• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 20th, 2022

Administrasyong Marcos, prayoridad ang food security

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GAGAWIN lahat ng incoming administration ni  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang makakaya nito at pagsisikap upang matiyak ang  food security sa bansa.

 

 

Ito’y matapos magbabala ang  World Bank,  World Trade Organization,  United Nations Food and Agriculture Organization, at  World Food Programme ng  global food crisis na makaaapekto sa mahihirap at developing countries.

 

 

Sa isang kalatas, tiniyak ni Press Secretary-designate Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles sa publiko na ang administrasyong Marcos ay handa na patatagin ang food supply at paghusayin ang food production.

 

 

“Gaya nang nasabi na ni President-elect Marcos, mangangailangan ‘yan ng agarang tugon, at dapat agaran ding simulan ang pangmatagalang mga solusyon,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Kinilala naman ni Cruz-Angeles ang  patuloy na nananaig na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, Russia-Ukraine crisis, climate change, at mataas na presyo ng langis ay kabilang sa mga dahilan ng  global food insecurity.

 

 

Sinabi pa nito na ang ibang bansa na maaapektuhan  ng nagbabadyang  food shortage  ay maaaring mapilitan na i-adopt ang mga hakbang na ginawa noong 2007-2008 global food crisis, kabilang na ang restriksyon sa food exports, tugunan ang problema.

 

 

Inamin nito na  isang malaking hamon para sa Pilipinas na gawin ang kahalintulad na aksyon.

 

 

“May mga bansang mapipilitang magsuspinde ng export ng kanilang produkto upang matiyak ang sarili nilang suplay ng pagkain at agapan ang pagtaas ng domestic prices sa gitna ng pagsipa ng world prices,” ayon kay Cruz-Angeles. (Daris Jose)

Pinay tennis star Alex Eala pasok na sa semifinals ng W60 Madrid

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa semifinals ng W60 Madrid Tournament si Filipino tennis star Alex Eala.

 

 

Tinalo kasi nito ang number 3 seed na si Jaimee Fourlis ng Australia sa score na 6-1, 6-4.

 

 

Sinamantala ng 17-anyos na si Eala ang mga forced errors ng 22-anyos na si Fourlis.

 

 

Susunod na makakaharap ni Eala ang sinumang manalo sa pagitan nina Carole Monnet ng France o No. 16 seed Katherine Sebov ng Canada.

70M Filipinos, fully vaccinated bago matapos ang termino ni PDu30

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA loob ng 15 buwan matapos ilunsad ang National Vaccination Program, nakamit ng  Philippine government ang target nito na gawing fully vaccinated ang 70 milyong Filipino laban sa Covid-19.

 

 

Sa pinakabagong  report  ng  National Vaccination Operations Center “as of June 17”, may kabuuang 70,005,247 indibidwal, o 77.78% ng target population  ang nakakumpleto na ng kanilang primary series.

 

 

Sa nasabing bilang, 14,704,514 ang nag-avail ng first booster shot habang 648,555 naman ang nag-avail ng kanilang second booster dose.

 

 

Sa ngayon, tanging ang mga matatanda, medical frontliners, at immunocompromised adults (may cancer, human immunodeficiency virus/acquired immune deficiency syndrome, umiinom ng  immunosuppressants, o organ transplant recipients) ang eligible para sa  second dose.

 

 

Mula sa bilang na  153,013,072 doses na na-administer, 74,813,407 ang nakatanggap ng  one dose.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na ang milestone ay testamento  sa  commitment ng administrasyon na protektahan ang mas maraming  Filipino mula sa nakamamatay na epekto ng  Covid-19.

 

 

“As promised, we reached the target of 70 million fully vaccinated individuals. The NTF thanks our health care workers, volunteers, and everyone who made the vaccination program a success,” ayon kay Galvez.

 

 

“This is our parting gift to the next administration. We hope that our new leaders will also prioritize our vaccination program and continue to build an immunity wall among our people,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Kumpiyansa  naman si Galvez na ang  high vaccination rate, kasama ang patuloy na pagsunod sa  health protocols, ay maaaring makapigil ng panibagong surge ng  infections.

 

 

“We have had many superspreader events in the past months, including the national elections, but we still managed to keep our new Covid-19 cases low because of our high vaccination rate,” ayon kay Galvez, habang binigyang diin ang patuloy na pagsusuot ng face masks, physical distancing, at madalas na paghuhugas ng kamay.

 

 

Samantala, ang pediatric vaccination ng gobyerno ay patuloy na nakakakuha ng momentum, na may 3,217,367 kabataan na may edad na 5 hanggang  11 ang fully vaccinated na.

 

 

Sa ilalim naman ng 12 hanggang 17 bracket, mayroon ng 9,487,745 ang nakatanggap ng kanilang full doses.

 

 

Muli namang nanawagan si Galvez  sa publiko na kumuha na ng kanilang  booster shots lalo pa’t kung sila’y eligible para palakasin ang proteksyon na ibinibigay ng  primary doses, na humihina “over time.”

 

 

Ang mga frontline health care workers atsenior citizens ay maaari ng makuha ang kanilang second booster shot apat na buwan matapos ang kanilang first booster dose, habang ang  immunocompromised adults ay kailangan na maghintay ng tatlong buwan matapos ang kanilang  first booster shot. (Daris Jose)

Ads June 20, 2022

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Okay pa rin ang relasyon kahit balitang naghiwalay na: JANELLA, nakikiusap na bigyan muna sila ng privacy ni MARKUS

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIUSAP si Janella Salvador na bigyan muna sila ng privacy ni Markus Paterson sa gitna ng balitang naghiwalay na sila.

 

 

Kelan ay nagsalita na si Markus tungkol sa estado ng relasyon nila. Pero pahulaan pa rin kung sila pa rin ba o kung hiwalay na ba sila?

 

 

Heto ang sinabi ni Markus: “Our relationship status is definitely something that people are asking about. But as of now, I’m gonna let her do the talking in that situation. We’re both very good. We have a very good relationship with each other. So let’s just leave it like that for now.”

 

 

Sey naman ni Janella: “I am aware of the speculations that are going around. Pero siguro I’m asking people to give us more time, i-respect kung anuman ‘yung nangyayari. Okay kami. We’re okay, we’re totally okay.

 

 

“Well, siguro hindi na maiiwasan na people will talk. Pero ayon nga, I hope people will respect our privacy as of now. And, eventually naman… Respect our privacy lang muna. But we’re okay.”

 

 

Umugong kasi ang hiwalayan issue sa dalawa noong hindi dumating si Janella sa birthday celebration ni Markus noong nakaraang June 3.

 

 

***

 

 

HINDI ikinahiya ni Thea Tolentino na sinubukan niyang maghanap ng ibang trabaho noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

 

 

Nag-worry raw kasi si Thea na baka hindi na muling maging normal ang takbo ng showbiz kaya nag-isip siyang mag-apply sa corporate world.

 

 

“Noong nag-scroll ako, kasi nitong huli, as in tinry kong mag-apply, kasi gusto ko magkaroon ng experience sa corporate world. Parang quarter life crisis na feeling, na parang, ‘Ito lang ‘yung alam ko? What if magkaroon ng pandemic ulit tapos na-stop ‘yung mga projects?’

 

 

“Work from home, ‘yung puwedeng gawin. Kasi ang hirap din mag-shoot from home at saka nahihirapan talaga mag-isip ng content,” sey ni Thea.

 

Nataon naman daw na nakapagtapos si Thea ng kanyang kursong Business Administration sa Trinity University of Asia noong 2020 kaya naglakas loob itong maghanap ng trabaho online. Natawa lang daw si Thea nang makabasa siya ng hiring for fresh graduates pero kailangan daw ng two years experience.

 

 

“Inisip ko tuloy na paano ka magkakaroon ng two years working experience kung fresh graduate ka? Dun ako na-confuse sa requirements. Ito siguro ang frustration ng ibang fresh graduates din. Kasi ako, nalito ako sa hinahanap nila,” tawa pa ni Thea.

 

 

Masuwerte si Thea na during the pandemic ay nagkaroon siya ng teleserye na Las Hermanas. Ngayon ay malapit na siyang mapanood sa Lolong kunsaan bida si Ruru Madrid.

 

 

***

 

 

TINAWAG na “idiots” ng Hollywood actor na si Chris Evans ang taong hindi pa rin matanggap ang pakikipagrelasyon ng magkaparehong kasarian.

 

 

Na-ban kasing ipalabas sa 14 countries ang pinagbibidahan na animated film ng aktor ng Disney and Pixar na Lightyear. Ang dahilan ay meron kasing same-sex kiss na eksena sa pagitan ng gay space ranger na si Alisha (voiced by Uzo Aduba) at ng kanyang female partner. Pinapatanggal ang naturang eksena pero nanindigan ang Disney at Pixar na hindi nila aalisin ang eksenang iyon.

 

 

Kasama sa 14 countries ang Saudi Arabia, Kuwait, United Arab Emirates, Malaysia, Egypt, Lebanon, Indonesia, and China.

 

 

Pagtatanggol pa ni Evans sa kanilang pelikula: “The real truth is those people are idiots. Every time there’s been social advancement as we wake up, the American story, the human story is one of constant social awakening and growth and that’s what makes us good.

 

 

“There’s always going to be people who are afraid and unaware and trying to hold on to what was before. But those people die off like dinosaurs. I think the goal is to pay them no mind, march forward and embrace the growth that makes us human.”

 

 

Thankful si Evans na hindi pinatanggal ng Disney at Pixar ang controversial gay kiss.

 

 

“It’s wonderful, it makes me happy. It’s tough to not be a little frustrated that it even has to be a topic of discussion. That it is this kind of ‘news.’ The goal is that we can get to a point where it is the norm, and that this doesn’t have to be some uncharted waters, that eventually this is just the way it is.

 

 

“That representation across the board is how we make films. Look, it’s an honor to be a part of something that is taking those steps, but the goal is to look back on this time and just be shocked that it took us this long to get there.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Steph Curry kinilala bilang bahagi nang tinaguriang ‘elite club’

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPABILANG na rin daw sa pambihirang elite players ng NBA ang Golden State Warriors MVP na si Stephen Curry matapos na masungkit ang panibagong korona sa NBA finals.

 

 

Batay sa NBA history si Curry ang ikaanim umano na player sa kasaysayan na nanalo ng apat na titulo o championships at humakot ng prestihiyosong most valuable player (MVPs) awards at kinilalang Finals MVP.

 

 

Sinasabing napabilang na raw si Curry sa pambihirang listahan ng mga great NBA players tulad nina Kareem Abdul-Jabbar, Michael Jordan, Bill Russell, LeBron James, Magic Johnson at Tim Duncan.

 

 

Maging ang Lakers legend na si Earvin Magic Johnson ay humanga rin sa narating ni Curry sa kanyang NBA career.

 

 

Nitong 2021-22 NBA season lamang ang Warriors superstar ay binasag ang all-time 3-point record ni Ray Allen, kinilalang MVP sa All-Star Game, gayundin sa Western Conference finals.

Outgoing Education Secretary Leonor Briones, binati si Vice-president elect Sara Duterte kasabay ng inagurasyon

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINATI ni Outgoing Education Secretary Leonor Briones si  Vice President-elect Sara Duterte, sa inagurasyon nito ngayong araw ng Linggo, Hunyo 19.

 

 

Si Duterte ang mamumuno sa  Department of Education (DepEd) sa ilalim ng administrasyong  Marcos.

 

 

“Together with the entire Department of Education (DepEd) family, I congratulate you on your inauguration on Sunday, June 19, 2022, as the new Vice President of the Republic of the Philippines,” ayon kay Briones sa kanyang kalatas.

 

 

Nakatakdang mag- oath of office si Duterte, ngayong araw sa  San Pedro Square sa Davao City.

 

 

Hinihintay naman ng Kalihim ang gagawin niyang pag-turn over ng liderato ng DepEd kay Duterte, itinalaga ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  na maging hepe ng  nasabing departamento.

 

 

“I look forward to turning over to you the leadership of DepEd. That the department will be concurrently led by no less that the Vice President speaks to the highest priority that education will be given under the incoming administration,” ayon kay Briones.

 

 

“During my term, with utmost support by the President, we have laid the foundations for DepEd to address the challenge of decisively elevating the quality of Philippine basic education. I have no doubt that under your leadership, the country will see the fruition of basic education’s pivot to quality, enhanced by your new insights and innovations,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Briones na “looking forward” siya para sa smooth transition  ng bagong liderato, nagpapahiwatig na si Duterte ay  “has a wide understanding of the problems of the education sector, especially in the grassroots level.”

 

 

Samantala, sa 44th birthday  ni Duterte noong nakaraang buwan, hiniling ni Duterte sa publiko na mahalin ang DepEd.

 

 

Sinabi pa rin niya na gagawin niya ang lahat para makapag-produce ng  skilled learners na mayroong mindset na mapagtanto ang kanilang  full potential bilang indibidwal. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)