• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 25th, 2022

Listahan ng holidays sa 2023, inilabas ng Malacañang

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS ng Malacañang ang listahan ng mga regular holidays at special non-working days para sa 2023.

 

 

Ang listahan ay nakapaloob sa Proclamation 42 na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Lunes.

 

 

Ang mga sumusunod na araw ay idineklara bilang regular holiday at espesyal na araw para sa 2023:

 

Regular Holidays ang mga sumusunod: Enero 1 (Linggo) Bagong Taon;  April 9 (Linggo) – Araw ng Kagitingan;  Abril 6 – Huwebes Santo;  Abril 7 – Biyernes Santo; Mayo 1 (Lunes) – Labor Day;  Hunyo 12 (Lunes) – Araw ng Kalayaan; A­gosto 28 (huling Lunes ng A­gosto) – Araw ng mga Bayani; Nobyembre 30 (Huwebes) – Araw ni Bonifacio; Disyembre 25 (Lunes) – Pasko; Disyembre 30 (Sabado) – Rizal Day.

 

 

Special Non-Working Days ay ang Pebrero 1 (Martes) – Chinese New Year; Pebrero 25 (Sabado) – Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution; Abril 8 – Black Saturday; Agosto 21 (Lunes) – Araw ni Ninoy Aquino; Nobyembre 1 (Miyerkules) – All Saints’ Day; Disyembre 8 (Biyernes) – Kapistahan ng Immaculate Concepcion of Mary; Disyembre 31 (Linggo) – Last Day of the Year.

Matapos sibakin sa puwesto ang 6 na opisyal ng BOC dahil sa smuggling sa asukal: Balasahan sa BOC, posible

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng balasahan sa BoC  kapag may lumabas na ebidensiya na may port personnel ang nakipagsabawatan sa  mga smugglers gamit ang recycled sugar import permits.

 

 

Ito’y matapos na may anim na opisyal ng  Bureau of Customs (BoC)  ang  tinanggal  sa puwesto sa Port of Subic  habang nakabinbin ang imbestigasyon kaugnay sa di umano’y smuggling ng asukal sa  Port of Subic.

 

 

Nasabat kasi kamakailan ng BOC ang hinihinalang smuggled na asukal na tinatayang nasa 7,021 metriko tonelada sa Subic Bay sa Zambales na sinasabing nagmula sa bansang Thailand.

 

 

Aabot sa 19 na tripulante ng cargo vessel na MV Bangpakaew ang nasa kustodiya ngayon ng Subic Port habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

 

 

Napag-alaman umano ng BOC na gumagamit ng “recycled” o lumang import permit ang kumpanyang nasa likod ng naturang kargamento.

 

 

Ang inisyal na imbestigasyon ng BoC lumalabas na ang consignee ng smuggled na asukal ay ang Oro-Agritrade Inc. sa ilalim ng account ng ARC Refreshments Corp.

 

 

Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) officer-in-charge Joeffrey Tacio nabigyan ng clearance ng SRA at BoC ang kargamento dahil hindi umano ito kasama sa naunsiyaming 300,000 MT aangkatin asukal.

 

 

Batay naman sa report na nakarating sa Office of Executive Secretary may ilang personalidad umano ang nagkokontrol sa Subic Port na kinilala lamang sa mga pangalang “Buboy” at “Reggie” na gumagamit din sa mga pangalan “ Kysse Lish” at “Foxxie” bilang consignees.

 

 

Umaabot sa 140,000 bags na may kabuuang tax payment value na P45,623,007.51 ang nasabat ng mga otoridad.

 

 

Sa kabilang dako, sa  isang Office Order na may petsang Agosto 22,  tinanggal sa puwesto ni Acting BoC Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang anim na opisyal ng Port of Subic at pansamantalang  inilipat sa Office of the Commissioner  habang nakabinbin ang resulta ng imbestigasyon ukol sa di umano’y smuggling ng asukal mula sa Thailand.

 

 

Ang mga inalis sa puwesto ay sina Maritess Theodossis Martin, district collector; Maita Sering Acevedo, deputy collector for assessment; Giovanni Ferdinand Aguillon Leynes, deputy collector for operations; Belinda Fernando Lim, chief of assessment division; Vincent Mark Solamin Malasmas, Enforcement Security Service (ESS) commander; at Justice Roman Silvoza Geli, CIIS supervisor. (Daris Jose)

Protektahan ang buhay ng mga Bata sa pamamagitan ng Pagbabakuna

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANG gumaling sa tigdas ang limang buwang gulang anak ni Ginang Marissa Santos, naisip niya na iyon na ang huling pagkakataon na haharap ang kanyang anak sa virus na nagdudulot ng tigdas. Pagkalipas ng anim na taon, nagsimulang magpakita ang anak ni Ginang Santos ng mga sintomas ng isang bihira at malubhang komplikasyon na dulot ng tigdas – ang subacute sclerosing panencephalitis o SSPE. Ayon kay Ginang Santos, umaasa siyang dapat na siguraduhin ng mga magulang ang pagbabakuna upang makatulong na maiwasan ang tigdas at SSPE sa kanilang mga anak.

 

 

Ang tigdas ay isang malubha at nakakahawang viral respiratory disease. Kabilang sa mga sintomas ng tigdas ay ang mataas na lagnat, pantal, ubo, conjunctivitis, at coryza. Ang tigdas ay maaaring magresulta sa malubhang komplikasyon kahit sa mga malulusog na bata. Ang virus na nagdudulot ng tigdas ay maaaring mag-mutate at magdulot ng nakamamatay na komplikasyon.

 

 

 

Noong 2018, ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit 140,000 katao – karamihan ay mga batang wala pang limang taong gulang ang namatay sa tigdas. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng ligtas at epektibong bakuna laban sa naturang sakit. Ayon sa WHO, ang mga pangunahing epidemya ng tigdas ay nangyayari tuwing dalawa hanggang tatlong taon. Ito ay humantong sa tinatayang 2.6 milyong pagkamatay taun-taon.

 

 

 

Sa Pilipinas, iniulat ng Department of Health (DOH) noong 2020 na humigit-kumulang 2.4 milyong batang wala pang limang taong gulang ang maaaring magkaroon ng tigdas. Iniulat din ng DOH mula 2008 hanggang 2017, na nagkaroon ng pagbaba mula sa mahigit 80 porsiyento hanggang sa halos 70 porsiyento sa unang dose ng bakuna laban sa tigdas sa Pilipinas. Ang DOH ay nagdeklara ng outbreak sa tigdas noong 2014 at 2019. Tulad ng mga kaso ng ilang bansa, ang naturang outbreak ay nangyari sa kabila ng maigting na kampanya ng pagbabakuna.

4,600 katao apektado ng bagyong ‘Florita’ habang libo mahigit lumikas

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LIBU-LIBO na ang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Florita habang marami pa ang lumikas na papunta sa loob at labas ng mga evacuation centers.

 

 

Aabot na sa 4,646 katao na ang sinasabing nasalanta ng naturang bagyo, na ngayo’y nasa labas na ng Philippine area of responsibility, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon Miyerkules.

 

 

Narito ang breakdown ng idinulot ng bagyo:

 

apektado (4,646)

 

tinamaang baranggay (60)

 

lumikas sa loob ng evacuation centers (956)

 

lumikas sa labas ng evacuation centers (573)

 

Ilan sa mga napuruhang rehiyong ang Rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

 

 

Martes lang nang magpaskil ang Cagayan Provincial Information Office ng video ng matinding pananalasa ng bagyong “Florita” sa kanilang lugar, dahilan para bayolenteng magsayawan ang ilang mga puno.

 

 

Martes lang nang suspindihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pasok ng dalawang araw sa lahat ng mga opisina ng gobyerno at pampubliko paaralan sa Metro Manila, Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan dahil din sa sama ng panahon.

 

 

Ang lahat ng ito kahit na nitong Lunes lang nagsimula ang pagbabalik ng face-to-face classes.

 

 

Ayon sa NDRRMC, aabot na sa P915,176 halaga na ng tulong ang naiaabot ng gobyerno sa Ilocos Region, Bicol at Cordillera.

 

 

“The DSWD Central Office dispatched on Monday, August 22, some 10,000 Family Food Packs (FFPs) bound for DSWD FO II, which will be allocated for the following areas: 1,600 FFPs to Provincial Social Welfare and Development Office of Quirino; 3,400 FFPs to Social Welfare and Development Isabela; and 5,000 FFPs to DSWD Warehouse in Ugac, Tuguegarao City,” ayon sa Department of Social Welfare and Development kahapon. (Daris Jose)

Womens’ volleyball team ng bansa nakalasap muli ng pagkatalo sa AVC Cup for Women

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKALASAP  muli ang national women’s volleyball team ng bansa laban sa China sa nagpapatuly AVC Cup for Women.

 

 

Sa simula ay nakipagsabayan pa ang mga manlalaro ng bansa subalit ginamit ng China ang kanilang tangkad.

 

 

Dahil dito ay nakuha ng China ang 25-16, 25-22 at 25-20 na panalo.

 

 

Pinangunahan ni Tots Carlos ang depensa hanggang naitabla sa 18-all ni Jema Galanza sa second set.

 

 

Nakapagtala ng 22-all mula sa ace ni Michelle Gumabao.

 

 

Nakalamang pa ang Pilipinas 18-15 sa 3rd set subalit hindi bumitiw ang China.

 

 

Nasayang naitalang 15 points ni Carlos at tig-11 points nina Jema Galanza at Gumabao.

 

 

Ito na ang pangalawang talo ng womens’ volleyball team ng bansa ng talunin sila ng Vietnam nitong Linggo.

 

 

Susubukan naman ng Philippine women’s volleyball team na makakuha ng panalo sa paghaharap nila laban sa Iran sa Miyerkules Agosto 24.

Malaking alokasyon sa DA sa 2023 budget

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKINAGALAK  ni House Committee on Agriculture Chairman at Quezon Rep. Mark Enverga ang panukalang 40% increase ng executive branch sa budgetary allocation ng Department of Agriculture (DA) sa 2023 National Expenditure Program (NEP).

 

 

“Masayang masaya kami coming from an agricultural sector magandang balita po para sa ating mga magsasaka yung 39% ang itinaas ng Department of Agriculture so this is good news to the farmers,” anang mambabatas.

 

 

Tinotoo rin aniya ni Pangulong Bongbong Marcos ang pahayag nitong number 1 sa agenda niya ay food security.

 

 

Matatandaan na boluntaryong kinuha ni Marcos ang tungkulin bilang kalihim ng DA secretary nang magsimula itong manungkulan bilang pangulo upang mapaghandaan ng ahensiya ang posibleng food supply crisis.

 

 

Una nang tinanggap ng kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez ang 2023 NEP mula kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman nitong Lunes.

 

 

Base sa NEP, ang panukalang badyet para sa DA sa susunod na taon ay  P184.1 billion. Mas mataas ito ng P81.6 billion sa 2022 NEP allocation ng ahensiya na P132.2 billion. (Ara Romero)

“SPIDER-MAN: NO WAY HOME” RETURNS TO PH CINEMAS WITH NEW FOOTAGE

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ALL three Peter Parkers – Tom Holland, Andrew Garfield and Tobey Maguire – plus all your favorite characters are swinging back into theaters with the re-release of Spider-Man: No Way Home.  

 

 

A movie this epic was made to be seen on the biggest screen possible, and this is the last chance to enjoy it with the full cinema experience.

 

 

[Watch the film’s re-release spot at https://youtu.be/OVY8g29JjIk]

 

Arriving in cinemas across the Philippines on September 7, the updated version of Spider-Man: No Way Home will feature extended scenes and 11 minutes of never-before-seen footage.  The return engagement comes in celebration of 60 years of the Spider-Man comic book character, in addition to the last two decades of Spider-Man films gracing the big screen.

 

The return of Spider-Man: No Way Home to cinemas is a welcome development for Filipino fans as theater seating capacity was limited when it opened back in January, plus children weren’t still allowed outside their homes.  With the re-release, fans who were deprived of the opportunity to experience the movie in the big screen will now be able to, along with those who want to see it again.

 

Fans are advised to check with their favorite theaters for tickets and screening schedule.

 

About Spider-Man: No Way Home

 

In Spider-Man: No Way Home, for the first time in the cinematic history of Spider-Man, our friendly neighborhood hero’s identity is revealed, bringing his Super Hero responsibilities into conflict with his normal life and putting those he cares about most at risk.

 

 

When he enlists Doctor Strange’s help to restore his secret, the spell tears a hole in their world, releasing the most powerful villains who’ve ever fought a Spider-Man in any universe. Now, Peter will have to overcome his greatest challenge yet, which will not only forever alter his own future but the future of the Multiverse.

 

The film is directed by Jon Watts, written by Chris McKenna & Erik Sommers, and based on the MARVEL Comic Book by Stan Lee and Steve Ditko. Kevin Feige and Amy Pascal are producers and Louis D’Esposito, Victoria Alonso, JoAnn Perritano, Rachel O’Connor, Avi Arad, and Matt Tolmach are executive producers. The film stars Tom Holland, Zendaya, Benedict Cumberbatch, Jacob Batalon, Jon Favreau with Marisa Tomei.

 

Spider-Man: No Way Home – The More Fun Stuff Version is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

 

 

Connect with the hashtag #SpiderManNoWayHome

 

(ROHN ROMULO)

Kevin Durant, pumayag na manatili sa Brooklyn Nets matapos kausapin ng management

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ngayon ng management ng Brooklyn Nets na mananatili pa rin sa kanilang team ang NBA superstar na si Kevin Durant.

 

 

Ang “pag-move forward” na ng Brooklyn ay matapos na mabigo na makakuha ng deal sa ibang team na pampalit sana sa paglipat kay Durant.

 

 

Kung maalala mula pa noong June 30 humihingi na ng trade si Durant, 33.

 

 

Naging dahilan ito nang pagbuhos ng mga interesadong teams upang makuha sana ang serbisyo ng dating MVP, tulad na lamang ng Boston Celtics, Miami Heat, Memphis Grizzlies, Philadelphia 76ers at Toronto Raptors.

 

 

Gayunman ayon sa statement ng general manager ng Brooklyn Nets na si Sean Marks, iniulat nito na kinausap nila si Durant kasama ang coach na si Steve Nash Joe Tsai at Clara Wu Tsai doon sa Los Angeles para magkapaliwanagan.

 

 

Sa ngayon aniya, nakapokus na sila sa basketball at iisa lamang ang layunin at ito ay makuha ang kampeonato.

 

 

Ang tinaguriang isa sa “deadliest offensive weapon sa NBA” na si Durant ay merong apat na taong kontrata sa Nets.

 

 

Kung maalala ang isa pang NBA star na si Kyrie Irving ay humingi rin ng trade sa Brooklyn pero sa huli ay hindi rin natuloy at mananatili pa rin siya sa team para muling magsama ng puwersa kasama si Durant.

Malakanyang sa publiko, maging maingat

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko na maging vigilante at maingat  laban sa  monkeypox.

 

 

“Ang bawat isa ay pinapaalalahanang maging maingat at mapagmatyag sa sakit na monkeypox,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kanyang Facebook post.

 

 

Ang pahayag na ito ni Cruz-Angeles ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng isa pang kaso ng monkeypox virus sa bansa.

 

 

Bunga nito, umaabot na sa apat ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

 

 

Tinukoy ang pag-aaral na ginawa ng mga eksperto, sinabi ni  Cruz-Angeles  na  sa pagitan ng  5 at 21  araw  lilitaw ang sintomas ng monkeypox.

 

 

“Ang mga sintomas naman ay inaasahaang maramdaman ng taong nahawa sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo,” anito.

 

 

Kaya ang payo ni Cruz-Angeles sa publiko ay bisitahin ang social media platforms na hawak ng DOH upang makakuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa  monkeypox at protektahan ang kanilang sarili laban sa nasabing sakit.

 

 

Sa ulat, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng isa pang kaso ng monkeypox virus sa bansa.

 

 

Bunga nito, umaabot na sa apat ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

 

 

Ang ika-apat na kaso ay isang 25-year old na Filipino na may travel history.

 

 

Siya ay nagpositibo sa Polymerase Chain Reaction or PCR test noong Biyernes, August 19.

 

 

Ayon sa DOH, ang naturang pasyente ay naka-admit ngayon sa isang isolation facility.

 

 

Natukoy na rin ang 14 na close contacts ng nasabing pasyente kung saan ang isa ay nasa isolation facility na rin habang ang anim ay naka-quarantine.

 

 

Ang isa naman ay isang healthcare worker na nakasuot ng complete Personal Protection Equipment (PPE) noong magpakonsulta ang pasyente.

 

 

Nasa low risk naman ito at kasalukuyang nagse-self monitoring.

 

 

Patuloy namang bini-verify ang anim na iba pang close contacts. (Daris Jose)

Netizens, nagtalo-talo na naman dahil meron pa ring nanglait: HEART, pinasalamatan ni JINKEE dahil nagustuhan ang hand-painting sa Hermes bag

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ni Jinkee Pacquiao si Heart Evangelista dahil nagustuhan niya ang hand-painting sa kanyang Hermes pink bag.

 

Pinost niya sa IG ang naturang painting ni Heart at may caption na, “thank you dear @iamhearte (pink heart emoji).

 

At nag-comment naman ang asawa ni Sen. Chiz Escudero ng, “I’m happy (kasama ang 5 red heart emojis).

 

Gandang-ganda rin sina Ruffa Gutierrez at Nadine Samonte, ganun din ang mga netizens.

 

Sa entertainment blog, iba’t-iba ang naging comments ng mga marites dahil meron ding nanglait sa hand-painting ni Heart…

 

“Maganda pala ang bag painting na yan ni Heart. Noong kinlose up kasi, nachahakahan ako kasi parang may chicken pox yung girl lol.”

 

“That’s ostrich leather.

“Friends nman pla sila.”

“I looove the cubism elements Heart has been incorporating in her art lately. Gumanda lalo yung bag.”

“Medyo nag iba na nga siya ng style Dati plain lang yng nga characters niya.”

“Overall, maganda naman pala.”

“That kind of painting is like so yesterday.”

“Arte mo. there is no such thing as “so yesterday” when it comes to art. art is timeless. kaloka ka.”

“Ka cheapan ang knowledge mo sa art. Jusme!”

“Check your art history, since you want to act like a fake aristocrat. do you know the movements and styles that stayed over the years?”

“So yesterday? So pano yung mga painting na gawa ng mga artists from before, so centuries ago? Kalowka! Nakakasad may time mag tsismis pero kulang sa tamang kaalaman.”

“Sa true lang, mas gumanda yung bag ni Jinkee. Maski mahal hindi tlaga maganda ang bag. Ang plain tingnan. Opinyon ko lang naman to.”

“Chaka! Mas madami syang magandang design. Parang pinagbigyan na lang si jinky para matapos na. Charot 😜”
“Sa mga naglait sa artwork ni Heart. EAT IT. Ang sosyal kaya. Love it 😍”

“Ang shala ng dating. I want it.”

“Ang importante happy sya sa outcome. 😌”

“Pareho sila ni Heart. Ibang mundo at time zone.”

“Sobrang talented talaga ni Heart. Nasa kanya na lahat.”

“In 5 years time may value na ng bongga ang name ni Heart E sa art industry.”

“Heart’s painting is beautiful pero in my case kahit super yaman ako hindi ko ipapa paint ang hermes. Better appreciate the painting in a wall kaysa in a bag na pwedeng ma damage ang leather ng paint.”

“Sabi ng nanay ko pag mayaman ka naman talaga wala kang paki kung panget ang painting sa bag kasi pwede ka naman bumili ng bago or excuse mo para bumili ng bago.”

“It’s a matter of preference… not being rich or not. Marami mayayaman na may Hermes but chose not to paint their bag with acrylic. Maganda naman yung pagka paint ni H. I love it but like the comment above, I would choose to leave my bag alone and buy H’s painting to hang on my wall if I could afford her painting. What matters most is J is satisfied Kahit iba iba tayo ng preference.”

“Kanya-kanyang trip tayo sa buhay.Maraming collection sila ng Hermes.”

“Nakakadagdag ba sa presyo nun Hermes kung pinturahan? or ipinapintura dahil may defect yun Hermes para maitago yun imperfection nun bag?”

“If you’re a true collector person of Hermes bags? you would understand its price value as the paint gave validation that it is indeed an exclusive bag “used to be owned” by a prominent person when sold.”

“That hand paint did by Heart gave more class to the bag, personalized and no other kind like it!”

 

***

 

MATITIGIL na ang kumakalat na tsismis na buntis daw ang Kapuso actress at bida ng sport-serye na ‘Bolera’ na si Kylie Padilla.

 

 

Nilinaw na nga ng aktres sa panayam ni Nelson Canlas sa ‘Chika Minute’, na wala itong katotohanan, ganun din ang sinasabing magka-relasyon sila ni Gerald Anderson, na co-star niya sa ‘Unravel’ na kinunan para sa Switzerland at kababalik nga lang niya ng bansa.

 

 

“Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Yes, super professional lang po ang relationship namin. Nothing else,” pahayag niya.

 

 

Inamin naman ni Kylie na nakaramdam siya ng pagkainis dahil ang dami talagang gumawa ng ‘fake news’ na naka-post nga sa kani-kanilang YT channel at Tiktok. Naba-bother daw siya dahil baka may maniwala kumalat na isyu sa pagitan nila ni Gerald.

 

 

Naniniwala naman ang mga netizens sa naging pahayag ni Kylie. Di naman siya yung tipo ng babae na desperada para sa lalaki, lalo na ‘yun may karelasyon na, kaya safe na safe sa kanya si Julia Barretto.

 

 

Inamin din naman niya na may dini-date na siya bago pa sila nag-shoot ng movie ni Gerald sa ibang bansa.

 

(ROHN ROMULO)