SINA Jerry Sineneng at Dominic Zapata ang mga directors ng upcoming Pinoy adaptation ng Korean drama series na Start-Up.
This early, may agam-agam na ang mga fans at netizens kung magagawa ba nila ang tulad ng K-drama na napanood na nila.
Kaya sagot nila, during the mediacon, they are giving their best, mula sa actors, staff, crew and everyone, at naniniwala raw silang magugustuhan ng mga manonood ang ginigawa nila at sana raw panoorin muna bago sila mag-comment.
“We understand na kapag gumawa ng adaptation, hindi naman ibig sabihin na kokopyahin namin ang original, kasi kung kokopyahin din lamang namin, bakit pa gagawin?
“Hindi naman namin paaartihin si Alden (Richards) tulad ni Good Boy Tristan (Nam Joo-hyuk) o si Bea (Alonzo) like Bae Suzy, pero may idinagdag kami na makapagpapasarap ng panlasa sa mga Pinoy.”
Kumusta naman ang chemistry nina Alden at Bea?
“Together, they have magic, nabigyan nila ng buhay ang mga characters assigned to them, kaya hindi kami nahirapan building their chemistry, siguro dahil may innate chemistry na sila sa simula pa, that seems to stem from their likable characteristics off-cam.”
Very soon ay mapapanood na ang Start-Up Philippines na kasama rin sa cast sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Kim Domingo at director-actress, Ms. Gina Alajar.
***
MEANWHILE, tuloy na ang upcoming US concert ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards na “ForwARd Alden Richards.”
Twitter post ni Alden, “moving forward with purpose,” na after ng success ng kanyang “Forward Online Documentary Concert,” ng kanyang @ARfoundationinc time na para naman mapanood ito ng mga kababayan natin abroad, lalo pa at more than two years ding walang nakapag-live concert doon dahil sa Covid-19 pandemic.
Here is the schedule mula sa NY Entourage Productions, producer ng concert: sa September 3, sa San Mateo, California, Septembeer 4, sa Valley Center, California, September 10, sa Chicago, Illinois at sa September 11, sa Jacksonville, Florida.
Special guest ni Alden si Sue Ramirez. Media partner ng concert ang GMA Pinoy TV at sponsors naman ang Megaworld International at Philippine Airlines.
***
MASAYA ang grand finale ng First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez last Friday evening.
During the presidential inauguration ni President Glenn Acosta ay sumakit ang tiyan ni First Lady Melody, kaya isinugod siya sa hospital para isilang niya ang anak nila.
Boy or girl ba ang isinilang ni First Lady? Pero bakit tatlong yaya ang kinuha ng mag-asawa, sina Glaiza de Castro, Rabiya Mateo at Carla Abellana? Ibig bang sabihin, hindi magtatagal at magkakaroon ng season 3 ang serye, dahil ang iniwan nilang salita sa finale: “hanggang sa muling pagkikita!”
Ngayong tapos na ang serye ni Sanya, for a change, ay babalikan naman niya ang pagkanta. Nai-record na niya ang kanyang first single, titled “Hot Maria Clara” for GMA Music at iri-release na nila sa July 15.
Kaya ngayon pa lamang, pwede nang mag-pre-order ng digital copy ng single sa iTunes from July 1 – 14. Matatandaan na bago naging dramatic actress si Sanya, kumakanta siya noon sa “Walang Tulugan” supershow ni Kuya Germs Moreno, pero ngayong lamang siya nagkaroon ng chance na magkapag-recording, dahil noon ay nagkasunud-sunod ang mga projects niya sa GMA-7.
Samantala, mapapanood na ang adventure-serye na Lolong ni Ruru Madrid. ngayong gabi after ng 24 Oras sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)