DALAWANG world-class Filipino performers ang kasama sa 30th anniversary special ng Disney’s Beauty and the Beast na eere sa December 15 on ABC and will be available for streaming on Disney+ the following day.
Sina Grammy and Oscar winner H.E.R. at ang original Miss Saigon cast member na si Jon Jon Briones ang gaganap bilang sina Belle at ang inventor na si Maurice.
Si H.E.R. or Gabriella Sarmiento Wilson in real life, ang first Afro-Filipina na gaganap bilang ang Disney Princess na si Belle. Si Lea Salonga ay naging singing voice ng mga Disney Princesses nila Jasmine at Mulan. Meron na siyang five Grammy Awards at Oscar Award for Best Original Song in 2021.
Si Briones na isa sa original cast member ng Miss Saigon sa West End London in 1989 ay nagsimula sa ensemble hanggang sa pagganap niya as the Engineer. Ngayon ay naging busy na siya sa paglabas iba’t ibang TV series sa US tulad ng The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story, American Horror Story: Apocalypse, Ratched, Star Trek: Picard, Transformers: EarthSpark and The Last Voyage of Demeter.
Kasama rin sa cast ng Beauty and the Beast sina Josh Groban as the Beast, Joshua Henry as Gaston, Martin Short as Lumiere, David Alan Grier as Cogsworth, Shania Twain as Mrs. Potts, Leo Abelo Perry as Chip, Rizwan Manji as LeFou and Rita Moreno as the narrator.
Ayon sa Disney: “The special will feature never-before-seen musical performances, brand new costumes and set designs, all inspired by the original French fairytale as the cast performs songs from the original 1991 animated film in front of a live audience in Disney Studios.”
***
KAHIT na kontrabida sa GMA-Quantum Films series na What We Could Be ang former beauty queen na si Joyce Ann Burton, sobrang kinikilig naman daw ito sa loveteam nila Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
“May isang scene between Franco and Cynthia na na-witness ko bilang nanay na sa labas, sa character, galit ako dahil sila in love sila but deep down inside as my self, as Joyce Ann Burton, kilig na kilig po ako.
“You have to be angry but deep down inside, because I’m also a fan, sabi ko nakakatuwa naman. So for me that’s one of my favorite scenes,” sey ni Joyce.
Naging big fan daw siya ng Sparkle loveteam na YsaGuel dahil mahuhusay daw silang umarte at napaka-professional sa trabaho.
“They are young people who are interested in things outside of themselves. Miguel cares about his co-actors and I felt that parang in-embrace niya ako. Winelcome niya ako bilang mommy niya dito sa set and I really felt accepted and cared about. Tapos, we worked together very well, so I really enjoyed doing scenes with him.”
“My experience with Ysabel is more off-cam na talagang she’s interested na makapagkwentuhan, so nakakatuwa. I really enjoyed working with these young people.”
Nanalo bilang Bb. Pilipinas-Universe 1985 si Joyce at una niyang sabak sa showbiz noong 1986 ay ang comedy movie nila Dolphy at Panchito na Kalabog En Bosyo: Strike Again at Anomalya ni Andres de Saya with Vic Vargas and Gloria Diaz.
Lumabas din siya sa mga pelikulang Binibini Ng Aking Panaginip (1994), Sin Island (2018) at My Amanda (2021).
Sa TV ay nakasama si Joyce sa Ang Lihim Ni Annasandra, Los Bastardos, Bagman at Manilennials.
(RUEL MENDOZA)