UMAPELA si outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na tanggapin ang resulta ng May 9 polls dahil kakailanganin ng mga incoming leaders lalo na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kooperasyon at tulong ng mga ito para matiyak ang tagumpay ng bansa.
“President-elect Marcos would need the cooperation and help of everybody. We must give it to him,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
Dapat lamang aniyang igalang ng publiko ang desisyon ng mayorya, idagdag pa na ito ang diwa ng demokrasya.
“Pag nagsalita na ‘yung taongbayan kung sino ‘yung mga leader na gusto nila, sunod tayo. Iwasan ninyo ang pulitika,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na dapat lamang na magkaisa ang mga mamamayang Filipino na harapin ang mga usapin gaya ng Covid-19 health crisis at ang pagpapabilis ng post-pandemic recovery.
“We have no room for politicking or actions that are divisive to the country. Nagsalita na ang tao, may mga lider tayo, and me, wala na ako . I will say nothing,” ayon sa Pangulo.
Mali aniya na batikusin at punahin agad ang incoming administration na hindi pa naman nakapagsisimula na ipatupad ang mga polisiya at programa.
“Ang ayaw ko, baka may maiwan pa, yung namumulitika pa rin . Or you know, just plain criticize itong bagong administrasyon. You do not do that,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Pangulong Duterte sa publiko ang “smooth” at “peaceful” transition of power sa kanyang successor.
“As we approach June 30, this administration is both ready and eager to hand over the reins of government to our incoming leaders. I assure everyone that this process will be smooth and peaceful as we want the next administration to succeed for the benefit of country,” ani Pangulong Duterte.
Aniya, tanging sa pamamagitan lamang ng pagkakaisa at damayan malalagpasan ng bansa at mamamayan ang mga hamon sa bansa.
“My fellow Filipinos, the next administration needs all our support and solidarity. Let us therefore give them our goodwill and best wishes as they endeavor to lead our country towards a better future,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, muli namang pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang mga mamamayang Filipino sa pagsuporta ng mga ito sa loob ng anim na taon ng kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.
“To the people of my country, it was a fruitful and productive journey with the help of people from all sectors who I thought early on who can help be build a better future for our children. Maraming maraming salamat sa inyong pagbigay ng tiwala sa akin ,” lahad nito.
Ang tanging hangad lamang aniya niya bago siya bumaba ay makapag-iwan ng maayos na bansa para sa kasalukuyang henerasyon at sa mga susunod pang henerasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang polisiya at programa partikular na ang kanyang ginagawang paglansag sa mga kriminalidad at ilegal na droga.
“Kung may ano man ako, advocacy ko, it’s really to protect the next generation,” aniya pa rin sabay sabing “If there is a compelling need for me to talk, I will do it. But my drift is just really to retire quietly. No more politics for me.” (Daris Jose)