• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 2nd, 2022

Amir Khan ibinunyag nais ni coach Freddie Roach na pagharapin sila ni Pacquiao

Posted on: July 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG  ni dating boxing champion Amir Khan na tinawagan siya ni boxing coach Freddie Roach para magkaroon sila ng laban ni Manny Pacquiao.

 

 

Sinabi nito na isa sa mga kaibigan niya ang tinawagan ni Roach kung saan plano nitong magkaroon ng laban si Khan sa Filipino boxing champion.

 

 

Kapwa kasi nagsanay sina Pacquiao at Khan kay Roach kung saan naging sparring partner sila.

 

 

Huling lumaban si Pacquiao noong Agosto 2021 ng talunin siya ni Yordenis Ugas sa WBA welterweight title.

 

 

Habang ang British boxer na si Khan ay umalis sa boxing ng talunin siya ni Kell Brook noong Pebrero.

‘Thank you for the ride, Sir’: Pacquiao, ibang miyembro ng Senado nagpasalamat kay Duterte

Posted on: July 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng pasasalamat at pagbati sa social media ang ilang miyembro ng Senado para sa termino ni outgoing President Rodrigo Duterte.

 

 

Sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na nanatiling matatag si Duterte sa harap ng maraming problema.

 

 

“Thank you, President Rodrigo Roa Duterte, for serving our country…. You remained steadfast as you complete your term as Chief Executive of the Philippines, and we congratulate you for that.”

 

 

Nagpaabot naman ng pagbati si Former Senate President Aquilino “Koko” Pimentel para sa termino ng pangulo.

 

 

“Congratulations to President Duterte. Maraming salamat sa sakripisyo and I wish good health after his tenure as president”

 

 

Sa isang mahabang post sa Facebook, sinabi ni Sen. Bong Go na malaki ang kanyang pagbabago matapos ang anim na taon na paninilbihan kay Duterte.

 

 

“All those years of walking behind a firm leader and a compassionate public servant like President Duterte have ingrained in me the values of hard work, dedication, and sincerity in serving the Filipino people. It is no exaggeration to say that I was molded into the person I am now, largely because of PRRD.”

 

 

Sa pasasalamat naman ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, sinabi niya na si Duterte daw ang greatest of all time na pangulo.

 

 

“Thank you sir our GOAT President for sharing with us your last night in office. You will be remembered as the most impactful President on the lives of every Filipino. Thank you for the ride sir! What a journey it has been.”

 

 

Pinasalamatan din ni Joel Villanueva parehong sina President Duterte at Vice President Leni Robredo sa kanyang pahayag.

 

 

“Hindi po matatawaran ang kanilang mga sakripisyo at matinding pagmamahal sa ating Bayan. The nation thanks both of you for your service. God bless you more.”

 

 

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens at tagasuporta ni Duterte sa pagbibigay ng pagbati at papuri sa outgoing president.

 

 

Sina Pimentel, Go, Dela Rosa, at Villanueva ay babalik sa Senado bilang mga miyembro ng 19th Congress.

 

 

Magwawakas ang termino ni Pacquiao ngayong araw matapos nitong mabigo sa pagtakbo bilang pangulo.

 

 

Si Duterte ay bumaba sa puwesto at pumunta na ng Davao matapos ang inauguration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Nagpapasalamat sa lahat na patuloy na nagdarasal: KRIS, muling nagbigay ng update sa kalusugan at procedures na pinagdaraanan

Posted on: July 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LAST June 30, muling nag-post sa Instagram si Queen of All Media Kris Aquino para magbigay ng update sa kanyang kalusugan.

 

 

Nasa Amerika nga si Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, para magpagamot sa kanyang karamdaman.

 

 

Panimula ni Kris na patuloy na lumalaban, “For now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what i felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang to totoo.

 

 

“This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers- i am forever #grateful.

 

 

“Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing… 💛💛💛”

 

 

Sa kanyang update, nagpositibo silang mag-iina sa COVID-19 kung saan ang panganay na si Josh ang unang tinamaan.

 

 

Kasama sa kanyang IG post ang video na kung saan nagbigay rin siya ng update sa iba’t-ibang impormasyon sa mga gamot at ilang procedure na pinagdadaanan niya.

 

 

“2 hrs after who everything, the steroid should help – like make antihistamines work better, lesen pain and inflammation the opposite happened to me. 1st the hives started multiply, then my body started to hurt all over – normally my pain tolerance is impressive but this time bunso started sobbing,” sabi ni Kris na ramdam talaga ang hirap at pangangayayat.

 

 

Marami naman ang nag-react sa kanyang latest post at patuloy na nagdasal sa kanyang paggaling at malabanan ang kanyang iniindang sakit:

 

“Stay strong miss kris, your kids are with you, cherish your time and focus on your time wag muna mag social media.”

 

 

“Get well soon Kris. Naway mahanap na ang tamang lunas para sa iyo. Pinagdadasal ka namin.”

 

 

“Kris, if you feel better writing such detailed updates, you go right on doing it.”

 

 

“Looks like it’s cathartic for you. Get well soon, you and your boys.”

 

 

“huwag na sana magpost ng mga pictures nya na mukha syang hopeless case na. Para rin hindi isipin ng iba na paawa to gain public sympathy.”

 

 

“She doesnt need awa or sympathy. She is fighting for her life and wanting to update her fans, to whom shes very thankful for. Shes asking for prayers while bravely fighting. Its very inspiring, actually.”

 

 

“I will include Kris and her children in my prayers.”

 

 

“Ibalato natin sa kanya her way of coping with this. She has always been an open book. Kinabahan lang ako, parang may kumurot sa puso pagka kita ko kay Noy. Wag naman sana, tumagal naman sana ang buhay niya bilang may mga anak siya at marami siyang natutulungan.”

 

 

“I pray na gumaling siya. I was a cancer patient. Pero sobra ang awa ko kay Ms Kris. Sana mag recover siya.”

 

 

“Sa mga doctors readers here…. Dont get Me wrong ha. Since may mga gamot na bawal sa kanya because nakaka allergies siya, anu yun nag papa survive sa kanya? Anu pa pwede gawin para gumaling siya? stem cell Will Help her Or hinde din kakayanin ng body niya? Ang risky kasi ng sakit niya and super payat na siya. Naawa ako.”

 

 

“I also have an autoimmune problem and I kind of relate to the hardships of dealing with it. But her case is 1 millionth level extreme. Grabe, saludo ako sa kanya.”

 

 

“Oo grabeh no? Ang tapang din sobra.. sana makarecover sya.”

 

 

“I seriously wish her well and hope she surpasses this big trial. It was a long post but I read it. I, along with the rest of her supporters want to know how she is doing and we really hope she gets well. May the good Lord give her strength to push through.”

 

 

“I read it, dama ko hirap nya.. Sad for her and her family.”

 

 

“May God heal you now, Kris!”

 

 

“My heart breaks for this family. God bless you Kris.”

 

 

“Kris is certified rich…the medical bills and for sure the residence hotel (long term) cause thousand of dollars. Even ordinary American can’t afford it.”

 

 

“Maganda naman kasi ang career niya dati, ang dami niyang endorsements, game shows saka hosting shows. Malaki din naipon niya saka may mga negosyo din siya.”

 

 

“Kris, laban lang para sa mga anak mo.”

 

 

“Steroid shots are no joke! Trust me i had one myself. It does alter your system, from hot flashes, blood sugar issues, menstrual cycle alteration, and all sort of things. Pain meds are by body choice ( if you have allergic reactions so bad, it’s really hard) ! Fight on Miss Kris! Vasculitis or lupus or whatever it maybe, hope u find some solace. I hope u are pain free, prayers to you!”

 

 

“You are in my prayers Kris. God will heal you. Wishing you good health, longer life & quick recuperation.🙏🙏🙏’

 

 

“Kris just hold on and fight for Josh and Bimby.”

 

 

“Ms. Kris, she used to be part of our daily lives. Araw araw mo sya napapanood and she was everywhere tlga. Shows, commercials etc dba? Then all of a sudden bigla sya nawala. Nakakalungkot lang, na mimiss ko sya mapanood, sarap sana balikan kahit mga youtube videos nya pero lahat deleted na. I sincerely hope she gets well very soon. Will pray for your healing Ms. Kris.”

 

 

“Hopefully there’s a cure for your health condition that your body can tolerate and you get well soon to spend quality time with your sons. 🙏

 

 

“Ngayon lang uli ako nagcomment dito. Stopping by to say: I am praying for you, Kris. Survive this, please. Laban. 🙏”

 

 

“I’m glad that Covid is not that bad anymore. I just finished my cancer treatments and had Covid two weeks ago. I wish Kris well so she will be healed.”

 

 

“She will be having chemoteraphy drugs Sana makayanan pa ng katawan nya. True ly health is definitely wealth.”

 

 

“I truly hope she gets well soon. Nakakamiss si Ms. Kris, imagine before araw-araw mo sya mapapanood. Even endorsements sya halos lahat.”

 

 

“Nakakalungkot ang sufferings ni Ms. Kris, hindi biro ang pinagdadaanan niya. Kapit lang po, marami nagpe pray for your recovery.”

 

(ROHN ROMULO)

Conor McGregor planong lumaban muli sa UFC

Posted on: July 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ni dating two-division UFC world champion Conor McGregor na muling sa lumaban sa octagon.

 

 

Ito ang kinumpirma ni UFC President Dana White kung saan maaaring gawin ito sa huling bahagi ng taon o sa susunod na taon.

 

 

Dagdag pa ni White na inalok ang Irish fighter ng pelikula subalit mas nais nito ng lumaban.

 

 

Huling lumaban ang 33-anyos na si McGregor ng talunin siya ni dating UFC interim lightweight champion Dustin Porier.

 

 

Sa kasalukuyan ay mayroong record ito na 22 panalo at anim na talo.

Marcos, nangakong tatapusin ang infra projects ‘ sa tamang oras

Posted on: July 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si  Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatapusin niya ” sa tamang oras” ang  infrastructure projects sa panahon ng kanyang administrasyon.

 

 

“We will continue to build, I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit. I want to build on the success that’s already happening. We will be presenting the public with a comprehensive infrastructure plan, six years could be just about enough time,” ayon  kay Pangulong Marcos  sa kanyang inaugural speech  matapos ang kanyang oath-taking sa National Museum sa Maynila, araw ng Huwebes.

 

 

Bago pa ilarawan ang kanyang  infrastructure plan,  pinuri ni Pangulong Marcos ang kanyang ama , ang namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ang kanyang predecessor na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, para sa pagtatatag  ng  mas marami at maayos na lansangan kumpara sa mga administrasyon bago ang mga ito.

 

 

“My father built more and better roads. Produced more rice than all administrations before his. President Rodrigo Roa Duterte built more and better than all the administrations succeeding my father’s,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Much has been built and so well that the economic dogma of dispersing industry to develop the least likely places has been upturned. Development was brought to them. Investors are now setting up industries along the promising routes built. And yet, the potential of this country is not exhausted,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Samantala,  tiniyak naman ni Pangulong Marcos  na wala ni isa mang bahagi ng bansa ang  mapababayaan.

 

 

“Progress will be made wherever there are Filipinos so no investment is wasted,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)