• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 21st, 2022

DOH: Pekeng gamot naglipana sa online shopping

Posted on: November 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA sa publiko ang Department of Health (DOH) sa pagiging talamak na sa mga “online shopping platforms” ng mga ibinibentang pekeng gamot na tumindi nitong kasagsagan ng lockdown dulot ng pandemya.

 

 

Ayon sa DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, “global public threat” na ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.

 

 

“Counterfeiting of medicines is illegal and considered a serious threat to our individual health and welfare and may result in hospitalization, permanent disability, or worse, even death,” ayon kay Vergeire.

 

 

“Maraming gamot ang kinailangan natin, ascorbic acid, gamot sa ating lagnat, sipon, ubo, tendency niyan mas maraming gumagawa ng counterfeit,” ayon kay FDA Common Services Laboratory director II Jocelyn Balderrama.

 

 

Sa datos ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, umabot na sa P53 milyong halaga ng pekeng COVID-19 test kits ang nakumpiska nila mula noong 2020. Ngunit sa mga kasong naisampa, nasa 24% na ang nadismis dahil sa kakulangan ng sertipikasyon ng mga manufacturer na peke ang kanilang nakumpiskang mga ebidensya.

Pulong nina US VP Harris at PBBM nakatutok sa pagpapalawak sa security alliance, economic relationship

Posted on: November 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATALAKAYIN din sa pulong nina Marcos Jr. at Harris ang paninindigan kaugnay sa international rules lalo na ang freedom of navigation.

 

 

Siniguro din ng US Embassy ang commitment ng US Vice President na makipag tulungan ito sa Pilipinas para palawakin pa ang economic partnership and investment tries ng dalawang bansa.

 

 

Umaasa ang Amerika na magkakaroon ng bagong initiatives na may kaugnayan sa digital economy at pagsusulong ng clean energy.

 

 

Habang nasa bansa si Harris magkakaroon ito ng pagkakataon na makipagkita sa civil society activist kung saan ipinapakita nito ang suporta ng US sa human rights at democratic resilience.

 

 

Dadalo rin si VP Harris sa isang townhall event kung saan i-empower nito ang mga Kababaihang Pinoy hinggil sa economic empowerment at civic participation.

 

 

Ito ang adbokasiya na isinusulong ni US VP Harris, at kauna -unahang niyang ginawa simula ng maluklok siya sa pwesto.

 

 

Nakatakda din bumiya si Harris sa Puerto Princesa, Palawan si Harris kung saan makikipagpulong siya sa mga residente, civil society leaders at mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

 

 

Ang pagbisita ni Harris sa Palawan ay maituturing na historic event dahil ang Vice-President ay isa sa highest-ranking U.S. official na bumisita sa naturang lugar.

 

 

Nagpapakita rin ito sa commitment ng Biden-Harris administration na makiisa sa Pilipinas bilang magka-alyadong bansa at igiit ang international maritime order. (Daris Jose)

Balitang pinaghahandaan na ng GMA ang kanilang serye: JOHN LLOYD, nagbiro na matagal nang naka-stand by para sa project nila ni BEA

Posted on: November 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWA si John Lloyd Cruz nang ma-interview siya sa Chika Minute ng ’24 Oras’ na nanawagan sa dating ka-loveteam na si Bea Alonzo.  

 

 

“Ang tagal ko na pong naka-stand by Miss Bea.  Waiting lang po ako, anytime po on your cue,” biro pa ni JLC.

 

 

Actually, may nagkuwento sa amin na pareho silang naghihintayan, simula pa nang muling bumalik si JLC sa pag-arte, but it seems daw hindi na hindi magtagpo ang schedules nila.

 

 

Medyo kasi na-delay ang pagsisimula noon ng Pinoy adaptation ng ‘Start-Up’ nina Bea at Alden Richards, at may sinimulan namang movie si JLC kay Lav Diaz.  Nasundan ito ng pagsisimula ng sitcom niya sa GMA ng ‘Happy To Get Her.’

 

 

Nang matapos na ang ‘Start-Up PH’ ni Bea, may ginawa naman siyang international movie at nagkasunud-sunod din ang mga TVC shoots niya.  Umalis pa siya for Madrid, Spain, kasama ang family niya para tingnan nila ang nabili niyang apartment doon at nagbakasyon sila ng ilang linggo.  Nakakuha na rin ng residency si Bea sa Madrid.

 

 

Pero ang balita, malamang magkaroon na ng story conference ang first project nina JLC at Bea sa GMA-7 this December, na susundan na ng taping ng serye.  Pero ngayong nasa last five weeks na lamang ang ‘Start-Up PH’, may mga Kapuso Mall shows pa rin sila sa Cebu at sa Davao to meet their fans at magpasalamat sa mga sumubaybay sa first project nila sa Kapuso Network.

 

 

***

 

 

SI former Manila Mayor at aktor na si Isko Moreno na pala ang gaganap sa role ng yumaong dating Senador na si Ninoy Aquino, sa sequel ng “Maid in Malacanang” na dinirek ni Darryl Yap, at magiging title nito ay “Martyr or Murderer (MoM).”

 

 

Ano kaya ang nangyari, bakit napalitan ang gaganap na Ninoy Aquino, na unang napabalita ay si Phillip Salvador daw ang gaganap?

 

 

Sa ngayon ay si ex-Mayor Isko pa lamang ang lumulutang na pangalan, but of course, kasama pa rin sina Ruffa Gutierrez as Madam Imelda Marcos at si Cesar Montano as former President Ferdinand E. Marcos.

 

 

Maaaring mapalitan na ang mga gumanap na Imee, Bong Bong at Irene Marcos.

 

 

Balitang any day now ay magsisimula nang mag-shooting si Direk Darryl ng ‘MoM’ na ipalalabas daw sa February, 2023, in time sa celebration ng anniversary ng EDSA Revolution.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Pagtiyak ni PBBM kay Xi: Pinas, walang ‘Cold War mindset’

Posted on: November 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINASURA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang inilarawan nitong  “Cold War mindset” sa pagtugon sa tensyon sa pinagtatalunang South China Sea.

 

 

Isang sentimyento na ibinahagi ng Pangulo kay  Chinese President Xi Jinping na nagsabi na ang  Asia-Pacific region ay hindi dapat  maging  “an arena for a big power contest.”

 

 

Tiniyak ni Pangulong Marcos kay Xi na  ipagpapatuloy ng Pilipinas  ang pagsusulong ng independent foreign policy, sa kabila ng muling pagbuhay sa ugnayan sa  Estados Unidos, pangunahing katunggali ng China sa rehiyon.

 

 

Sa isang press statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na napagkasunduan nina Pangulong Marcos at Xi na ang  “maritime issues do not define the totality of Philippines-China relations.”

 

 

“Our foreign policy refuses to fall into the trap of a Cold War mindset. Ours is an independent foreign policy guided by our national interest and commitment to peace,” ang sinabi ng DFA ayon na rin sa ipinahayag ni Pangulong Marcos sa pakikipagpulong nito  kay Xi.

 

 

Ang Cold War ay ang tawag sa naging tungalian ng United States of America(USA) at nang United Soviet Socialist Republic(USSR o Soviet Union) na tumagal ng ilang dekada dahil sa pagtatalo ng dalawang bansa kaugnay sa kanilang mga ideyolohiya at ang nakaambang panganib ng malawakang digmaang nukleyar.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag na “it’s impossible for me to talk to China without mentioning that,” tinukoy ang usapin sa West Philippine Sea.

 

 

Bilang tugon, sinabi naman ng China na nangako ang PIlipinas sa  bilateral meeting na “continue to adhere to the One-China policy, uphold the principle of peace, stay committed to an independent foreign policy, and will not take sides.”

 

 

Nagpahayag din ayon sa China ang Pilipinas ng kahandaan “to engage in active consultations” sa Beijing at makahanap ng paraan para isulong ang joint exploration ng  maritime oil at gas resources.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si  Xi para sa donasyon ng China na  20,000 tonelada ng urea fertilizer at milyong doses ng COVID-19 vaccine.

 

 

Samantala, kasama naman ni Pangulong Marcos  sa bilateral meeting sina  dating Pangulong  Gloria Macapagal-Arroyo, Speaker Martin Romualdez, Foreign Secretary Enrique Manalo, Trade Secretary Alfredo Pascual, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. at Press Undersecretary Cheloy Garafil.

 

 

Sa kabilang dako, nakipagpulong din si Pangulong Marcos at nagkaroon ng  bilateral discussions kay  Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman at French President Emmanuel Macron.

 

 

“During the President’s meeting with the crown prince, the Saudi government agreed to shoulder the unpaid salaries of about 10,000 overseas Filipino workers amounting to about P30.5 billion from Saudi construction companies that declared bankruptcy in 2015 and 2016,” ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople. (Daris Jose)