• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 25th, 2022

Scariest Costume Award, napunta kina Miguel at Sofia: ALDEN at ANDREA, napiling ‘Best Dressed’ sa Halloween party ng GMA-7

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI binigo ng Sparkle at GMA Network ang publiko dahil matapos ang glamoroso nilang GMA Thanksgiving Gala noong Hulyo ay nagpasabog silang muli sa pamamagitan ng The Sparkle Spell na isang Halloween party kung saan naggagandahan, nagniningning at nakakatakot na mga costumes ang ipinarada ng male and female Sparkle stars.

 

 

Ginanap ito Linggo ng gabi, October 23 sa XYLO sa BGC sa Taguig, rumampa sa tinatawag na “blood carpet” ang lahat ng dumalo.

 

 

Napili bilang Best Dressed sa Male Category si Alden Richards; naka-Squall Leonhart costume mula sa sikat na video game na Final Fantasy VIII ang Start-Up PH male lead star.

 

 

Samantala, si Andrea Torres naman na naka-sexy Ursula inspired outfit ang napili bilang Best Dressed sa Female Category.

 

 

Hinirang naman bilang Best Dressed Couple sina Gabbi Garcia (as Britney Spears) at Khalil Ramos (bilang Justin Timberlake) habang nanalong Sexiest Costume Award ang Cleopatra’ng si Michelle Dee.

 

 

Naiuwi naman ni ‘What We Could Be’ male lead na si Miguel Tanfelix ang Scariest Costume Award bilang si Edward Scissorhands at si Sofia Pablo, bilang Emily sa horror film na Corpse Bride, ang napiling Star of the Night.

 

 

Hinirang naman na Male and Female TikTok Crowd Favorite sina Ken Chan (bilang Ken Doll) at Sassa Gurl (bilang isang random online seller na may bitbit pang ring light).

 

 

***

 

 

SA unang pagkakataon ay mapapanood si Lotlot de Leon sa isang international BL (Boys’ Love) series!

 

 

May pamagat na ‘Stay’, male lead dito ang modelo at aktor na si Sebastian Castro na mula pa noong March 2020 ay nanirahan na sa Amerika para samahan sa gitna ng pandemya ang kanyang mga magulang na doon rin naka-base.

 

 

Ang ‘Stay’ ay mula sa Team Campy Entertainment nina Dexter Hemedez at Allan Michael Ibañez, ang mga direktor ng multi -awarded na indie film noong 2016, ang ‘1st Sem’ kung saan si Lotlot rin ang female lead at ang then newbie actor na si Darwin Yu ang bidang lalaki.

 

 

Kapareha ni Sebastian sa ‘Stay’ ang American theater actor na si Ellis Gage na tulad ni Sebastian ay napakaguwapo rin.

 

 

Kasama rin sa BL series ang Filipino drag queen na based na sa US na si Bombalicious Eklaver.

 

 

Abangan sa Facebook page at iba pang social media account ng Team Campy Entertainment ang mga update tungkol sa release date, platform at venue kung kailan at saan ipapalabas ang Stay at kung paano ito mapapanood.

 

(ROMMEL GONZALES)

Ads October 25, 2022

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Gilas Pilipinas target pa rin na makuha si Kai Sotto sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Gilas Pilipinas na makasama si Kai Sotto para sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

 

 

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na nakikipag-ugnayan na ang Samahang Basketball sa Pilipinas (SBP) sa Basketball Australia para hiramin si Sotto.

 

 

Nasa ikalawang taon na kasi si Sotto sa Adelaide 36ers sa Australian National Basketball League kung saan siya ang maaaring makatulong sa Gilas dahil sa kawalan ni June Mar Fajardo bunsod ng injury.

 

 

Ang Gilas ngayon ay mayroong tatlong panalo at tatlong talo na unang makakaharap nila ang Jordan sa Amman sa darating na Nobyembre 10 habang makakaharap ang Saudi Arabia sa darating na Nobyembre 13 .

 

 

Nakatakdang bumiyahe ang national basketball team ng bansa sa Jordan sa darating na Nobyembre 7.

DOTr, handa sa dagsa ng biyahero sa Undas

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na handa na ang sektor ng transportasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa Undas.

 

 

Ayon kay Bautista, pina­lawak na nila ang air, land, at sea travel units upang ma-accommodate ang bilang ng mga pasahero na inaasahang bibiyahe sa Undas.

 

 

Ani Bautista, ang mga paliparan ay naghanda na ng mas maraming flights, gayundin ang land transportation, na magpapabiyahe ng mas maraming bus at mga jeepney.

 

 

Ang mga barko aniya, lalo na ang mula sa Batangas patungong Mindoro at iba pang destinasyon sa South Luzon, ay naghanda na rin ng suporta para sa pangangailangan ng mga mananakay sa Undas.

 

 

Maglulunsad na rin aniya ngayong linggong ito ang mga travel ports ng kanilang taunang “Oplan Biyaheng Ayos” para sa pagkakaloob ng tulong na maaaring kailanganin ng mga biyahero.

 

 

Una na rin namang nagkaloob ng special permits sa mga karagdagang bus ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para mas maraming pasahero ang mapagsilbihan sa nasabing okasyon. (Daris Jose)

Sa mga paandar na may caption na ‘I found the right one’: RURU at BIANCA, kino-congratulate na ng marami at may nagtatanong kung ‘engaged’ na

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang nagko-congratulate sa Kapuso sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.

 

Habang ang iba, nagtataka at nagtatanong.

 

Paano naman, halos sabay na nag-post sina Bianca at Ruru sa kanilang individual Instagram accounts ng mga paandar na may caption na, “I found the right one” si Bianca at ang picture na pinost ay magkahawak-kamay sila na focus ang singsing niya.

 

Si Ruru naman, same caption ni Bianca at ang picture na ipinost naman nito, ‘yung nakatalikod si Bianca at obviously, kuha noong nasa South Korea sila.

 

Kahit wala pang paliwanag ang dalawa sa parehong IG post nila, tingin namin ay hindi pa ito engagement at lalong hindi pa engagement ring ang suot ni Bianca.

 

Knowing Ruru, kung desidido na itong mag-propose, siguradong may paandar ito ng bongga. Either, they’re just too in-love with each other at napag-usapan na mag-post ng feelings nila or may soon-to-be project ang dalawa na may konek sa finding the right one.

 

***

 

MASAYANG-MASAYA ang actress na si Dimples Romana dahil kahit ilang taon na simula nang gawin niya ang character ni Daniela Mondragon sa Kadenang Ginto, heto’t umaani pa rin siya ng mga recognition.

Si Dimples nga ang kauna-unahang pinarangalan bilang First Ever Jeepney TV Fan Favorite Kontrabida.

At sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay nag-post ito ng pasasalamat.

Ayon dito, “Beginning my Sunday with gratitude.

Years later and still #OhDani slaaaying it again like a true MONDRAGON. Ikaw talaga Daniela ha! Hindi nauubos ang pasabog mo sakin eh.

Voted as the FIRST ever Jeepney TV Fan Favorite KONTRABIDA.

“All my love to all my Baby Dragons and all the true Mondragons out there who voted for me!!! KAYO TALAGA ang TUNAY na mga Mondragon!!!

“Dahil dyan, all day I’ll be posting on my IG stories KG photos and videos as a treat 🥰

“My Dreamscape Entertainment family, sir Deo Endrinal looook my heart will always be grateful for your trust, love and support.

“My ABS-CBN STAR MAGIC Alan Real familyyy.

My Fahmeely Boyet Ahmee Amanda Ahmee #AlonzoRomeoJose #ElioJuanManolo.

“My Kadenang Ginto fam, on and off cam, my directors, co actors, producers, creative bosses, staff and crew.

“Mabuhay po kayong lahat. May Daniela be a constant reminder how even those perceived with the darkest of hearts will always have good in them, we just need to dig deep and find that one tiny spot of gold no matter how difficult it may seem. Oh and of course to slay life with or without that red maleta.”

***

PASABOG ang ginanap na press presentation ng Cosmo Manila King & Queen 2022.

Talagang pinaghandaan, ginastusan ng bongga ng producer n si Marc Cubales.

Isa sa naging highlight ng press presentation ang pagpili ng Darling of the Press among the male & female contestants. At dahil mga naka-swimsuit ang mga contestants, nakakaaliw ang mga comment ng ilang netizens sa ilang video na lumabas.

Napapa- “sana all” ang mga ito dahil ang naging mechanics sa pagpili, pupuntahan ng mga press ang mapipili nilang contestant, one male at one female at didikitan ng sticker ang hubad na katawan ng mga ito.

Ang nagwagi na Darling of the Press ay sina Nash Mendoza at Sahara Cruz. Na may premyo na agad-agad na P20,000 pesos in cash.

Sa November 5 naman na magaganap ang coronation night sa SM Skydome North Edsa at dito na magkakaalaman kung sino sa mga official candidates na sina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benignon Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, Morena Carlos at Deberly Bangcore ang tatanghalin Cosmo Manila Queen.

Sa mga official male candidates naman, magkakaalaman na rin sino kina Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Cut del Rosario, RJ Absalud at Allen Ong Manila ang magiging Cosmo Manila King.

Ang event organizer at producer ng pageant ay si Marc Cubales na naniniwalang ang pagbabalik niya ng sexy pageant competition ay para makatulong at makapagbigay say ana rin sa mga agent at models.

Ang tickets para sa coronation night ay available sa SM Ticketnets at magsisilbing hosts sina Michael Bristol, Joy Barcoma at John Nite. Special guests naman sina Kris Lawrence, Paul Salas, Sexbomb New Gen at Batang Mama.

 

(ROSE GARCIA)