• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 7th, 2022

P11.5 bilyong One COVID-19 allowance, inilabas ng DBM

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN  ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P11.5 bilyon para sa One COVID-19 Allowance/Health Emergency Allowance (HEA) claims ng mahigit sa 1.6 milyong kwalipikadong public at private health care at non-health care workers (HCWs).

 

 

Sakop ng Special Allotment Release Order (SARO) ang hindi napondohang OCA/HEA claims ng mga health care at non-health care workers para sa Enero hanggang Hunyo 2022.

 

 

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na nararapat lamang na suportahan at tulungan ng pamahalaan ang mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan dahil inilalagay nila sa panganib ang kanilang buhay sa gitna pa rin ng umiiral na pandemya.

 

 

Una nang inilabas ng DBM nitong Oktubre 3 ang P1.04 bilyon na nakalaan para sa pagbabayad sa nalalabing 55,211 na hindi nababayarang Special Risk Allowance (SRA) ng mga kuwalipikadong HCW at non-HCWs mula Setyembre 2020 hanggang Hunyo 2021.

 

 

Kaugnay nito, inuumpisahan nang iproseso ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng P1.04 bilyon at P11.5 bilyong inilabas ng DBM para sa benepisyo ng mga healthcare workers.

 

 

Inihahanda na ang DOH ang mga panuntunan para sa “sub-allotment” at ipinaalam na sa mga “regional counterparts” sa Centers for Health Development (CHDs) na maghanda na ng mga kaukulang dokumento para mapabilis ang disubursement ng mga pondo.

 

 

Sa kabila nito, nangangailangan pa rin ang DOH ng dagdag na pondo para mabigyan ng alokasyon ang mga serbisyo na naisagawa ng mga HCWs mula ­Hulyo 2021 hanggang sa kasalukuyan.

 

 

Base ito sa Republic Act No. 11712  o ang “Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act”. (Daris Jose)

Ads October 7, 2022

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

‘Deadpool 3’ Can Finally Give Hugh Jackman’s Wolverine A Comic Accurate Yellow Suit

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NOW that Hugh Jackman is returning for Deadpool 3, the new movie could finally be where he gets Wolverine’s comic accurate yellow suit.

 

It was thought that Jackman was done with his iconic Marvel role after 2017’s Logan killed Wolverine, but Ryan Reynolds and the Deadpool franchise have changed that. The sequel comes from Marvel Studios and takes place in the Marvel Cinematic Universe, but the franchise’s usual R-rated humor and violence will remain.

 

After making jokes about Hugh Jackman in the previous installments, Ryan Reynolds now gets his wish of Wolverine and Wade Wilson teaming up thanks to Deadpool 3.

 

Hugh Jackman’s Wolverine return in Deadpool 3 comes over two decades after he first debuted as the Marvel superhero. Jackman first played the mutant in 2000’s X-Men. While some might have lamented the idea of having a tall Wolverine, Jackman proved to be the perfect choice to play the character.

 

Despite his tall stature, Jackman did his best to match Wolverine’s comic book look, including having his usual hairdo and ripped physique throughout his tenure. However, Fox’s X-Men movies never gave Wolverine a comic accurate costume.

 

The original movies put him and the X-Men in black leather suits, while X-Men: Days of Future Past was the closest audiences came to seeing Hugh Jackman’s Wolverine in a costume with any color.

 

Deadpool 3 is now the perfect opportunity for Hugh Jackman’s Wolverine to get a comic accurate suit. Audiences were teased with the idea of Jackman suiting up in Wolverine’s traditional yellow costume at the end of The Wolverine, but his future appearances never made good on that setup.

 

It would not have worked in Logan, but the brightly colored suit can easily be incorporated into Wolverine’s Deadpool 3 story. Not only would it finally give Hugh Jackman a chance to wear the character’s iconic costume that has evaded him for over two decades, but it could also help the 53-year-old star by giving him a break from needing to be in Wolverine’s ripped physique for the production.

 

Fox’s X-Men movies never giving Hugh Jackman’s Wolverine a yellow suit is often viewed as a major missed opportunity. The reason that he did not start out with the comic accurate look is that Fox and director Bryan Singer thought that audiences might not accept the traditional X-Men comic costumes. Budgetary restrictions also were partially a factor behind X-Men’s black leather outfits.

 

Neither of these should have been much of a concern as the franchise moved forward due to its established success. However, Fox’s X-Men franchise still shied away from giving characters more comic accurate looks until much later on. While the younger cast for the prequels got to wear suits closer to the source material, Jackman never got that opportunity.

 

With Fox routinely opting against having comic accurate costumes in the X-Men movies, the studio unknowingly left the door open for Deadpool 3 and the MCU to benefit from this mistake. Seeing Hugh Jackman’s Wolverine in a comic accurate suit – even if it is only for a moment – is something that would delight fans around the world.
It would also fit Marvel Studios’ trend of including comic accurate suits for characters in Phase 4, even when they were previously thought to be unadaptable for live-action. Seeing Hugh Jackman’s Wolverine in a yellow suit in Deadpool 3 would be the ultimate move. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Kahit naunahan na ng ibang kasabayang sexy stars: JELA, naghihintay lang ng tamang project na babagay

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SABI ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee dumami raw ang mga imbitasyon sa kanya para maging commencement speaker since he was named National Artist.

 

Mas marami rin ang nakakakilala sa kanya. Kaya lang hindi siya sanay sa ganitong situation kasi napopokus ang atensiyon sa kanya.

 

Mas gusto raw niya ‘yung hindi siya masyadong napapansin tulad ng dati.

In fairness kay Sir Ricky, napaka-low profile niya.

 

“Iniisip ko na lang na ‘yung atensiyon na nakukuha ko ngayon ay makatutulong para makilala ang nga writers,” pahayag ng multi-awarded na screenwriter.

 

Masaya si Sir Ricky Lee sa collaboration nila ni Direk Mac Alejandre dahil kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa.

 

Mas madali raw silang magtrabaho kasi they understand each other so well.

 

“Working with Mac is both easy and difficult. If we find the script easy, mas nagagawa niya itong complicated with his inputs kaya mas lalong gumaganda sng finished product,” sabi pa ni Sir Ricky.

 

Napanood na niya ang latest collaboration nila ni Direk Mac, ang relationship drama na ‘May-December-January’ at happy siya how it turned out. Nagawa raw nila na sa movie na maglahad ng kwento ng simplemg tao na marami ang makaka-relate sa kwento.

 

Pinuri din niya ang mahusay na pagganap ng mga lead stars na sina Andrea del Rosario, Gold Azeron at Kych Minemoto.

 

***

 

KAHIT na naunahan na si Jela Cuenca ng ibang kasabay niyang sexy stars sa Viva na nagkaroon ng solo movie, chill lang siya.

 

Sa presscon ng ‘Pabuya’ ay sinabi ni Jela na inaalok naman daw siya na magbida kaya lang ‘di raw kaya ang roles being offered to her.

 

“Naghihintay lang po ako ng tamang project na babagay sa akin,” sabi ni Jela.

 

Masaya naman daw sa mga projects na ibinigay sa kanya ng Viva dahil ‘di naman siya nababakante.

 

Hindi man siya bida, okey din naman ang roles na nakukuha niya.

 

Sa movie, Jela plays the ex-girlfriend of Diego Loyzaga na nag-betray sa binata kaya lalo itong napahamak.

 

Streaming na ito sa Vivamax ang ‘Pabuya’ na dinirek ni Phil Giordano.

(RICKY CALDERON)

Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos.

 

 

Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address.

 

 

“As of today your honor, we have 23 (priority) measures,”   ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza  sa Senate hearing bilang tugon sa tanong ukol sa mga priority measures ng Chief Executive.

 

 

Ang mga bagong batas na nadagdag sa priority list  ay ang “2023 General Appropriations Act, the bill strengthening the regulatory functions of Maritime Industry Authority (MARINA), the bill for the condonation of unpaid amortization, interest of loans of agrarian reform beneficiaries, and the Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).”

 

 

Bagama’t ang MTFF ay hindi bill o batas na nangangailangan ng pagsasabatas, ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ay in-adopt ang magkahiwalay na resolusyon na nagpapahayag ng pagsuporta para sa six-year fiscal plan ng administrasyong Marcos.

 

 

Sa kanyang  kauna-unahang SONA, hiniling ni Pangulong  Marcos sa Kongreso na kagyat na ipasa ang 19 bills sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

Kabilang na rito ay ang National Government Rightsizing Program (NGRP), Budget Modernization Bill, Valuation Reform Bill, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), E-Governance Act, Internet Transaction Act or E-Commerce Law, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Medical Reserve Corps at National Disease Prevention Management Authority.

 

 

Kasama rin ang Creation of the Virology Institute of the Philippines, Department of Water Resources, Unified System of Separation, Retirement and Pension, E-Governance Act, National Land Use Act, National Defense Act, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP), Enabling Law for the Natural Gas Industry, Amendments to the Electric Power Industry Reform Act or EPIRA (Republic Act No. 9136) at Amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law.

 

 

Tinanong naman ni Senador JV Ejercito  ang plano ng  PLLO para mapigilan ang posibleng pag-veto  sa batas na ipinasa ng Kongreso.

 

 

Bilang tugon, sinabi ni Mendoza na  nagsasagawa sila ng  inter-agency consultative meetings para i- “fine tune” ang batas  na inisa-isa ni Pangulong Marcos sa kanyang  SONA.

 

 

“I think we already had around five consultative meetings with different agencies with regard to the SONA measures…So far sir, nafa-fine tune na po natin…para pagdating po dito sa both chambers–sa Senate and sa Lower House, fine-tuned na po siya…Naalis na po namin ‘yung mga contentious issues with the departments,” wika ni  Mendoza.

 

 

Samantala, inaprubahan naman ng Senate panel ang panukalang budget ng PLLO para sa taong 2023.

 

 

Maliban sa PLLO, inaprubahan din ng Senate finance subcommittee  ang panukalang  P193 million budget ng Philippine Racing Commission at panukalang P191.26 million budget ng Authority of the Freeport Area sa Bataan para sa taong 2023. (Daris Jose)

Obiena asam makuha ang 6.0 meters

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG paglundag sa six meters ang inaasam pa ring makuha ni World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Ito kasi ang laging tina­talon ni World No. 1 at Olympic Games gold me­da­list Armand Duplantis ng Sweden.

 

 

Sa ilang ulit nilang pag­haharap ay isang beses lamang tinalo ni Obiena si Duplantis na nangyari sa Brussels Leg ng Diamond League noong Setyembre 3.

 

 

“The way I approach the game is to win. If I can win with 6 meters then I need to jump 6 meters,” wika ng Southeast Asian Games at Asian record-holder. “For me, it’s really a matter of winning medals.”

 

 

Ang world record na 6.21m ay kasalukuyang ha­wak ng 22-anyos na si Du­plantis na itinala niya sa nakaraang 2022 World Athletics Championships sa Eugene, Oreogn,.

 

 

Sa nasabing torneo inangkin ng 26-anyos na si Obiena ang bronze medal sa kanyang nilundag na 5.94m para sa bago niyang personal best at Asian record.

 

 

Ito ang unang medalya ng Pilipinas sa world championship.

 

 

Tinatapos na ng 6-foot-2 Pinoy pole vaulter ang kanyang three-week vacation sa bansa bago sumalang sa training camp sa Formia, Italy.

 

 

Sa nakaraan niyang out­door season ay anim na gintong medalya ang inangkin ni Obiena sa nilahukang walong torneo.

 

 

Tampok rito ang pagsapaw niya kay Duplantis sa Brussels Leg.

 

 

Plano ng Philippine Olympic Committee (POC) na magdaos ng isang invitational tournament sa Tagaytay City.

 

 

Kumpiyansa si Obie­na na mahihikayat niya si­na Duplantis, World No. 2 Chris Nilsen at 2016 Rio Olympics gold medalist Thiago Braz na sumali sa tor­neo.

PBBM, nabahala sa nangyaring “senseless killing” kay Percy Lapid

Posted on: October 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABABAHALA  ang  Office of the President (OP) partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring “senseless killing” sa  isang batikang mamamahayag at  kasalukuyang radio commentator ng DWBL na si Percy Lapid.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na inatasan sila ni Pangulong Marcos na tingnan ang isinasagawang imbestigasyon ng pananambang at pagbaril sa biktima pasado alas-8:30 kagabi, Oktubre 3, ng hindi pa nakilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Las Piñas City.

 

 

“In fact I was in communication with certain officials who advised me that the Southern Police District has created a task force on Percy Lapid,” ayon kay Guevarra.

 

 

“We just assumed our office last Tuesday but I was informed that there is a presidential task force on media security. In fact, I personally would meet with them, convene them if necessary, to advise them…to sit down with the Southern Police District and ensure that the conduct of investigation proceeds without any problem and submit to us, report to us hopefully within the next seven days.” wika pa nito.

 

 

Nauna rito, hayagan namang kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pamamaslang kay Lapid.

 

 

Tiniyak naman ng task force  na ” we will not rest until the perpetrators of this heinous crime are brought to justice.” (Daris Jose)