NAGKAKASUNDO sina Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista ‘pag dating sa pag-customize ng kanilang luxury bags tulad ng Hermes na nagkakahalaga ng milyones.
Kelan lang ay nagpasalamat si Jinkee kay Heart dahil sa pagpinta ni Heart ng magandang artwork nito sa kanyang Hermes Rose Sakura Herbag.
“Thank you dear @iamhearte” caption ni Jinkee sa kanyang Instagram Story kunsaan naka-post ang kanyang mamahaling bag na may painting ng mukha ng isang babae.
Noong 2016 ay kinumisyo ni Jinkee si Heart para i-customize nito ang kanyang Hermes bag. Nakita kasi noon ni Jinkee sa Instagram ni Heart ang mga ginawa nitong artwork sa kanyang mga luxury bags. Nagustuhan nito ang mga designs ni Heart kaya agad niya itong kinontak.
Ang ilang napintahan ni Heart na Hermes bag ay na-display sa isang museum sa Amerika at na-feature pa sa ilang fashion magazines.
***
HINDI raw inaasahan ni Direk Carlitos Siguion Reyna na mapapasabak siya sa action scenes sa teleserye na ‘Apoy Sa Langit’.
Hindi raw naging madali ang bugbugan na eksena nila ni Zoren Legaspi sa isang episode kaya nanibago si Direk Carlos dahil sanay siyang idirek ito at hindi siya ang umaarte.
“Nanibago ako, pero I enjoyed it and it also actually helped the internal action, the expression. One thing I learned in those action scenes, I’ve done physical before but on this scale, may sakalan.
“Sinasakal si Zoren, tapos sinusuntok, pinapatay ‘yung sa isang flashback ‘yung isa naming kasabwat sa robbery. What helped me is forget the physicality and just maintain the intention, the emotion, the internal action, and that’s how we pull it all together.”
Para kay Direk Carlos, importanteng raw na makinig ng mabuti sa stunt instructor para walang nangyayaring aksidente.
“I really am very grateful also doon sa support and ‘yung the way out stunt instructor si Monching Baldomaro, was really helpful in telling me how to do things kasi yung mga physical na ‘yun… you also have to know how to do it properly para it’s safe for you and for everybody else.
“There’s more na kailangan nilang abangan sa last two weeks of ‘Apoy Sa Langit’. It will get darker and more intense. Kaya nga hiling ko sa GMA na bigyan naman nila ako ng box set ng series na ito para may souvenir ako,” tawa pa ni Direk Carlos.
***
NA-DIAGNOSE with Alzheimer’s disease at PCA (Posterior Cortical Atrophy) ang legendary singer na si Maureen McGovern.
Nakilala ang 73-year old singer dahil sa sumikat nitong mga songs na “The Morning After” at “We May Never Love Like This Again” noong dekada ’70.
Sa kanyang Facebook, pinaalam ng singer ang naging diagnosis niya PCA at ang symptoms niya ng Alzheimer’s disease.
Ang PCA ay degenerative neurological syndrome na nakakaapekto sa eyesight at pag-process ng visual information.
“What I do, or what I am still able to accomplish, has changed. I can no longer travel or perform in live concerts. In fact, I can no longer drive — how’s that for a kick in the butt? Of course, it’s a challenge, but it certainly is not going to keep me from living my life. At first, I began having trouble finding, in my brain, the words I wanted to say. I struggled with the inevitable shock with fear and frankly hopelessness.
“But slowly I realized that my inner life has not changed. My passion for music, for singing, remains profoundly robust. To me, music is a language that expresses what often cannot be said with just words – it elevates, expands, and heals – brings joy and comfort and can eliminate barriers by creating meaningful experiences. So, accepting this new stage in my life, I began to embrace what I have and let it be.”
Kahit na may sakit, patuloy pa rin daw aawit at gagawa ng songs si McGovern para sa mga bata to raise awareness for music therapy.
Ang inawit ni McGovern na theme song ng 1972 film na ‘The Poseidon Adventure’ na “The Morning After” ay nanalo ng Best Original Song sa Academy Awards.
Nanalo rin na Best Original Song sa Oscar Awards ang inawit niyang “We May Never Love Like This Again” na theme song naman ng 1974 film na ‘The Towering Inferno’.
(RUEL J. MENDOZA)