• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 15th, 2022

Mga debris ng rocket ng China posibleng mahulog sa ilang bahagi ng Pilipinas – Philippine Space Agency

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Philippine Space Agency ang debris mula sa rocket ng China na Long March 7A (CZ-7A) na maaaring mahulog ang mga debris nito malapit sa Cagayan at Ilocos Norte.

 

 

Ayon sa PhilSA na inilunsad ng China nila ang nasabing rocket mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island dakong 9:19 ng gabi nitong Martes.

 

 

Naberipika ng ahensiya ang estimated na drop zones ng mga debris matapos makatanggap sila ng mga abiso mula sa Civil Aviation Administration ng China.

 

 

Ilan sa mga drop zone na kanilang na-identify ay sa 71 kilometers mula sa Burgos, Ilocos Norte habang ang drop zone 2 ay tinatayang 52 kilometers ng Sta. Ana. Cagayan.

 

 

Bagamat hindi ito tatama sa kalupaan ay makakaapekto ito sa mga barko, eroplano sa mga lugar na dadaaanan ng debris.

 

 

Magugunitang noong Huloy ay mayroong debris na rin ang nakita sa karagatan ng Pilipinas mula sa Long March 5B rocket na rin ng China.

 

 

Nanawagan din ang ahensiya na agad nilang ipaalam sa kanila ang sinumang makakita ng mga debris ng nasabing Chinese rockets.

Pagpapa-sexy, ‘di big deal sa asawang si Norman: BEAUTY, happy na sa anak na si OLIVIA at sa aso nilang si Pepito

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING napahanga at napanganga sa sexy photos ng talented Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na kung saan naka-two-piece siya.

 

 

At bilang isang wellness enthusiast, mahalaga para kay Beauty na alagaan ang kanyang sarili upang magkaroon siya ng balanseng buhay bilang isang aktres, asawa, at ina kaya naman bagay na bagay ang karapat-dapat na maging newest face ng BeautéHaus (subsidiary of the Beautéderm Group Of Companies).

 

Itinuturing na itong major beauté clinic sa Angeles City, Pampanga na itinatag ni Ms. Rhea Anicoche-Tan nuong 2016.
Pero kahit na litaw na litaw na ang kagandahan at kaseksihan ni Beauty, aminado ang aktres na parang may kulang pa o dapat i-enhance sa sarili.

 

Sabi niya, “I have Jollibee legs, yung parang mga chicken joy, yung ganun. Gusto kong ipaplantsa konti!”
Dagdag pa niya, “I mean, mga doughnuts. Alam n’yo yung doughnuts? Yung mga love handles, yung mga dito. Pa-cute lang na nicknames ko.”

 

Sa launching niya bilang brand ambassador ng Beautederm, natanong si Beauty kung gaano ka-secure ang husband niyang si Norman Crisologo at hindi magselos?

 

Okey lang ba sa kanya na nakikita sa mga photos at billboards ang kaseksihan niya?

 

“Well, I think he should answer that question, not me. Ano, do you feel secure about me?” balik-tanong ni Beauty sa asawa.

 

“Wala. Of course, I mean, I just go home, wala naman akong ibang ginagawa, mag-artista lang and then uwi sa bahay. There’s no reason to… to be insecure or to think about anything.

 

“Wala naman akong itinatago. I mean, ang tagal-tagal ko na sa business, wala kayong makukuhang tsismis sa akin.”
Dagdag kuwento pa ni Beauty na very down-to-earth pa rin sa kabila ng kasikatan, “Nung ininterbyu nga ako ni Toni (Gonzaga), ‘Talaga bang gusto mo akong iinterbyu? Wala namang tsismis sa buhay ko!’

 

“Sabi niya, ‘Hindi, gusto ko makita ng mga tao kung gaano ka nakakatawa at gaano ka katotoong tao.’

 

“Kasi, nung gusto niya akong interbyuhin, sabi ko, ‘Wala akong tabloid, Toni, ano ba ang gusto mong pag-usapan sa akin?’ So, yeah, I mean wala akong ibinibigay na problema. Ayoko rin ng problema, nakatatanda yun.”

 

Nakatutuwa naman ang sagot ni Norman, okey lang daw sa kanya yung mga sexy photos ni Beauty, kahit pagnasaan pa ng ibang lalaki, dahil sa gabi naman siya ang katabi.

 

Tahimik nga lang married life nila ni Beauty, na kung saan meron silang isang anak at wala nang balak dagdagan dahil happy na silang mag-asawa.

 

Nang naglalambing daw ang anak na si Olivia ng kapatid, say niya, “I got her a dog. His name is Pepito. He’s so guwapo.

 

“So, OK na siya. Boy and girl na, so, OK na kami.”

 

Samantala, ilan sa mga paborito ni Beauty sa BeautéHaus procedures at treatments ay ang Exislim, Snow White Laser, BeautéDrip, BeautéTox at Lite Facial. Gusto rin niyang i-try ang ibang ino-offer ng bonggang beauté clinic, na must-try talaga kahit sa mga kalalakihan.

 

Aminado naman si Ms. Rhea na bagamat natutuwa siya sa body of work ni Beauty, talaga napamahal sa kanya ang aktres dahil sa kabutihan ng puso nito at dahil very professional ito.

 

“Ang sarap ng experience naming while working with Beauty. I have always been drawn to hard-working women who values friendship and family like Beauty. Hindi lang siya maganda at talented, napakabuting tao din niya,” pahayag pa ng President at CEO ng Beautéderm.

(ROHN ROMULO)

Istriktong ipatupad ang indoor at transport face mask rule

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na istrikto pa ring ipatupad ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas at mga pampublikong transportasyon.

 

 

Ang paalala ay ginawa ni Abalos, kasabay nang pagpapahayag niya ng buong suporta sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 3 na nag-aalis na ng mandatory face mask use sa outdoor settings o sa mga lugar na may magandang bentilasyon.

 

 

Sinabi ng kalihim na dapat na pangunahan ng LGUs ang pagtiyak na tumatalima ang mga mamamayan sa indoor at public transport face mask rule sa kani-kanilang nasasakupan.

 

 

Inatasan na rin umano ni Abalos ang Philippine Natio­nal Police (PNP) na tulungan ang LGUs sa pagtiyak na ang indoor at public transport face mask rule ay inoobserbahan ng mga mamamayan.

 

 

Hinikayat din naman ni Abalos ang mga high-risk individuals, o yaong senior citizens, immunocompromised individuals, at mga hindi pa fully vaccinated, na magsuot pa rin ng face mask at obserbahan ang physical distancing sa lahat ng pagkakataon. (Daris Jose)

MAS MARAMING Pinoy, magsusuot pa rin ng face masks sa kabila ng optional na pagsusuot sa outdoors

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mas marami pa rin umanong bilang ng mga Pinoy ang magsusuot ng face masks sa kabila ng direktiba ng pamahalan na optional na lamang ang pagsusuot nito.

 

 

Ayon kay OCTA Research fellow Ranjit Rye, base sa raw sa kanilang isinagawang survey, lumalabas na 28 percent daw sa mga respondent ang nagsabing patuloy pa rin ang kanilang pagsusuot ng facemasks.

 

 

Nasa 16 percent naman ang nagsabing magsusuot pa rin ang mga ito face masks kahit pa sa loob ng dalawang taon at 18 percent ang nagsabing ipagpapatuloy ang pagsusuot ng facemasks kahit kontrolado na ng limang taon ang sitwasyon ng Coronavirus disease 2019 sa bansa.

 

 

Sa naturang resulta, naniniwala si Rye na mistulang mayroong consensus sa mga adult Filipino na mahalaga ang pagsusuot ng face masks at hindi na raw kailangang pagsabihan o himukin pa ang mga ito.

 

 

Gumagamit daw ang mga ito ng face masks dahil sa paniniwala nilang ito ay para sa kanilang sariling kaligtasan.

Paalala ng DILG sa LGU, huwag bumili, gumamit ng luxury vehicles sa mga operasyon

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BAWAL  bumili o gumamit ng mga  luxury vehicles ang Local Government Units (LGUs) para sa kanilang operasyon.

 

 

Ito ang naging paalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa LGUs kasabay ng naging panawagan ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga  LGU officials “to exercise due prudence and comply with budgetary, procurement, and auditing laws as well as other regulations and standards.”

 

 

“Manatili po tayong matipid sa pagpili ng sasakyan lalo na’t hindi pa tayo nakakabangon sa masasamang epekto sa ekonomiya ng pandemya ng COVID-19,” ayon kay Abalos.

 

 

“Dapat po tayong maging halimbawa sa ating mga nasasakupan sa masinop na paggamit ng pondo ng bayan,” ayon pa sa Kalihim.

 

 

Para sa DILG,  kinukunsiderang luxury vehicles ang mga “cars (sedan o hatchback) with an engine displacement exceeding 2,500 cc if gasoline-fed or 3,500 cc if diesel-fed and/or with an engine exceeding four cylinders; passenger vans or pick-up type vehicles with an engine displacement exceeding 2,500 cc if gasoline-fed or 3,000 cc if diesel-fed and/or with an engine exceeding four cylinders; multipurpose vehicles and vans with an engine displacement exceeding 2,500 cc if gasoline-fed or 2,800 cc if diesel-fed and/or with an engine exceeding four cylinders;

 

 

at  ang “sports utility vehicles with an engine displacement exceeding 2,700 cc if gasoline-fed or 3,000 cc if diesel-fed and/or with an engine exceeding four cylinders.”

 

 

Sinabi ni Abalos na kung bibili man ang LGUs ng sasakyan ay dapat na ” in the most efficient and economic manner considering that these are cost-effective, fuel-efficient, environment-friendly, and at par with improvements and developments in the automotive industry and relevant technology.” (Daris Jose)

Ads September 15, 2022

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Bukod sa paghakot ng nominasyon sa Gawad Urian: ‘Gensan Punch’ ni Direk BRILLANTE, wagi sa Content Asia Awards 2022

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CONGRATULATIONS to Direk Brillante Mendoza para sa kanyang latest accolade.

 

 

Ang pelikula niyang Gensan Punch, na kwento ng isang boksingero na may polio, ay nagwagi ng Best Asian Feature Film or Telemovie sa Content Asia Awards 2022.

 

 

Ito ay production ng Warner Bros. Discovery, HBO at Centerstage Productions.

 

 

Ang Gensan Punch ay isa rin sa mga nominadong pelikula in different categories sa Gawad Urian na gaganapin next month.

 

 

Ang Urian nominations na nakuha ng movie ang mga sumusunod:

 

 

Shogen (Best Actor), Ronnie Lazaro (Best Supporting Actor), Joshua A. Reyles (Cinematography), Ysabelle Dynoga, Armando Lao, Peter Arian Vito (Editing), Dante Mendoza (Production Design), Diwa de Leon (Music), at Mike Idioma, Alex Tomboc, Deo Van N. Fidelson (Sound).

 

 

***

ANG sexy star na si Maria Ozawa ay mananatiling celebrity partner at brand ambassador ng M88 Mansion, ang leading online gaming entertainment  platform.

 

 

Ito ang ikalawang taon ng kanilang partnership. Bilang preview sa kung ano ang magagananap sa Maria Ozawa Year 2, nagkaroon si Ozawa ng una sa kanyang series of “Game Night” live streams sa bagong established na Maria’s RoomTwitch channel na inilunsad noong July.

 

 

Dito ay gumagawa siya ng playthroughs at nirerebyu ang mga laro na featured sa Maria’s Room by M88 Mansion. Her presence on the video game streaming platform ay hindi lang nagpapalakas ng kanyang reach kundi nagbibigay din ng pagkakataon sa kanyang mga fans na mag-interact sa kanya.

 

 

Bukod sa Twitch streams, brand video shoots, and photo shoots, magkakaron din si Maria Ozawa ng mga meet and greet events in Asia in collaboration with M88 Mansion.

 

 

Matapos ang successful na virtual at live press conferences sa 2022, nakatakdang bumisita si Maria Ozawa sa iba’t-ibang bansa sa Asia bilang celebrity partner at brand ambassador.

 

 

Dumalo siya sa TotalEnergies BWF World Championships 2022 in Tokyo, Japan last month as her first public event for Year 2. Immediately following the event was her next appearance in Bangkok, Thailand early in September for another M88 Mansion event.

 

 

Magkakaroon din siya ng special shoutouts to lucky M88 Mansion players. For more information on this, visit Maria’s Room by M88 Mansion. Follow, like, and subscribe to the Maria’s Room social media accounts on Facebook, Instagram, YouTube, TikTok, and now on Twitch, for more details.

 

 

(RICKY CALDERON)

Greece at NBA superstar Antetokounmpo tanggal na sa European championship

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MINALAS  ang bansang Greece at ang dating two-time NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo matapos na masilat ng Germany sa nagpapatuloy na EuroBasket sa score na 107-96.

 

 

Sinamantala ng Germany ang kanilang homecourt advantage upang umusad sa semifinals at gumanda pa ang tiyansa na magkampeon muli.

 

 

Si Giannis naman ay nasayang ang matinding performance nang kumamada ng 31 points, walong assists at seven rebounds.

 

 

Gayunman na-eject si Giannis dahil sa dalawang beses na unsportsmanlike fouls.

Bulacan, ipinagdiwang ang LGBT Pride

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Bitbit ay matitingkad na kulay at pagkakaroon ng malaking bahagi sa buong linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022, ipinagdiwang ng LGBT Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang LGBT Pride sa isinagawang SIBOL: The 2022 LGBT Bulacan Summit na may temang “Synergy of Inclusive Growth in Bulakenyo LGBT Ecosystem” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Linggo, Setyembre 11, 2022.

 

 

Binigyang papuri ni Director Dindi Tan, Director IV-OWWA, Department of Migrant Workers at presidente ng LGBT Pilipinas, ang LGBT Bulacan Federation sa pagiging inspirasyon nito sa iba pang mga lalawigan na magsimula rin ng sarili nilang mga grupo.

 

 

“Sa katunayan, sa lahat ng LGBT groups sa Pilipinas, maipagmamalaki ko na isa sa pinakamalaking pedereasyon ng LGBT ay dito sa lalawigan ng Bulacan. Noong nakita po ng ibang probinsiya ang pictures na pinost namin ni Kap. Renan noong tayo ay nagsisimula pa lamang, iyon po ang naging mitsa ng pagtanong nila sa atin sa national kung paano nila bubuuin ang kani-kanilang pederasyon sa kanilang respective provinces. So your movement became an inspiration to other provinces,” ani Tan.

 

 

Itinampok din sa gawain ang mga kahanga-hangang koleksyon ng 12 Bulakenyo fashion designers sa pamamagitan ng fashion show na puno ng kinang at garbo kabilang ang mga obra nina Vince Sityar, Sony Boy Mindo, Robert Zamora, Paolo Blanco, Celso Sebastian, Louie Salazar, Larry Zuñiga, Zyrill Jane Jacinto, Manny Halasan, Marbin Garcia, Jersey Lopez at James Peter Manalo.

 

 

Binati rin ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang LGBTQ sa kanilang mga kontribusyon sa lalawigan at inihayag ang kanyang respeto sa mga miyembro nito.

 

 

“Sa lahat po ng ating LGBT Bulacan, members and officers, congratulations and thank you so much sa inyong mga ibinigay na pagkilala sa ating lalawigan. Isa po kayo sa gumuhit ng magandang kulay ng ating lalawigan. Salamat sa inyong mga naiambag at ito po ay hindi makakalimutan ng inyong lingkod. Gagawin namin ang aming magagawa para suportahan ang ating mga kababayan at most especially ang inyong komunidad. Itinatag ko ito sapagkat ang pagtingin ko sa inyo at respeto ko sa inyo ay ganoon na lamang. Kaya inaasahan ko at inaasahan pa namin ang mas malalim na pakikiisa niyo sa ating lalawigan,” anang gobernador.

 

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng LGBT pride, pinangunahan ni Renan T. Eusebio, tagapangulo ng LGBT Bulacan Federation, ang paggawad ng mga sertipiko at mga papremyo na nagkakahalaga ng P7,000 para sa unang gantimpala na napanalunan ng CREGMA Marilao Chapter bilang Most Organized LGBTQ Chapter; P5,000 para sa ikalawang gantimpala na napunta sa Lungsod ng Meycauayan; at P3,000 para sa ikatlong gantimpala na naiuwi ng bayan ng Baliwag.

 

 

Dagdag pa rito, itinanghal rin ang ang Lungsod ng San Jose Del Monte bilang Most Active LGBTQ Chapter; Siklab Bustos sa ikalawang pwesto at San Miguel Chapter sa ikatlong pwesto habang ang Bocaue Chapter ay pinangalanang Most United LGBTQ Chapter; Bulakan Chapter sa ikalawang pwesto at Pulilan sa ikatlong pwesto. Lahat sila ay nakatanggap ng mga sertipiko at mga papremyo gaya ng nabanggit.

 

 

Kinilala rin ang ibang pang mga indibidwal sa programa at tumaggap ng P5,000 premyo at mga sertipiko kung saan itinangal si Rally S. Santos mula sa bayan ng San Miguel na Star of the Night; si Andres Lizarondo mula sa bayan ng Hagonoy bilang Best Dressed of the LGBTQ Pride at Ferdinand Benoza mula sa Lungsod ng Malolos bilang Superstar ng LGBTQ pride. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

‘Di na 10 years old para pagsabihan sa gustong gawin: NADINE, ‘di nakapagpigil na talakan ang mga nagmamarunong sa buhay niya

Posted on: September 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na napigilan ni Nadine Lustre ang talakan ang mga pakialamero’t pakialamera sa buhay niya sa social media.

 

 

Masyado raw maraming marites sa buhay niya at gusto niyang pabayaan na siya ng mga ito dahil unang-una ay hindi na raw siya bata para pagsabihan.

 

 

Marami kasi ang nag-comment sa pinost ni Nadine na kasama niya ang kanyang French boyfriend na si Christophe Bariou habang nagbabakasyon sila sa isang resort sa France.

 

 

Tweet ni Nadine: “ppl be commenting instructions and tagging my friends or boyfie on my IG. Stop telling them to tell me what to do. Im not 10.”

 

 

Hindi rin nagpapigil si Nadine na maglantad ng kanyang alindog sa latest post niya sa Instagram kunsaan naka-bikini siya.

 

 

Bukas na nga si Nadine na pag-usapan ang relasyon niya kay Christophe. Nais niyang mag-move on na ang marami at tanggapin ang taong mahal niya ngayon.

 

 

***

 

 

HINDI ikinakahiya ni Buboy Villar ang kanyang pinagmulan bago siya naging isang celebrity.

 

 

Bata pa lang daw siya ay natuto na siyang mangolekta ng mga bote at mangalakal para may pambili sila ng pagkain.

 

 

“‘Yun ang parang natutunan ko noong bata ako, kailangan kong gawin ito para pambigas, oo pambigas. Pangkain ito para sa pamilya. Mahirap, kasi galing ako sa nangangalakal eh. Legit. Ako ‘yung tagapulot tapos taga-apak sa mga can,” kuwento ni Buboy.

 

 

Ang nakaraan daw niya ang naging inspirasyon niya para mas pagbutihin pa ang kanyang mga ginagawa ngayon.

 

 

“Thank God dahil naranasan ko ‘yung ganoong bagay. Dahil meron akong gasolina from my past na ‘Uy nangyari sa akin ‘yan.’ Kumbaga, hindi ako magja-judge, alam ko kung ano ‘yung pinagdaanan niya,” diin pa niya.

 

 

Mula sa pagiging contestant ni Buboy sa singing contest na pambata na Little Big Star sa ABS-CBN 2 noong 2006, lumabas siya sa iba’t ibang shows tulad ng Goin’ Bulilit, Calla Lily, Pedro Penduko, Super Twins, Impostora, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Kapitan Boom bago dumating ang breakout role niya sa Dyesebel bilang sidekick ni Marian Rivera.

 

 

Naging simula iyon nang mga sunud-sunod na teleserye ni Buboy at nasaksikan ng marami ang kanyang paglaki hanggang sa magkaroon na ito ng sariling pamilya. Dalawang beses din siyang nanalong best child performer sa Metro Manila Film Festival para sa Shake, Rattle & Roll X at Ang Panday.

 

 

Ngayon ay kinaaaliwan si Buboy sa Running Man Philippines dahil sa kanyang pagiging kengkoy at palaban sa mga challenges. Noong nakaraang Linggo ay nakabalik na rin siya sa The Boobay and Tekla Show bilang miyembro ng Mema Squad.

 

 

***

 

 

INAMIN ng American rapper na si Eminem na muntik na siyang ma-fatal overdose noong 2007.

 

 

Kuwento pa ng Grammy at Oscar-winning rapper sa Paul Pod Podcast: “I remember when I first got sobr and all the sh*t was out of my system, I remember just being, like, really happy and everything was f**king new to me again.

 

 

“It was the first album and the first time that I had fun recording in a long time. It was like the first time I started having fun with music again, and re-learning how to rap. You remember that whole process. It took a long time for my brain to start working again.”

 

 

Umiinom daw siya ng 75-80 Valium a night ang rapper para sa kanyang withdrawal symptoms habang tinatapos niya ang album na Relapse. Dahil dito ay posibleng nag-suffer daw siya ng brain damage.

 

 

“I was so scatter-brained that the people around me thought that I might have given myself brain damage. I was in this weird fog for months. Like, literally I wasn’t making sense – it had been so long since I’d done vocals without a ton of Valium and Vicodin. I almost had to relearn how to rap,” sey pa niya.

 

 

Sober na si Eminem since 2008.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)