• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 2nd, 2022

Ilang motorista, kaniya-kaniyang diskarte para makatipid sa gitna ng mataas na singil sa produktong petrolyo

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KANIYA-kaniyang diskarte ang taumbayan para makatipid ngayon sa gitna ng pabago-bagong galaw sa presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Ngayong araw ay ipinatupad nanaman kasi ang panibagong dagdag-bawas sa halaga ng krudo.

 

 

Nasa Php 1.70 ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang pumalo naman sa Php 1.20 ang halagang nadagdag sa kada litro ng diesel, at Php 2.45 naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene.

 

 

Dahil sa patuloy na pabago-bago at madalas na oil price hike sa bansa ay umaaray na ang karamihan sa ating mga kababayan.

 

 

Bukod daw kasi na mataas ang bayarin sa gasolina, ay sinabi rin ni Nase na sa ngayon ay kakaunti nalang din ang pasaherong sumasakay sa kanila dahilan para mabawasan pa ang kakarampot na perang kanilang kinikita.

 

 

Ngunit sa kabila ng mga paghihirap na ito ay may magandang naidulot kay Nase ang mataas na bilihin sa merkado.

 

 

Dahil sa ngayon ay napilitan pa raw siya na itigil ang kaniyang bisyo na paninigarilyo para makatipid at pandagdag sa pambili ng mga pangangailangan ng kaniyang asawa’t anak.

 

 

“Tuluy-tuloy yung pagtaas ng gas tapos yung pasahero namin konti nalang. Talagang malaking epekto samin ang pagtaas ng gasolina.” ani Nase.

 

 

Dagdag pa niya,”Nagtitiis na nga lang kami kasi wala na kami ibang magagawa e. Andiyan na ‘yan. Tinigil ko na rin paninigarilyo ko para lang makabawas sa gastusin.”

 

 

Samantala, sa pagsisimula ng taong 2022 ay nakapagtala ang mga kinauukulan ang nasa Php 24.80 na dagdag sa halaga ng kada litro ng gasolina, habang Php 28 naman sa kada litro ng diesel, at nasa Php24.25 naman sa kada litro ng kerosene.

 

 

Ang malakas na demand sa suplay ng gasolina sa pandaigdigang merkado at gayundin ang mga suliraning nararanasan ng ibang mga bansa pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng langis ang itinuturong dahilan nito.

Bongbong admin ‘posibleng’ makipagtulungan kay Robredo

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG si Sen. Imee Marcos ang tatanungin, pwedeng makipagtulungan ang kapatid niyang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa karibal at nakalabang si Bise Presidente Leni Robredo — aniya, “walang imposible.”

 

 

Kilalang kritiko ng Martial Law at dikdatura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — ama nina Bongbong at Imee — si Robredo, na siyang tumakbo rin sa pagkapangulo para sa 2022 ngunit natalo.

 

 

“Everything is possible. ‘Yun nga ang sinasabi ng nanay ko. Walang masamang tinapay. Baka maging kaalyado mo pa,” banggit ni Imee, Miyerkules, sa panayam ng ANC.

 

 

“I think this is what we need to do. I’ve spoken also of a second chance. And the truth is, sometimes a second chance is better than the first time around. Because of course you learned your mistakes from the first time.”

 

 

Una nang inirekomenda ni Imee sa susunod na pangulo na bumuo ng Gabineteng magsisilbing “team of rivals,” kung saan bubuuin ito ng mga magkakalaban sa pulitika ngunit nagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa. (Daris Jose)

Incoming PCOO secretary, itinutulak ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAAYOS na ng Malakanyang na makasama ang mga bloggers sa ilan sa mga briefings sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni incoming PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles na inaayos na nila ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang.

 

 

Idinagdag pa nito na kasama ito sa kanilang prayoridad.

 

 

“We are pushing for the accreditation of bloggers to be invited to some of the briefings especially those conducted by the President,” ayon kay Atty. Trixie Cruz-Angeles, isang pro-administration blogger.

 

 

“Yun pa lang po, ‘yun ang isa sa aming na-formulate na priority for the incoming [Presidential Communications Operations Office],” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, malaki ang naging gampanin ng mga pro-administration bloggers sa panahon ng kampanya ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., may ilan ang nabigyan ng priority access noong panahon ng UniTeam sorties.

 

 

Ang access sa Malacañang coverage o Palace events ay kadalasang limitado lamang sa mga mamamahayag mula sa TV networks, online news outfits, at newspapers.

 

 

At sa tanong kung papayagan ng incoming administration ang lahat ng mga journalists o mamamahayag na mag-cover ‘physically’ sa mga Presidential events, sinabi ni Angeles na titingnan muna nila ang umiiral na polisiya sa usaping ito.

 

 

” I think we have to take a look at the existing policy first and determine the decision later on as to how appropriately they are at the current times. Well have to wait and see,” ayon kay Angeles.

 

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na pinagbawalan ang Rappler reporter noong 2018 na makapasok sa buong Palace complex matapos na maglathala ng kritikial sa administrasyon. (Daris Jose)

Naghiwalay na pagkatapos ng tatlong taon: JASON, ‘di itinago na naging ‘unfaithful’ bilang asawa ni MOIRA

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Jason Hernandez at Moira dela Torre.

 

 

 

Hindi inaasahan ng mga tagahanga nila Jason at Moira na aabot sa paghihiwalay ang dalawa dahil noong January 2019 lamang sila kinasal.

 

 

 

Hindi naman itinago ni Jason na naging unfaithful siya bilang asawa kay Moira sa tatlong magkasama sila.

 

 

 

Sa Facebook account ni Jason pinost ang official statement nilang dalawa ni Moira para sa media.

 

 

 

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.

 

 

 

“3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

 

 

 

“From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

 

 

 

Hinihintay pa ng fans at social media followers ni Moira ang kanyang saloobin sa nangyari sa pagsasama nila ni Jason.

 

 

 

***

 

 

 

PINABULAANAN ni Diego Loyzaga na may something na nangyayari sa kanila ng former Pinoy Big Brother housemate ng si Franki Russell.

 

 

 

“Franki and I are not a thing. I just want to be single for now,” sambit ni Diego sa isang interview sa kanya.

 

 

 

Na-link romantically si Diego kay Franki pagkatapos mag-post ito ng birthday greeting para sa aktor sa kanyang Instagram Stories noong nakaraang May 20.

 

 

 

Nag-post pa ni Franki ng ilang photos na magkasama sila ni Diego kaya nag-assume ang netizens na may relasyon na ang dalawa. Pero ngayon ay deleted na ang mga photos na iyon sa kanyang IG.

 

 

 

Huling nakarelasyon ni Diego ay si Barbie Imperial at naghiwalay sila pagkaraan ng isang taon. Pero nananatili naman daw silang magkaibigan. Hindi rin naman daw umaasa si Barbie na magkakabalikan sila ni Diego.

 

 

 

Sey pa ni Barbie: “We broke up na, break na kami. Hindi naman siya bad break-up. Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay, I think it’s for the better naman. And even si Diegs naman alam niya naman ‘yon na parang marami pa kaming kailangang matutunan at kailangan pa namin na mag-grow apart.”

 

 

 

Si Franki naman ay dating na-link sa ex-boyfriend ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Marlon Stockinger.

 

 

 

***

 

 

 

KABILANG ang Canadian Popstar na si Justin Bieber sa maraming humihingi ng hustisya para sa 21 people na namatay sa shooting sa Robb Elementary School in Uvalde, Texas.

 

 

 

Hindi napigilan ni Bieber na maiyak sa kanyang Justice World Tour in Mexico nang makarating sa kanya ang karumal-dumal na pangyayari.

 

 

 

“Everybody is equal. In this world, there’s a lot of division and a lot of racial injustice, but we get to be the difference makers. We get to stand together and unite and celebrate amongst one another because we are all the same. Racism is evil and it is diabolical, but we’re in this together and I love you so much,” sey ni Bieber sa kanyang audience.

 

 

 

Sa kanyang Instagram. pinost niya ang isang video clip at nilagyan niya ng caption na: “Tears fill my eyes with hope for humanity. INJUSTICE ANYWHERE IS A THREAT TO JUSTICE EVERYWHERE.”

 

 

 

Bago ang nangyaring shooting sa Uvalde, sampung tao naman ang namatay sa pamamaril sa Buffalo, New York.

 

 

 

Hiling ni Bieber sa kanyang audience: “As you know, there’s been tragedy in the city, but what we’re gonna do tonight, is we’re gonna honor those people, and I would love if we could just take a moment of silence. That would mean a lot to me. We get to be the people who continue to have the conversations with our friends and our families and our loved ones, who continue to be allies.”

 

(RUEL J. MENDOZA)

Mark Caguioa hindi makakasama ng Ginebra sa PBA Philippine Cup

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI makakasama ng Barangay Ginebra sa 2022 Philippine Cup ng PBA si Mark Caguiao.

 

 

Kinumpirma ito ng koponan na hindi makakasama ang dating PBA Most Valuable Player sa pagsisimula ng bagong conference sa Hunyo 5.

 

 

Sinabi ni Ginebra team governor Alfrancis Chua na may mga aayusin lamang ito subalit hindi na nagbigay ito ng anumang detalye.

 

 

Posible sa buong conference ay hindi makakapaglaro si Caguiao.

 

 

Magugunitang nakakaranas ng injury si Caguiao kaya naging limitado lamang ang kaniyang paglalaro noong nakaraang mga conference.

Malakanyang, hinikayat ang incoming admin, samantalahin ang mga accomplishments ng Duterte administration

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Malakanyang ang incoming administration na samantalahin ang mga accomplishments ng Duterte administration na nakatulong upang maging progresibo at umunlad ang bansa.

 

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag, sa pangalawang araw ng Duterte Legacy Summit, na umaasa siya na ang “crucial” na polisiya at mga programa na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang gabinete ay ipagpapatuloy ng kanilang mga successors.

 

 

Giit ni Matibag, ganito kung paano magtrabaho ang gobyerno Duterte para mabigyan lamang ng komportableng buhay ang mga mamamayang filipino.

 

 

“We humbly call on the leaders of the incoming administration to capitalize on these gains and sustain the momentum of inclusive growth and development that will benefit all Filipinos with no one left behind,” ayon kay Matibag sa kanyang talumpati sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

 

 

Sa kabila ng Covid-19 pandemic at iba pang usapin na kinahaharap ngayon ng bansa, ginawa naman ni Pangulong Duterte at mga miyembro ng kanyang gabinete ang lahat na makakaya ng mga ito upang matiyak na ang mga Filipino ay mamuhay ng ‘”better, safer, and healthier.”

 

 

Kumpiyansang inihayag naman ni Matibag na bababa ang gobyernong Duterte sa Hunyo 30 na mayroong “legacy of providing Filipinos what truly matters to them.”

 

 

Among the “inclusive and responsive” programs of the outgoing administration, Matibag said, included the extended validity of passports and drivers’ license, as well as the permanent validity of birth and marriage certificates.

 

 

“We can all agree that despite the pandemic and other challenges, this administration has strived for the inclusion of ordinary Filipinos and their shares in the country’s growth. The critical programs and measures implemented under the administration have significantly improved the quality of life of our kababayans,” he said.

 

 

Sinabi pa ni Matibag na lilisanin ng administrasyong Duterte at iiwanan ang fulfilled promise nito kung saan bibigyan ang lahat ng mga Filipino ng “stable, comfortable, and peaceful” na buhay.

 

 

“The critical programs and measures implemented under the administration have significantly improved the quality of life of our kababayans,” anito sabay sabingIto ang mabuting pamana sa susunod na administrasyon – ang prinsipyo ng pagkalinga at pagpapagaan ng pamumuhay ng ordinaryong Pilipino,”ayon kay Matibag.

 

 

Ang two-day Duterte Legacy Summit, inorganisa ng Presidential Communications Operations Office, ay nagpapakita ng summary ng achievements ng outgoing administration kabilang na ang mga “key campaign promises” na natupad sa ilalim ng liderato ni Pangulong Duterte. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ninoy Aquino International Airport (NAIA), isapribado suhestiyon ni Chairman Joey Salceda

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUHESTIYON  ito ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda upang makalikom ng malaking kita ang susunod na pamahalaan at bilang tugon na rin sa kung papaano makakaluwag ang bansa mula sa epekto sa pinansyal ng COVID-19 pandemic.

 

 

Ngunit paglilinaw ni Salceda, ang iminumungkahing privatization sa NAIA ay hindi nangangahulugan na tuluyang pagbebenta sa pag-aari ng gobyerno.

 

 

Maaari aniyang i-adopt ang ginamit na approach sa New Clark City International Airport kung saan kumikita ang pamahalaan sa pagbebenta ng development rights, pagpaparenta at sa iba pang bagong business activities.

 

 

Dagdag ni Salceda, aabot sa 625 hectares ang NAIA na doble sa laki ng Bonifacio Global City (BGC).

 

 

Maaari aniyang bumuo ng master-plan para sa mga espasyo tulad ng “in-city housing”, parke, pampublikong transportasyon at iba pang public spaces.

 

 

Base sa pag-aaral na ginawa, ang redevelopment ay maaring magpasok ng P5.4 trillion na kita sa pamahalaan. (ARA ROMERO)

Jurassic World Dominion Star Reveals New Character Backstory Details

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Jurassic World Dominion star DeWanda Wise reveals details about her character’s backstory.

 

The upcoming film will be the sixth in the franchise and will apparently conclude the story that first started with Jurassic Park in 1993. Set four years after the conclusion of Jurassic World: Fallen Kingdom, where the original theme parks were destroyed by the eruption of a volcano, Jurassic World Dominion finds the remaining dinosaurs living alongside humans.

 

The new entry will see many of the original cast members return to their roles including Sam Neill as Dr. Alan Grant, Laura Dern as Dr. Ellie Sattler, Jeff Goldblum as Dr. Ian Malcolm, and BD Wong as Dr. Henry Wu. They will be joined by Jurassic World leads Chris Pratt as Owen Grady and Bryce Dallas Howard as Claire Dearing.

 

Jurassic World Dominion will also introduce Wise’s new character Kayla Watts, a former Air Force pilot who will seemingly assist Owen and Claire during the events of the film. Not much information regarding Watts has been previously revealed other than the fact that she is confirmed to be bisexual. Wise recently talked about the importance of LGBTQ+ representation in Jurassic World Dominion and other major franchises.

 

Wise’s description makes Watts sound like a rich yet jaded character who was beaten down by whatever pressures she faced in the past to use other people for her personal gain. It seems her character’s moral compass is at odds with her actions, but her disillusionment with the world has kept her from finding the right path.

 

However, by the time Jurassic World Dominion begins, Watts has reached a breaking point and is seemingly ready to finally do what she deems is right. Director Colin Trevorrow has previously called Watts a defining character of the Jurassic World franchise as she can be seen as a role model for young girls especially.

 

And in time for the highly awaited opening of Jurassic World Dominion in the Philippine cinemas nationwide on June 8 (also available on select 3D and 2D IMAX screens), Universal Pictures International, SM Malls and Pacific Licensing Studios replicate the world of dinosaurs which is currently on display at SM North Edsa – The Block Atrium, featuring life-size statues of dinosaurs Blue and Beta featured in the film.

 

The recent launch of the dinosaur world on display allows kids and adults alike to take photos with the dinosaur replicas, put on an archaeologist’s hat in search of dinosaur fossils, and purchase movie-inspired shirts, socks, and toys to name a few from the numerous items available. The display also includes a booth where the public can easily book and purchase tickets for the movie ahead of its opening day.

 

(ROHN ROMULO)

PASOK na sa semi-final round ng Frenh Open tennis si Spanish tennis star Rafael Nadal

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa semi-final round ng Frenh Open tennis si Spanish tennis star Rafael Nadal matapos malusutan ang tinaguriang long-time rival nito na si Novak Djokovic sa quarterfinals.

 

 

Naging matindi ang harapan dalawa kung saan hindi nakaporma ang Serbian tennis star sa score na 2-6, 6-4, 2-6, 6(4)- 7(7).

 

 

Sa unang set ay tila bumuwelo pa lamang si Djokovic kaya ito hindi nagtagumpay at nakuha ni Nadal ang panalo.

 

 

Mayroong apat na aces si DJokovic habang tatlo lamang si Nadal subalit mas nakalamang ang Spanish tennis star sa break points.

 

 

Susunod na makakaharap nito si Alexander Zverev ng Germany sa semifinal rounds na gaganapin sa Biyernes.

Ads June 2, 2022

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments