• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 8th, 2022

BSP nilinaw na wala silang bagong coin series na inilabas

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na wala silang inilalabas na bagong salapi o coin series sa bansa.

 

 

Ginawa ng BSP ang paglilinaw kasunod na rin ng kumalat na imahe ng mga coins sa social media.

 

 

Ayon sa BSP ang naturang mga larawan ay bahagi ng “Ang Bagong Lipunan” coin series na kanilang inisyu noon pang taong 1975.

 

 

Ang nasabing mga coin ay deklarado nang demonetized noon namang taong 1998. Ang demonetized coins ay hindi na tinatanggap bilang bayad sa mga goods and services.

 

 

Ayon pa sa central bank ang New Generation Currency (NGC) ang pinaka-latest legal tender coin series na kanilang inilabas.

 

 

Ang mga ito ay 10-Piso, 5-Piso, 1-Piso, 25-Sentimo, 5-Sentimo, at isang-Sentimo na unang inilunsad noong March 2018, habang ang 20-Piso at ang enhanced 5-Piso ay inilabas noong December 2019.

 

 

Binigyang diin pa ng BSP na ang New Generation Currency coins ay mahirap na mapeke o counterfeit dahil sa mas mahirap gayahin ang mga security features nito.

Panukalang 15-day paid ‘family, medical leave’ inihain sa Senado

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAIN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang isang panukalang batas na siyang layong bigyan ang bawat ng empleyado ng 15 araw para alagaan ang mga kamag-anak na may sakit o kaya naman ang sarili.

 

 

Isinusulong ng Senate Bill No. 24 o “Family and Medical Leave Act of 2022” ang “15 days of paid leave” para sa bawat manggagawa — anuman ang kanyang employment status — na may asawa, magulang, o hindi pa ikinakasal na anak na nakararanas ng malubhang karamdaman.

 

 

Mungkahi rin ng panukalang bigyan ng parehong bilang ng araw ang mga empleyadong may malalang sakit.

 

 

“Hindi natin masasabi kung kailan magkakasakit ang sinuman sa pamilya natin. Kadalasan ito’y biglaan at hindi inaasahan, kung kaya’t binubutas nito ang bulsa at sinasaid ang ipon ng mga Pilipino,” ani Revilla sa isang pahayag, Huwebes.

 

 

“[K]ung maisasabatas ang Family and Medical Leave Act, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga kababayan natin para alagaan ang kanilang kapamilya ng hindi nag-aalala na mawalan sila ng sweldo at trabaho.”

 

 

Anang senador, madalas kasing nauubos ang pera ng mga Pilipino kapag may nagkakasakit sa pamilya. Sa tuwing nagkakaroon ng sakit ang mga empleyado o kanilang mga kapamilya, madalas ding nauubos ang kanilang sick leave o vacation leaves.

 

 

Upang makwalipika sa naturang benepisyo, kailangan lang na may 12 months of rendered work ang empleyado at nakapagtrabaho na nang 1,250 oras.

 

 

Ani Revilla, hindi maaaring ipagkibit-balikat na lang ng mga Pilipino ang pamilya nila sa oras ng pangangailangan..

 

 

“[W]e know how much love and care Filipinos have for their families, and the sacrifices they would be willing to do in order to be by the side of their sick family members. We cannot abandon them in their time of need,” wika niya.

 

 

“[W]e should provide them with succor especially because having a sick family member causes not only emotional stress, but inevitably a dent in their savings,” giit pa niya. (Daris Jose)

Poverty rate sa PH, target na maibaba sa 9% sa katapusan ng termino ng Marcos administration – DOF chief

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET na maibaba ang poverty rate sa bansa sa katapusan ng termino ng Marcos administration sa taong 2028.

 

 

Pagsisiwalat ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na ang naturang layunin ay bahagi ng medium-term fiscal consolidation framework ng ahensiya na iprinisenta sa unang Cabinet meeting ng pangulo.

 

 

Hindi lamang daw sa growth target nakatutok ang administrasyon kundi maging sa pagpapababa ng bilang ng mahihirap sa bansa na target na gawing single-digit ng Marcos adminsitration.

 

 

Saad pa ng DOF chief, nasa 25% ang poverty rate sa bansa noong unang taon ng termino ni dating Pangulong Duterte subalit bumaba aniya ito ng 18 to 17% bago tumama ang pandemya sa bansa.

 

 

Kung kaya’t mayroon aniyang bahagyang pagbaba subalit ang target sa ngayon ay mapababa ang poverty rate sa 9% pagsapit ng taong 2028. (Daris Jose)

Fernando at BPPO, nilinaw ang mga maling impormasyon kasunod ng mga naiulat na kaso ng mga nawawalang kabataang babae sa Bulacan

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Nilinaw ni Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang Bulacan Police Provincial Office (BPPO) ang mga maling impormasyon at ulat na kumakalat sa social media platforms hinggil sa magkakasunod na napaulat na kaso ng mga nawawalang dalagang nasa edad 13 hanggang 25 sa Lalawigan ng Bulacan.

 

 

Sa isang press conference na pinangunahan ng Provincial Public Affairs Office sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kaninang hapon, ibinahagi ni Fernando ang mga agarang direktiba niya sa BPPO matapos kumalat sa social media ang kaso ng mga nawawalang dalaga.

 

 

“Agad-agad ay tinawagan natin at inalarma natin ang ating PNP at nagbigay tayo ng direktiba na ito ay imbestigahan kung ano ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga missing na naka-post sa social media. Wala pang 48 hours ay agad na nagbigay ng report about sa investigation hanggang sa nagkaroon na ng mga reaction sa social media na hindi naman dapat; hindi maganda ang mga nangyayari doon sa social media dahil nagkaroon ng takot ang mga Bulakenyo. To clarify, ang cause po ng mga missing report natin ay hindi katulad noong sa namatay, iba ang dahilan at huwag ito i-relate doon,” paliwanag ni Fernando.

 

 

Ayon kay PCol. Charlie A. Cabradilla, acting Bulacan Provincial Director, base sa kanilang imbestigasyon, karamihan sa mga naiulat na kaso ay sanhi ng “domestic issues” at hindi dahil sa mga sindikatong grupo na diumano ay kumukuha sa mga kababahihan kabilang na ang kaso ng menor de edad na nahanap sa The Fort, Taguig noong Abril 28 na may depresyon at nakumpirmang nakauwi na sa kanila; isa pang kaso ang kinabibilangan ng isang menor de edad na hindi nagpaalam sa magulang tungkol sa kanilang group outing at na-report na nawawala ngunit umuwi rin sa kanilang bahay matapos ang ilang araw; habang ang pinakabagong report naman ay isang menor de edad na may problema sa kanyang mga magulang na bumalik rin sa kanyang pamilya ngayong araw matapos makipag-ugnayan sa kanyang mga kaibigan.

 

 

“We like to inform the public na wala po tayong ni-isang incident na sinasabing mayroong sort of criminal or group na dumudukot sa mga kabataang kababaihan for any reason. Ito po ay napatunayan natin at na-verify natin na wala pong katotohanan ‘yung ganon. Iyan po ang gusto namin i-correct ni Governor,” ani Cabradilla.

 

 

Samantala, iniutos ni Fernando sa BPPO na magsagawa ng masusing imbestigasyon at pagsumikapang maresolba ang kasong kinasasangkutan ng pagkamatay ni Princess Dianne Dayor, edad 24 mula sa Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan na ang bangkay ay natagpuan kahapon, Hulyo 5, 2022 sa isang masukal na sapa sa pagitan ng Brgy. Tikay at Brgy. Tabang habang hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya. Ipinag-utos rin ni Fernando na magsagawa ng pagpupulong kasama ang mga kapitan/mga opisyal sa barangay upang paigtingin pa ang seguridad sa bawat barangay lalo na tuwing gabi.

 

 

“Napapansin ko na may mga barangay nang hindi nagroronda gabi-gabi. Dapat patuloy nating pasiglahin at pag-igtingin ang pagroronda para sa seguridad ng mga tao. Pati na rin ang police visibility 24 hours para mawala ang takot ng ating mga kababayan tungkol dito,” ani Fernando.

Ads July 8, 2022

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Infotainment show na ‘Amazing Earth’, four years na: DINGDONG, maraming natutunan at enjoy sina ZIA at SIXTO sa panonood

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASUNOD na magsi-celebrate ng kani-kanilang anniversary this Sunday, July 10, ang infotainment show na “Amazing Earth” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanilang 4th year anniversary at ang fun-filled adventure series na “Daig Kayo ng Lola Ko,” sa kanila namang 5th anniversary celebration.

 

 

Unang mapapanood ang “Amazing Earth” na sabi nga ni Dingdong, sa loob daw ng four years niyang pagho-host ng show, mas una raw siyang natututo dahil siya ang gumagawa ng weekly features. Every week ay nadadagdagan ang kanyang kaalaman sa mga ipini-feature nilang mga amazing guests na mga Filipinos here and abroad.

 

 

Happy si Dingdong, dahil ang mga anak nila ni Marian Rivera na sina Zia at Sixto ay mahilig manood ng mga animals tulad nang ipini-feature nila sa show.  Mapapanood ang “Amazing Earth” at 5:30PM  sa GMA-7.

 

 

The fifth anniversary episode of “Daig Kayo Ng Lola Ko” will be a special presentation dahil muling mapapanood ang Philippine entertainment icon and multi-awarded actress na si Ms. Gloria Romero, as Lola Goreng.

 

 

Kinausap muna ng production ang veteran actress kung pwedeng mapanood sa short intro for the anniversary episode at pumayag naman siya.

 

 

“We have to protect her nang magkaroon na tayo ng pandemic two years ago, kaya hindi na namin siya pinalabas sa mga sumunod na episodes, but we will always be grateful to her,” sabi ni Ms. Ali Nokom Dedicatoria, GMA’s Asst. Vice President for Drama.

 

 

Four Sundays na mapapanood ang “DKNLK.” This Sunday featured ang episode na “Bida Kontrabida,” headlined by Rufa Mae Quinto as Evil Queen,  Jo Berry as Rumpelstiltskin, Cai Cortez as Sea Witch and Andre Paras as Big Bad Wolf. First kontrabida role daw ito ni Andre.

 

 

Directed by Rico Gutierrez, mapapanood ang special episode at 7:00PM, sa GMA-7 after “24 Oras Weekend.”

 

 

***

 

 

NAGPASILIP na ng kanilang first taping day ang biggest-reality game show of 2022 na “Running Man Philippines” sa South Korea.

 

 

Ang Korean adaptation ay co-production venture sa pagitan ng GMA Network at ng SBS Broadcasting Network of South Korea.

 

 

Nag-post nga si director Rico Gutierrez ng ilang highlights ng naging shoot nina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Kokoy de Santos sa Seoul, SK.

 

 

Bago sila nagsimula ng shoot, nag-courtesy call din muna sila sa Philippine Embassy sa South Korea, kung saan na-meet nila si Philippine Ambassador H.E. Maria Theresa B. Dizon-de Vega.

 

 

Hindi naman nagkait ang mga netizens na magbigay ng lakas ng loob sa mga participants at hihintayin nila ang pagpapalabas ng “Running Man Philippines.”  Tatagal ang shoot ng reality show for almost two months sa iba’t ibang lugar sa South Korea.

 

 

                                                            ***

 

 

MAY bago nang leading man si Sparkle star Kate Valdez.  

 

 

Si Kelvin Miranda ang makakatambal ni Kate sa bagong GMA Afternoon Prime na “Unica Hija,”  First time ni Kate na maging title roler sa isang project.

 

 

Looking forward naman si Kelvin na bago ang leading lady niya after niyang gawin ang “Lost Recipe” with Mikee Quinto at si Beauty Gonzalez sa “Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette.”

 

 

Thankful si Kate na after ng successful drama series nila ni Barbie Forteza, ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday,” na-excite siya nang malaman niya kung sinu-sino ang makakasama niya sa serye.

 

Gaganap niyang kontrabida si Faith da Silva, at makakasama niya ang StarStruck alumni na sina Katrina Halili at Mark Herras.  Katatapos lang ni Katrina ng “Prima Donnas” at si Mark sa “Artikulo 247” with Rhian Ramos and Benjamin Alves.  

 

 

Mami-miss ni Katrina ang anak na si Katie, at si Mark ang mag-ina niyang sina Nicole Donesa at Corky, dahil lock-in ang taping nila ng serye na sisimulan na nila this week.

(NORA V. CALDERON)

P500 M revenues nawala sa programang Libreng Sakay ng MRT 3

Posted on: July 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAWALAN ang pamahalaan ng P500 million na kita dahil sa ginawang programang Libreng Sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) na siyang nagtulak upang ihinto ng Marcos administrasyon ang nasabing programa.

 

 

 

Ayon sa datos na naitala, ang pamahalaan ay nawalan ng P515.91 million na kita mula sa nasabing programa na tumagal ng tatlong buwan mula noong March 28 hanggang June 30.

 

 

 

Ang mga naitalang losses ay ang mga sumusuond: P155.13 million mula March 28 hanggang April 30; P172.67 million mula May 1-30; at P188.11 million mula June 1 hanggang June 30.

 

 

 

Nabigyan naman ang mahigit kumulang na 29.62 million na pasahero ng benepisyo mula sa programa ng Libreng Sakay sa MRT 3 na nakatulong upang mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.

 

 

 

Sa datos na nilabas ng pamunuan ng MRT 3 may naitalang 8.47 million ang sumakay mua March 28 hanggang April 30; 9.6 million mula May 1 hanggang May 31; at 10.56 million na pasahero mula June 1 hanggang June 30.

 

 

 

“Libreng Sakay was twice extended to mitigate the impact of inflation on commuters. The program was launched on March 28 and was scheduled to conclude on April 30. However, former president Duterte decided to extend Libreng Sakay twice – first, for the whole of May and then for the whole of June – to spare passengers from the soaring fuel costs,” wika ni MRT officer-in-charge Michael Capati.

 

 

 

Dahil sa programang ito, naipakita rin ng pamunuan ng MRT 3 ang mga improvements na ginawa sa rail line matapos sumailalim ang MRT 3 sa dalawang taon na rehabilitation.

 

 

 

Kahit na nakapagbigay ng benepisyo sa mga tao ang nasabing programa, nagdesisyon naman si President Marcos na ihinto na ito dahil sa funding issues. Ang Department of Transportation (DOTr) ang nagbigay ng rekomendasyon na ihinto ito dahil ayon sa DOTr ang pamasahe sa MRT 3 ay subsidized naman ng pamahalaan.

 

Sa isang memorandum na nilagdaan ni Marcos ay kaniya naman pinalawig ang libreng sakay sa EDSA Carousel buses na tatagal hanggang katapusan ng taon. Kasama rin sa memorandum ang pagbibigay ng libreng sakay sa MRT 3, Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) at Philippine National Railways (PNR) para sa mga estudyante na papasok simula sa August 22 kung saan magkakaron na ng face-to-face classes.

 

 

 

Ayon naman sa Department of Education (DepEd) mayron higit sa 38,000 na mga eskuwelahan ang magbubukas ng face-to-face classes sa darating na pasukan.  LASACMAR