• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 5th, 2022

Lead physician ni PBBM na si Dr. Zacate, bagong hepe ng FDA

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kanyang  lead physician na si Dr. Samuel Zacate, bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).

 

 

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kuwalipikado si Dr. Zacate sa nasabing posisyon at walang kinalaman ang pagiging lead doctor nito  kay Pangulong  Marcos para italaga siya bilang bagong FDA chief.

 

 

“He is qualified plus he has several distinctions so we are not sure if his being a personal physician factored into this considering he ticks all the boxes, meaning lahat ng requirements bilang FDA [chief] he fulfilled,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Aniya, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Zacate ay kilala bilang  health advocate na may “years of expertise” sa medisina at medical consultancy sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

 

 

“He was a diplomate of the Philippine Society for Venereology and a fellow of the International College of Surgeons, dagdag na pahayag ni Cruz- Angeles.

 

 

Samantala, ang iba pang bagong appointees ay sina:

 

retired Brigadier General Roman “Popong” Felix – Secretary, Office of the Presidential Adviser on Military Affairs;

 

retired Major General Ariel Caculitan – OPAMA Undersecretary for Military Affairs;

 

retired general General Isagani Nerez – Undersecretary for Police Affairs; at

 

Attorney Nesauro Firme – Judicial and Bar Council.

 

 

(BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan.

 

 

Ayon kay LTO  Assistant Secretary Teofilo Guadiz III  kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016.

 

 

“Ang timeline ko rito mga six months baka matugunan na ang kalahati nitong mga plakang hindi pa nade-deliver sa mga bumibili ng sasak­yan,” ayon kay Guadiz

 

 

Kaugnay nito, sinabi ni Guadiz na dodoblehin ng ahensya ang mga tauhan  sa plate-making plants sa 24-hour operation at  mag a-outsource ng iba pang manufacturer para mapabilis ang paggawa ng car plates.

 

 

Una nang inanunsyo ng LTO na kailangan nito ng P6.8 bilyon para matapos ang backlog sa car plates.

 

 

Inaasahan ding maipatupad ng  LTO ang pagkakaroon ng online transaction sa vehicle registration at renewal ng driver’s license upang maiwasan ang pagpunta ng dagsa ng tao sa mga LTO offices lalo na ngayong pandemic.

 

 

Nais ni Guadiz na maipatupad ang mas mababang  LTO fees sa mga serbisyo ng ahensya.

2023 FIBA World Cup plan inilatag ng SBP

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUSPUSAN na ang pag­hahanda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para masiguro ang ma­tagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon.

 

 

Inilatag ng SBP ang lahat ng plano nito para sa World Cup na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 kung saan makakatuwang ng Pilipinas ang Japan at Indonesia bilang co-hosts.

 

 

Nakipagpulong ang SBP sa mga stakehol­ders sa pangunguna nina SBP chairman Sen. Sonny Angara at SBP president Al Panlilio kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang liga gaya ng Philippine Basketball Association (PBA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Athletic Association (NCAA) at iba pang basketball organizations.

 

 

“Showcasing the Philippines, this will be the biggest basketball event to be hosted in the country. Since 1978, we have not hosted a tournament of this magnitude,” ani Panlilio.

 

 

Bumuo na ang SBP ng local organizing committee na siyang mangangalaga sa pagdaraos ng torneo.

 

 

May 40 laro ang gaganapin sa qualifying event kung saan ang Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena ang magsisilbing venues.

 

 

Idaraos naman ang 12 laro sa final round sa pamosong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

 

 

Sisimulan sa Agosto 27 ang countdown habang sa Abril naman idaraos ang drawing of lots para madetermina ang mga magkakasama sa group stage.

 

 

Tinalakay din ang pagbuo ng pinakamalakas na koponang isasabak sa World Cup.

 

 

Pormal na ring itinalaga sina multi-titled coach Tim Cone at UAAP champion coach Goldwyn Monteverde bilang bahagi ng coaching staff ng Gilas Pilipinas. Kasama rin sina ve­teran international coaches Nenad Vucinic at Jong Uichico.

Chot Reyes may napupusuan ng mga manlalaro na sasabak sa FIBA World Cup

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY  mga manlalaro ng napipili si Gilas Pilpinas coach Chot Reyes na isasabak para sa FIBA World Cup sa susunod na taon.

 

 

Sa ginawang pagpupulong Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) inilatag ni Reyes ang mga potensiyal na mga magagaling manlalaro mula sa PBA, UAAP at NCAA.

 

 

Kanila aniya itong ini-screen para matiyak kung handa na ang mga ito sa pagsabak sa mga international tournaments.

 

 

Ayon sa SBP na tiniyak sa kanila ng UAAP at NCAA ang pagiging kahandaan din ng kanilang mapipiling manlalaro na sasabak sa Gilas Pilipinas.

 

 

Magugunitang gaganapin ang nasabing torneo sa bansa, Japan at sa Indonesia.

P5-B – P13-B halaga ng nasayang na COVID-19 vaccines nais paimbestigahan sa Senado

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Senator Risa Hontiveros na imbestigahan ng Senado ang tinatayang P5 billion hanggang P13 billion na halaga ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno na hindi nagamit matapos mag-expire.

 

 

Kaugnay nito, naghain ng isang resolution si Sen. Risa Hontiveros para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y large-scale wastage ng mga bakuna kontra COVID-19 na iginiit ng mambabatas na hindi dapat kunsintihin.

 

 

Sa inihaing resolution, sinabi ng senadora na sa gagawing imbestigasyon ay tutukuyin kung nabigo o nagkulang ba ang gobyerno sa pagpaplano o pagbili ng vaccine doses.

 

 

Binigyang diin din ng senadora na ang mga resources na ginamit para sa pagkuha ng mga bakuna ay dapat na naibigay pa sana sa mga sektor na nangangailangan ng assistance mula sa gobyerno gaya ng mga magsasaka, mangingisda, drivers at frontliners.

 

 

Saad din ng senadora na dapat na mayroong managot dito kung saan tinukoy niya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, Department of Health, at czars sa ilalim ng nagdaang Duterte administration na dapat tanungin sa oras na simulan ang pagdinig sa resolution.

 

 

Magugunita na isiniwalat ni Go Negosyo founder at former Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nasa 3.6 million doses ng Moderna vaccines ang nagpaso noong July 27 habang nasa 623,000 Astrazeneca vaccines naman ang nag-expire noong Linggo, July 31.

 

 

Sa kabuuan nasa 4.2 million vaccines ang nasayang na nagkakahalaga ng P5.1 billion. (Daris Jose)

‘Halos kalahati’: Pamilyang Pinoy na naniniwalang mahirap sila sumirit sa 48% — SWS

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LALONG tumaas sa 48% ang bilang ng pamilyang Pinoy na nagsasabing sila’y naghihirap kahit nagbalik na ang halos lahat ng trabaho at establisyamento ngayong pandemya, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

 

 

‘Yan ang napag-alaman ng SWS sa kanilang face-to-face interviews sa 1,500 katao sa buong Pilipinas na siyang ikinasa noong ika-26 hanggang ika-29 ng Hunyo. Ito ang huling survey tungkol sa kahirapan bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“The estimated numbers of Self-Rated Poor families are 12.2 million in June 2022 [up from] 10.9 million in April 2022,” wika ng SWS sa isang pahayag na inilabas, Martes.

 

 

“Compared to April 2022, the percentage of Poor families rose from 43%, while Borderline families fell from 34%, and Not Poor families declined from 23%.”

 

 

Kung hahati-hatiin ang datos, ito ang lalabas:

 

mahirap (48%)

 

borderline poor (31%)

 

hindi mahirap (21%)

 

Ayon sa pag-aaral, ang 5-point increase sa self-rated poverty sa buong bansa ay dahil sa pagtalon nito sa Visayas at Metro Manila, bagay na sinegundahan ng bahagyang pagtaas sa Mindanao at Balance Luzon.

 

Batay naman sa uri ng pagkain na kinokonsumo, 34% sa mga na-survey na pamilya ang sinasabing “food-poor,” habang 40% ang nagsasabing borderline food-poor sila at 26% naman ang hindi.

 

Mas mataas ang food-poor ngayon (8.7 milyon) kumpara sa 31% noong Abril (7.9 million). Dumami ito sa lahat ng lugar maliban sa Mindanao.

 

 

Record-high naman ang self-rated poverty threshold sa Visayas sa halagang P20,000. Ito ang minimum na monthly budget ng mga self-rated poor families para masabi nilang hindi na sila mahirap. Isa ito sa mga indicator na naghihigpit sila ng sinturon. Nananatili ito sa P15,000 sa sa pambansang antas.

 

 

“Of the estimated 12.2 million Self-Rated Poor families in June 2022, 2.2 million were Newly Poor, 1.6 million were Usually Poor, and 8.4 million were Always Poor,” dagdag pa ng SWS.

 

 

“Of the estimated 13.3 million Self-Rated Non-Poor families in June 2022, 5.3 million were Newly Non-Poor, 3.0 million were Usually Non-Poor, and 5.0 million were Always Non-Poor.”

 

 

Ang pag-aaral ay hindi kinomisyon ninuman. Ang sampling error margines ay sinasabing nasa ±2.5% para sa national percentages, ±5.7% para sa Metro Manila at Visayas, at Mindanao habang ±4.0% naman ito sa Balance Luzon.

Comelec, sinimulan na ang pag-imprenta ng mga balota para sa 4 na gagawing plebisito

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng official ballots para sa plebisito sa Maguindanao.

 

 

Inanunsiyo ng poll body na ang printing ng official ballots para sa September 17 plebiscite ay sinimulan na kahapon sa National Printing Office sa Quezon City.

 

 

Noong Hunyo nang nagtakda ang poll body ng petsa ng plebisito para ratipikahan ang dibisyon ng probinsiya ng Maguindanao sa dalawang probinsiya ito ay ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur salig sa Republic Act No. 11550.

 

 

Gayundin inumpisahan na ang pag-imprinta ng official ballots at iba pang accountable forms para sa tatlong iba pang plebisito.

 

 

Ito ay ang plebisito para sa ratipikasyon sa paglikha ng Barangay New Canaan mula sa Barangay Pag-asa sa munisipalidad ng Alabel, Sarangani epektibo sa August 20, 2022.

 

 

Gayundin ang ratipikasyon sa conversion ng bayan ng Calaca sa probinsiya ng Batangas na maging component city at tatawaging city of Calaca sa September 3, 2022.

 

 

At ang ratipikasyon ng pagsasama ng 28 barangays sa tatlong barangay na lamang at isa pang barangay, sa Ormoc City sa October 8, 2022. (Ara Romero)

Balik-tambalan, ‘gift’ nila sa mga fans at supporters: MAJA, inaming si RK lang ang naisip na maging partner sa ‘Oh My Korona’

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Sabado, Agosto 6 mapapanood na isang kakaibang sitcom na magpapakita ng mga kuwelang eksena sa buhay ng mga showbiz hopefuls na nakatira sa ilalim ng iisang bubong.

 

 

Inihahandog ito ng Cignal Entertainment at Crown Artist Management, ang Oh My Korona na pinagbibidahan ng versatile actress at Majestic Superstar ng TV5 na si Maja Salvador, kasama ang Philippine Sitcom Legend na si Joey Marquez, siguradong pasasayahin ang weekend TV experience ng buong pamilya.

 

 

Sa newest weekly sitcom ng TV5, muling makakasama ni Maja si RK Bagatsing na gumawa ng marka sa pagganap nila sa drama series ng Wildflower.

 

 

Sa naganap na digital mediacon, sinabi ng aktres na parang ‘gift’ na nila ito ni RK sa patuloy na nagmamahal sa kanilang tambalan.

 

 

“Sa Wildflower kasi, sobrang intense bawat eksenang ginagawa namin ni RK. And hindi namin maitanggi na may chemistry at nagkaroon din ng maraming supporters ang Ivy Aguas and Mr. Mayor Arnaldo,” sabi ni Maja.

 

 

“Kaya naman nung naghahanap kami kung sino ang magiging partner ni Lablab dito sa sitcom, isang name ang naisip namin.

 

 

“Because yun nga, sa rami ng nagmamahal sa amin ni RK, na dun sa Wildflower kasi, hindi kami nag-end up together. Tapos, masalimuot ang mga sakit ng mga nagawa naming eksena dun.”

 

 

Dagdag pa niya, “So, gift namin ito sa aming mga fans at supporters na until now, for how many years, matagal nang wala ang Wildflower but nandun pa rin yung umaasa sila na, yun nga, one day, magkatrabaho kami ni RK.

 

 

“And eto na yun! Mas light yung ginagawa, super light ng mga ginagawa namin. Kung paano kami ni RK dun sa Wildflower pag walang camera, kung gaano kami kabungisngis na dalawa, kung gaano kami maraming naiisip na kalolokan.

 

 

“Naia-apply namin ngayon dito sa sitcom, kaya ibang side naman namin ni RK ‘yung mapapanood nila.”

 

 

Gagampanan nga ni Maja ang karakter ni Lablab, isang hotel manager na nawalan ng trabaho pero naging tagapagmana ng boarding house mula sa kanyang late beauty queen-actress mother kaya siya ay magiging landlady ng mga tenants na mga showbiz wannabes.

 

 

Si Joey naman ay gaganap bilang Louie, isang talent agency owner na gustong gawing prime talent niya si Lablab. Kasabay nito ay ang pagma-manage din ni Louie sa mga showbiz aspirants na tenants sa boarding house ni Lablab.

 

 

Ang Oh My Korona rin ang unang line production venture ng Crown Artist Management, ang talent management company ni Maja kasama ang kanyang fiancé na si Rambo Nuñez.

 

 

Si Ricky Victoria ang director ng sitcom at kasama nga sa cast si RK bilang Tim, at sina Kakai Bautista bilang Marga, Pooh bilang Gerry, Thou Reyes bilang Kobe, Christine Samson bilang Layla, Jessie Salvador bilang CJ, Jai Agpangan bilang Betchay, Guel Espina bilang JM at Queenay Mercado bilang Emy.

 

 

Simula ngayong Agosto, makisaya sa Oh My Korona tuwing Sabado, 7:30 pm sa TV5.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Malapit nang mapanood ang ‘Start-Up PH’ nila ni Bea: ALDEN, natuwa dahil makapagmo-mall show na uli after three years

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISIMULA na ang promo ng “Start-Up PH” ng GMA Network na first team-up nina Bea Alonzo at Asia’s MultiMedia Star Alden Richards. 

 

 

Ngayong Saturday, August 6, ang simula ng Kapuso Mall Show nila, na magaganap sa Ayala Center Cebu, in Cebu City, at 5PM.  Makakasama ni Alden ang mga co-actors niyang sina Jeric Gonzales, Boy 2 Quizon at Royce Cabrera, ang bumubuo ng barkada niya sa serye na idinidirek nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

 

 

Sa serye, Alden plays the role of Tristan, the Good Boy, pero first time siyang gaganap na sa simula pa lamang ay masungit na ang role niya,

 

 

“Pero may konti naman akong bait, hindi nga lamang ako showy na ipakita ito sa mga kasama ko,” kuwento ni Alden.

 

 

“Pero without question, tinanggap ko ang role na iyon, isang opportunity iyon na makagawa naman ako ng ibang character dahil ever since, lagi akong mabait.  Kaya dito, totally babaguhin ko at pinag-aralan ko ang new life style ko.

 

 

“First time ko rin na makagawa ng isang Korean adaptation. At ang isa pa, ay muling nakasama sa isang project si Director Gina Alajar.”

 

 

Natuwa si Alden na may mall show na sila ngayon, dahil nakaka-miss na raw and for almost three years ng pandemic ay hindi nila nagawa iyon.

 

 

Very soon ay mapapanood na sa GMA Telebabad ang ‘Start-Up PH’.

 

 

***

 

 

NASORPRESA pala si Mr. M (Johnny Manahan), Sparkle GMA Artist Center’s consultant, at star builder, nang makaharap niya, face-to-face some of the biggest names in the Kapuso Network during the Thanksgiving Gala Night last July 30.

 

 

Simula raw kasi nang lumipat siya sa GMA, nakikita lamang niya sila virtually for a year.

 

 

“Masaya at nakita ko na, face-to-face, ‘yung mga artista,” pahayag ni Mr. M. “Mas maganda sila sa personal, and I think they’re having a nice time.  ‘Yung iba, na-imagine ko, maliit lang, matangkad pala, iyong iba, malapad, hindi pala.

 

 

“Halos lahat sila magaganda naman, so I’m glad I got the chance to see them in person.”

 

 

***

 

 

NAKATANGGAP ng nominations ang mga Kapuso artists mula sa “Tiktok Awards Philippines 2022” last Tuesday, August 2.

 

 

This year, ang nominated content creators and stars ay maglalaban-laban sa six awards: Popular Creator of the Year, Celebrity of the Year, POP Group of the Year, Livestreamer of the Year, Rising Star of the Year, and Rising Live Star of the Year.

 

 

Ang mga Kapuso nominees ay sina Althea Ablan, Kyline Alcantara, Cassy Legaspi, Dasuri Choi, and Kapuso girl group XOXO.  Sina Althea, Kyline, Cassy and Dasuri are competring for the Celebrity of the Year award at ang XOXO (Riel, Lyra, Dani, and Mel) is one of the nominees for the POP Group of the Year.

 

 

Visit the TikTok voting page, para malaman kung paano boboto sa gusto ninyong suportahan, until August 12. You can cast more votes by following the profiles of Globe Telecom and TikTokAwardsPH.

 

 

Winners will be announced on August 20, 7PM on TikTok LIVE!

(NORA V. CALDERON)

Dumating na ang hinihintay na ‘perfect time’: YNNA, engaged na rin sa non-showbiz boyfriend na si BULLY

Posted on: August 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ENGAGED na rin si Ynna Asistio sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bully Carbonell.

 

 

Sa kanyang Instagram, pinost ni Ynna ang photo nila ni Bully at suot na niya ang kanyang engagement ring.

 

 

“Ilang taon ako [nagbenta] ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sa sarili ko, ‘kailan kaya ako?’ Ito na ‘yun. In His time. In His perfect time. Salamat, Mahal Ko! Salamat sa pagmamahal. Salamat at tinupad mo ang pangarap ko. I love you so much, Dub. Best day ever,” caption pa ni Ynna.

 

 

Sa isa pang post, makikita ang photo kung papaano nag-propose sa kanya si Bully.

 

 

Ilan sa mga bumati na kay Ynna ay ang mga kapwa celebs na sina Andi Eigenmann, Rodjun Cruz, Kaye Abad, Yasmien Kurdi, at Rich Asuncion.

 

 

Dating nakarelasyon ni Ynna si Mark Herras na happily-married na ngayon kay Nicole Donesa.

 

 

***

 

 

NAKAKA-RECOVER na ang aktres na si Bianca King sa naging shoulder surgery niya noong nakaraang taon.

 

 

Pag-describe ni Bianca sa kanyang pinagdaanang surgery ay isang “horrifying experience.” Sumailalim sa biceps tenodesis para maayos ang dislocated shoulder niya nagdudulot sa kanya ng matinding sakit.

 

 

Kuwento ni Bianca, na-misdiagnose siya sa Pilipinas na meron siyang rotator cuff tear. Noong magpa-MRI siya sa Australia, ibang diagnosis ang binigay sa kanya.

 

 

“Luckily I did another MRI in Sydney and the diagnosis was joint instability and a split in my biceps anchor with calcific tendonitis. Inflammation and pain caused by the loose shoulder. Our consistent workouts helped me to feel strong all over, with my shoulder 90% back to normal and my entire build looking more toned than ever. All in the comfort of my own home with minimal equipment.” sey ni Bianca na dumaan rin sa six months of physiotherapy para lumakas ang kanyang right arm and shoulder.

 

 

Inamin ni Bianca na dumaan siya sa depression nang magkaroon siya ng shoulder injury noong pandemic dahil hindi siya makakilos ng maayos. One year din siyang tumigil sa pag-yoga.

 

 

“I was depressed being isolated at home during the peak of the pandemic, not being able to bathe myself properly or cook my own food, mostly laying in bed feeling down and crying to my friends on the phone.”

 

 

Thankful si Bianca dahil inaalagaan siya ng husto ng mister niyang si Ralph Wintle.

 

 

***

 

 

NA-OFFEND ang disabled people sa song ni Beyonce na “Heated” kaya aayusin daw nila ang song para matanggal ang derogatory term na ikinagalit ng marami.

 

 

Galing ang song sa kaka-release na new album ni Beyonce na Renaissance.

 

 

Ayon sa spokesperson ng singer, ang lyrics na “Spazzin’ on that ass, spazz on that ass” ay papalitan: “The word, not used intentionally in a harmful way, will be replaced. Ang co-writer ng song ay ang rapper na si Drake.

 

 

Ang salitang “spaz” in colloquial sense ay ibig sabihin ay “temporarily losing control” or “acting erratically.” Ayon sa disability campaigners ang naturang word ay nanggaling sa salitang “spastic.”

 

 

According to the Centers for Disease Control and Prevention: “spastic or spasticity is a movement disorder involving stiff muscles and awkward movement, suffered by 80 percent of people with cerebral palsy.”

 

 

Naging issue rin ang word na spazz sa song ni Lizzo na “Grrrls”. Pinalitan din ng singer ang lyrics dahil nakatanggap ito ng maraming reklamo.

 

 

Sey naman ni Beyonce, wala raw siyang intention ang kanyang album na makasakit ng ibang tao: “Creating the album allowed me a place to dream and to find escape during a scary time for the world. My intention was to create a safe place, a place without judgment. A place to be free of perfectionism and overthinking. A place to scream, release, feel freedom.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)