• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 17th, 2022

CPP-NPA-NDF, nasa likod ng Tinang incident

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURONG “mastermind” ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa nangyaring gulo sa pinag-aawayang lupain sa  Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Hunyo 9.

 

 

Ito ang isiniwalat ng mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa isinagawang  special virtual press briefing ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 

 

Sinabi ni Christopher Garcia, dating kilala bilang “Ka Warly”,  ngayon ay board member ng Sambayanang Gitnang Luzon, na ang CTGs ang nagpasimula ng  “Bungkalan” mobilization campaign sa Hacienda Tinang kung saan ang mga rebeldeng komunista  ay kumikilos sa pinag-aawayang agricultural lands sa bansa kabilang na ang Hacienda Luisita.

 

 

“Ito ay pagpapalawak din ng baseng-masa at balikan ang mga lugar na dati nilang hawak. Alam namin yun dahil naranasan namin yan,” ayon kay Garcia, tinutukoy ang  pagsisikap ng CTG’s na mabawi ang kanilang dating pugad mula sa puwersa ng gobyerno.

 

 

Idinagdag pa nito, ang  Tinang incident  ay ‘starting point’ ng CTG’s para gumawa ng gulo para sa  incoming administration.

 

 

“Ayaw nilang maupo si BBM,” ayon kay  Ka Pong Sibayan, isa pang dating miyembro ng CTG.

 

 

Idinagdag pa niya na ginagamit ng CTGs ang  “bungkalan” mobilization para sa pagre-recruit at radikalisasyon sa mga kabataan at makakalap ng  foreign funding.

 

 

“Negosyo nila (CTG) yan. Binubulsa naman ng mga lider ang nakokolektang pondo at hindi napupunta sa mga magsasaka,” ayon kay Sibayan.

 

 

Kapwa inakusahan din ng mga ito sina Renato Reyes ng  Bayan Muna, Pia Montalban at Joyce Ann Nepomuceno ng Karapatan,  bilang  “urban operatives” ng  CPP-NPA-NDF,  di umano’y  kilala para sa paggawa at  pagpapakalat ng maling impormasyon at pagkabalisa.

 

 

“Hihimukin ang mga magsasaka hanggang June 30,” Ka Warly.

 

 

Sinabi pa nito na may kahalintulad na kampanya ang inihahanda sa Hacienda Murcia malapit sa  Hacienda Tinang, at sa Barangay Central malapit  Hacienda Luisita ng mga miyembro ng iba pang CTG-affiliated group gaya ng “Anak Pawis” at Unyon ng Manggagawang Agrikultura (UMA) para mas lalo pang sulsulan ang mga kabataan at magsasaka.

 

 

“Gusto nilang pag-away-awayin ang mga magsasaka para magulo ang bagong administrasyon,” ayon kay Ka Warly. (Daris Jose)

Sa kanilang resort lang magbabakasyon after ng serye: GABBY, excited na isiniwalat na may tatlong familiar faces ang aabangan sa ‘First Lady’

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG ang netizens at followers ng romantic-drama series na First Lady, ay nakikiusap na sana’y hindi muna matapos ang seryeng pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

 

 

Si Gabby bilang President Glenn Acosta at si Sanya naman si First Lady Melody, ay nakakaramdam na ng “sepanx” o separation anxiety, dahil ilang gabi na lamang ay finale episode (July 1) na nila.

 

 

“Pero mas excited akong i-share sa inyo na mas kaabang-abang ang mga mangyayari, lalo’t may three familiar faces na maggi-guest,” pahayag ni Gabby sa ‘Chika Minute’. “Natuwa at na-excite kami nang makita naming nagti-taping na sila.”

 

 

Wala raw balak umalis ng bansa si Gabby para magbakasyon, pagkatapos ng First Lady.

 

 

“Magbabakasyon lamang ako, kasama ko ang family ko sa aming Amang Lobo Homestead sa Lobo, Batangas. For almost three years na na naka-lock-in taping kami sa La Union, sa Rizal, at sa Manila Hotel, doon lamang umiikot ang buhay namin, pero doon naman nabuo ang magandang friendship naming lahat.

 

 

“Para kaming isang big family na nagkakasayahan. Kaya pagkatapos ng mga last scenes namin, it’s time naman to breathe,to rejuvenate;”

 

 

Nagsimula ang First Yaya early 2021, at ang second season na First Lady naman noong January 20, 2022 sa same locations ng First Lady, kasama ang original cast na nadagdagan lamang nina Isabel Rivas, Samantha Lopez, Francine Prieto, Rocco Nacino and Alice Dixson.

 

 

Napapanood ito gabi-gabi sa GMA-7, sa direksyon ni LA Madridejos.

 

 

***

 

 

TIYAK na malulungkot ang mga fans nina Derrick Monasterio at Bea Binene, ngayong may bago nang ka-loveteam ang hunk actor.

 

 

Another Sparkle GMA Artist Center artist na si Elle Villanueva, na magiging ka-loveteam ni Derrick sa bagong GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.

 

 

Makakasama ang season actress na si Eula Valdes, na balik-Kapuso Network, at malamang pumalit ang serye nila sa malapit nang magtapos na dramatic serye nina Shayne Sava at Abdul Raman, with Valerie Concepcion and Ms. Ai Ai delas Alas, ang “Raising Mamay.”

 

 

Unang ipinakilala sina Derrick at Elle during the MEGA Ball 2022, held at the Manila Marriott Hotel in Pasay City last Sunday, Independence Day.

 

 

The Return to Paradise stars looked absolutely hot in their all-black ensemble, which perfectly fit the events theme of Glam Rock.

 

 

***

 

 

FATHER’S Day sa Sunday, June 19, at tamang-tamang ipi-feature ng Magpakailanman ang life story ni Dagul na siya mismo ang gaganap at makakasama niya si Jo Berry na gaganap bilang anak na si Jkhriez Pastrana, na isang vlogger on Facebook.

 

 

Kamakailan ay nai-feature sa 24 Oras ang paghihirap ng buhay ng pamilya ni Dagul dahil nawalan siya ng trabaho dahil sa pandemic na pinagdaraanan ng bansa ngayon.

 

 

Kaya labis-labis ang pasasalamat ni Dagul nang tawagan siya para i-feature ang kanyang life-story sa drama anthology na Magpakailanman hosted by Ms. Mel Tiangco.

 

 

Don’t miss Father’s Day episode ng MPK this Saturday after Jose & Maria’s Bonggang Villa sa GMA-7.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Rafael Nadal masayang inanunsiyo na magiging ama na sa unang pagkakataon

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG ibinahagi ni Spanish tennis star Rafael Nadal na ito ay magiging isan ama na.

 

 

Ito ay dahil sa buntis sa unang pagkakataon ang asawang si Mery Perello.

 

 

Ang nasabing pahayag ng 36-anyos na tennis champion ay bilang pagkumpirma sa naging usapin ng ilang linggo matapos na makita ang asawa na nakasuot na damit na pang-buntis.

 

 

Halos 17 taon na magkarelasyon ang dalawa at noong 2019 sila ay kinasal.

NCR, mananatili pa rin sa Alert Level 1 mula bukas, Hunyo 16 hanggang 30, 2022

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILI pa rin sa Alert Level 1 ang National Capital Region na kinabibilangan ng  Caloocan City, City of Malabon, City of Navotas, City of Valenzuela, Pateros, City of Pasig, City of Marikina, Taguig City, Quezon City, City of Manila, City of Makati, City of Mandaluyong, City of San Juan, City of Muntinlupa, City of Parañaque, City of Las Piñas, at Pasay City, simula bukas, Hunyo 16 hanggang 30, 2022.

 

 

Inaprubahan kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekumendasyon ng  sub-Technical Working Group for Data Analytics na ilagay sa Alert Level 1 ang 84 mula sa  121 lalawigan , highly urbanized cities at independent component cities at 161 mula sa  758  iba pang component cities at municipalities epektibo sa nasabing petsa.

 

 

Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar na bukod sa NCR, inilagay din sa ilalim ng Alert Level 1 ang mga sumusunod:

 

Cordillera Administrative Region:  Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, at Mountain Province

 

Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan

 

Region II: Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino

 

Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, at Zambales

 

Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, at Rizal

 

Region IV-B: Marinduque, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, at Romblon

 

Region V: Albay, Catanduanes, Naga City, at Sorsogon

 

Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Iloilo City

 

Region VII: Cebu City, Lapu-Lapu City (Opon), Mandaue City, at Siquijor

 

Region VIII: Biliran, Eastern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, at Tacloban City

 

Region IX: Zamboanga City

 

Region X: Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, at Misamis Oriental

 

Region XI: Davao City at Davao Oriental

 

Region XII: South Cotabato

 

CARAGA: Butuan City, Surigao del Sur, at Agusan del Norte

 

Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao: Cotabato City

 

 

Gayundin, ang mga sumusunod na  component cities at municipalities  na inilagay din sa Alert Level 1 ay ang:

 

Cordillera Administrative Region: Benguet – Buguias at Tublay; Ifugao – Kiangan, Lagawe (Capital), at Lamut

 

Region IV-A: Quezon – Atimonan, Candelaria, City of Tayabas, Dolores, Lucban, Mauban, Pagbilao, Plaridel, Polillo, Quezon, Sampaloc, San Antonio, Tiaong, at Unisan

 

Region IV-B: Occidental Mindoro – Calintaan, Looc, at Lubang; Palawan – Cagayancillo at Culion

 

Region V: Camarines Norte – Basud, Capalonga, Daet (Capital), at San Vicente; Camarines Sur – Bombon, Cabusao, Camaligan, Caramoan, Iriga City, Pamplona, Pili (Capital), Presentacion (Parubcan,) San Fernando, at Tigaon; Masbate – Balud, City of Masbate (Capital), at Mandaon; Sorsogon – Barcelona, Bulusan, Casiguran, City of Sorsogon (Capital), Gubat, Irosin, Juban, Magallanes, Prieto Diaz, at Santa Magdalena

 

Region VI: Antique – Anini-Y, San Jose (Capital), Sebaste, at Tobias Fornier (Dao);  Negros Occidental – Cadiz City, Candoni, City of Victorias, Enrique B. Magalona (Saravia), La Carlota City, Pontevedra, Pulupandan, Sagay City, at San Enrique

 

Region VII: Bohol – Batuan, Calape, Corella, Dimiao, Duero, Garcia Hernandez, Jagna, Lila, Loay, Loboc, San Isidro, San Miguel, Sevilla, Sikatuna, at Tagbilaran City (Capital); Cebu – Alcoy, Borbon, City of Talisay, Oslob, Pilar, Santander, at Tudela;  Negros Oriental – Amlan (Ayuquitan), Bacong, Dauin, Dumaguete City (Capital), Valencia (Luzurriaga), at Zamboanguita

 

Region VIII: Leyte – Albuera, City of Baybay, Dulag, Javier (Bugho), La Paz, Matag-Ob, Matalom, Palo, Tunga, at Villaba; Northern Samar – Allen, Capul, Lapinig, Lavezares, San Antonio, San Jose, at Victoria;  Samar (Western Samar) – Marabut, Pagsanghan, Paranas (Wright), Tarangnan, at Zumarraga

 

Region IX: Zamboanga del Norte – Dapitan City, Dipolog City (Capital), Jose Dalman (Ponot), Labason, Manukan, Piñan (New Piñan), Polanco, Rizal, at Salug; Zamboanga del Sur – Kumalarang, Lambangan, Lapuyan, Mahayag, Molave, at Ramon Magsaysay (Liargo);  Zamboanga Sibugay – Alicia, Buug, Diplahan, Ipil (Capital), Siay, at Tungawan

 

Region X: Lanao del Norte – Bacolod, Baroy, Kauswagan, Lala, Linamon, at Tubod (Capital)

 

Region XI: Davao de Oro – Montevista, Nabunturan (Capital), at New Bataan; Davao del Sur – Padada

 

Region XII: Cotabato (North Cotabato) – Antipas, Arakan, City of Kidapawan (Capital), at President Roxas;  South Cotabato – Banga, City of Koronadal (Capital), Polomolok, Santo Niño, at Tantangan;  Sultan Kudarat – City of Tacurong, Kalamansig, at Lebak

 

CARAGA: Agusan del Norte – Carmen, Jabonga, Kitcharao, Magallanes, at Nasipit; Agusan del Sur – Bunawan, Loreto, Prosperidad (Capital,) San Francisco, Santa Josefa, at Sibagat; Dinagat Islands – Cagdianao, Dinagat, Libjo (Albor), Loreto, at Tubajon; Surigao del Norte – General Luna, Mainit, at Tagana-An

 

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Lanao del Sur – Bumbaran and Ditsaan-Ramain; Maguindanao – South Upi at Upi;

 

Tawi-Tawi – Turtle Islands

 

 

Samantala, ang mga sumusunod naman na lalawigan, HUCs, at ICCs na inilagay sa ilalim ng Alert Level 2, “without prejudice to their respective component cities and municipalities which may be under a different alert level classification” ay ang mga sumusunod:

 

Cordillera Administrative Region (CAR) – Benguet at Ifugao

 

Region IV-A – Quezon;

 

Region IV-B – Occidental Mindoro at Palawan

 

Region V – Camarines Norte, Camarines Sur, at Masbate

 

Region VI – Antique at Negros Occidental

 

Region VII – Bohol, Cebu, at Negros Oriental

 

Region VIII – Leyte, Northern Samar, at Samar (Western Samar)

 

Region IX – City of Isabela, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay

 

Region X – Lanao del Norte

 

Region XI – Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, at Davao Occidental

 

Region XII – Cotabato (North Cotabato), General Santos City (Dadiangas), Sarangani, at Sultan Kudarat

 

CARAGA – Agusan del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Norte

 

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao- Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi.

Ads June 17, 2022

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ban sa nursing programs, maaaring ‘selectively lifted’- CHED

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng  Commission on Higher Education (CHED) na ikasa ang “strategic and selective lifting” ng  moratorium para sa bagong nursing programs.

 

 

Sinabi ni CHED Chairperson Prospero “Popoy” De Vera III na gumagawa na ng bagong poliisya ang  Technical Panel on Nursing ng CHED na ipalalabas sa lalong madaling panahon.

 

 

“CHED is working with the DOLE (Department of Labor and Employment) and DOH (Department of Health) to determine the supply and demand for nursing graduates for a possible strategic selective lifting of the moratorium in key geographic areas and types of institutions and the Commission will issue the new policy soon,” ayon kay DE Vera.

 

 

Aniya,  may ilang taon na ang nakaraan nang simulan nila ang  assessment, isinaalang-alang  na rin ang  demands na dala ng  coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

 

 

“The Commission on Higher Education (CHED) has already recognized the need to review the 2011 moratorium on the opening of new nursing programs given the changing regional and global demand for health manpower over the past five years,” anito.

 

 

Gayunman, iginiit ni De Vera na ang “whole-of-system lifting” ay maaaring hindi maging pabor, kaya’t may pangangailangan para sa strategic study bago magpatupad ng bagong polisiya.

 

 

“The lifting of the moratorium, however, must be based on a correct assessment of the supply and demand for nurses both locally and internationally… The unilateral lifting of the moratorium and allowing all higher education institutions (HEIs) to offer nursing will not address the problem,” anito.

 

 

Matatandaang nagpalabas ang CHED ng  Memorandum Order 32 na may petsang  Setyembre  30, 2010, na naglalayong ihinto ang pagbubukas sa lahat ng undergraduate at graduate programs sa business administration, nursing, teacher education, hotel and restaurant management at information technology education simula  school year 2011-2012.

 

 

Ang moratorium ay ipinalabas “on the ground that the proliferation of the programs would cause the deterioration of the quality of graduates of these five higher education programs.”

 

 

Nauna rito, binatikos ni Cavite Rep Elpidio Barzaga si  sa kawalang aksyon nito sa matagal nang petisyon na humihiling na magbukas ng nursing program sa  Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas.

 

 

Sinabi ni Barzaga, 11 taon na ang ban ng CHED sa pagbubukas ng bagong nursing program subalit ngayong nasa ilalim ng pandemic ang buong mundo at may mga bagong sakit at virus na nagsusulputan ay malaki ang pangangailangan na palawakin na ang nursing program sa bansa.

 

 

Depensa pa rin ni Barzaga,  inaalis ng CHED ang karapatan ng mga estudyante na makapag-aral lalo na sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas na libre ang pag aaral.

 

 

Hiniling nito kay incoming President Bongbong Marcos na magtalaga ng bagong CHED Chairman na malawak ang pang unawa sa sitwasyon.

 

 

Iginiit ni Barzaga na kung pagbabatayan ang datos ng World Health Organization (WHO) ay may kakulangan na 4.6 million nurses sa buong mundo pagdating ng  2030 habang sa Pilipinas ay nasa 249,843 shortfall.

 

 

Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nasa 49.4 percent ng mga nagtapos ng high school ang hindi nakakapagkolehiyo dahil sa mahal na tuition fee habang marami ang nais na kumuha ng nursing ang hindi tumutuloy dahil sa P80,000 hanggang  P100,000 kada semester ang matrikula.

 

 

Ani Barzaga ang Kolehiyo ng Lungsod Dasmariñas ay handang magbigay ng libreng tuition fee subalit hindi naman makapagbigay ng nursing program dala ng ban ng CHED. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

CRUNCHYROLL ANNOUNCES GLOBAL THEATRICAL RELEASE DATES FOR “DRAGON BALL SUPER: SUPER HERO”

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Culver City, CA (June 14, 2022) – Crunchyroll and Toei Animation unveiled additional details for the global theatrical release of Dragon Ball Super: SUPER HERO, the newest film in the worldwide anime blockbuster franchise, including a new trailer, and new English voice cast.

 

 

[Watch the new English-subtitled trailer at https://youtu.be/aJJ1k3kFU8U]

 

 

The film will be available in both English dub and subtitled and will arrive in more than 2300 theaters in the United States and Canada on August 19 with tickets on sale starting July 22. The film will also be released in select U.S. based IMAX® theaters. For more information on the film visit http://2022dbs-global.com/.

 

 

Crunchyroll also announced the English Voice Cast for the film: Son Gohan – Kyle Hebert, Son Goku – Sean Schemmel, Son Goten – Robert McCollum, Piccolo – Christopher R. Sabat, Bulma – Monica Rial, Vegeta – Christopher R. Sabat, Krillin – Sonny Strait, Trunks – Eric Vale, Videl – Kara Edwards. Pan – Jeannie Tirado

 

 

New English Voice Cast: Dr. Hedo – Zach Aguilar, Gamma 1 – Aleks Le, Gamma 2 – Zeno Robinson, Magenta – Charles Martinet, Carmine – Jason Marnocha

 

 

Dragon Ball Super: SUPER HERO, the second film in the Dragon Ball Super franchise, opens in theaters across the globe in all continents. The film arrives on the following dates in the following regions and territories:

 

 

● August 18 in Australia, New Zealand, Mexico, Brazil, Peru, Chile, Argentina, Colombia, Central America, Ecuador, Bolivia, Uruguay, Paraguay

 

● August 19 in the United States, Canada, United Kingdom, Ireland, South Africa, Zambia, Vietnam

 

● August 26 in India, Indonesia

 

● August 30 in Malaysia, Brunei

 

● August 31 in the Philippines

 

● September 1 in Singapore

 

● September 8 in Taiwan

 

● September 15 in South Korea

 

● September 29 in Thailand, Hong Kong, Macao

 

● Additional global release dates for the film will be announced soon.

 

 

This is the first truly globally-distributed theatrical release for Crunchyroll and is distributed in North America by Crunchyroll. Internationally, the film will be distributed by Crunchyroll and Sony Pictures Entertainment.

 

 

Dragon Ball Super: SUPER HERO Official Synopsis:

 

The Red Ribbon Army was once destroyed by Son Goku. Individuals, who carry on its spirit, have created the ultimate Androids, Gamma 1 and Gamma 2. These two Androids call themselves “Super Heroes”. They start attacking Piccolo and Gohan… What is the New Red Ribbon Army’s objective? In the face of approaching danger, it is time to awaken, Super Hero!

 

 

The film, with full commitment and deep involvement from Dragon Ball’s original creator Akira Toriyama, has the legendary manga creator behind the film’s original story, screenplay and character design.

 

 

Additionally, the film will be directed by Tetsuro Kodama and the Japanese voice actors for the film include Masako Nozawa (Son Goku, Son Gohan, and Son Goten), Toshio Furukawa (Piccolo), Aya Hisakawa (Bulma), Ryō Horikawa (Vegeta), Mayumi Tanaka (Krillin), Takeshi Kusao (Trunks), Yūko Minaguchi (Videl), Yūko Minaguchi (Pan), Miyu Irino (Dr. Hedo), Hiroshi Kamiya (Gamma 1), Mamoru Miyano (Gamma 2), Volcano Ota (Magenta), and Ryota Takeuchi (Carmine).

 

 

The Dragon Ball phenomena began in 1984 when Japan’s well-known manga from Akira Toriyama premiered in Shueisha’s “Weekly Shonen Jump” – becoming a top ranked title throughout its 10 and a half years of publication. Since then, the manga’s popularity has continued to grow with an astonishing record of 260 million copies sold worldwide and counting. And with Dragon Ball’s ever-increasing popularity, it has expanded beyond manga to include TV animation, movies, games and merchandising. Now 38 years after the launch of the original manga, Dragon Ball continues to evolve and will reach new heights starting with this new large-scale movie.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

PDu30, ipinagkibit-balikat lang ang pambabatikos ng “dating mahistrado” hinggil sa drug war

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  ang mga pambabatikos at paninira ng isang “dating mahistrado”, at paglalarawan sa kanyang giyera laban sa  ilegal na droga bilang “clearly unconstitutional.”

 

 

Bagama’t hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte  ang tinutukoy niyang “dating  mahistrado”,  matatandaan na kamakailan lamang ay kinumpara ni  retired Supreme Court (SC) senior justice Antonio Carpio  ang  nangyaring pagpatay sa mga drug suspects sa pagpatay sa mga langaw.

 

 

“If it’s unconstitutional, so be it. I will do it. I don’t give a sh*t if you have to know,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati matapos inspeksyunin ang main campus ng  National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

 

 

Pinalagan naman ni Pangulong Duterte ang naging pahayag ni ‘dating mahistrado’ na hindi kaya ng gobyerno na maging malambot sa pagsisikap nitong walisin ang  illegal drug trade sa bansa.

 

 

“Mayroong isang torpe na ex-justice. Unconstitutional daw ‘yung drug war. E sabi ko ‘Adre, magkaiba ang libro natin’ You must have the wrong theories about humanities and all…Subukan mo dito sa trabaho ko,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Aniya, maaaring maraming academic accomplishments si Mr. ex-justice  subalit wala namang ideya ito sa  drug war situation “on the ground” sa bansa.

 

 

“Para sa akin, bugok ka . You are a scholar. I know you’re from Davao, bright ka, valedictorian ka, okay ka. Pero hindi ‘yan pwede. In reality, you have to come to terms with what is actually happening on the ground,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ipinagtanggol naman ng Punong Ehekutibo ang kanyang drug war, iginiit na hindi niya inutusan ang law enforcement authorities  na ” kaagad na barilin at patayin ang mga drug suspects” maliban na lamang kung malalagay sa panganib ang kanilang buhay.

 

 

Muling inulit naman ng Pangulo na aakuin niya ang  “full legal responsibility” para sa kanyang  anti-narcotics campaign  hangga’t ang mga awtoridad ay umaakto na naaayon sa kanilang tungkulin.

 

 

“All you have to do, sabihin mo, ‘Sino nag-utos ‘sayo’? Sabihin mo si Duterte. Nobody can question my love of country,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

 

Nilinaw din ni Pangulong Duterte na hindi niya inutusan ang mga pulis na saktan o patayin ang mga inosente.

 

 

“I never said go out and do a shooting spree and kill all the human beings…only those who will destroy my country. And in doing drugs, sisirain mo talaga,” anito.

 

 

Samantala, kinastigo naman ni Pangulong Duterte ang human rights groups para sa kanilang “concern” hinggil sa pagpatay sa mga drug suspects, halata naman aniya na hindi naman intersado ang mga ito pagdating sa mga pagbabanta sa buhay ng mga pulis,  military, at mga sibilyan.

 

 

“Have you ever considered the welfare of the country as against the criminals that I kill?” tanong ng Pangulo. (Daris Jose)

PDu30, humingi ng paumanhin sa publiko

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI ng  paumanhin si Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa publiko sa kanyang naunang desisyon na payagan ang e-sabong operations sa kabila ng mga ulat na lumulubog sa utang ang mga mananaya at dahilan ng pagdukot sa mga sabungero.

 

 

Gaya ng kanyang mga nasabi sa mga nauna niyang talumpati, tinukoy ni Pangulong Duterte ang daang-bilyong piso na kinikita ng pamahalaan mula sa online cockfighting.

 

 

“On e-sabong, I am sorry, I realized it late,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati matapos inspeksyunin ang main campus ng National Academy of Sports na matatagpuan sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

 

 

“It was at P600 million a month, billions in a year because there are a lot of operations. I am very sorry it had to happen,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matatandaang buwan ng Mayo nang ipatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng  e-sabong.

 

 

Sinang-ayunan ng Chief Executive  ang rekomendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año kaugnay sa social cost na dulot ng e-sabong.

 

 

Subalit bago pa ito, buwan ng Marso at Abril nang  todo-depensa ang Pangulo sa operasyon ng e-sabong  sa katuwirang nakatutulong ito sa gobyerno sa gitna ng ulat na ilang sabungero na ang nawawala.

 

 

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nareresolba ang  kaso ng mga nawawalang sabungero dahil upang mapilitan ang mga pamilya na mag-alok na ng pabuya para  makapagbibigay impormasyon para sa nawawala nilang kaanak. (Daris Jose)

Maraming na-touch na netizens sa kanyang mensahe: BB, nakiramay kay CARMINA at inalala ang mga kabutihan ng yumaong ama

Posted on: June 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA latest Instagram post ni Carmina Villarroel na kung saan nagpalipad sila ng mga baloons para sa yumaong ama na si Regy Villarroel pagkalipas ng higit isang linggo.

 

 

Sa naturang post ni Mina, nakiramay si BB Gandanghari sa pamamagitan ng nakata-touch na mensahe sa dating asawa.

 

 

Ayon kay BB na kilala pa dati bilang si Rustom Padilla noong relasyon magkarelasyon ni Mina, “I’m so sorry to hear. My sincere condolences and deepest sympathy to you and your family. Daddy Regy is one of the most respectable, kindest and coolest person I have ever met.”

 

 

Dagdag pa niya, “I feel privileged and pleased to have come to know your Dad that I’ve looked up to him from afar. I share with your grief at this time of bereavement. May the God Almighty grant your Dad eternal peace. 🖤💔 Hugs to you…. 🙏”

 

 

Last week nga, ibinahagi ni Carmina ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ama.
“Daddy Regy you’re reunited with Mommy Menchu. Your one and only. Your first and last,” sabi pa ng aktres na ibinahagi ang old photo ng ama at kanyang ina.

 

Tuwang-tuwa naman ang netizens nang mabasa ang comment na ito ni BB:

 

“That was so sweet of her.”

 

“Kaka touch. eto yung break up na masasabi mong may respeto sa isat isa.”

 

“Awww the respect.”

 

“So nice of you Bb. G.”

 

“Akala ko sila na magkakatuluyan kase sabi nga ang magkamukha e nagkakatuluyan. RIP po.”

 

“Nagkatuluyan naman sila. Naghiwalay lang.”

 

“Parang kinilig ako ng slight..Hehe…Pero at least in good terms sila.”

 

“Ako rin ay medyo kinilig dito.. Hahaha! Sinabi na nga ni Rustom/BB last year or so na talagang minahal niya ng sobra si Carmina.”

 

“Carmina and Rustom both found their happiness. Walang bitterness at still may respeto sa isa’t-isa. Condolences, Villarroel Family.”

 

“Yung mga celebs na naghiwalay, ganito po ang healthy break up. Tularan nyo sana sila.”

 

“Nung time mismo nung breakup masakit din, todo ang hinagpis ni Carmina… Bb was still figuring things out at nagkamali din sya. Pero over time they both found peace.”

 

“Tama! Sana makita ito ni CA at tumulad sa may class na babae.”

 

“Napa awww ako after reading his comment… he was once part of the family..”

 

“Bait naman ni Carmina.”

 

“Respect to Mina. Wala kang narinig sa kanya eversince.

 

“I’m touched. So much respect there.”

 

“Naging magkapamilya din naman sila once upon a time. Good for her.”

 

“It took years before Carmina was able to forgive Rustom/BB. There is no such thing as “healthy break up”. I am sure it took so long for Carmina to heal and move on, but she chose to keep quiet about what happened between them.”

 

“Kahanga hanga si Carmina. Ang laki ng puso nya magpatawad at kalimutan na ang nakaraan. Tularan sana sya ng ibang mga female celebs na ginagawang promo ang break up para kaawaan sila at mag-gain ng public sympathy at para paghigantihan ang ex.”

 

 

Samantala, may pinost din si Carmina na suot-suot ang bracelet at watch ng kanyang ama habang nakahawak sa marble urn, na tiyak na lalo pa niya itong mami-miss, dahil ‘di na nila ito makakasamang mag-celebrate ng Father’s Day ngayong Linggo, June 19.

 

Caption niya, “When Daddy Regy saw the Philippe Charriol bracelet (the one I’m wearing) in the newspaper, he cut out the picture of it and gave it to me and my siblings and said that was what he wanted for Christmas. Daddy Regy, even if you’re not here with us physically, you will always be here watching over me (also gave this watch to dad). 🕰🤍.”

(ROHN ROMULO)