• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 23rd, 2022

Sunog sa Maynila: Higit 300 pamilya nawalan ng tahanan

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 300 pamilya ang nawalan ng kanilang tirahan makaraang isang malaking sunog ang su­miklab sa isang residential area sa Port Area, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

 

 

Ayon sa Manila Fire Department, bandang alas-7:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa dalawang palapag ng bahay sa Block 17 Old Site, Baseco sakop ng Brgy. 649, Port Area.

 

 

Dakong alas-7:40 ng gabi nang ideklara ang unang alarma pero dahil sa pawang gawa sa light materials ang mga katabing kabahayan, uma­bot ang sunog sa ikaapat na alarma dakong alas-8:31 ng gabi.

 

 

Nagkaroon naman ng tensyon sa lugar nang isang barko na nakaparada sa gilid ng Manila Bay ang hindi makaalis dahil sa nakasadsad dulot ng low tide.

 

 

Tumulong na rin ang Philippine Coast Guard sa pag-apula sa apoy para hindi ito umabot sa barko. Alas-9:36 na ng gabi nang makontrol ng mga bumbero ang apoy at tuluyang naapula dakong alas-12:02 ng hatinggabi.

 

 

Masuwerteng walang nasaktan o nasawi sa insidente. Nagsisiksikan ngayon ang 300 pamilya sa Baseco Evacuation Center at nananawagan ngayon ng tulong sa lokal at nasyunal na pamahalaan.

 

 

Patuloy naman na na­ngangalap ng testimon­ya at ebidensya ang BFP sa pinagmulan ng apoy.

PSC ipinarating na sa SEA Games organizers ang ilang mga problemang kinaharap ng kanilang atleta

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si Philippine Sports Commissioner at Hanoi SEA Games chef de Mission Ramon Fernandez na matugunan ng mga organizers ng 31st Southeast Asian Games ang mga inilapit nilang mga reklamo.

 

 

Sinabi nito na normal lamang na makaranas ng ilang reklamo ang mga atleta tuwing may ilang mga torneo.

 

 

Ilan aniya sa naiparating na nila na reklamo ay ang kawalan ng koordinasyon sa kanilang hotel na tinutuluyan sa organizers, ang kakulangan ng sasakyan na masakyan ng mga atleta papunta sa mga playing venues at ang pagsisiksikan nila o pag-overload ng mga ito sa isang bus na pinangangambahang magkahawaan ng COVID-19.

 

 

Dahil dito ay aniya ay naging consequence nito sa mga atleta ay ang pagsasailalim ng mga ito sa antigen test araw-araw.

Suplay ng natural gas sa Finland, itinigil na ng Russia

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINIGIL  ng Russia ang pagbibigay ng natural na gas sa Finland.

 

 

Ikinagalit ng Moscow ang pag-aplay nito para sa pagiging miyembro ng NATO, matapos tumanggi ang bansang Nordic na bayaran ang supplier ng Gazprom sa rubles.

 

 

Walong porsyento ng natural gas ang kino-konsumo ng Finland at karamihan sa mga ito ay mula sa Russia.

 

 

Kasunod ng pagsalakay ng Russia noong Pebrero 24 sa Ukraine, hiniling ng Moscow mula sa mga “unfriendly countries” — kabilang ang mga estadong miyembro ng EU — na magbayad para sa gas sa rubles, isang paraan upang maiwasan ang mga Western financial sanctions laban sa central bank.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng kumpanya ng enerhiya na pag-aari ng estado ng Finnish na Gasum na mapupunan nito ang kakulangan mula sa iba pang mga mapagkukunan sa pamamagitan ng pipeline ng Balticconnector, na nag-uugnay sa Finland sa Estonia, at tiniyak nito na tatakbo nang normal ang mga filling stations.

Ads May 23, 2022

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Marcos spokes Vic Rodriguez, tinanggap na ang alok bilang next Executive Secretary

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAP na ni Atty. Vic Rodriguez, ang nominasyon bilang susunod na Executive Secretary, siya ang chief-of-staff at spokesperson ni Presumptive President Ferdinand “Bong Bong” Marcos.

 

 

Ang anunsiyo hinggil sa nominasyon ni Rodriguez ay inanunsiyo ng kampo ni Marcos ngayong araw sa pamamagitan ng isang statement.

 

 

Si Rodriguez ay 48-anyos at tinaguriang “fiercely loyal” kay Marcos.

 

 

Sinabi ni Rodriguez na hindi siya makatanggi sa alok ni presumptive Pres. Bong Bong Marcos.

 

 

“I thanked President-elect Bongbong Marcos for the trust and confidence. Rest assured that our team will work doubly hard for the success of his six-year presidency,” mensahe na ipinadala ni Atty. Rodriguez.

 

 

Giit pa ni Rodriguez na isang karangalan na makatrabaho si BBM.

 

 

“It is an honor working with him, whom I have known for a very long time and I believe will serve the country efficiently and with unquestioned devotion. It is very flattering to work alongside the best person I’ve known,” pahayag ni Rodriguez.

 

 

Kung matutuloy, si Rodriguez ang papalit sa pwesto ni Sec. Salvador Medialdea, ang Executive Secretary ni Pang. Rodrigo Duterte.

 

 

Naka- iskedyul ang pagpalit sa pwesto ng susunod na administrasyon sa June 30,2022.

 

 

Nakatakda namang mag convene ang Kongreso bilang National Board of Canvassers para sa canvassing ng pagka Pangulo at pangalawang Pangulo.

 

 

Una ng nagbigay ng pahayag ang pinuno ng dalawang chambers na target nilang ma proklama ang mga nanalo sa katapusan ng buwan.

 

 

Si Rodriguez ay inatasan na pangunahan ang transition team sa pagitan ng outgoing Duterte administration at ng kampo ni Marcos. (Daris Jose)

‘Napipintong food crisis,’ isang paalala para palaguin ang local agriculture

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGBUBUKAS ng ekonomiya sa investments at subsidies para mapalakas ang agrikultura ng bansa lalo na sa mga malalayong probinsiya ay hindi lamang makakatulong para mapabuti ang kalagayan sa mga nasabing lugar kundi makakatulong din para maiwasan ang posibilidad na kriris sa pagkain.

 

 

Reaksyon ito ni Dinagat Island Rep. Alan Ecleo kaugnay sa babala ni Agriculture Secretary William Dar na “napipintong food crisis” sa bansa ngayong ikalawang bahagi ng taon.

 

 

Ayon sa mambabatas, ang suplay ng pagkain sa mga consumer na Pinoy ay dapat na pangunahing ilaan ng kapwa Filipino producers.

 

 

Umapela pa ito sa kapwa mambabatas na magsulong ng mga programa na maglalaan sa mga magsasaka, mangingisda at agricultural cooperatives ng mga kinakailangang infrastructure, kapital, training, at support services upang matulungan ang mga ito na maka-kumpetensiya sa kanilang counterparts sa Southeast Asia at sa global market.

 

 

Inihayag pa nito na ang nakaambang food crisis ay isang paalala na walang katumbas ang pagpalago sa sariling kapasidad ng bansa para sa food production.

 

 

“As a Province which is separated by sea from the mainland, we have firsthand knowledge on how crucial local production is to sustain local needs. We cannot always rely on imports or gear production towards exports,” ani Ecleo. (ARA ROMERO)

MMDA, nagbabala ng mabigat na daloy ng trapiko simula ngayong Hunyo

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT nang asahan ng mga motorista ang mabigat na daloy ng trapiko simula sa susunod na buwan ng Hunyo.

 

 

Ito’y bunsod ng posibleng pagpapatuloy ng face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa.

 

 

“Before elections nag-conduct kami ng volume count. Ang lumabas sa aming bilang, 400,000 which is sa EDSA. It is 5,000 less na lang sa pre-pandemic level na 405,000,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) MMDA Chairperson Romando Artes.

 

 

“’Yan ay wala pa po ‘yung face-to-face classes. Kaya ine-expect namin na pagdating ng June, ‘pag tuloy po ang face-to-face classes, ay mas bibigat ang traffic dahil mabe-breach na ‘yung 405,000 na pre-pandemic,” anito.

 

 

Gayunman, sinabi ni Artes na inaasahan naman ng MMDA ang mabilis na byhae sa capital region sa kabila ng mabigat na traffic build-up.

 

 

Ito’y dahil na rin aniya sa implementasyon ng EDSA bus carousel at pinahusay na imprastraktrura gaya ng tulay at Skyway.

 

 

“We expect na mas mabilis pa rin po sa pre-pandemic na travel speed dahil, unang-una, ‘yung epekto ng bus carousel at pagbabawal na pumasok ang provincial buses sa ngayon sa Kamaynilaan… Ganun din po ‘yung mga infrastructure projects lalo na yung mga binuksan na mga tulay at Skyway. Malaki rin po ang epekto nyan,” ayon kay Artes.

 

 

“Kaya po in terms of speed ng vehicles mas mabilis po pre-pandemic levels although asahan po natin during rush hour ay magiging mabigat ang daloy,” aniya pa rin.

 

 

Noong buwan ng Marso, ipinanukala ng MMDA ang dalawang bagong number coding schemes na magbabawal sa mga sasakyan sa pampublikong daanan sa kalagitnaan ng rush hours upang mabawasan ang matinding trapiko sa Metro Manila.

 

 

Prinisenta ni Artes ang panukala sa layuning makabawas ng bigat ng trapiko ng hanggang 5%.

 

 

Una, pagbabawalan ang mga sasakyan na may registration plates na may odd last numbers na 1,3,5,6 at 9 sa mga pampublikong daanan sa Lunes at Huwebes mula alas syete hanggang alas diyes ng umaga  at mula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi.

 

 

Pangalawa, ang mga sasakyan na may registration plates na even numbers na 2,4,6,8, at 0 ay pagbabawalan mula sa mga pampublikong daanan kada Martes at Biyernes sa kalagitnaan ng kaparehong oras.

 

 

Ibig sabihin, ang lahat ng sasakyan ay maaari lamang gumamit ng pampublikong daanan kada Miyerkules.

DINGDONG, nasorpresa at kanyang team sa ginawang pagbati ni STEVE HARVEY

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASOPRESA ang Family Feud Philippines host na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ang kanyang game show team nang batiin sila ng American host ng US version nito, na si Steve Harvey.

 

 

“Mabuhay Philippines, this is Steve Harvey. Look, I wanna congratulate Family Feud Philippines on GMA Network. Family Feud is now the most watched game show in the entire Philippines.

 

 

“Wow! You guys are unbelievable! Keep it up, Kapuso” message ni Steve sa isang video na ipinakita sa Chika Minute ng 24 Oras last Friday, May 20.

 

 

Tuwang-tuwa namang itong sinagot ni Dingdong ng, “Pareng Steve maraming salamat sa ‘yo!”

 

 

“Wow, as in sobrang kakaiba ‘yung feeling. Kulang na lang magsitalon kami rito sa set nang malaman namin ‘yung ratings,” dagdag pa ni Dingdong.

 

 

Hindi naman kataka-taka na nakarating ang balitang ito tungkol sa Philippine version ng Family Feud, dahil kahit nga rito sa atin ay pinag-uusapan ang game show na nagbibigay-saya sa lahat ng mga manonood Mondays to Fridays, 5:45 PM, at nagbibigay ng almost P 300,000 araw-araw sa mga kasaling contestants.

 

 

***

 

 

TAPOS nang ma-proclaim si Senator Chiz Escudero, bilang isa sa top 12 Senators of the Philippines sa katatapos na 2022 Elections.

 

 

Kaya naman libre nang umalis si Heart Evangelista at ngayon is on her way na to the Cannes Film Festival in France.

 

 

The Kapuso Queen of Collaborations’ attendance to the prestigious event last year was postponed dahil sa Covid-19 pandemic, pero ngayon na maayos na, tuloy na ang pagdalo niya.

 

 

Ayon kay Heart, magsusuot siya ng mga dresses by European designers during the event.

 

 

“It started with more than 10 dresses, but I think we’re down to five. It depends because there are some events that I’m still going to attend to. It depends sa schedule so nakahanda lang sila,” sabi ni Heart.

 

 

Pagkatapos daw ng film festival, tutuloy si Heart sa Paris para sa isang photo shoot for a high-fashion jewelry brand. Makakasama niya sa shoot ang ilang international stars whom she looked forward to meeting.

 

 

“I hope I will see the Blackpink member at saka two Hollywood stars that I look up, who will be there also, it’s unbelievable to be working with them.”

 

 

***

 

 

NAGSALITA na rin si Kapuso actress Alice Dixson, kung sino si ‘Sassa’ na ipinakilala niyang panganay na anak noong mag-celebrate siya ng Mother’s Day, kasama ang bago niyang daughter na si Baby Aura.

 

 

Ayon kay Alice sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras, lagi na raw niyang kasama noon pa si Sassa, pero hindi niya agad ipinakilala ang panganay niya.

 

 

“She came into my life, teenager na siya,” paglilinaw ni Alice.

 

 

“Strict kasi iyong father niya, parang ang hirap ko siyang ipakilala sa buong mundo. Lagi ko siyang kasama sa mga lakad ko, although hindi ko siya binabanggit. Kahit hindi ako ang biological mother niya, I love her and is very proud of her.

 

 

“I acknowledged Sassa’s mom, who took care of her growing up. Buhay ang mom niya at ayokong angkinin ang credit sa pagpapalaki niya sa kanyang anak, yet I was there because hiwalay sila ng father at mother niya. Gusto kong ibigay ‘yung respeto sa kanyang mom.”

 

 

Meanwhile, enjoy si Alice sa kontrabida role niyang si Ingrid Domingo sa GMA Telebabad na First Lady, na labis nang kinaiinisan ng netizens dahil sa mga paninira niyang ginagawa kay First Lady Melody (Sanya Lopez) na kandidatong President ng Pilipinas, pero halatang balak pa rin niyang agawin ang former boyfriend niyang si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) kay Melody.

 

 

Magtagumpay kaya sila nina Sen. Allegra (Isabel Rivas) na pabagsakin si Melody, napapanood ito gabi-gabi sa GMA-7 after 24 Oras.

 

 

 

(NORA V. CALDERON)

Navotas Mayor-elect pushes SMC megaproject

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Navotas City mayor-elect Congressman John Rey Tiangco na mas maraming Navotenos ang makikinabang sa usapin sa trabaho mula sa mega-project ng San Miguel Corporation (SMC) na kinasasangkutan ng integrated expressway patungo sa new international airport sa Bulacan, Bulacan.

 

 

Ani Tiangco, ang city council ay nagpasa na ng isang ordinansa bilang pag-asam ng mega project na nag-uutos sa lahat ng mga negosyo sa lugar na kumuha ng mga residente na bubuo ng 70 percent ng kanilang mga manggagawa.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Cong. Tiangco at ng kanyang kapatid na si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco na may 343 hectares ng palaisdaan ang natambakan na para bigyan-daan ang construction ng megaproject, partikular na ang Tanza Airport Support Services na itatayo ng SMC.

 

 

“The Navotas Coastal Development (NDC) and the Tanza Airport Support Services will bring diverse opportunities for Navoteños. To prepare for this, we passed the ordinance that require new businesses in Navotas to hire at least 70 percent of its workforce from bonafide residents of the city,” ani Mayor Toby.

 

 

Sinabi pa ng Tiangco brothers na ang NavoTAAS Institute ay nag-alok din ng technical-vocational courses na nag-uugnay sa mga pangangailangan ng umuusbong na industriya.

 

 

Dagdag pa ng magkapatid na itatampok din ng SMC project ang pinakamalaking socialized housing kung saan makikinabang ang humigi’t kumulang sa 3, 500 families.

 

 

“We thank San Miguel Corporation for their trust and confidence in bringing in this big project and acceding to our request to include our biggest in-city housing,” pahayag ni Cong. Tiangco.

 

 

Ang lokal na pamahalaan ay magkakaroon ng kabuuang 7,167 housing units kapag natapos na ang proyektong ito, anila.

 

 

“They have been planning and preparing for this multi-billion peso mega-project, which will be built with the city government spending no single centavo, for years now,” dagdag ni Cong. JRT. (Richard Mesa)

Tanggap na gusto nang makasama ang amang si FPJ… Sen. GRACE, nagsalita na tungkol sa biglang pagpanaw ng ina na si SUSAN

Posted on: May 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALITA na si Sen. Grace Poe tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina, ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces noong nakaraang May 20.

 

 

Ayon sa senadora, nabigla raw silang lahat sa pagmamaalam ng kanyang ina. Pero tanggap naman daw nila ang nangyari dahil gusto na raw nitong makasama ang kanyang amang si Fernando Poe, Jr. na pumanaw noong 2004.

 

 

“Hindi kasi siya nagdadaing ng masyado. Kilala ko ang aking nanay, itinatago niyang mabuti kung ano man ang nararamdaman niya, ayaw niyang maging pabigat sa iba ah pero alam niyo ngayong nag-pandemic tayo, hindi siya masyadong nakapag-taping o hindi siya masyadong lumabas so nagkaroon siya ng maraming oras na magmuni-muni at sa tingin ko talagang nangungulila na siya sa tatay ko.

 

 

“Madalas ‘pag nag-uusap kami, siya pa rin ang pinag-uusapan namin, pero alam niya na gusto niyang ihanda niya kami, gusto niya kami na ilagay sa maayos. Kaya halos dalawang dekada na rin ang nakalipas si FPJ siguro sabi niya, tama na siguro ‘yun,” sey ni Grace.

 

 

Martes nang dalhin daw nila sa ospital si Susan dahil nanghihina umano ito at hindi na kumakain. Cardiopulmonary arrest ang ikinamatay ng former Sampaguita Pictures star.

 

 

Bago daw nila dalhin sa ospital, huling napag-usapan pa nila ang pagkakapasa ng batas para sa mga nadadampot na kabataan. Masaya daw ito lalo’t isa ito sa mga isinusulong niya.

 

 

“So, sabi niya masaya siya tapos alam mo pakatapos nun, parang iba na yun na ang huling pag-uusap namin kaya nga parang napaka-symbolic nga. Ang pinagbibilin niya palagi yung mga apo niya, na kailangan daw dalhin namin sa Baguio yung mga bata tapos yung bahay namin ng tatay ayusin ko raw pwede daw magbakasyon muli, ‘yun na ang mga naisip niya.”

 

 

Nakagagaan din sa kalooban ayon kay Grace ang hiling nang ilan na gawing isa sa mga national artists ang kanyang ina.

 

 

“Siya po ay magaling sa kanyang sining pero higit sa lahat siya ay dapat maging isang mabuting huwaran. So nasa kamay ang desisyon ng nasa posisyon kung ito ay maibibigay o hindi. Pero sa puso ng ating maraming kababayan hindi po siya malilimutan bilang may integridad, mahinahon pero pag hinamon ay hindi po umaatras,” sey pa niya.

 

 

Nagpapasalamat si Grace sa kanyang ina dahil hinanda umano siya at pinalaki ng maayos at maging matatag.

 

 

“Gusto ko lang sabihin sa kanya na maraming salamat, hinanda niya kami sa mahabang panahon na naulila kami kay FPJ at bago pa noon mga bata pa kami kung anong maituturo niya sa akin naituro niya sa akin.

 

 

“Pinalaki niya ako na maging maligaya sa kakaunti na meron at huwag kalilimutan na meron talaga tayong misyon sa buhay na pwede tayong tumulong kung meron tayong pagkakataon na tumulong, tumulong tayo at huwag tayong padalos-dalos ng kilos.

 

 

“Maging mahinahon tayo pero huwag tayong paaapi. ‘Pag merong kailangang sabihin, sabihin, kaya Ma, parang nawalan ako ng saklay, pero sabi mo naman palagi ‘di ba, ‘Grasya kaya mo ‘yan, kayanin mo yan, huwag mo akong papahiyain.’ So kakayanin naman namin at alam kong nandiyan ka.”

 

 

Miyerkules ang libing ng batikang aktres, pero hindi pa nagbibigay ng detalye ang pamilya kung anong oras. Nakaburol ito ngayon sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City.

 

(RUEL J. MENDOZA)