid na mahigpit ang seguridad sa labas pa lamang ng nasabing hotel sa Makati.

 

 

Una nang inihayag ng ilang analysts na ang 2022 presidential polls ay mistulang two-way fight sa pagitan nina Sen. “Bongbong” Marcos at Vice President “Leni” Robredo na sila ring mahigpit na naglaban sa vice presidency inoong 2016 elections.

 

 

Ngayong araw ay eksakto tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa darating na May 9.

 

 

Narito ang JOINT STATEMENT na binasa ni Mayor Isko:

 

Higit pa man sa resulta ng isang halalan, mas pinaliral natin dapat ang kalayaan ng ating taumbayan na pumili ng kanilang mga magiging lider.

 

 

Nais naming makadaupang-palad ang ating mg kababayan alinsunod sa kagustuhan nilang mas lalo pa kaming makilala bilang mga kandidato, sa halip na kami ay malayo sa kanila, at sa pamamagitan ng prosesong pang-elektoral, magkaroon ng pagkakaisa tungo sa isang pagnanais kung ano ang kahihinatnan ng bansa.

 

 

Kasama kami sa kagustuhan ng ating mga kababayan na magkaroon ng isang diwa ng pagsasama-sama at mananaig sa umiiral na bangayan at personal na ambisyon, upang yakapin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng lahat, na hindi lamang mga kataga o bukambibig pampulitika.

 

 

Kami ngayo’ y nangangako:

 

(1) na maninilbihan sa pamahalaan ng kung sinumang mapipili sa amin ng ating taumbayan na magiging susunod a Pangulo, at

 

 

(2) kami ay magsasanib-puwersa upang labanan ang anumang pagtatangka na baluktutin ang totoong pagpapasiya ng taumbayan sa pamamagitan ng mga paggalaw a hindi kanais-nais o di kaya maglilimita sa malayang pagpili ng ating mga kababayan.

 

 

Hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming mga sariling kandidatura upang maging mga karapatdapat a pagpilian g ating sambayanang Pilipino.

 

 

 

Nilagdaan:

 

Senator Panfilo Lacson

Senator Emmanuel Pacquiao

Secretary Norberto Gonzales

Mayor Franciso Isko Domagoso

Senate President Vicente Sotto III

Dr. Willie Ong

Gobyerno, binatikos ang US report ukol sa human rights situation sa Pinas

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINASTIGO ng gobyerno ang pinagsama-samang report ng US State Department hinggil sa human rights situation sa buong bansa kabilang na ang extensive entry sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar na ang findings o natuklasan sa Pilipinas sa 2021 Country Reports on Human Rights Practices ay “ nothing but a rehash of old and recycled issues by the perennial detractors of the Duterte administration.”

 

 

Ang Washington “once again displayed how infirmed its intelligence gathering is,” ayon kay Andanar sa kalatas.

 

 

“We strongly suggest that the United States State Department validate reports that reach their office, triangulate the same with all other open and institutional sources, and put to work its political officers in the US embassy in the Philippines who can then properly verify the same with the Philippine government,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na : “Absent these data, the accusations are nothing but innuendos and [a] witch hunt. At worst, the State Department has become a gullible victim of black propaganda.”

 

 

Aniya pa rin, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “most trusted at most approved government institution,” tinukoy nito ang non-commissioned survey na isinagawa ng Publicus Asia.

 

 

“Surely [the AFP] did not earn this by abusing, torturing, and killing people,” ayon sa Kalihim.

 

 

Tinutulan naman ni Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, public information officer ng Philippine National Police (PNP), ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP na “na-singled out” bilang “largely ineffective” sa pag-check sa mga pang-aabuso ng kapulisan.

 

 

Aniya pa, ang IAS “has taken an aggressive stance in handling and investigating police personnel who were meted with administrative charges.”

 

 

Sinabi pa ni Alba na inirekomenda ng IAS ang sanctions o kaparusahan sa mahigit na 14,000 tiwaling police officers at 5,600 mula sa mga ito ay sinibak sa serbisyo.

 

 

“It will be unfair for the PNP to be regarded as an organization that tolerates impunity and human rights abuses,” aniya pa rin. (Daris Jose)

‘Queen of Visayan Movies’ na si GLORIA SEVILLA, pumanaw na sa edad 90 sa tahanan sa Amerika

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW na ang tinaguriang Queen of Visayan Movies na si Ms. Gloria Sevilla sa edad na 90.

 

 

Ayon sa article ng editor/columnist na si Mr. Nestor Cuartero, pumanaw si Sevilla sa kanilang tahanan sa Oakland, California noong nakaraang April 16.

 

 

Sumikat si Sevilla noong ’50s and ’60s noong kasagsagan nang mga Visayan-made films. Tatlong beses na nanalo ng FAMAS si Sevilla. Una ay para sa pelikulang Madugong Paghihiganti (1962) as best supporting actress. Dalawang beses naman siyang nanalo ng best actress para sa Badlis Sa Kinabuhi (1969) at Gumingaw Ako (1973).

 

 

Ilan pang Visayan films na ginawa niya ay Leonora, Pailub Lang, at Gloria Akong Anak.

 

 

Nadiskubre si Sevilla sa edad na 14 at una siyang lumabas sa pelikulang Princess Tirana in 1951.

 

 

Noong mapunta sa Manila si Sevilla, naging contract star siya ng Premiere Productions. Ilan pang mga pelikulang ginawa niya ay Dyesebel, Ito Ang Pilipino, Tatlong Mukha Ni Pandora, Kami’y Kaawaan, Dodong Ko, Banaue, Minsa’y Isang Gamu-Gamo, Kapit Sa Patalim, Nasaan Ka Inay?, Mga Mata Ni Anghelita, Emma Henry, Aliw-iw, Apat Na Maria, Pepe En Pilar, Isang Araw Isang Buhay, Guhit Ng Palad, Matud Nila, The Flor Contemplacion Story, Kay Tagal Kang Hinintay, Lapu-Lapu, at El Presidente.

 

 

Kinasal si Sevilla sa aktor na si Mat Ranillo Jr. at pinasok din ng showbiz ang kanilang mga anak na sina Suzette Ranillo, Lilibeth Ranillo, Mat Ranillo III at Dandin Ranillo.

 

 

Noong mamatay sa isang plane crash si Ranillo Jr. noong 1969, nagpakasal pagkaraan ng ilang taon si Sevilla sa aktor na si Amado Cortez. Pumanaw na si Cortez noong 2003.

 

 

Naging aktibo sa paglabas sa mga teleserye at sitcoms si Sevilla tulad ng Mommy Ko Si Mayor, Ang Biyenan Kong Mangkukulam, Esperanza, Bida Si Mister Bida Si Misis, Ganda Ng Lola Ko, Captain Barbell, Joaquin Bordado, Zorro, May Bukas Pa, Alyna, Budoy, Be Careful With My Heart at FPJ’s Ang Probinsyano. 

 

 

***

 

 

HINDI raw bothered si Bea Alonzo tuwing may nagtatanong sa kanya kung bakit hindi pa siya nag-aasawa sa kanyang edad?

 

 

Kung tutuusin ay wala nang puwedeng problemahin pa si Bea dahil bukod sa sunud-sunod pa rin ang endorsements niya, meron siyang mga properties tulad ng bahay at malaking farm.

 

 

May negosyo rin siya at nakakontrata pa siya sa isang malaking network.

 

 

Pero may iba pa raw priorities ang aktres kaya hindi siya nagpapa-pressure at nagpa-panic na mag-asawa na.

 

 

“Sa ngayon sinabi ko nga na parang ang dami ko pang gagawin. Parang ayoko naman na hindi i-prioritize ‘yung family ko kapag nandiyan ‘yung family ko. Siguro ngayon ipa-prioritize ko muna ‘yung mga na-oohan ko nang proyekto. Sa totoo lang marami pa namang projects na natatanggap pa rin. And doon ko na-realize that I should represent Filipinas in their 30s na hindi pa nagse-settle down,” sey ni Bea.

 

 

Pero kung sakaling mag-propose daw ang boyfriend niyang si Dominic Roque, hindi raw niya ipagdadamot ang kanyang matamis na “oo”.

 

 

“I can’t speak for him. And alam naman niya na marami rin akong gagawin, alam naman niya kung ano ‘yung mga priorities ko sa ngayon. Pero kung sakaling mag-propose siya siyempre o-oo ako,” ngiti pa ni Bea na nagsimula nang mag-taping para sa unang primetime teleserye niya sa GMA na Start Up kasama si Alden Richards.

 

 

***

 

 

NAG-PLEAD guilty ang Oscar-winning actor na si Cuba Gooding Jr. sa isang New York court sa pagpuwersa nito sa isang waitress na halikan siya.

 

 

Ayon sa lawyer ni Gooding na si Frank Rothman: “He admitted to one charge that he kissed a waitress without her consent, all the other charges have been dismissed. In six months, if he stays out of trouble, that charge will be withdrawn, and he will have no criminal record at the end of this.”

 

 

Isa lang ito sa higit sa maraming kaso niya dahil sa pangha-harass niya sa maraming babae. Higit na 20 women ang nag-file ng reklamo sa aktor dahil sa ginawa nitong unwanted touching and groping.

 

 

Ilan sa naging biktima ng aktor ay tinutulungan ni Gloria Allred na ma-pursue ang kaso in court na siyang hinaharang ng isang judge.

 

 

“My law firm and New York attorney, Casey Wolnowski, will continue to litigate our civil case against Cuba Gooding, Jr. in Federal court in New York on behalf of our brave client who alleges in her lawsuit that Cuba Gooding, Jr. committed an act of gender violence against her. We look forward to achieving a just result in this lawsuit,” sey ni Allred.

 

 

Gusto ng mga biktima ng Jerry Maguire star na pagbayaran nito ang kanyang kasalanan tulad ng producer na si Harvey Weinsten na hinatulan ng 24 years in prison dahil sa sexual assault nito sa maraming kababaihan, iba sa kanila ay mga artista.

(RUEL J. MENDOZA)

Kim, kasama sa celebrity friends na bumati: MAJA, engage na rin sa longtime boyfriend na si RAMBO

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA mismong Pasko ng Pagkabuhay, sinabay na in-announce nina Maja Salvador at longtime boyfriend na si Rambo Nuñez ang kanilang engagement.

 

 

Naganap ito sa El Nido, Palawan na kung saan doon sila nagbakasyon at kasama kani-kanilang mga pamilya.

 

 

Sa post sa Instagram ni Maja, “My new beginning @rambonunez,” kasama ang ring, at heart emojis.

 

 

Sa post naman ni Rambo sa kanyang Instagram: “The best part is yet to come my love @maja [ring, heart emoji]”

 

 

Bumuhos naman ang pagbati ng mga celebrity friends ni Maja at kabilang dito sina Sarah Lahbati, Kim Molina, Jerald Napoles, Coleen Garcia, Rayver Cruz, Sunshine Cruz,  Charlene Gonzalez, Sylvia Sanchez, Kris Bernal, Andi Eigenmann, Heart Evangelista, Zsazsa Padilla, Paulenne Luna-Sotto, Vina Morales, Dani Barretto, Jasmine Curtis-Smith, Bubbles Paraiso, Isabelle Daza, Miles Ocampo, Nikki Valdez, Isabel Oli Prats, Ruffa Gutierrez, Jessy Mendiola, Luis Manzano, at marami pang iba.

 

 

Pero ang inabangan ng netizens ay kung babatiin rin siya ni Kim Chiu, ang kaibigan na nagkaroon sila ng hidwaan at nagkaayos din sila later on.

 

 

At bago natapos ang araw, nag-comment na nga si Kim ng, “Congrats maj!!!! finally!!!! @rambonunez.”

 

 

Bagay na ikinatuwa ng netizens at nag-expect talaga.  Wish nila na sana sina Kim at Xiam Lim naman ang sumunod.

 

 

Samantala, kinu-question naman ng netizens ang pag-I-endorse ni Maja sa PBA Party-List na para daw sa mga atleta at kabataan, bilang suporta na rin niya kay Rambo.

 

 

Hindi ba raw nag-research ang actress, na ang naturang party-list ay isa sa bumoto against na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.

 

 

Na-bash tuloy si Maja at may nagsabing hindi naman daw kagulat-gulat na ginawa niya para sa pera o talagang wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga taong nawalan ng trabaho.

 

 

Maraming nalungkot, dahil wala na talagang pag-asa na makabalik siya sa ABS at makapag-perform muli sa ASAP.

 

 

May mga nagtanggol din naman kay Maja, na dapat respetuhin ang kanyang desisyon at kung sino ang kanyang susuportahan.

 

 

Ilang sa naging reaction ng netizens:

 

 

“Respect choice nila yan at di tayo boboto kasi para sa abs cbn kanya kanya tayo pananaw.”

 

 

“Ewan ko ba sa ABS CBN at binigyan ng trabaho ang mga walang utang na loob na ito. Kakasuka. Nakilala totoong kulay nila.”

 

 

“Delicadeza ang tawag diyan.”

 

 

“Ano kaya ang magiging result ng ‘Kapamilya Vote’? Can it change the coming elections? Do they have the numbers? Malalaman sa Mayo 9.”

 

 

“Di na yan delikadeza issue, matagal na syang wla sa ABS at isa sa mga naunang lumipat. Hayaan na naten c maja. -kakampink.”

 

 

“kaya sya wala na sa abs kasi lumipat sya ng mawalan na ng prangkisa. delikadeza pa rin pero mas walang delikadeza yung karla at toni.”

 

 

“Not about her being with ABS, aware naman tayo na there’s no justice given for ABS dba?”

 

 

“Remember Kim Chiu. Anong bago yan si MAJA, walang pakialam kung may kaibigan na masasaktan.”

 

 

“Lol eh si Kim Chiu may ineendorse rin na partylist. Pare pareho lang yan mga partylist na yan…para payamanin pa ang lahat ng mga mayayaman.”

 

 

“Galing ng mind conditioning ng fans ng ABS, kapag wala na sa bakuran lagi sinasabi na wala narating. Mataas ang ratings ng show niya kaya nag renew siya sa TV5.”

 

 

“Si Maja Salvador ang dahilan kaya top rating at trending topic parati ang Wildflower.”

 

 

“Nasa tamang pag iisip na si Madam Ivy malamang yang mga nagtatanong, nagcocoment ng kung ano ano nasa tulirong pag iisip pa din dala ng pandemya…Move on nalang!!!”

 

 

“walang masama kung maging loyal ka lang sa network na gusto mo. lalo sa mga artista na pinasikat at inalagaan ng husto ng abscbn.”

 

 

“People change. Accept it. Move on. Money matters more than your loyalty especially if the network ruined it first. Why would I stay?”

 

 

“1. Nakaahon lang sa hirap, kinalimutan na ang network na nagpayaman at nagpasikat sa kaniya, 2. MONEY TALKS, 3. She’s not even an athlete, ba’t nandyan siya sa partylist na yan.”

 

 

“True. In the end Wala naman magagawa mga yan. Let them cancel her all they want jusko matatapos din ngawa nila in May.”

 

 

“Bakit sobra sensitive ng mga tao? Di ba pwede na trabaho lang walang personalan, after all may needs din si Maja at part yan ng trabaho o mundo nila.”

 

 

“Pera din nman yan. Sayang noh. Masyadong OA tong mga taong to. Move on din pag may time.”

 

 

“Go maja! Do what you think is right! Don’t mind those mga mababaw tao!”

 

 

“She is supporting Rambo, her BF.”

 

 

“Nasa democratic country tayo pero mga tao daig pa diktador sa sobrang pala-desisyon.”

 

 

“Why? The answer is anong paki nyo? Kaloks.. kaya nga tayo democratic country. Eto talaga ng mga finks nakakaloka.”

(ROHN ROMULO)

DTI naglabas ng mga kautusan para sa mga energy consuming products

Posted on: April 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng isan department order na nagbibigay ng bagong technical regulation na nagrereseta sa mga mandatory product certification ng mga energy consuming products (ECPs) sa pamamagitan ng Bureau of Philippine Standards (BPS).

 

 

Sa isang statement ay sinabi ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo na layunin ng department administrative order 22-01, series of 2022 na tiyaking ligtas, dekalidad, at sumusunod sa mga itinakdang requirements ng Bureau of Philippine Standards (BPS) at Department of Energy (DoE) ang lahat ng energy consuming products na ginagamit ng mga kababayan nating consumers.

 

 

Sinuportahan aniya nito ang implimentasyon ng Republic Act No. 11285 o ang Energy Efficiency and Conservation Act na nagmamandato naman sa mga manufacturer , importer, at dealer na mag-comply sa minimum energy perform ance (MEP) standards.

 

 

Layunin din nito na ipakita ang energy label at efficiency label ng mga produkto sa packaging nito para magsilbing reference ng mga mamimili.

 

 

Kabilang sa mga produktong saklaw ng nasabing kautusan ay ang mga room air-conditioners (RACs), refrigerators, television sets. fluorescent lamps, at marami pang iba.