• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 14th, 2022

90% ng 4Ps beneficiaries ‘below poverty’ pa rin kahit 7-13 taon na sa programa — COA

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  umangat sa laylayan ang karamihan ng pinakamahihirap na Pilipinong nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program — ito kahit higit P537 bilyon na ang nagastos dito at lampas isang dekada nang benepisyaryo ang ilan sa kanila.

 

 

Ito ang ibinahagi ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2022 follow-up sa performance audit ng 4Ps program ng gobyerno, bagay na isinapubliko kamakailan.

 

 

“[W]e looked into the relevant data and found that about 3,820,012 or 90% of the 4,262,439 active household-beneficiaries have been with the program for seven to 13 years with a total of P537.39 billion cash grants given as at June 30, 2021,” sabi nila sa naturang ulat.

 

 

“This means that 90% of the active household-beneficiaries remained below poverty threshold even after being in the program for a long period of time.”

 

 

Taong 2017 nang irekomenda ng COA na magsagawa ng impact evaluation ang gobyernong nagbibigay-diin sa epekto ng programa sa pagsugpo sa kahirapan.

 

 

Una nang lumabas sa mga evaluation na nagkaroon ng positibong epekto ito sa karamihan ng target education at health outcomes ng mga bata at buntis.

 

 

Sa kabila nito, hindi natalakay ng nakaraang pag-aaral ang direktang kaugnay ng programa sa pagpapababa ng kahirapan sa Pilipinas.

 

 

“We raised this issue in view of the significance of the amount allocated to 4Ps wherein from CYs 2008–2021, the program received a total amount of P 780.71 billion,” sabi pa ng COA.

 

 

Mahalaga raw ang mga detalyeng ito dahil nililimitahan ng Republic Act 11310 ang pagiging benepisyaryo sa pitong taon. Matapos ito, tatanggalin sila sa listahan umahon man sila sa hirap o hindi.

 

 

Ang 4Ps, na siyang ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development, ay ang “national poverty reduction strategy ng gobyerno” alinsunod sa R.A. 11310, bagay na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kabila nito, matagal nang may 4Ps bago pa ma-institutionalize.

 

 

Naka-pattern ito sa conditional cash transfer scheme na ipinatutupad sa iba pang developing countries, bagay na ibibigay lang kung susunod ang mga residente sa mga kondisyones ng programa.

 

 

Narito ang mga “eligible beneficiaries” at mga benepisyong kanilang maaaring makuha:

 

 

Sa datos ng DSWD, aabot sa 4.29 milyon ang poor households, na siyang sumasaklaw sa 41,606 barangay, 146 lungsod at 1,481 munisipalidad.

 

 

Mungkahi ngayon ng COA na i-“fast track” ng DSWD ang data cleansing nito at kumpletuhin ang informations technology systems upgrade, alinsunod na rin sa Informations Systems Strategic Plan, maliban sa palagiang paglulunsad ng “national household assessment” sa ilalim ng RA 11310.

 

 

“COA also recommends that DSWD shall report on the program’s status on poverty alleviation, consistent with Section 17 of the 4Ps Act,” sabi pa ng komisyon.

 

 

Dati nang binabatikos ng mga progresibong grupo gaya ng Makabayan bloc na nagsisilbing “dole out” o limos lang ang conditional cash transfers ng 4Ps, bagay na hindi raw talaga tutugon sa kahirapan.

 

 

Aniya, mas mainam pa rin ang paglikha ng trabaho, pambansang industriyalisasyon at repormang agraryo upang makaahon ang bansa sa pagdarahop.(Daris Jose)

Pacquiao patok sa South Korea

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALA-rock star ang pagtanggap ng South Korea kay eight-division world champion Manny Pacquiao na kasalukuyang nasa Seoul para sa promotions ng exhibition match nito.

 

 

Kasama ni Pacquiao sa pagpo-promote si Korean YouTuber DK Yoo para sa kanilang bakbakan sa Disyembre 10 na idaraos sa naturang bansa.

 

 

Mainit ang pagtanggap ng South Korean fans kay Pacquiao na dinudumog ng mga tagahanga nito doon.

 

 

Sa katunayan, naka­takdang maging guest si Pacquiao sa South Korean variety program na K­nowing Bros.

 

 

Idaraos ang taping ng episode ni Pacquiao ngayong araw ngunit wala pang petsa kung kailan ito ipalalabas sa buwan na ito.

 

 

Makakasama ni Pacquiao sa episode sina South Korean actors Lee Hoon at Yoon Hyung-bin, Kim Yo-han ng Kpop boy group WEi at Sandara Park na dating sumali sa Star Circle Quest sa Pilipinas.

 

 

Mas kilala na si Sandara sa tawag na Dara sapul nang sumali ito sa dating K-pop group na 2NE1.

 

 

Excited na si Dara na makasama si Pacquiao sa programa kung saan inaasahang ito ang magsisilbing interpreter ng Pinoy champion.

 

 

Matagal na nanatili sa Pilipinas si Dara kaya’t marunong itong magsalita ng Pilipino.

 

 

Host naman ng Kno­wing Bros sina Kang Ho Dong na dating Korean traditional wrestling champion, at Seo Jang-hoon na dating professional basketball player at miyembro ng national team ng Korea.

 

 

Napaulat pa na magi­ging guest din si Pacquiao sa Korean reality show na Running Man

Nakipagpulong din sa mga Chinese delegates: Sen. IMEE, personal na namahagi ng tulong sa Dingalan at Polillo Island

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

I-TAG kasama si Senator Imee Marcos sa kanyang newest vlog entries na kung saan ang kanyang ‘ImeeSolusyon’ ay nagbigay ng kinakailangang tulong sa mga biktima ng super typhoon Karding.

 

 

Bumisita si Senator Imee sa munisipalidad ng Dingalan, sa lalawigan ng Aurora, at sa Polillo Island sa Quezon para personal na ipamahagi ang mga relief items sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, na nasalanta ng malakas na bagyo.

 

 

Namigay ang butihing Senadora ng cash assistance na Php 5,000.00 bawat isa sa mga residente kasama ang Nutribuns, food packs, itlog at gulay, sako ng bigas, at hygiene kits.

 

 

At sa Sabado, Oktubre 15, ibabahagi naman ni Sen. Imee ang isang video footage ng kanyang pakikipagpulong sa mga Chinese delegates na bumisita kamakailan sa bansa, habang binibigyan sila ng exclusive tour sa makasaysayang Marcos mansion sa San Juan City.

 

 

Magtatampok din sa naturang vlog, ang mga highlights ng pulong at isang eksklusibong bidyo sa espesyal na regalo na ibinigay sa kanya ng mga Chinese visitors.

 

 

Maantig at magkaroon ng malalim na kamalayan sa kalagayan ng mga nasalanta ng bagyo at alamin kung ano ang espesyal na regalo na natanggap ni Sen. Imee.

 

 

‘Wag ding kalimutang mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

 

(ROHN ROMULO)

BATAS na nagpapaliban sa Barangay, SK elections sa Disyembre 2022 pirmado na

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN na ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang batas na naglalayong ipagpaliban ang nakatakda sanang  Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre 2022.

 

 

Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act (RA) No. 11935, nito lamang Lunes,  Oktubre 10, batas  na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at SK elections na nakatakda sana sa Disyembre 5  ngayong taon at ginawa na itong huling linggo ng Oktubre sa susunod na taon.

 

 

“There shall be synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan elections, which shall be held on the last Monday of October 2023 and every three years thereafter,” ang nakasaad sa batas.

 

 

Sa ilalim ng RA 11935, ang term of office ng mga mahahalal na mga barangay at SK officials ay magsisimula sa Nov. 30 matapos ang eleksiyon.

 

 

“Until their successors shall have been duly elected and qualified, all incumbent Barangay and Sangguniang Kabataan officials shall remain in office, unless sooner removed or suspended,” ayon sa batas.

 

 

Sinasabing ipagpapatuloy ng mga Barangay at SK officials  na  pawang mga ex officio members ng Sangguniang Bayan, Sangguniang Panlungsod, o Sangguniang Panlalawigan ang pagseserbisyo hanggang sa susunod na Barangay at SK elections maliban na lamang kung aalisin sa puwesto.

 

 

“The amount necessary for the implementation of RA 11935 will be taken from the appropriations of the Commission on Elections under the General Appropriations Act and/or supplementary appropriations,” ayon sa RA 11935.

 

 

“If any portion or provision of this Act is declared unconstitutional, the remainder of this Act or any provisions not affected thereby shall remain in force and effect,” ang nakasaad pa rin sa RA 11935.

 

 

“All other laws, acts, presidential decrees, executive orders, issuances, presidential proclamations, rules and regulations which are contrary to and inconsistent with any provision of RA 11953 are repealed, amended, or modified accordingly,” ayon pa rin sa nasabing batas.

 

 

Kung maalala una nang pinagtibay ng Senado at ng Kamara ang consolidated version ng House Bill No. 4673 at Senate Bill No. 1306 noong Sept. 28, 2022 sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo, tulad ng Namfrel at iba pa. (Daris Jose)

Kinabog ang tatlong kalaban sa korona: PRECIOUS PAULA NICOLE, first winner ng ‘Drag Race Philippines’

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI Precious Paula Nicole na taga-Daet, Camarines Norte ang kinoronahan bilang season one winner ng Drag Race Philippines!

 

 

Kinabog ni Precious ang tatlo niyang kalaban sa korona na sina Marina Summers, Eva LeQueen at Xilhouete. Being season one winner, napanalunan ni Precious ang premyong 1 million pesos at one year supply ng makeup brand ni Patrick Starr na ONE/SIZE.

 

 

Si Marina Summers of Nueva Vizcaya ang huling nakatapat ni Precious sa final lip sync at nag-perform sila sa awiting “Sirena” ni Ebe Dancel.

 

 

Dahil sa mga ginawang pasabog ni Precious sa final lip sync, siya ang hinirang na winner.

 

 

“Life is precious and so are we. Let’s continue to inspire and let’s continue to love. I am Precious Paula Nicole, your Drag Race Superstar,” sey ni Precious nang koronahan siya ng host na si Paolo Ballesteros a.k.a. Mawma Pao.

 

 

Bago ang Lip Sync For The Crown challenge, nagpakita ng kanilang final looks sa runway ang Top 4 na sina Precious Paula Nicole, Eve Le Queen, Xilhouette, and Marina Summers, Una ay ang Bongga Camp Day at sumunod ang Indigenous Extravaganza.

 

 

Impressive ang naging track record ni Precious sa naturang contest. Napanalunan niya ang Ru Badge sa pag-impersonate niya kay Regine Velasquez sa “Rusical” challenge.

 

 

Nag-top din siya sa apat pang challenges: Sagalamazon Ball, Pageant Improv, Makeover, and Music Video. Nagwagi rin siya sa Ru-lection mini challenge. At never siyang nalagay sa bottom two para mag-lipsync.

 

 

Labing-dalawang drag queens ang nagsabong sa iba’t ibang challenges sa 10-episode reality-competition show. Ang iba pang queens na sumali ay sina Prince, Corazon, Gigi Era, Turing, Lady Morgana, Viñas DeLuxe, Brigiding, at Minty Fresh.

 

 

Ginawad kay Lady Morgana of Davao City ang first Miss Congeniality award ng Drag Race Philippines.

 

 

Mga umupong hurado ay sina KaladKaren, Jiggly Caliente, Jon Santos, Rajo Laurel, BJ Pascual, Pops Fernandez, Pokwang, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Nadine Lustre, Patrick Starr at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

 

 

All episodes of Drag Race Philippines and its Untucked segment are available on WOW Presents Plus, HBO GO, and Discovery Plus.

 

 

***

 

 

MARAMI ang nagulat sa transformation ng dating Kapuso child actor na si Miggy Jimenez.

 

 

Sumabak na rin kasi ito sa mga maseselang eksena sa Vivamax movie na Two And One.

 

 

Sa naturang erotic drama, nakipaghalikan si Miggy, hindi lang sa isa kundi dalawang lalake. Nagkaroon din sya ng threesome sex sa movie na tiyak ikagugulat ng mga nakatrabaho noon ng aktor sa mga nagawa niyang teleserye sa GMA.

 

 

Kasama noon si Miggy sa kiddie infortainment program na Tropang Pochi noong 2009. Mga nakasabay niya sa show sina Bianca Umali, Ella Cruz, Lianne Valentin, Miggs Cuaderno, at Julian Trono.

 

 

Nakabilang din si Miggy sa mga teleserye na Genesis, Once Upon A Kiss, Second Chances, Beautiful Strangers, Princess In The Palace at Suntok Sa Buwan.  Nakasama rin si Miggy sa BL (Boys Love) series na Gameboys noong 2020 at unang pagsabak niya sa sexy na eksena ay sa Kitty K7.

 

 

Nahirapan raw i-explain ni Miggy sa kanyang mommy at girlfriend tungkol sa mga sexy na eksena niya sa kapwa lalake sa Two And One.

 

 

“Feeling ko it boils down to a good time to communicate, to sit down and talk things through. Kasi, hindi lang naman din ‘yung sarili ko ‘yung kino-consider ko which is siyempre, everyone around you, my mom, isa ‘yun sa mga walk through na kailangan ko ring suriin.

 

 

“For someone, na kailangan mo din sila i-enlighten. Na kailangan mo i-explain talaga, but pumupunta pa rin din doon ‘yung suporta. ‘Yung suporta pa rin na kailangan mo na to keep you going, kasi feeling ko, pag nasa isang relationship ka tapos wala ‘yung support, I feel like na hindi siya okay, na hindi ka namo-motivate na gawin ‘yun kasi parang hindi natutuwa ‘yung other half mo,” sey ni Miggy.

 

 

Dumating naman daw ang mommy niya screening ng Two And One para suportahan siya. Pero nagpaalam daw ito sa kalagitnaan ng pelikula. Naintindihan naman daw ni Miggy na hindi pa masyadong ready ito na mapanood siya sa gano’ng klaseng pelikula.

 

 

Sey ni Miggy: “I’m happy na she went like earlier, pero sabi niya po sa akin noong nagkita po kami na, ‘Okay lang ba na umalis ako in the middle of your film.’ Kasi she wasn’t really ready. And I understand. I do understand, but I can feel the support and how proud she is, but again, I have to respect her. And when she’s ready to watch it, I’ll watch it with her.”

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang award-winning TV and theater actress na si Angela Lansbury sa edad na 96.

 

 

Nakilala ng sa buong mundo ang British-born actress dahil sa pagganap niya as Jessica Fletcher sa American crime series na Murder, She Wrote na umere mula 1984 to 1996.

 

 

Tumagal ng 70 years ang career ni Lansbury at nanalo siya ng anim na Golden Globes, limang Tony Awards at isang honorary lifetime Oscar.

 

 

Lumabas siya sa higit na 60 films, kabilang dito ang Gaslight, National Velvet, The Long, Hot Summer, Blue Hawaii, The Manchurian Candidate, Death on the Nile, Bedknobs and Broomsticks, Mary Poppins Returns, The Grinch, Nanny McPhee at naging boses siya ni Mrs. Potts sa Disney’s Beauty and the Beast.

 

 

On Broadway, pinuri ang performances siya sa Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street, Gypsy, A Little Night Music, Mame, The King and I, Blithe Spirit and The Best Man.

 

 

Pinanganak sa London si Lansbury on October 16, 1925. Nag-migrate sila to the US noong 1940 para matakasan ang giyera sa Europe. Sa edad na 17 ay kinontrata siya ng MGM Studios for seven years.

 

 

Ginawad kay Lansbury ang titulong “Dame” ni Queen Elizabeth II noong 2014.

(RUEL J. MENDOZA)

Australian Open organizers papayagan ng makapaglaro si Djokovic

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA  pa ring tanggapin ng Australian Open si tennis star Novak Djokovic para maglaro sa susunod na taon na magsisimula mula Enero 16 sa Melbourne.

 

 

Sinabi ni Australian Open tournament director Craig Tiley, na kapag makakuha ng visa ang Serbian tennis star ay papayagan nila itong maglaro sa unang grand slam tournament ng 2023.

 

 

Handa aniya nilang ayusin ang naging gusot nito sa federal government.

 

 

Magugunitang pina-deport si Djokovic at hindi pinayagang maglaro sa nasabing torneo noong Enero dahil sa nagmatigas itong magpakita ng katibayan na siya ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.

 

 

Sa ilalim ng batas ng Australia na maaring pagbawalan itong hanggang tatlong taon.

 

 

Hindi na rin ito naglaro sa US Open ngayon taon dahil sa hindi pa rin ito bakunado laban sa COVID-19.

 

 

Bukod kay Djokovic ay papayagan din ng organizers ng Australian Open ang mga manlalaro ng Russia at Belarus basta gagamit sila ng neutral flag.

 

 

Pinagbawalan kasi ng mga tennis authorities ang mga manlalaro ng Russia at Belarus matapos ang pag-atake sa Ukraine.

“BLACK ADAM” SOARS WITH A BIG HEART, DARK HUMOR, BAD-ASS ACTION

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IN “Black Adam,” global icon Dwayne Johnson stars in the title role as the DC universe’s fan-favorite antihero, bringing his compelling origin story to the big screen for the first time.

 

 

[Watch the film’s newest trailer at https://youtu.be/MgSTfFxO88o]

 

 

Johnson, who also produced the film via his Seven Bucks banner, has tackled roles in almost every genre, and stepping into a super suit was always something he considered.

 

 

“Black Adam actually came onto my radar when I was really young,” Johnson relates. “I loved comic books and I was always a DC kid. I gravitated towards Black Adam because he was one of the very few of the superheroes, supervillains, antiheroes—however you want to categorize him—who had brown skin and looked like me. Plus, he was always a badass,” he grins. And while the road to the big screen was long—more than ten years, in fact—Johnson’s connection to the character and his story remained strong. “Black Adam is something that has been a part of my DNA and my soul for many, many years.”

 

 

For the filmmakers, the goal was to tap into Black Adam’s legitimate comic book street cred and couple it with heart, a bit of dark humor and big cinematic action. For them, there was only one director who could capture it all in epic fashion, and he was already at the helm of one of their films.

 

 

The team turned to Johnson’s collaborator on “Jungle Cruise,” Jaume Collet-Serra, to direct “Black Adam.” Though new to the DC universe, he was intrigued by the reluctant hero with unparalleled super powers and an exacting viewpoint – he subsequently did a deep dive into the wealth of material in the canon, and also quickly honed in on the script’s timely themes. Remarks the director, “I’m attracted to characters that walk that fine line between doing the right thing and doing what needs to be done, and I immediately saw a character that was very similar to those who, when the system breaks down, are able to bring justice in ways that other people were not able to do. I felt like I hadn’t seen that in the superhero space and that to me was very exciting.”

 

 

Collet-Serra’s visions of Black Adam as the stranger rolling into town and becoming the principled rulebreaker, a staple of the western and lone cop genres, was an inspired game-changer for the producers, who felt his original take would satisfy both moviegoers and diehard comic book fans.

 

 

Observes Collet-Serra, “One of the more interesting parts of Black Adam is the thematic exploration about what makes a hero and who has the right to define what justice is. I wouldn’t call Black Adam’s moral code questionable, but perhaps his moral code is just not up to date with the times that we live in. He’s a no-nonsense guy; he does things his way for what he believes is right.”

 

 

For Johnson, everything in front of and behind the camera came together to create a version of Black Adam that was not only the role of a lifetime, but one that he felt would reverberate throughout the DC universe. “It’s rare to get the opportunity to introduce something completely brand new, from scratch, into the superhero mix and that’s what ‘Black Adam’ is. When I say, ‘The hierarchy of power in the DC Universe is about to change,’ it sounds audacious, but I mean that with real reverence and respect for the DC Universe. True fans know the qualities that Black Adam has been blessed with, powers that change the balance of power, and when you break down these qualities and these powers that Black Adam has, you realize it’s rooted in truth.”

 

 

In Philippine cinemas October 19, “Black Adam” is distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.  Join the conversation online and use the hashtag #BlackAdam

 

(ROHN ROMULO)

Ads October 14, 2022

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Tuloy ang paglaban sa ‘Miss Planet International’: HERLENE, nagsimula na ng familiarity workshop kasama ang cast ng serye

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CONGRATULATIONS to Kapuso actress Yasmien Kurdi.  

 

 

Kinilala si Yasmien ng Diamond Excellence Awards bilang Outstanding TV Actress of the Year.

 

 

Instagram post ng pasasalamat ni Yasmien: “It is a great honor for me to receive this award.  Maraming salamat Diamond Excellence Awards sa parangal na ibinigay ninyo sa akin bilang “Outstanding TV Actress of the Year.”

 

 

“I want to give my sincere thanks to everyone who supported me in my journey, believed in my talents as an actress and encouraged me to do my best.  Maraming-maraming salamat po!”

 

Binati si Yasmien ng mga kasama niya sa “Start-Up Philippines” na sina Gabby Eigenmann at Jeric Gonzales sa bagong achievement na natanggap nito.

 

 

Ginagampanan ni Yasmien sa serye ang role ni Ina, elder sister ni Dani (Bea Alonzo).  Napapanood ang “Start-Up PH” every night, 8:50PM sa GMA-7, after “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

***

 

 

NAGSIMULA na si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner-up Herlene Nicole Budol ng familiarity workshop ng upcoming GMA drama series na “Magandang Dilag,” kasama ang cast, na binubuo nina Benjamin Alves, Maxine Medina, Rob Gomez at Adrian Alandy, with Christopher de Leon (in a very special role), Sandy Andolong at Chanda Romero.

 

 

Kontrabida ni Herlene si Maxine, na nagsabing medyo hirap daw siya na makaeksena si Herlene dahil kilala niya itong mabait kaya mahihirapan siya sa mga eksenang aawayin niya.

 

 

 “She’s very wise, very funny and very cunning,” sabi ni Rob.

 

 

“Makikita natin ‘yung side na kaya niyang mag-light comedy pero nandoon ang puso, ang drama.  Nandoon pa rin ‘yung mga scenes na inaapi siya pero nandoon pa rin ang lightness niya,” wika naman ni Benjamin.

 

 

Hindi naman bago na kay Herlene ang pag-arte dahil nagawa na niya ang life story niya sa “Magpakailanman” ni Ms. Mel Tiangco, na siya ang gumanap sa character niya at nakasama rin sila ni Buboy Aguilar sa “False Positive” series nina Glaiza de Castro at Xian Lim.

 

 

Tuloy ang pag-compete ni Harlene sa Miss Planet International this coming November 19 sa Uganda.  At pagbalik niya, malamang mapanood na si Herlene sa “Magandang Dilag” sa GMA Afternoon Prime.

 

                                                    ***

 

 

MARAMING nagtatanong bakit hindi pa bumabalik si Coco Martin mula sa pasasalamat show nila sa US, na nag-concert ang “Probinsyano” group.  Iyon pala, ay isinabay na rin nila ang pagsu-shooting doon ng movie na magiging entry nila sa coming 2022 Metro Manila Film Festival sa December.  Sa Los Angeles, USA sila nagsu-shoot ngayon ng movie.

 

 

Tampok sa movie si Coco at makakatambal niya si Jodi Sta. Maria.  It will be a romantic comedy movie na si Coco rin ang nagdidirek.

 

 

Balita rin namin, after ng MMFF 2022, sisimulan naman ni Coco ang bago niyang TV series, at magsu-shoot ng bagong TV commercials.

 (NORA V. CALDERON)

Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital, bukas na

Posted on: October 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Mas mabilis nang makakakuha ng serbisyong medikal ang mga Pandieño makaraang opisyal ng buksan ang Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital noong Lunes sa Brgy. Bunsuran 1st, Pandi.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Solante na base sa nakalap na datos sa “immunogenicity” ng ikalawang hene­rasyon ng COVID-19 vaccines na target ang Omicron variants, nagpapakita ito na mas nakakapagprodyus ng mas mabisang mga antibodies at proteksyon kumpara sa unang henerasyon ng bakuna.

 

 

Sa inaasahang pagpasok ng bagong bakuna, inaasahan na mapapahina na nito ang Omicron lineage at maputol na ang transmission.

 

 

Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pagbubukas ng 25-bed capacity outpatient clinic na paunang magkakaloob ng outpatient services kasama ang dalawang pansamantalang itinalagang duktor, dalawang nars, isang attendant at apat na security guards.

 

 

Ayon kay Dr. Protacio Bajao ng Bulacan Medical Center, bukas ang ospital simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes lamang.

 

 

Samantala, ang nalalabing departamento ng nasabing level 1 hospital ay inaasahang magiging operasyunal sa susunod na taon.

 

 

Nakatindig ang ospital sa 8,000 square meters na lote na may floor area na 1,824.55 square meters at dalawang palapag, katabi ang isang one-storey building.

 

 

Ayon kay Provincial Engineer Glenn D. Reyes, nagmula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang kabuuang pondo na P40,047,600 at P19,180,064 naman mula sa National Housing Authority fund upang maitayo ang gusali na may kabuuang halagang P59,227,665.

 

 

Sa kanyang mensahe bago isagawa ang inagurasyon, pinasalamatan ni Fernando ang NHA gayundin ang Pamahalaang Bayan ng Pandi at si Kinatawan Ambrosio Cruz para sa kanilang suporta.

 

 

“Saludo tayo sa kanilang suporta. Maraming, maraming salamat po. Kailangan nating palakasin talaga ang health services at sa sama- samang pagtutulungan, ngayon po ay nakatindig na at makapagseserbisyo na ang outpatient clinic ng Pandi District Hospital,” anang gobernador.

 

 

Plano rin ni Fernando na isaayos ang Calumpit District Hospital at paigtingin ang kampanya ng probinsiya upang mas maraming Bulakenyo ang mapagkalooban ng universal health care. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)