BASE sa title ng bagong movie na pinagbibidahan ni Julia Barretto, ang “Expensive Candy” ng Viva Films kung saan, leading man niya si Carlo Aquino at written and directed naman ni Jason Paul Laxamana, diretsahan naming tinanong si Julia kung gaano siya kamahal mahalin.
“My gosh, I’m not the right person to answer this question,” natawang sabi niya.
“Hindi po yata ako ang makasasagot niyan. Simple lang naman po ako. Hindi naman po yata ako gano’n kahirap pakisamahan, not sure,” sabi na lang niya.
Kinokonsider ni Julia na ang role niya bilang isang sex worker sa Angeles City ang pinaka-daring na nagawa na niya. Though, ayaw magsalita ng patapos ni Julia kung hanggang dito na lang ang kaya niyang gawin.
Pero dahil daw sa role niya as Candy, napasabak siyang muli sa pagsasayaw. Isa sa mga naging preparasyon ni Julia para sa character niya bukod sa immersion niya mismo kasama si Direk JP sa Angeles City.
Sey ni Julia, “I thought after ASAP, tapos na akong sumayaw, pero napasabak ako sa G-Force for this. Nag-workshop muna ako ng mga seksing sayaw bago kami nag-start mag-roll. That’s the best part, immersing to become the character.”
Sabi pa niya, “Marami po akong kinailangang panoorin for this but iba pa po talaga yung mag-immerse ka kung saan naka-set at naka-based yung kuwento.”
Sa tanong naman kung ano ang masasabi niya na tuwing may bago siyang project, may mga news at blog sites na pilit ginagawan ng isyu ang kanyang personal na buhay.
“Well, I don’t know, I’ve always been very private with my personal life. Just recently, with everything that has happened before, I’ve learned to be protective with my personal life.
“So, I’d like to keep that as private as much as possible and draw some boundary between my work and personal life.”
Anyway, ang “Expensive Candy” ay mapapanood sa mga cinemas nationwide simula sa September 14.
***
MASUWERTE si Billy Crawford dahil siya yata ‘yung nakaikot na sa lahat ng networks.
At sa kanya na mismo nanggaling na even in PTV4, nakagawa na siya.
Pero ‘yun nga, dati ng Kapuso si Billy at ngayon, with open arms pa rin siyang wine-welcome ng GMA-7 with “The Wall Phippines.”
Freelance artist si Billy kaya pwede pa rin siyang lumabas kahit saan. Pero ngayong nakabalik na siya sa GMA, pwede niya kayang masabi na last ride na niya in-terms of network ang orihinal niyang tahanan?
“I won’t call it as my last journey, last ride or last stop. ‘Yun nga, if I’m given opportunity to work with anybody, then wait. But at the end of the day, business is business.
“Kung saan naman papunta ‘to, at the end of the day, do’n na lang natin susundan. But right now, I can’t tell kung ano talaga ang eksaktong mangyayari sa career path ko.
“If I’ll gonna be exclusive sa GMA or I’ll be exclusive in Brightlight or VIVA, alam mo ‘yung maraming collaboration ngayon ang lahat ng entities. Siguro, nando’n lang ako sa gitna na umiikot lang ako,” sey niya.
Lahat daw ng mga Kapuso bago man o hindi ay wish niyang makita at maging guest sa “The Wall Philippines”. Lalo na at ang premyo raw nila ay pwedeng manalo ng mahigit 10 million pesos.
Pero nang kulitin namin siya kung sino talaga ang pinaka-wish niyang makapaglaro sa bagong game show, dito na niya sinabi sina Vic Sotto at ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Aniya, “Gusto kong maglaro si Bossing. At saka, gusto ko rin maglaro si Dingdong at si Marian. Gusto kong makita kung sino ang totoong boss sa kanilang dalawa.”
Sa Linggo naman, August 28 at 3:35 pm na ang pilot ng “The Wall Philippines” sa GMA-7.
(ROSE GARCIA)