FOUR years din palang hindi gumawa ng pelikula ang award-winning actress na si Therese Malvar.
Kaya noong inalok sa kanya ang Broken Blooms, tinanggap niya ito agad dahil na-miss daw niyang gumawa ng pelikula.
Nataon naman na nakabilang ang Broken Blooms sa Oporto International Film Festival sa Portugal noong nakaraang April 5. Kasama ni Therese sa movie sina Jeric Gonzales, Royce Cabrera, Norman “Boobay” Balbuena, Lou Veloso, Mimi Juareza, at Ms. Jaclyn Jose.
Gaganap na mag-asawa sina Therese at Jeric at ang hirap na pinagdaanan nila noong magkaroon ng pandemic.
“It was a very serious topic and serious din ‘yung pag-atake namin. We tackled the problems during quarantine lalo na as a young couple and bagong kasal lang. Very mature, very seryoso ‘yung atake namin do’n,” sey ni Therese.
Kung susuwertehin ay baka manalo si Therese ng kanyang second international best actress award dahil sa Broken Blooms. Unang nanalo si Therese sa Moscow International Film Festival noong 2016 para sa Hamog.
“It’s not what I’m always aiming for since I always like to give my 100 percent in each project that I do. But if ever I receive an award, it’s a blessing as well since talagang tumulong lahat ng cast, staff, and crew ng ‘Broken Blooms’ para maitawid po namin ‘yung mga eksena namin and sobrang magagaling talaga lahat ng cast. And even if I won’t win an award but if they win an award, I would still be as proud as I am pa rin.”
***
MASUWERTE ang 19-year old na si Anjay Anson dahil bukod sa pagkakasama niya bilang isa sa fresh faces ng Sparkle GMA Artist Center, nagkaroon agad siya ng pagkakataon na makipagsabayan sa pag-arte sa top-rating crimeserye ng GMA na Widows’ Web.
“I was discovered through TikTok. Nag-trend po siya nun, parang glow-up video ko po nun from nung picture ko from before. Doon po ako na-discover. Nag-audition din po ako sa GMA, and thankfully natanggap naman po ako. “Sobrang blessed ako na napasama ako sa Sparkada, kasi nakita ko talaga ‘yung barkada talaga na feeling, nandon lahat. Talagang lahat kami good vibes, nag-e-enjoy. Kung may problema ang isa, parang nagiging problema na ng lahat, ganyan. Kaya sobrang barkadang-barkada talaga, at sobrang thankful ako napasama ako sa Sparkada,” sey ni Anjay.
Happy si Anjay dahil very supportive ang kanyang parents, lalo na raw ang kanyang Indian father na si Anand Mandhyani na may blessing sa kanyang pagpasok sa showbiz.
“Sobrang supportive ang parents ko sa akin. ‘Go, sige! What time ba ‘yan?’ Actually sila pa nga ‘yung pumili ng suot ko. Sabi nila, ‘O eto, mas bagay sa ‘yo ‘yan.’ Super supportive sila na kasama ako sa ganito ngayon.”
Kaya promise ni Anjay na gagawin niya ang lahat para masuklian ang sacrifices at suporta ng kanyang parents sa pamamagitan ng pagbubuti sa kanyang trabaho.
***
SA Tiktok video ng misis ni Justin Bieber na si Hailey Bieber, pinakiusapan niya ang mga bashers, haters at trolls to leave her alone.
Masyado na raw nase-stress si Hailey sa mga patutsada sa kanya ng ilang haters sa social media, kaya wala siyang choice kundi ang labanan na ang mga ito.
“Leave me alone at this point. I’m minding my business. I don’t do anything. I don’t say anything. Leave me alone, please. Enough time has gone by where it’s valid to leave me alone. I beg of you, truly.
“That’s my only request. Leave me alone. Be miserable somewhere else, please. This is for you guys in my comments every single time I post,” caption pa ni Hailey.
Ayon sa isang close kay Hailey, hina-harass pa rin daw siya ng mga fan ni Selena Gomez, ang ex-girlfriend ng mister niyang si Justin. Naghiwalay ang dalawa noong 2015. Kinasal naman si Hailey kay Justin noong 2018.
Noong 2019, nag-release ng song si Selena titled “Lose You To Love Me.” Pero wala siyang sinabi kung para kanino ang song na ito.
Nakiusap din noon si Selena na tigilan na ng kanyang mga followers ang pangha-harass kay Hailey.
(RUEL MENDOZA)