• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 17th, 2022

Bukod sa regalo nila na ‘Mission To Venus’ watch: Pagkanta nina ZIA at SIXTO, ‘the best gift’ para kay MARIAN

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“MY everything,” ang sabi ni Kapuso Primetime Queen tuwing ipu-post niya sa social media accounts ang family, husband Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and their two children na sina Zia at Sixto.  

 

 

Labis ang kasiyahan niya na after three years ay muli siyang nakapag-celebrate ng birthday, dahil during the pandemic, tahimik lamang siyang nagsi-celebrate with her family.

 

 

Kaya bonggang-bongga ang kanyang 38th birthday last August 12, kasama ang family and friends niya.

 

 

Napakaraming gifts na natanggap si Marian, pero ang ‘the best gift’ para sa kanya ay nang personal siyang kantahan nina Zia at Sixto.  Zia sang “Kahit Maputi na Ang Buhok Ko” na pinalakpakan din ng mga guests.

 

 

Si Sixto naman ay kinanta ang “Can’t Help Falling in Love With You” kaya lalong naging very proud si Marian sa mga anak.

 

 

Hindi rin nalimutang i-share ni Marian, ang birthday gift sa kanya ng mga anak na isang Mission To Venus watch na isang collaboration of the brands Omega and Swatch na sabi’y nagkakahalaga ng $260 or more or less P15,000.  Caption ni Marian sa IG: “Thank you Ate [Z] and Six,” with a white heart emoji.

 

 

                                                            ***

 

 

MARAMI na talagang naghihintay kung kailan ang airing ng much-awaited GMA Network’s live-action series na “Voltes V: Legacy.”

 

 

Kaya naman nag-share na si Kapuso Director Mark Reyes sa Instagram some of his thoughts about the show, na itinuring niyang, “a “passion project:” #volteslegacy is the definitive passion project for me.  It is perhaps more creatively challenging, emotionally stressful, physically taxing and white hair enduring series that I have been involved in.”

 

 

Nagpasalamat si Direk Mark sa kanyang team headed by GMA Entertainment AVP for Drama Helen Rose Sese, Telesuccess Productions representatives Larson Chan and Teejay del Rosario, and Voltes V; Legacy executive producer Darling Torres, na itinuring niyang a “blessing” in this crazy journey, sama-sama silang tumatawa, umiiyak, sweat and froze together these past 3 years.”

 

 

Kasama sa star-studded cast sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho at Matt Lozano. The show is set to premiere in 2023.

 

 

                                                            ***

 

 

NASA last two weeks na lamang ang first sports serye ng GMA Network, ang “Bolera,” ni Kylie Padilla.

 

 

Isa nga sa inaabangan dito ay kung tuluyang mabubulag si Joni, kaya paano na ang kanyang ambisyon na magtagumpay bilang “Philippines 9-Ball Cup Champion” tulad nang yumao niyang ama?

 

 

Sino ang makatutulong kay Joni para magtagumpay, ang boyfriend niyang si Miguel El Salvador (Rayver Cruz), best friend Toypits (Jak Roberto), ang ina niyang si Tessa (Jaclyn Jose), si Coach Freddie (Joey Marquez), o ang pagdating ng mga billiards legends na sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Rubilen “Bingkay” Amit aJohann “Bad Koi” Chua, 2022 SEA Games Billiards Champion?

 

 

Ikinagulat pa ni Joni na kilala siya ng mga billiard champions

 

 

Totoong kasabik-sabik sa mga viewers ang pagpasok ng mga billiards champions sa “Bolera,” na tiyak na siyang magtuturo kay Joni kung paano siya maglalaro ng billiards kahit halos bulag na siya?

 

 

Isa pang dapat mabunyag sa story ay ang pagpatay ni Cobrador (Gardo Versoza) sa ama ni Joni.

 

 

Abangan ang lahat ng iyon, sa natitirang ilang gabi pa ng sports-serye pagkatapos ng “Lolong.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

20.6 milyong COVID-19 vaccines, nasayang – DOH

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 20 milyon na donasyon at nabiling COVID-19 vaccines doses sa Pilipinas ang nasayang.

 

 

Sinabi ni Health Under­secretary Carol Tanio sa pagdinig ng Senate committee on Health demography ni Senador Bong Go, na kabuuang 20,660,354 bakuna kontra COVID ang nasayang hanggang nitong Agosto 12.

 

 

Paliwanag ni Tanio, 6% nito ang donasyong bakuna, 22% ay binili ng local governments at 40% naman ay binili ng pribadong sektor na na-expired.

 

 

Nilinaw naman ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang 134 million vaccine doses na binili ng national government ay hindi nasayang.

 

 

Aniya, umabot lang sa 8.42 porsiyento ng mga bakuna kontra COVID-19 na dumating sa bansa ang nasayang subalit nasa loob pa rin umano ito ng standard rate na 10% o mas mababa sa itinakda ng World Health Organization.

 

 

Dahil dito nangangamba naman si Sen. Risa Hontiveros na pagdating ng Oktubre ay baka lumampas na ito sa threshold ng WHO para sa acceptable wastage kaya dapat ay bilisan ang pagbabakuna sa mga tao.

 

 

Nilinaw naman ni Vergeire na ang mga pa­ngunahing dahilan ng pagkasayang umano ng bakuna ay ang expiration at operational issues tulad ng nabuksang bote ng bakuna subalit hindi nagamit, natapon ang bakuna, basag ang bote, may backflow o umapaw, may natira dahil sa under dose, may nasayang din dahil sa national disasters tulad ng bagyong Odette, nagkasunog, lindol, nabago ang temperatura at discoloration.

 

 

Paliwanag pa ni Vergeire, dahil nakiusap ang Pilipinas ay papalitan ang lahat ng na-expired na bakuna binili man ng gob­yerno o pribadong sektor at pinaigting din ng gob­yerno ang vaccination program nito. (Daris Jose)

Panibagong taas-presyo ng sardinas at noodles, inalmahan ng Gabriela Partylist

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INALMAHAN ng Gabriela Partylist ang panibagong taas-presyo ng sardinas at instant noodles na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at krisis.

 

 

Batay sa ulat, aprubado ang 3%- 6% na taas-presyo sa 67 na batayang bilihin at maaari pang umabot sa 10% ang taas-presyo batay sa iba pang konsiderasyon.

 

 

Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, dagdag dagok ito sa mga mahihirap na umaasa lang sa de lata at noodles para maitawid ang gutom ng kanilang mga pamilya.

 

 

Wala aniyang ibang mapagpipilian na kakainin ang mahihirap dahil maging ang gulay ay napakamahal na.

 

 

Dapat aniyang kagyat na ipasa ang House Bill 409 ng Gabriela Partylist o ang panukalang P10,000 ayuda sa mga pamilyang lubhang apektado ng taas-presyo, kalamidad at pandemya lalo’t malawak ang kawalan ng trabaho.

 

 

Isusulong din ng mambabatas ang amyenda sa Price Act para pahigpitin ang price control sa mga batayang bilihin. (Ara Romero)

Tropang Giga paghahandaan ang makakalaban sa Finals

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAIBA ang estilo ng San Miguel at Meralco na inaasahang magpapasakit ng ulo ng nagdedepensang TNT Tropang Giga pagdating sa best-of-seven championship series ng 2022 PBA Philippine Cup.

 

 

Isa sa Beermen at Bolts ang lalabanan ng Tropang Giga para sa korona.

 

 

“We all know the problem San Miguel presents with June Mar (Fajardo), with their size and their overall talent,” wika ni TNT coach Chot Reyes. “Meralco presents a different kind of problem with their scrappiness and the way they play defense.”

 

 

Sinibak ng Tropang Giga ang Magnolia Hotshots, 87-74, sa Game Six ng best-of-seven semifinals showdown papasok sa kanilang ikatlong sunod na All-Filipino Cup Finals.

 

 

Itinabla naman ng Bolts sa 3-3 ang kanilang serye ng Beermen para makapuwersa ng ‘winner-take-all’ Game Seven bukas.

 

 

“I think the fact that it’s 3-3 shows how even it is. Whoever it is, we’re really going to be tested,” sabi ng nine-time PBA champion coach.

 

 

Magkakaroon ang PLDT franchise ng five-day break bago sumalang sa PBA Finals.

 

 

Nasa kanyang ika-17 PBA Finals appearance, target ng 59-anyos na si Reyes ang kanyang pang-pitong Philippine Cup crown.

 

 

Kasalukuyang katabla ni Reyes si legendary Baby Dalupan sa kanilang tig-a­nim na All-Filipino Cup title.

 

 

“Maybe I’ll think about it much later if we get the chance. Right now, I’m really not thinking about it,” ani Reyes.

Aliw na aliw ang mga netizens sa kulitan nila ni Sylvia: ICE, inakalang namatay dahil sa black and white photo sa IG

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa in-upload na black and white photo ni Ice Dino Seguerra sa kanyang Instagram account, napagtanto niya ngayon na, “ang hirap pala mag-post ng black and white photo sa IG, may phobia na ang mga tao.”

 

Ito ang nilagay na caption ni Ice sa kanyang FB post na kung saan ginawa rin niyang profile ang viral photo, kasama ang screenshot ng naging reaction ng mga netizens.

 

Sa kanyang IG makikita nga ang black and white photo na may caption ang edited post ng, “Kalma lang kayo guys. Ako lang ‘to. At buhay pa ako.”

 

Sa totoo lang, nabulabog talaga ang kanyang followers at ‘yun iba ay munting nang maiyak na naturang post at comment nga nila dahil inakala nilang may masamang nangyari sa kanilang idolo:

“Idol wg gnyn. Msmng biro yn magbi-birthday k man na. Ingat always idol. 👏🙏”

 

“Juskolord kinabahan ako dun ah.. akala ko d ko na makaka duet ang lodi ko… hahaha.. may pag asa pa pala.. wag mo na uulitin yan..”

 

“Oo nga grabe wag ka ganyan gulat ako😢😢😢 hearth broken, gamot pa nman ng mom ko sa alzheimers mga kanta mo calming music❤️😂🙌👏”

 

“Kinabahan ako sayo Aiza🤣😂 takot nako sa mga Black Photo. hahahah next time wag napo ganyan 😂🤣

 

nakakashookot lalo nat sunod sunod nkkita ko sa IG today.”

 

Say pa ng isa, “vaklaaah… wag black and white..😳 nyeeymes nman. eeey. huh!! wag ganyan… 🙃”

 

 

“Bawasan mo kasi magkape, kaya parati kang kabado eh,” sagot ni Ice sa isang netizen.

 

Hirit pa ng sikat na mang-aawit para sa mga kinabahan dahil para nga itong portrait, “ok lang ako. Pag may kalapati na yang picture ko, kabahan ka na.”

 

Comment pa nila sa post ni Ice:

“Medyo na-stress nga ako sa start ng post mo about Gary V… had to skip agad sa end to check na bday pala hahaha iba na ngayon eh 😄”

 

“grabe naman kasi idol lakas maka “kinuha ng liwanag” yung Pic mo😂😂😂”

 

“Omg Muntik na ako mag type na you will be missed and your music 😂😂😂”

 

“Sheeett tumalon ng slight ung puso ko .. naiinis nako sa mga ganitong kulay ng pictures ng mga artista tlga😂”
“Putek! Akala ko dumating na panahon. Wag ganon! 😂😂😂”

 

“Omg idol ang takot ko naman, tinakot mo naman ako wala naman ganyan idol. Umaasa pa naman kami na magkakasama sama pa kayo uli ng bcwmh fam.❤️❤️❤️❤️❤️

 

“Hahahahahahhahahahahaha! Papunta na ako sa google para isearch ih! Hahahahah! Wag kang anuh!”

 

 

Inamin naman ng asawa ni Liza Dino Seguerra na may pinagdaraanan siya, dahil ilang taon na niyang nilalabanan ang matinding depression.

 

At sa naging reaksyon ng mga netizens, patunay lang ito na isa si Ice sa well-loved sa local entertainment industry.

 

***

 

SAMANTALA, may pampa-good vibes naman at pambawi na IG post si Ice Seguerra dahil naisahan na naman niya ang kanyang Nanay Teresita na si Sylvia Sanchez.

 

Kasama ng isang photo, na kung nakangisi siya, may caption ito na, “Hi Nay! Tinulugan mo na naman ako eh…tsk!”
Sagot naman ng aktres na nairirita na, “Punyeta!!! Naisahan mo na naman ako!!! Pinilit kong wag makatulog dahil alam kong wawalanghiyain mo na naman ako. Pero paanong hndi ako makatulog eh kanta ka ng kanta. May araw ka din!! Tandaan mo yan, magagantihan din kita @iceseguerra 😡😡😡”

 

Last week lang ay nakunan din ni Ice si Sylvia na natutulog at ipinost din ang parang mapang-asar na larawan nila.
Kaya nagbanta pa nga ang aktres ng, “nakaisa ka na naman talaga! May araw ka din. Maiisahan din kita hahaha bwisit ka nak 😳😳😳 hintay ka lang😳”

 

Comment uli ni Ice, “@sylviasanchez_a ganda naman ng shot ko eh. Captured yung essence mo rito.”
Kaya nga inaabangan ng netizens kung kailan naman makakaganti si Sylvia sa kanyang anak-anakan. Tuwang-tuwa sila sa kulitan nina Nanay Teresita at Kute, na patuloy na nanood ng rerun ng ‘Be Careful With My Heart’ sa Kapamilya channel.

 

Hinahanap tuloy nila kung nasaan si Maya (Jodi Sta. Maria) dahil may kulang, sana raw ay magpakita ito at maka-bonding nila sa kulitan at isama na rin si Cho (JM Ibanez, na binatang-binata na ngayon).

 

Samantala, nag-i-invite din si Ice sa upcoming concert nila sa Japan…

 

“Sabay sabay natin kantahin ang mga kantang nagpa-iyak at nagpa-ibig sa ating ❤️

 

“Ice Seguerra LIVE @ Matsudo Civic Hall Matsudo Chiba Japan | SEPTEMBER 11 | SUNDAY. SOULFULLY YOURS ”A Heartwarming Live Acoustic Concert”

 

“GET YOUR TICKETS NOW!!! 📞 080-5644-8850.”

Makakasama ni Ice sina Nyoy Volante, Joey Generoso at may special appearance si Jason Fernandez.

(ROHN ROMULO)