• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 23rd, 2022

Peak sa kaso ng COVID 19, maaaring mangyari sa unang linggo o ikalawang linggo ng Hulyo base sa projection ng OCTA Research

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang OCTA Research sa publiko na mag-ingat sa gitna ng nakikita nitong pagtaas sa kaso ng COVID 19.

 

 

Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni  Dr. Guido David ng OCTA  na may  projection  sila o pagtataya na baka mangyaring maranasan ang peak sa kaso ng Covid-19 sa  first o second week ng Hulyo.

 

 

Sa kasalukuyan,  posibleng umabot sa pagitan ng 500 at 1,000  ang seven-day average sa Metro Manila mula sa 225 cases.

 

 

Ani David, kapag ganito aniya ay  puwedeng masabing nasa moderate risk na ang sitwasyon bagama’t ang mas dapat na bantayan ay ang hospital utilization para sa aspeto ng pagtataas ng Alert level.

 

 

Kaya upang hindi aniya masyadong tumaas ang kaso paalala ni David, dapat pa ring mag-ingat at i-obserba ang minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask.

 

 

” Yes, iyong bilang ng kaso, iyon nga nabanggit natin 225 cases iyong seven-day average sa Metro Manila. Possible itong tumaas between 500 and 1,000 and by end of June or first week of July. So, kapag ganyan, USec., masasabi na natin baka nasa moderate risk nga iyong situation natin. Although, kahit naman moderate risk effect, iyon nga iyong pinakamo-monitor natin for alert levels, iyong hospital utilization,” ayon kay Dr. David.

 

 

“Pero, tumataas iyong bilang ng kaso, USec., hindi pa natin nakita iyong pagbaba niyan anytime soon, baka iyong peak, it could happen sometime first or second week of July.  Kaya para matulungan natin na hindi masyadong tumaas iyong kaso, iyong pag-iingat nga natin,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Bagong challenge ang mag-portray ng isang serial killer: PIOLO, ngayon palang masusubukan ang ultra bad na character

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA totoo lang, super enjoy panoorin si Dingdong Dantes hosting Family Feud.

 

 

Mahusay si Dong makipag-interact sa kanyang mga guests. At kung minsan ay may halong comedy pa ang banat niya ng punchlines.

 

 

Kung contestant ka, para makakampante ang feeling mo at ‘di ka kakabahan kasi very engaging host si Dong.

 

 

Malaki na ang improvement ni Dong as a TV host at relaxed na relaxed lang siya sharing the stage kasama ang celebrity contestants ng Family Feud.

 

 

Bukod sa Family Feud, ay napapanood din si Dong sa sitcom nila ni Marian Rivera titled Jose and Maria’s Bonggang Villa.

 

 

Ibang Dingdong naman uli ang namamalas dito dahil pagiging comedian naman niya ang kanyang inilalabas.

 

 

Kahit na noong una ay sinasabi ni Dong na ‘di siya comfortable doing comedy, ang director ng sitcom na si John Lapus ang nagsasabi na very effective na comedian ang better half ni Marian Rivera.

 

 

Willing kasi si Dong to let his defenses down para maging effective sa pagpatawa.

 

 

***

 

 

AWARD- WINNING director Jay Altarejos describes his new film Memories of a Love Story as a very entertaining movie.

 

 

Pero may relevance naman daw ito kasi di niya kinalimutan mag-inject ng element ng political consciousness.

 

 

“As a whole, very entertaining ang movie, na bida sina Oliver Aquino at Migs Almendras,” dugtong pa ni Direk Jay.

 

 

Melodrama ang tema ng movie at sana raw ay maitawid nang cast ang kwento. “I hope the actors will be able to shine sa kanilang respective roles,” kwento pa ni Direk Jay.

 

 

Tinatalakay din sa movie ang pagkakaiba ng social classes at kung paano ito nakakaapekto sa buhay natin.

 

 

“Iba ang interaction pag dalawang mahirap na karakter ang may ugnayan. Let’s face it, Iba ang pananaw ng taong mahirap sa taong mayaman dahil magkaiba ang sila nang environment na kinalakihan,” wika pa ng director.

 

 

***

 

 

MAY itinatagong lihim sa kanyang misis na si Iris (Lovi Poe) si Jacob (Piolo Pascual) sa upcoming series na Flower of Evil, na adaptation ng isang sikat na South Korean thriller drama.

 

 

Sinusundan ng kwento ang buhay ng mag-asawang Jacob at Iris (Piolo at Lovi). Umiikot ang buhay nila sa anak nilang si Luna (Sienna Stevens), habang si Jacob ay isang metal craftsman at si Iris naman ay isang maprinsipyong police detective.

 

 

Walang kamalay-kamalay si Iris na may itinatago pa lang masalimuot na nakaraan si Jacob. Ilang taon na kasing inililihim ni Jacob ang kanyang totoong pagkatao dahil siya talaga ang misteryosong si Daniel Villareal.

 

 

Si Daniel ay may antisocial personality disorder at 17 taon nang wanted ng pulis dahil sa pagpatay sa isang barangay captain. Siya rin ang nag-iisang anak ni Abel (Gardo Versoza), isang kilalang serial killer na nag-suicide.

 

 

Ito ang darkest character na ginampanan ni Piolo sa kanyang career. Never pang nag-portray si Piolo ng isang ultra bad na character. Gagawin niya ito ngayon for the first time sa Flower of Evil.

 

 

Bagong challenge for Piolo ang mag-portray ng isang serial killer. Naisip siguro ng actor na panahon para baguhin naman niya ang kanyang image na goody-goody kaya tinanggap niya ang offer to play a character na medyo may tililing.

(RICKY CALDERON)

Sunod na BIR chief ‘kokolektahin pa rin’ estate tax ng Marcoses

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang susunod na commissioner ng Bureau of Internal Revenue na kokolektahin pa rin nila ang tinatayang P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos na hindi pa rin bayad kahit sa ilalim ng administrasyon ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. — aniya, kailangan nilang maging “good example.”

 

 

Ito ang banggit ni Lilia Guillermo sa panayam sa ANC, Miyerkules, habang sinasabing gagawin nila ito basta’t makuha na nila ang “tamang figures.”

 

 

“We have to convert those properties to cash para madagdag sa tax collections ng BIR. And ganun ang gagawin ko,” wika niya.

 

 

“Please give me time to look at the documents. How much are we talking about? I don’t know if it’s really 200-billion. If that is really the amount, imagine, it will really help collections of BIR.”

 

 

Marso 2022 lang nang sabihin ng kawanihang inuutusan nila ang pamilya Marcos na bayaran ang naturang utang. Taong 1991 nang ma-assess ng BIR na P23.29 bilyon ang naturang estate tax, ngunit nagkaroon na ito ng interes dahilan para ipako ito ng ilan sa P203.81 bilyon.

 

 

“Please give me time to look at the documents. How much are we talking about? I don’t know if it’s really 200-billion. If that is really the amount, imagine, it will really help collections of BIR.”

 

 

Paniwala ng susunod na BIR chief, ganito rin ang mismong magiging posisyon ni Diokno pagdating sa paghahabol ng naturang estate tax.

 

 

Sa kabila nito, una nang dumistansya si Diokno pagdating sa isyu ng estate tax, habang sinasabing “hindi dapat” idinidiin sa kanya ang bigat ng isyu.

 

 

Una nang sinabi ni outgoing Finance Secretary Carlos Dominguez III na desidido ang gobyernong kolektahin ang estate tax ng mga Marcos.

 

 

Marso lang nang magbabala si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng hindi makolekta ang mga naturang utang oras na umupo sa Malacañang si Bongbong.

 

 

Ang mga naturang buwis ay iba pa sa mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos noong diktadura, na kinilalala na rin ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017. (Daris Jose)

PDu30, hindi pa napipirmahan ang 182 bills na aprubado ng 18th Congress

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang  182 bills na aprubado ng  18th Congress.

 

 

“Considering that the 18th Congress we had almost two years of pandemic response and pandemic lockdowns, there were 197 [bills] signed into law, there was one veto but right now, pending in the Office of the President are 182 bills passed by both houses of Congress,” ayon kay Senate President Vicente Sotto III .

 

 

Ang 182 bills  ay kinabibilangan ng panukalang magtayo ng hiwalay na pasilidad para sa heinous criminals; paglikha ng National Transportation Board; Special Protection Against Online Abuse; Vaporized Nicotine Products; Expanded Anti-Trafficking Act; Permanent Validity of Birth, Death, and Marriage Certificates; taasan ang Social Pension for Indigent Senior Citizens Act, at iba pa.

 

 

Ang Vaporized Nicotine Products Bill  ay kapuwa aprubado na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso subalit magpahanggang sa ngayon ay hindi pa naipadadala sa Malakanyang .

 

 

Nakasaad sa batas ang  “provides regulations on the importation, manufacture, sale, packaging, distribution, use, and communication of vape products and novel tobacco products.”

 

 

Kabilang sa batas na ito ang rehistrasyon ng vape products sa Department of Trade and Industry.

 

 

Gayunman, hiniling ng  Department of Health  kay Pangulong Duterte  na i- veto  ang batas dahil naglalaman ito ng  “retrogressive provisions,” idagdag pa na pinapahina nito ang umiiral na national laws, polisiya, at standards ukol sa  regulasyon, distribusyon at paggamit ng  vapor products at heated tobacco products.

 

 

Dahil dito, umapela si Sotto kay Pangulong Duterte na iprayoridad ang pagpirma sa batas na naglalayong magtayo ng hiwalay na pasilidad para sa heinous crimes .

 

 

“There are very urgent matters there. For example, number is the Separate Facility for Heinous Crimes Inmates Act. If ever it was not signed into law I hope it will lapse into law or the next president might act on it,” ayon kay Sotto.

 

 

Samantala, kabilang naman sa  197 bills na aprubado na ni Pangulong  Duterte  ay ang mga batas hinggil sa modernisasyon ng  Bureau of Fire Protection, taxation sa Philippine Offshore Gaming Operations, itaas ang parusa sa perjury, Retail Trade Liberalization amendments, paglikha sa Department of Migrant Workers, Foreign Investment Act amendments, pagtaas sa edad ng  statutory rape, Marawi Compensation, at public health emergency benefits at allowances para sa mga healthcare workers, at iba pa.

 

 

Ani Sotto, hindi naman  kasama ang local bills na tinintahan upang maging ganap na batas sa 197 bills na naipasa sa panahon ng 18th Congress at kalaunan ay inaprubahan naman ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

NVOC, pangangasiwaan ni Health Usec Maria Rosario Vergeire pagpasok ng susunod na administrasyon

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI  Health Usec. Maria Rosario Vergeire  ang  mangangasiwa sa National Vaccination Operations Center  (NVOC) sa pagpasok ng administrasyong Marcos.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NVOC chairperson Usec. Myrna Cabotaje na walang dapat ipag -alala ang publiko dahil nasa mabuting kamay sila sa usapin ng vaccination campaign ng pamahalaan.

 

 

Ayon pa kay Cabotaje, magtutuloy-tuloy lamang ang pagbabakuna ng pamahalaan sa pangunguna ni Usec Vergeire sa bagong administrasyon.

 

 

Kumpiyansa si Cabotaje na magiging matagumpay din ang bakunahan sa bagong administrasyon dahil mas magagaling aniya ang mga taong hahalili sa kanila.

 

 

Sa kasalukuyan, hindi na aniya natitigil ang kanilang pagbabakuna hanggang sa natitirang araw nila sa pwesto  sa Hunyo 30. (Daris Jose)

PDU30, tinanggigan ang alok na drug czar post sa ilalim ng administrasyong Marcos

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGIHAN ni Outgoing President Rodrigo Roa Duterte ang alok na magsilbi siyang drug czar ng kanyang successor na si  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

“The last offer that I saw was to head the, to become the drug czar. Pero tinanggihan niya na iyon eh,” ayon kay acting Palace spokesperson Martin Andanar  nang tanungin kung may  “standing offers” ang  incoming administration kay Pangulong Duterte.

 

 

“Iyon ang lumabas sa pahayagan,” ani Andanar.

 

 

Buwan ng Mayo nang sabihin ni Marcos na nakahanda siyang gawing drug czar si Pangulong Duterte kung gugustuhin nitong sumama sa kanyang administrasyon upang maipagpatuloy ang laban sa ilegal na droga.

 

 

Sinabi ni Marcos na bukas siya para sa lahat ng mga nais tumulong sa gobyerno.

 

 

Pero nilinaw niya na hindi pa nila napapag-usapan ni Duterte ang posibilidad na maging drug czar ito pagkababa niya sa puwesto.

 

 

Magsabi lamang umano sa kanya si Duterte ay tatanggapin niya ito.

 

 

Inamin ni Marcos na bago mag-eleksiyon ay sinabihan siya ni Duterte na ipagpatuloy ang kampanya laban sa illegal na droga.

 

 

Binanggit din aniya ni Duterte na kawawa ang mga kabataan kung iiwanan ang laban sa ilegal na droga.  (Daris Jose)

PH Embassy, tinulungan ang pamilya ng mga Filipinong namatay sa car crash sa NZ

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang  Philippine Embassy sa Wellington  na magpapaabot ito ng tulong sa pamilya ng mga namatay sa isang aksidente sa kalsada sa Picton, New Zealand nitong Linggo ng umaga.

 

 

Sa isang  public post, araw ng Martes,  nagpaabot ng pakikidalamhati at pakikiramay si  Ambassador to New Zealand Jesus Domingo  sa pamilya ng mga biktima.

 

 

“Our condolences and prayers for our Kababayan who perished in Picton. The Embassy & POLO (Philippine Overseas Labor Office) in Wellington are assisting the family,”  ayon kay Domingo sa  kanyang Facebook  account.

 

 

Sa ulat, nasa pitong indibidwal, kabilang ang mga miyembro ng Filipino community, ang namatay sa isang aksidente sa kalsada sa New Zealand nitong Linggo ng umaga, sabi ng mga ulat ng media.

 

 

Sa ulat sa Stuff  nasa pitong tao mula sa isang pamilya sa Auckland ang namatay at dalawa ang malubhang nasugatan matapos na bumangga ang kanilang van sa isang refrigerated goods truck sa State Highway 1 sa pagitan ng Blenheim at Picton.

 

 

Hindi sinabi sa ulat kung ilan sa mga biktima ang mga Filipino ngunit sinabing isa sa mga nasawi ay isang sanggol na wala pang 1 taong gulang.

 

 

Bukod sa dalawang nasugatan, nakaligtas din sa aksidente ang isang miyembro ng pamilya na isang estudyante, ayon sa hiwalay na artikulo ng Stuff sa insidente.

 

 

Nagtamo ng minor injuries ang driver ng trak at nakalabas na umano ng ospital noong Linggo ng gabi.

 

 

Habang nagpapatuloy ang mga pagsisiyasat, sinabi ni Tasman District commander Paul Borrell na may mga maagang indikasyon na malamang na tumawid ang van sa gitnang linya bago ito bumangga sa trak.

 

 

Ayon sa ulat, ang road crash ay ang pinakanakamamatay sa South Island sa mahigit dalawang dekada, at isa sa pinakamasama sa New Zealand sa pangkalahatan.  (Daris Jose)