WALANG plano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawigin ang number coding scheme sa Metro Manila dahil kumonti na ang mga sasakyan sa lansangan.
Ayon sa MMDA ay bumaba na ito ng 390,000 mula sa dating 417,000 na naitala noong May 5 at 405,000 bago pa magsimula ang pandemya noong 2020.
“For now, we are not planning to have the expanded number coding scheme, since we do not see the use for it. Currently, the number of cars on the roads are less than usual, and the traffic is moderate,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.
Dagdag pa ni Artes na bahala na ang susunod na administrasyon kung kanilang palalawigin ang number coding scheme.
Ang pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ang maaaring dahilan kung bakit kukunti na ang gumagamit ng kanilang mga sasakyan.
Makikita rin ito sa mga bumibiyaheng mga taxis sa Metro Manila kung saan bumaba na ito ng 40 porsiyento na marahil ay siya rin sanhi kung bakit maluwag ang trapiko sa mga lansangan.
“From before the pandemic there were around 27,000 cabs going around Metro Manila. Now, I think the number is down to 15,000 at certain times. Passenger demand for taxis has gone down by about 55 percent as more people are staying and working at home despite the easing of travel restrictions,” saad ni Philippine National Taxi Operators Association president Bong Suntay.
Marami sa mga drivers ay hindi na bumibeyahe sa kanilang ruta at ang iba naman na mga operators ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga units sapagkat halos pumapalo sa P40,000 ang kanilang monthly expenses sa gasolina.
Samantala, pinagbigay alam naman ng MMDA na ongoing na ang pag-aayos ng EDSA-Timog flyover Southbound kung kaya’t ito ay totally closed sa trapiko sa loob ng isang buwan na sinumulan noong June 25.
Ang repairs ay kasama ang reconstruction ng nasirang diaphragm ng tulay at ang construction ng bagong bridge deck slab ng flyover.
“Total closure of the bridge has to be implemented, considering that the construction works have to be done without any vibration movement. Repairs will be done manually without heavy equipment,” saad ni Artes.
Gumawa ng inspection ng MMDA at Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan nakita ang mga sira ng EDSA-Timog flyover. Halos may 140,000 na sasakyang dumadaan at gumagamit ng nasabing flyover. LASACMAR