• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 1st, 2022

Marcos Jr. nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISIMULA na ang termino ni Ferdinand Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas matapos ang matagumpay na inagurasyon sa National Museum of Fine Arts sa Maynila, Huwebes.

 

 

Tanda ito ng anim na taong panunungkulan ni “Bongbong,” matapos i-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang panunumpa sa tungkulin sa makasaysayang gusali.

 

 

Tinatayang nasa 30,000 ang nagtungo sa panunumpa ni Marcos Jr., ayon sa Philippine National Police. Mahigit 18,000 pulis, sundalo, coast guard atbp. ang itinalaga sa lugar para siguruhin ang seguridad.

 

 

Ia-administer din dito ni Marcos ang mass oath-taking ng kanyang magiging Gabinete, pati na ang mga local government unit officials ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.

 

 

Si Bongbong ang ikalawang Marcos na nanumpa bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos ang kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr., na siyang nagpatakbo ng diktadura mula 1972 hanggang 1981 buhat ng pagdedeklara ng Batas Militar.

 

 

Matatandaang sa parehong venue, na kilala rin sa tawag na Old Legislative Building, ginanap ang inauguration nina dating Pangulong Manuel Quezon (1935), dating Pangulong Jose P. Laurel (1943) at dating Pangulong Manuel Roxas (1946).

 

 

Mula sa orihinal na venue sa Liwasang Bonifacio, inilipat naman ng mga militanteng grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang kanilang mga kilos-protesta sa Plaza Miranda.

 

 

Ayon kay BAYAN secretary-general Renato Reyes Jr., ito’y para na rin sa mapayapang pagdaraos ng kanilang demonstrasyon laban sa papasok na administrasyon at para na hindi maiwasan ang mga insidente sa mga taga-suporta ni Marcos Jr. Aniya, ni-request din ito sa kanila ng PNP.

 

 

“The venue holds historic significance in the anti-dictatorship struggle and is also a designated freedom park. The protest will be a counter-point to the Marcos inauguration,” ani Reyes kanina.

 

 

“It will highlight our continuing fight against historical revisionism and for the people’s demands.” (Daris Jose)

5 major agenda, palalakasin pa ni Mayor Joy

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG major agenda ang higit na palalakasin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ikalawang termino  nito bilang alkalde sa lungsod.

 

 

Inihayag ito ng alkalde sa ginanap na inagural ceremony ng mga nanalong  opisyal ng QC.

 

 

Pinangunahan ni Mayor Joy ang okasyon kasama sina Vice Mayor Gian Sotto  at anim na kongresista sa lungsod at mga konsehal na ginanap sa Eduardo V. Manalo Convention Center sa lungsod.

 

 

Sa ikalawang termino ni Mayor Belmonte ay sinabi nito lalo pa niyang palalakasin  ang social services, kalusugan, edukasyon, digitalization  at economic programs na  higit na pakikinabangan ng mga taga-lunsod

 

 

Sa kanyang inagural speech sinabi niya na sa social services pa lamang mula P9.8 Bilyong pondo noong 2019 ay dinoble  ngayong 2022 na umabot sa P16.1 bilyon upang matulungang maiangat ang buhay ng mga nasa laylayan.

 

 

Kasama din anya  na makikinabang dito ang mga jeepney drivers at iba pang driver na higit na naapektuhan ng pagtaas ng halaga ng gasolina.

 

 

Magkakaroon ng dagdag na itatayong LGU owned hospital sa ibang distrito at palalakasin pa ang mga programang pangkalusugan sa mga barangay.

 

 

Higit pa anyang palalawakin ang mga programa sa edukasyon at pagpapasigla ng ekonomiya dahil sa mga nagawa ng mga programa para sa mga taga-QC.

 

 

Pinasalamatan din ni Mayor Belmonte ang mga taga-QC sa muling pagtitiwala sa kanya na mapangasiwaan ang lungsod na patunay lamang na walang katiwalian at walang nasasayang na pondo sa ilalim ng kanyang pangasiwaan.

Marcos, pinili si banking veteran Wick Veloso para pamunuan ang GSIS

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINILI ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’ si veteran banking executive Jose Arnulfo “Wick” Veloso para pamunuan ang  Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng  incoming administration.

 

 

Si Veloso ang kauna-unahang Filipino CEO para sa HSBC Philippines,  kung saan siya nagtrabaho ng  23 taon simula 1994.

 

 

Taong 2018,  pinalitan niya si  Reynaldo Maclang bilang pangulo ng Philippine National Bank (PNB).

 

 

Sa tatlong dekadang karanasan sa “banking and capital markets sectors,” si Veloso  ay naging pangulo ng Bankers Association of the Philippines (BAP).

 

 

Si Rolando Macasaet  ang kasalukuyang pangulo at  general manager ng GSIS,  social insurance institution para sa mga empleyado ng gobyerno. (Daris Jose)

PCOO, nagsagawa ng handover ceremony at pag-welcome sa bagong pinuno nito

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINURN-over na ni  Outgoing Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang mga mahahalagang dokumento ng ahensiya kay incoming PCOO Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.

 

 

Sa isinagawang  PCOO New Administration Continuity Handover Ceremony,  sinabi ni Andanar  na kumpiyansa siya na mapananatili ni Secretary-designate Cruz-Angeles ang game-changing reforms, lalo na ang pagsisikap na mas mapahusay pa ang government media.

 

 

Umaasa naman si  Andanar  na maipagpapatuloy ni Angeles ang mga programa at proyekto na kanyang pinangunahan gaya ng “the upgrade of facilities of public media assets, including at the PNA, PTV, PIA, PBS, RTVM, and the BCS; the realization of the goals for the Government Communications Academy, the Mindanao Media Hub, and the Visayas Media Hub; strengthened ties with both local and international media likewise a more fruitful cooperation with our allied countries.”

 

 

“To our successors, may you continue to exhibit what real public service is and  manifest a sense of determination to serve the common interests of the public. May you continue to support and pursue PCOO advocacies and aspirations of empowering every Filipino through correct and professional information delivery,” ayon kay Andanar.

 

 

Hinikayat din niya si Angeles na ipagpatuloy ang pagpo-promote sa  Freedom of Information, tumulong sa pagbibigay proteksyon sa media personnel, at itulak ang batas na Media Workers’ Welfare Bill.

 

 

Samantala, nangako naman si Angeles na magbibigay ng “more depth and more dimension” sa kung ano na ang nakamit ng PCOO, pinaalalahanan nito ang lahat na magkakaroon ng pagbabago sa pagpasok ng bagong liderato.

 

 

“Change must be managed. It is inevitable so you must face it. What we’re doing now is facing changes. There are some here who I will be seeing more and there are some who will be moving forward. Either way, you’re going to be managing some kind of change. But our success is determined by our ability not just to manage them but to adapt with them,” ani Angeles.

 

 

“I’m so glad to see that so much has been accomplished in the previous administration and what we would like to do to bring more depth, more dimension to what we have already achieved,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Si Cruz-Angeles,  isang social media strategist sa PCOO mula Hulyo 2017 hanggang 2018 sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay tinanggap ang alok na maging press secretary.

 

 

Kung maaalala, noong unang bahagi ng taong 2000s, nagtrabaho si Cruz-Angeles sa ilang mga ahensyang kasangkot sa heritage and cultural conservation.

 

 

Nagtrabaho rin siya bilang tagapagsalita ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at legal counsel para sa mga indibidwal na sangkot sa mga kontrobersyal na kaso.

 

 

Kabilang sa mga kliyenteng kanyang kinatawan ay ang itiniwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca II at dating pugante na naging Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

 

 

Noong 2016, sinuspinde ng Korte Suprema si Cruz-Angeles mula sa pagsasanay ng batas sa loob ng tatlong taon.

 

 

Sinabi ng mataas na hukuman, nilabag niya at ng kapwa abogadong si Wylie Paler ang mga sipi sa code of conduct ng abogado laban sa mga hindi tapat na gawain, pagpapabaya sa mga legal na bagay na ipinagkatiwala sa kanila, at pananagutan para sa pera ng kliyente.

 

 

Naging radio show host at prominenteng blogger din ito kung saan sinusuportahan niya ang administrasyon ni Pangulong Duterte.

 

 

Samantala, pinangalanan  naman ni Angeles ang iba pang incoming officials na magsisilbi sa ilalim ng kanyang liderato, ito’y sina  Ina Reformina, Greggy Eugenio, Marlon Purificacion, Bobby Rico Hermoso, Emerald Ridao, Andrei del Rosario, Atty. Eugene Rodriguez, Dale De Vera, Kitz Barja, Aristotle Aguilar, at Jan Paul Songsong. (Daris Jose)

EJ Obiena ‘wagi ng gold medal sa torneyo sa Sweden

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULI na namang nakasungkit ng gold medal ang Pinoy pole vaulter at Olympian na si EJ Obiena matapos magtala ng 5.92 meters sa ginanap na torneyo sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden.

 

 

Nalampasan ni Obiena ang dati niyang personal best na 5.85 meters doon sa Italy.

 

 

Kung maalala noong buwan lamang ng Mayo nagawang madepensahan din ni Obiena ang kanyang gold medal record sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

 

 

Sa katatapos lamang na torneyo sa Sweden nasa .01 lamang ay muntik na niyang malampasan ang personal best at Asian record na 5.93 na naitala niya sa Austria noong September 2021.

P2 taas pasahe sa jeep, aprub na ng LTFRB

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN  na ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng mga drayber na P2 dagdag na pasahe sa jeep sa buong bansa.

 

 

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Dahil dito, nasa P11 na ang minimum na pasahe sa traditional jeep, habang nasa P13 naman ang minimum na pasahe sa modern jeep.

 

 

Hindi na isinama sa taas pasahe ang provisional na P1 taas pasahe na pansamantala lamang at maaaring mabago imbes P2 taas pasahe lamang ang idinagdag  sa orihinal na P9 minimum na pasahe .

 

 

Magiging epektibo ang dagdag pasahe sa July 1.

 

 

Patuloy namang bibigyan ng 20 percent discount ang mga pasahero na senior citizens at persons with disabilities at mga estudyante.(Angie dela Cruz) Naglagay na ng 13 checkpoints ang Manila Police District (MPD) sa iba’t ibang lugar at hangganan ng lungsod bilang bahagi ng ipinatutupad na seguridad sa inagurasyon ni president-elect Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Sa abiso ng MPD-Public Information Office, kabilang sa mga lugar na lalagyan ng checkpoints ang: Brgy 101 sa Mel Lopez Blvd; H. Lopez Blvd. sa Tondo; Juan Luna St. sa Tondo; Blumentritt malapit sa kanto ng Dimasalang St. sa Sta. Cruz; España Blvd. cor Blumentritt Extn.; at R.M. Blvd. corner Altura Street sa Sampaloc.

 

 

Maglalagay din ng checkpoints sa: New Panaderos St.; Rizal Avenue corner R. Papa; Lubiran Bridge, Lubiran St., Bacood; Pinaglaban bridge; Roxas Blvd., malapit sa kanto ng P. Ocampo St.; Taft Ave., Corner P. Ocampo; at 2nd street Brgy. 649 Baseco Compound, Port Area.

 

 

Una nang nagpatupad ng pagsasara ng mga lansangan at pagtatatag ng mga traffic re-routing scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Maging sa mga miyembro ng media na magko-kober ng inagurasyon ay naging mahigpit din dahil sa kinailangan pa ng akreditasyon at negatibong RT-PCR test. (Daris Jose)

NTC, susuriin at rerebisahin ang broadcast block time deals

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng television at radio companies na magsumite ng kanilang  block time deals para sa ‘approval’ ng ahensiya.

 

 

Nakasaad  sa memorandum na ipinalabas ng NTC na may petsang Hunyo 23,  ang mga block time deals ay hindi dapat na mahigit sa  50%  ng  daily airtime broadcast ng radio o television station.

 

 

“Authorized radio and television broadcast entities, its management and board of directors shall be solidary liable with the block timer for any violation committed by the block timer arising from the content or programs under the block time agreements,” ang nakasaad sa memorandum ng NTC.

 

 

Kontra naman ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa nasabing direktiba.

 

 

“We believe it is the station’s prerogative to choose the type of programs they will adopt whether it is station produced, co-produced with another party or [throgh] blocktime with 3rd party. We believe NTC has no jurisdiction over content,” ayon kay KBP President Herman Basbano sa isang kalatas.

 

 

“Our position should have been heard before the issuance of this order on blocktime. Nonetheless [we] will present our opposition and our position in the NTC hearing [which] was reportedly scheduled on July 11,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, ang dating media giant ABS-CBN, na nawalan ng kanilang operating franchise noong 2020, pumasok sa  block time agreements sa Zoe Broadcasting Network at TV5 para i-ere ang kanilang mga palabas sa “free television.” (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Digital martial law sa pagpapasara ng SEC sa Rappler

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang ginawang pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Rappler.

 

 

“We are now in digital martial law as the government continues to target the press, censor and control the information available to the public with the shut down of ABS-CBN, the blocking of websites of progressive organizations and independent media and now with the SEC order to close online news organization Rappler,” ani Castro.

 

 

Isang araw na lamang aniya ang natitira sa administrasyong Duterte ay patuloy pa rin umano ang pag-atake press freedom.

 

 

“Takot na takot sa katotohanan at tamang impormasyon ang administrasyong Duterte at Marcos. Hindi pa nga nakakaupo sa pwesto ang paparating na administrasyon, labis na ang atake na ginagawa nito laban sa ating kasaysayan at press freedom,” dagdag ni Castro.

 

 

Ang pag-atake sa pamamahayag ay isa na naman umanong pagtatangka ng para mabaluktot umano ang historical truths ukol sa kasalanan ng pamahalaan sa sambayanan.

 

 

Tinuligsa din ni Ariel Casilao, Anakpawis Party-list National President, ang shutdown order laban sa Rappler base sa isyu ng foreign ownership.

 

 

“The Duterte regime is averse to press freedom akin its outright hostility against human rights. Established na this is all under Duterte’s tab, given na inamin niya recently na ginamit niya ang presidential powers laban sa ABS-CBN. Wala ring kwestyong ang harassment sa Rappler ay order ni Duterte.  This is not a trait of a president, but of a tyrant or warlord like during the Marcos dictatorship,” ani Casilao.

 

 

Dagdag pa ni Casilao, halos lahat ng basic freedom ay inaatake tulad umano ng right to life ng extrajudicial killings, right to due process ng illegal arrest at trumped up charges, right to safety ng red-tagging at militarization, right to freedom of expression and peaceful assembly, harassment sa mga aktibista, kritiko at oposisyon.

 

 

“Malinaw na ina-undermine ng Duterte regime ang democratic way of life ng mamamayang Pilipino at reminiscent ito ng Marcos dictatorship,” ani Casilao. (Ara Romero)

Netizens, nasasabik na sa mga susunod na episodes: Online serye nina HERLENE at JOSEPH, umaani ng papuri at kinakikiligan

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAANI ng papuri ang bagong online serye ng Puregold Channel na “Ang Babae Sa Likod ng Face Mask” matapos maipalabas ang isa na namang episode nito noong Sabado. 

 

 

Kasabay ng tagumpay na ito, patuloy ring dumarami ang mga manonood na kilig na kilig at hindi na makapaghintay para sa mga susunod na kabanata ng nasabing series.

 

 

Talaga namang tuloy-tuloy ang pagkasabik nang mapanood sa ikatlong episode na nakatanggap si Malta (Herlene Budol) ng friend request mula sa kanyang crush na si Sieg (Joseph Marco)! Hinikayat naman ni Madam Baby (Mickey Ferriols), ina ni Malta, na tanggapin ng dalaga ang friend request at dito na nagsimula ang online friendship ng dalawang bida.

 

 

Bagaman masaya si Malta na nakakausap na niya ang kanyang crush, hindi pa rin maiwasan ng dalaga ang ma-insecure at makulangan ng lakas ng loob na ipakita ang kanyang mukha kay Sieg. Sa kanilang mga video call, itinatago ni Malta ang buong itsura sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang filters. At, kahit na nasa bahay, palagi pa rin siyang nakasuot ng facemask.

 

 

Matapos mapanood ang pinakahuling episode, agad-agad na ibinahagi ng fans kung gaano sila kinikilig at nakaka-relate sa kuwento ni Malta:

 

The story is funny but with a pinch, especially sa mga young ladies ba ipinanganak na di nabigyan ng magandang face. Just like Herlene in the story, masyadong mababa ang confidence sa sarili. Nakakarelate ang narami sa kuwento.

 

“Super Ganda ng love ️ story para sa akin Bigla akong bumata, nakakakilig.” 

 

 

Puring-puri rin ng netizens si Joseph:

 

“Hooked na ako sa love story ni Malta at Sieg.

 

“Joseph Marco is my ️.”

 

Ka gwapo ni Marco makakiliggggggg.”

 

“Ang galing ni herlene natural ang acting ang pogi ni joseph may chemistry clang dalawa.”

 

 

Mababasa na rin ang kasabikan ng netizens para sa susunod na episodes at hinihiling nila na ilabas na ang mga ito.

 

 

Sa ikaapat na episode, magpapatuloy ang online na pag-uusap at pagkakaibigan ni Malta at Sieg. Sa gitna ng pagkakamabutihan, matatakot pa rin kaya si Malta o magkakaroon na siya ng lakas ng loob na ipakita ang buong itsura sa binata?

 

 

Patikim pa lamang ‘yan!

 

 

Abangan ang susunod na mga episode ng “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” tuwing Sabado, 7 PM, sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold. Upang manatiling updated, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow na rin @puregold_ph sa Instagram at Twitter, siguraduhin din na naka-subscribe ka sa YouTube Channel ng Puregold!

(ROHN ROMULO)

‘Di totoong naghahanap pa ng talents para sa serye: ‘Lolong’ ni RURU, tapos na ang lock-in taping at mapapanood na sa Lunes

Posted on: July 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng isang paglilinaw ang production group ng adventure serye na “Lolong.”

 

 

“Huwag maniniwala sa mga kumakalat na imbitasyon na naghahanap ng mga talents o extras para sa diumano’y shooting kung saan makakasama nila ang “Lolong” lead actors na sina Ruru Madrid at Paul Salas. 

 

 

“Natapos na po ang lock-in taping ng programa at mapapanood na po ito simula sa Lunes, July 4, 8PM sa GMA Telebabad.  Maraming salamat po.”

 

 

Last week nga, bago umalis si Ruru for the shoot ng reality show na “Running Man Philippines” sa South Korea, ay rumampa ang 22-footer buwaya na si Dakila sa ilang bahagi ng Metro Manila, sakay ng isang truck habang nakatali at nakapiring.

 

 

Nag-viral ito, dahil akala ng mga nakakita, tunay ito, pero ito iyong animatronic crocodile na ginamit sa “Lolong” na magiging kaibigan ni Ruru.

 

 

Pagkatapos rumampa ni Dakila, sinalubong ni Ruru ang ‘kaibigan’ sa GMA Network nang dumating ito doon.

 

 

***

 

 

MAMAYANG gabi na after “24 Oras” ang finale episode ng top-rating romantic-drama series na “First Lady,” at excited na ang mga netizens malaman kung paano magwawakas ang serye nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, with Pancho Magno, Thia Tomalla, Ms. Pilar Pilapil, Ms. Alice Dixson at marami pang iba.

 

 

Dahil nagkaroon ng aksidente si First Lady Melody, ang tanong ng mga netizens ay kung makakaligtas ba siya at ang magiging baby nila ni PGA?  At ano raw ang magiging role ng mga special guests na sina Glaiza de Castro, Carla Abellana at Rabiya Mateo?”

 

 

Pero ang tanong pa rin ng mga netizens, ibigay ba ng GMA ang request nilang magkaroon ng season 3 ang “First Lady” at sila pa ang nagbigay ng title na “First Family.” Nagtanong kami sa production group, at ang sagot nila ay “magpapahinga po muna kami.”

 

 

Matatandaan na halos two years din na magkasunod na ginawa ang “First Yaya” at “First Lady,” na halos walang bakasyon ang grupo at ang maganda nga lamang, ay in-enjoy nila ang lock-in tapings nila at naging para silang isang malaking pamilya bago sila nagtapos.

 

 

***

 

 

SA zoom mediacon ng members ng Sparkada ng Sparkle GMA Artist Center, bakas ang saya nila ngayong may ginagawa na silang projects.

 

 

Nauna nga rito ang bumubuo sa cast ng “LUV IS: Caught in His Arms!” na first collaboration ng GMA at Wattpad, na mapapanood na very soon.

 

 

Pangungunahan ito ng Sparkada love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay na nagustuhan ng mga viewers nang magtambal sila sa Sunday afternoon prime na “Raya Sirena.”

 

 

Kasama nila sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.  Mukhang naging maganda ang samahan at experiences nila sa lock-in taping sa out-of-town, kaya kuwento nga nila, ngayong papatapos na ang taping nila, ay may separation anxiety na silang nararamdaman.

 

 

Meanwhile, nag-share na rin ang dalawa pang Sparkada, sina Anjay Anson at Vanessa Pena na naging magka-love team sa “Widow’s Wife” at hinangaan na sila sa pagiging professionals nila.  Si Anjay ay napapanood na ring mag-host sa isang segment ng “Unang Hirit” every morning sa GMA-7, kasama niya si Roxie Smith.  Napapanood na rin ngayon si Roxie sa sitcom na “Tols” katambal si Kelvin Miranda sa GTV every Saturday evening.

(NORA V. CALDERON)