• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 27th, 2022

Sikreto sa masaya at successful na buhay: LOVELY at BENJ, parehong may masaganang spiritual life

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI Alden Richards ang inspirasyon ng Sparkle talents na sina Anjay Anson at Jeff Moses.

 

 

Ayon sa dalawang showbiz newcomers, ang mga na-achieve ni Alden bilang artista at businessman ang gusto nilang ma-achieve din balang-araw. Bilib sina Anjay at Jeff sa pagiging masipag na tao ni Alden. At kahit sikat na itong artista, simple pa rin daw ang pagkatao nito.

 

 

Sey ni Anjay: “Si Alden po ‘yung pinakanakikita ko na super simple niya lang po, and ang galing niya sa craft niya, ‘yung mga technique niya. Kaya gusto ko nga rin po siya makatrabaho sa susunod ko na project with GMA. Sana po makatrabaho ko siya, at least para ma-guide niya rin po ako, and malaman ko rin po kung paano ‘yung ginagawa niya kasi I really love his craft po talaga and super natutuwa po ako sa kanya.”

 

 

Sey naman ni Jeff: “Gusto ko rin po magkaroon ng same sa kanya ng parang superhero na mga soap and gusto ko rin maging leading man in the future. Isa siya sa mga pinaka-idol ko sa GMA, and I’m looking forward din po na makatrabaho siya soon. And also, mahalintulad ‘yung sarili ko sa kanya. Kung hindi man, like magkaroon din man ako ng sarili kong path, ‘yun po ‘yung path na gusto kong tahakin in the future.”

 

 

Future Kapuso leading man si Anjay dahil sa looks at height nito. Nagkaroon na ng acting experience noong makasama siya sa teleserye na Widows’ Web. Nagugustuhan din ni Anjay ang maging segment host sa Unang Hirit kunsaan nakakarating siya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

 

 

Si Jeff naman ay puwedeng sumabak sa mga sexy roles in the future dahil patok sa social media ang mga shirtless photos niya kunsaan pinapakita niya ang kanyang six-pack abs. Inaabangan din ng followers niya ang mga sexy dance videos niya sa Tiktok.

 

 

***

 

 

ANG sikreto sa masaya at successful na buhay mag-asawa nila Lovely Abella at Benj Manalo ay pareho silang may masaganang spiritual life.

 

 

Simula noong kinasal sila noong January 2021, malaki na ang nabago sa buhay nilang dalawa. Naging successful ang kanilang online business, nakapagpatayo sila ng sarili nilang kumpanya at pareho rin silang naging mas madadasalin at laging nagpapasalamat sa mga biyaya ng Panginoon sa kanilang pamilya.

 

 

Sa Instagram ni Lovely, pinost niya ang baptism niya sa kinabibilangan na spiritual group ni Benj.

 

 

 

Caption ni Lovely: “Yesterday is The Best day of our Lives. We Saved by God. Thank you babe dahil ikaw ang mas napalapit sakin kay LORD, mas lalo ako nagkaroon ng deeper relationship with God. Mas naiintindihan ko kung paano mag Obey sa kaniya. Lord alam kung simula pa lang to at excited kami sa Journey namin with you. Happy Father’s day po.”

 

 

“Babe.Baby. Dada. Love. Papa. Daddy Donbie Manalo

 

 

“Happy Father’s day. Thank you sa lahat ng ginagawa mo para sa family natin. We love you so much. Heto ang pinaka the best gift na nareceive mo this day walang iba kundi si HOLY SPIRIT.”

 

 

Si Benj, na anak ng Eat Bulaga host and comedian na si Jose Manalo, ay 16 years na raw na up and down ang spiritual life. Pero ngayon ay kasama na niya si Lovely, mas mabibigyan na niya ng halaga ito.

 

 

“16 years of ups and downs on my journey to know Christ, 2006 I was introduced to His word, but I got lost. Have done a lot of things in my life that I know were not pleasing to God. I was selfish with all my actions for my own intentions only. Not until last year 2021 when I was at my worst, Jesus used pastor @francis_cutiongco to answer my prayers, I was caught off guard but I knew from that Time, God wanted me to know Him more.”

 

 

“Yesterday, I surrendered my life and dedicated my life to God! Guess what not only me but also my Wife @lovelyabella_ and soon all of our household, family and friends will surely know Him better. I have so many things I wanted to share about my journey and me and my wife’s journey, but I know God has a perfect time for that. For today we celebrate this new life with Christ. Praise God!”

 

 

***

 

 

NAKIPAGHIWALAY na si Kendall Jenner sa kanyang boyfriend na si Devin Booker.

 

Unang na-link ang supermodel and reality star ng Keeping Up With The Kardashians sa Phoenix Sun player noong April 2020. Naging Instagram official sila noong February 2021.

 

Ayon sa source, matagal na raw hindi nag-uusap ang dalawa, pero ngayon lang daw nilang ginawang official ang paghihiwalay nila.

 

 

Huling nagkasama ang dalawa noong wedding ng eldest half sister ni Kendall na si Kourtney Kardashian kay Travis Barker sa Italy.

 

 

“Kendall and Devin hit a rough patch recently and have been split for about a week and a half. They were having a real nice time in Italy. But once they got back, they started to feel like they weren’t aligned and realized they have very different lifestyles. Kendall asked for space and time apart,” ayon sa report ng E! News.

 

 

Sa last interview ni Kendall noong nagpo-promote ito ng reality show nila na The Kardashians on Hulu, nabanggit nito na she’s having “baby fever”.

 

 

Naiinggit daw siya sa sister niyang si Kylie Jenner dahil dalawa na raw ang anak nito.

 

 

Sey pa ni Kendall: “I hang out with all of them and I’m, like, it would be so fun to have one, too, but I’m chilling. I’m just living life right now as, like, a free bird.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Concepcion, tinapik ang health, economic experts bilang advisory group na gabayan ang pribadong sektor

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAPIK ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion  ang  health at economic experts  bilang mga advisory group na gabayan ang pribadong sektor  habang ang bansa ay kumikilos tungo sa pagiging normal matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni Concepcion na may nakatakda siyang pagpupulong kasama ang mga eksperto sa larangan ng medisina, pananaliksik at ekonomiya upang pag-usapan ang kanilang mga payo sa pribadong sektor hinggil sa “shifting to normalcy.”

 

 

Kabilang sa mga eksperto ay sina infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, National Task Force (NTF) Against COVID-19 adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa,  DOH Technical Advisory Group member Edsel Salvana, at OCTA research fellows Dr. Michael Tee, Dr. Guido David at Fr. Nic Austriaco, at ang ekonomistang si Romy Bernardo.

 

 

“So these doctors and data analysts will meet this afternoon and align [their] message and of course their advice to the private sector as well. We are facing these price increases and we want to make sure ‘yung alert levels natin will continue to be where it is,” ayon kay Concepcion.

 

 

“And hopefully, ang isang recommendation naming is eventually setting it aside but what are the parameters that will happen before we totally remove alert levels so those are the things we will be discussing,” dagdag na pahayag  nito.

 

 

Sinabi pa ni Concepcion, may pangangailangan na pag-usapan ang proseso ng “transitioning out to a public state of emergency.”

 

 

“How do we transition out from the public state of health emergency, we cannot be forever in the public state of emergency, how do we shift now to the removal of that? It will take time,”  ayon kay Concepcion.

 

 

“We have to start thinking along the line of preparing the move from pandemic to endemic. So it’s not overnight that you can say okay tanggalin na natin ang public state emergency hindi ganyan, so it is a process and we have to start discussing that,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, pinalawig ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang  state of calamity ng hanggang Setyembre  12, 2022 sa bansa bunsod ng  patuloy na pagtaas ng kaso at banta ng coronavirus variants. (Daris Jose)

Marcos, pinag-aaralan ang 5-year term para sa mga opisyal ng barangay

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASUSING pinag-aaralan ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang panukalang gawing limang taon ang tatlong  taon na termino ng mga opisyal ng barangay.

 

 

Sinabi ni Incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, pinag-aaralan na ng administrasyong Marcos ang batas na mag-aamyenda sa termino ng mga barangay officials, kabilang na ang pagpapalawig sa term of office ng kapitan ng barangay.

 

 

“We are studying thoroughly the plus and the minuses of spending or calling for elections and there is nothing definite yet,” ayon kay Rodriguez bilang tugon sa tanong kung tuloy ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections  sa Disyembre.

 

 

“But we are open to all options that are being presented to us including the possibility of passing a law and making the term of barangay captains to five years, still subject to three terms,” dagdag na pahayag ni Rodriguez.

 

 

Base sa kanyang naging karanasan bilang dating kapitan ng barangay, sinabi ni Rodriguez na ang pag-amiyenda sa kasalukuyang termino at gawing limang taon na limitado sa tatlong termino ay makapagpapahusay sa pamamahala sa barangay  kumpara sa kasalukuyang ginagawa ng patuloy na pagpapalawig sa pamamagitan ng pagpapaliban sa halalan sa barangay.

 

 

“For me as a former barangay captain, I think mas may wisdom na gawin nating five years ‘yan kaysa extension, extension, extension, and extension because we are working against the spirit of our law, the bible of the Local Government Units – the 1992 Local Government Code,” anito.

 

 

“So instead of violating the spirit of the law, we might as well extend natin siguro ‘yan and provide stability in your leadership, provide stability in governance,” ayon pa rin kay Rodriguez.

 

 

Noong 2019, tinintahan  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11462 para  ipagpaliban ang May 2022 BSKE sa Disyembre 2022. Ang huling BSKE ay idinaos noong Mayo 2018, na dalawang ulit na naipagpaliban.

 

 

Sinabi rin ni Rodriguez na magbibigay ito ng mas mataas na antas ng pananagutan, lalo na sa Mandanas-Garcia ruling na itinakda para sa pagpapatupad ngayong taon na magbibigay ng karagdagang pondo sa local government units (LGUs) hanggang sa mga barangay.

 

 

Sa ngayon , ang IRA ng LGU ay nagmumula sa 40% ng pambansang buwis sa panloob na kita na kinokolekta ng BIR.

 

 

Sa pagpapatupad ng ruling ng Mandanas-Garcia ngayong taon, inaasahang magkakaroon ng 27.61% na pagtaas ang mga LGU sa kabuuang bahagi ng IRA.

 

 

Matatandaang, sa panahon ng kampanya, sinabi  ni Marcos ang kanyang intensyon na isama sa kanilang mga priority bill, ang mga hakbang sa pag-amyenda sa mga batas na namamahala sa barangay tulad ng kanyang panukala noong siya ay senador na palawigin ang termino ng mga opisyal ng barangay mula tatlo hanggang limang taon.

 

 

“Pag sindundan natin strictly ang Local Government Code (LGC), tayo ay magkakaroon ng halalan, national elections, mid-term elections, merong SK elections, at merong pang barangay elections, kada taon,” giit ni Rodriguez.

 

 

“Alam naman natin na kapag puro eleksyon ang ating ginagawa ay hindi natin matatapos ang gusto nating tapusin na trabaho. Palitan na lang natin ang term ng mga barangay officials at gawin na nating five years, two terms,” ang pahayag  ni Marcos sa isa sa kanyang mga kampanya. (Daris Jose)

Maraming Pinoy fans nadismaya dahil sa bigong kunin ng mga NBA teams si Kai Sotto

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING mga Pinoy fans ang labis na nadismaya matapos hindi kinuha ang Pinoy seven-footer na si Kai Sotto sa ginanap na 2022 NBA Draft.

 

 

Mula kagabi hanggang kaninang tanghali ay naging top trending topic si Sotto dahil sa pagbuhos ng mga panawagan at suporta ng mga Pinoy fans sa iba’t ibang dako ng mundo.

 

 

Naging mainit din ang debate, awayan at palitan ng opinyon ng mga fans kung hinog na nga ba talaga sa matinding laro sa NBA ang center na si Sotto.

 

 

Una rito, inabot na ng second round ang draft at 58 mga American college players at international players ang nakuha subalit wala pa ring natatawag na pangalan na Kai.

 

 

Sa kabila nito, marami pa rin ang pumuri sa 20-anyos na si Sotto dahil sa pagtatangka nitong magtala ng kasaysayan at unang homegrown Pinoy na nag-ambisyong maglaro sana sa NBA.

 

 

Para naman sa mga veteran observers, hindi pa rito nagtatapos ang NBA journey ni Sotto dahil napakabata pa nito at maraming pang panahon na mag-i-improve ang laro.

 

 

Anila, marami ang mga ehemplo na mga undrafted players ay naging interesado pa rin ang ilang mga NBA team.

 

 

Halimbawa na lamang ang mga NBA stars na sina Christian Wood, Fred VanVleet, at Seth Curry.

 

 

Para naman kay Sotto malungkot siya sa pangyayari, pero tiniyak niya sa kanyang mga Pinoy fans na hindi siya titigil sa kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA at posible pang maglaro ngayon sa NBA summer league.

 

 

“Thank you to everyone for your support and kind words tonight, I won’t stop pursiung the dream of being in the NBA…..this is not the end. I also want to clarify that no decision has been made about me not playing in the summer league. My agent misspoke,” ani Sotto sa kanyang social media account na Twitter.

Ads June 27, 2022

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DTI nagbigay ng cash aides sa Valenzuela MSEs

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng Department of Trade and Industry’s (DTI) Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), ay mabibigyan ang Micro and Small Enterprises (MSEs) ng P10,000 bilang paunang puhunan para matulungan lumago ang kanilang maliit na negosyo.

 

 

Nangako si DTI Secretary Ramon Lopez na magbibigay ng cash assistance na hindi bababa sa 1,000 sa maliliit na business owners mula sa Valenzuela na magsisilbing pondo para ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng kanilang sariling negosyo.

 

 

Sinabi ni NCR Regional Director Marcelina S. Alcantara na pangunahing layunin ng nasabing programa ay suportahan ang mga taong naapektuhan  ng sakuna, lalo na ang mga napilitang isara ang mga negosyo dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

 

 

“Ang atin lamang pong objective dito sa Pangkabuyan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) ay matulungan ‘yung atin pong mga Micro-Enterprises na galing po sa priority natin, kumbaga ay eligible beneficiaries. Gaya ng nasunugan at na-pandemic,” ani Director Alcantara.

 

 

Sa kanyang mga natitirang araw sa opisina bilang chief executive, nagbigay ng ilang payo si Mayor REX Gatchalian sa kanyang mga nasasakupan na nabigyan ng cash assistance. Tiniyak niya na ang pera ay magagamit ng matalino at epektibo para ang PPG program ay patuloy na sumusuporta sa kanilang mga negosyo.

 

 

“Hindi lang ito ayuda kundi dagdag kapital mula sa Dapartment of Trade and Industry (DTI) para matulungan kayong makabuwelo pa lalo. Alam nating marami po sa mga negosyante nating maliliit ay talagang lubhang naapektuhan ng pandemya dahil nagamit po kung saan-saan ang kanilang kapital,” pahayag ni Mayor REX. (Richard Mesa)

‘Top Gun: Maverick’, Becomes 2nd Movie To Cross $1B At Box Office Since 2019

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IT is now official, Top Gun: Maverick becomes the second movie to cross $1 billion at the global box office since 2019.

 

 

Acting as a sequel to 1986’s beloved Top Gun, Joseph Kosinski’s Top Gun: Maverick sees the return of Tom Cruise’s hotshot pilot, Pete “Maverick” Mitchell.

 

 

The film features Maverick taking up a teaching role this time around, training a new batch of Top Gun pilots for a dangerous mission in enemy territory, including Rooster (Miles Teller), the son of his late former Wingman, Goose (Anthony Edwards).

 

 

Top Gun: Maverick has earned almost universally positive reviews from both audiences and critics, with many praising the impressive aerial combat sequences. Kosinski previously stated that they filmed over 800 hours of footage for the film, with the cast members required to undertake significant training in order to be able to film themselves while in the cockpit of real fighter jets.

 

 

In addition to Rooster, Top Gun: Maverick introduces a host of new characters for audiences to root for, including Jennifer Connelly as Penny, Jon Hamm as Cyclone, Monica Barbaro as Phoenix, Lewis Pullman as Bob, Jay Ellis as Payback, and Glen Powell as Hangman. The film also brings back original Top Gun star Val Kilmer as Tom “Iceman” Kazansky.

 

 

According to the report from Deadline, Top Gun: Maverick has now officially crossed $1 billion at the global box office, making it the second film since 2019 to do so after Spider-Man: No Way Home last year. The $1 billion comprises $521.7 million earned domestically and $484.7 million from international markets. Both Top Gun: Maverick and Spider-Man: No Way Home are the only movies to have hit this impressive milestone since Avengers: Endgame shattered box office records upon its release in 2019.

 

 

While the marketing from Paramount and Cruise has undoubtedly helped the film and also boasts strong reviews and very positive word-of-mouth. The positive reception to the film has helped Cruise’s latest blockbuster to see relatively small dips in box office performance from weekend to weekend, with last weekend experiencing only a 21% drop.

 

 

Top Gun: Maverick is currently competing against another legacy sequel, Jurassic World Dominion, which has also been performing well at the box with over $700 million earned globally despite the film’s generally poor reviews. Although the Top Gun sequel comes more than 35 years after the original film, it’s clear that time has not deterred audiences’ interest in Cruise’s hotshot pilot.

 

 

Crucially, the film features plenty for both longtime fans of the original and newcomers alike to enjoy, with Top Gun: Maverick’s aerial combat alone making it worth the price of admission for many viewers.

 

 

With movie theaters having struggled for the last few years under the restrictions brought on by the Coronavirus pandemic, Top Gun: Maverick’s record-breaking performance could suggest that, at least for many audiences, blockbuster movies are back and better than ever. (source: screenrant.com)

 

 

Top Gun: Maverick is distributed by Paramount Pictures through Columbia Pictures, still playing cinemas across the Philippines.

(ROHN ROMULO)

44% ng mga Pinoy umaasang aangat ang buhay sa loob ng 12-mos. – SWS survey

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa umano ang nasa 44% ng mga Filipino adults na sila ay naniniwala na kahit papaano ay aangat ang kanilang buhay sa darating na 12 buwan o isang taon.

 

 

Ito ay batay naman sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong araw.

 

 

Sinasabing mula sa 1,440 respondents, nasa 44 percent sa kanila ang nagsasabi na ang quality of life ay mas gaganda pa, habang nasa 39 percent naman ang naniniwala na wala pa ring pagbabago at nasa four percent naman sa mga na-survey ang nagsabi na baka lalo pang lumala sa loob ng isang taon.

 

 

Umaabot naman sa 13 percent ang hindi nagbigay ng kasagutan.

 

 

Ang naturang survey ay isinagawa mula April 19 hanggang April 27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

 

 

Nangyari ang survey bago ang halalan noong May 9.

 

 

 

Sinabi pa ng SWS na ang mga respondents ay adults na may edad na 18-anyos pataas na nagmula sa Balance Luzon, Metro Manila, the Visayas, at Mindanao.

 

 

Ang nasabing survey ay nagkataon naman na ang hinihinging pananaw sa mga kababayan ay sa papasok na bagong gobyerno sa ilalim ng Marcos administration.

5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS  sa “moderate risk” ang klasipikasyon ng apat na lungsod sa National Capital Region kasama ang Pateros, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health system.

 

 

Ang mga lugar na tumaas sa “moderate risk” ay ang mga lungsod ng Marikina, Pasig, Quezon City, San Juan at Pateros.

 

 

“Ang kanilang growth rate ay lumalagpas ng 200 percent dahil nanggaga­ling sa mababang numero, biglang nagkaroon ng kaso, kaya tumaas ang growth rate,” ani Vergeire.

 

 

Sinabi rin ni Vergeire na ang mga lugar na nasa ilalim ng moderate risk ay maaaring ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2.

 

 

Pero nilinaw ni Vergeire na kung pagbabasehan ang data ay hindi naman nangangailangan ng mahigpit na quarantine restriction dahil mababa pa ang bilang ng mga COVID patients na nadadala sa mga ospital.

 

 

Nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang lugar, ang pinakamaluwag sa five-tier alert level sa bansa, hanggang sa katapusan ng buwan.

 

 

“For now, escalation to Alert Level 2 hindi pa natin nakikita. Although we cannot say by next week biglang nagtaasan. That’s the time we are going to decide and that’s going to be IATF to decide,” ani Vergeire.

 

 

Binanggit ni Vergeire ang humihinang immunity ng populasyon at hindi na pagsunod sa public health standards ng mga mamamayan.

 

 

“Marami tayong factors lagi that will contribute to the increase in number of cases. Tama kayo, kasama na diyan ‘yung pagpasok ng subva­riants ng omicron sa ating bansa, which, based on evidence, is more transmissible. Kasama na rin diyan … ‘yung compliance sa minimum health standards,” ani Vergeire.

 

 

Idinagdag ni Vergeire na sinusubaybayan ng DOH ang isang “strategic” na lugar sa NCR kung saan ang kapasidad ng ospital ay tumaas na “higit sa 50 porsyento.”

 

 

Pero karamihan aniya sa mga admission ng ospital ay mild at asymptomatic samantalang hindi naman “significant” ang mga severe cases.

 

 

“In this area kung saan tumataas by 50 percent, ito po ’yung isang lugar sa Metro Manila kung saan may malalaking ospital, kung saan sa iba’t ibang bahagi ng NCR nanggagaling ang pasyente, even outside NCR,” ani Vergeire.

 

 

Una nang nagbabala si Health Secretary Fransisco Duque III na ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay maaaring tumaas ng hanggang 2,000 araw-araw sa katapusan ng Hulyo, batay sa isang panayam sa telebisyon. (Daris Jose)

Irving tinukoy ang mga teams na gustong malipatan

Posted on: June 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINUKOY umano ng NBA superstar na si Kyrie Irving ang mga teams na gusto niyang malipatan mula sa kasalukuyang Brooklyn Nets.

 

 

Hinahangad daw kasi ng kontrobersiyal na si Irving na malipat siya sa pamamagitan ng sign-and-trade kung mabigo ang negosasyon niya sa Brooklyn.

 

 

Kabilang daw sa mga teams na ambisyon ni Irving na mapuntahan ay ang Los Angeles Lakers, LA Clippers, New York Knicks, Miami Heat, Dallas Mavericks at Philadelphia 76ers.

 

 

Gayunman kung sakali posible daw magkaproblema pa rin si Irving sa naturang teams kung lilipat bunsod na halos wala na raw puwang sa tulad niya na napakamahal ang presyo ng sweldo.

 

 

Meron na lamang hanggang Miyerkules sa susunod na linggo si Irving para magdesisyon kung gusto pa niyang manatili at makasama pa rin si Kevin Durant.

 

 

Kung papayag siya sa deal ay tatanggap siya ng $36.9 million para sa susunod na NBA season.