• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 22nd, 2022

KLAY THOMPSON 10 triples 41 points laban sa Rockets

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HOUSTON — Umiskor si Klay Thompson ng season-high na 41 puntos at nagdagdag si Steph Curry ng 33 nang talunin ng Golden State Warriors ang Houston Rockets, 127-120, noong Linggo ng gabi (Lunes, oras sa Maynila) para sa kanilang unang panalo sa kalsada.

 

Nakuha ng Warriors ang 0-8 simula palayo sa bahay upang umunlad sa 8-9 sa season. Nanalo ang Golden State ng lima sa huling pitong laro nito kasunod ng 3-7 simula.

 

Si Thompson ay may vintage performance, na nagsalpak ng mainit na 10 sa 13 3-pointers at nagtala ng 14 sa 23 mula sa field.

 

Maagang nahirapan si Curry ngunit tumapos ng 11 sa 20 mula sa field, kabilang ang 7 sa 14 mula sa 3. Mayroon din siyang season-high na 15 assists, isang kahihiyan lamang sa kanyang career high.

 

Naisalpak ni Curry ang big 3 sa loob lamang ng dalawang minutong natitira na nagdoble sa kalamangan ng Warriors sa 121-115. Si Curry ay gumawa ng isa pang wala pang 40 segundo ang natitira upang itaas ang Golden State ng siyam, at iminuwestra niya ang karamihan na parang pinapatulog niya ang laro.

 

Umiskor si Andrew Wiggins ng 6 sa 11 3s at umiskor ng 22 puntos para sa Golden State.

 

Pinangunahan ni Kevin Porter Jr. ang Houston na may 30 puntos, si Jabari Smith Jr. ay may 22, at si Jalen Green ay nagdagdag ng 16. Ang rookie na si Tari Eason ay umiskor ng career-high na 19 puntos at nagdagdag ng walong rebound mula sa bench.

 

Tumalon ang Golden State sa 11-0 lead mula sa tip at nanguna sa 40-28 matapos ang 20 first-quarter points mula kay Thompson. Mabilis na sumagot ang Houston, na nagbukas ng ikalawang quarter sa isang 17-2 run para bumuo ng maliit na lead.

 

Nanguna ang Rockets sa 65-61 sa halftime.

 

Ang pagkatalo ay nagpabagsak sa Houston sa 3-14, ang pinakamasamang rekord sa Western Conference. (CARD)

Dahil sa naglalakihan at nagkikislapang mga alahas: SHARON, agaw-pansin sa debut party ng inaanak na si YOHAN

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AGAW-PANSIN sa debut party ni Yohan Agoncillo si Sharon Cuneta!

 

 

Shining, shimmering, splendid kasi ang Megastar dahil sa naglalakihan at nagkikislapan niyang mga alahas, mula sa kanyang hikaw, kuwintas, bracelet at singsing, mistulang isang walking jewelry store (hindi pawnshop, huh!) si Sharon.

 

 

Well, wala na namang nakagugulat pa roon knowing na si Sharon ang isa, kundi ang pinaka- mayamang artista sa buong Asya, hindi lang sa Pilipinas, huh?!

 

 

Bukod sa kanyang milyones na accessories, napaka-sexy ni Mega sa kanyang party outfit by Cocoy Lizaso na pasok na pasok sa theme ng birthday ganap na “Glitz and Glam”, black and silver ang paandar na look ni Sharon, fit for a queen naman talaga.

 

 

At ang pinakamatinding paandar ni Mega, sa 18 wishes and treasures, kahit hindi niya sinabi kung ano ang birthday gift niya kay Yohan, sa aming palagay, tseke!

 

 

Sabi kasi ni Mega, si Yohan na ang bahala kung ano ang gusto niya, at kung kulang pa raw ay tawagan lamang ni Yohan si Sharon.

 

 

By the way, ninang ni Yohan sa kumpil ang Megastar.

 

 

***

 

 

SAMANTALA, sa party ring iyon ni Yohan na panganay na anak na dalaga (yes, dalaga na ang dating batang paslit na si “budingding” Yohan) nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, napatunayan na ang friendship nina Sharon at Judy Ann transcends hanggang sa kanilang mga asawa at anak.

 

 

Sabi nga ni Sharon, anak rin nila si Yohan, kaya naman ang cute ng bonding nina Yohan, Miel at Frankie Pangilinan na in full-force dumalo sa party ni Yohan, pati na rin si Senator Kiko Pangilinan at ang only boy ng mga Pangilinan na si Miguel.

 

 

And mind you, kung close ang mga Pangilinan at Agoncillo girls, aba e may bonding moments rin ang mga boys dahil magkasamang nagtsitsikahan at umiikot sa kabuuan ng Axon Hall ng Green Sun Hotel (na venue ng debut) sina Miguel at unico hijo nina Juday at Ryan na si Lucho Agoncillo.      

 

 

Wala si KC Concepcion sa party, maraHhil ay may ganap somewhere or baka nasa abroad.

(ROMMEL L. GONZALES)

Civil wedding, tuloy na sa December at sa 2024 naman sa church: CHINA, carry pa ring makipagsabayan sa mga ‘hot mama’ ng Viva

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAUSAP namin ang naging kontrobersyal na si China Roces, na CEO rin ng Glamoroces Coffee na isang slimming drink na merong bonggang collagen at glutathione, sa ‘Kapihan sa U Hotel’ hosted by our friend, Gary Sta. Ana.

 

 

Nagkaroon na ng grand launching last month ang naturang produkto sa isang comedy bar.

 

 

Ayon sa sexy actress/vlogger ang kanyang coffee ay para sa mga gusto pang gumanda at sumexy. Ipinagmamalaki niya na manufactured ito sa Pilipinas pero formulated in Japan, dahil doon nanggaling ang  mga active ingredients ng kape, na mabisa ring panglinis ng toxins sa ating katawan.

 

 

Ang puhunan na ginamit ni China sa kanyang Glamoroces Coffee ay nagmula pala sa kinita niya bilang isang social media influencer at artista na nagsimula ten years ago.

 

 

Matatandaan din na dahil sa kaseksihan noon ni China ay naging Tanduay model at FHM model. Marami na rin siyang napagdaanang trabaho bukod sa modeling at acting, naging host din siya ng iba’t-ibang events, round girl at kung anu-ano pa, basta may kikitain siya ay go lang siya ng go.

 

 

Hanggang sa pasukin na nga niya ang pagba-vlog, na kung saan mas nakilala siya ngayon at kinagigiliwan ng netizens at followers ang mga contents niya.

 

 

May nagawa na rin siyang pelikula tulad ng Sabine, Sigaw sa Hatinggabi, Ang Misyon: The Marawi Siege Story, at Silab at mga short films. And this year nga, at balik-shooting na naman siya dahil nakatanggap siya ng offers sa Viva Films.

 

 

Kuwento pa niya, next year ay ipalalabas na ang movie nina Aljur Abrenica at Ana Jalandoni, na kung saan isa siya sa supporting cast.  Nag-sign din daw siya ng 10-picture sa Viva  Films, kaya magiging busy siya next year sa pagso-shooting.  Pero hindi na aasahan na mag-o-all out sexy siya, tulad sa movie ni Andrew E. na sexy-comedy ang tema.

 

 

Masaya ring ibinalita ni China na tuloy na tuloy ang kasal nila ng kanyang new boyfriend na si David Santos after ng three failed relationships.

 

 

Next month na ang kanilang civil wedding sa city hall ng Paranaque City at isang taon daw nilang pagpaplanuhan at pag-iipunan ang kanilang bonggang church wedding sa first quarter ng 2024.

 

 

Anyway, ang kanyang Glamoroces Coffee na may 20+ active ingredients from Japan, ay mabibili sa halagang 395 pesos sa mga distributors nationwide, sa online (Facebook, Shopee, Tiktok), and soon sa mga tradisyunal na market. Nakarating na rin pala ito sa Taiwan, Dubai at Singapore.

 

 

Inamin niya naka-focus muna siya sa Glamoroces Coffee at maikalat muna sa magandang benepisyo nito sa ating katawan. Bago siya maglabas ng iba pang produkto. Meron din siyang ilalabas na para naman sa face tulad ng blush on and lip tint, dahil dream pala niyang magkaroon ng cosmetic line, na hopefully matuloy at magkatotoo, very soon.

 

 

Busy pa rin siya sa pagba-vlog at pag-iisip ng mga new content tulad ng pagsi-share sa mga followers niya na after ng mga unos na pinagdaanan sa buhay, naka-survive siya bilang single mom at ito nga may lumalago nang negosyo, na pwede ring pagkakitain ng mga katulad niyang nagsimula rin sa wala bilang distributor.

 

 

Magpo-focus din siya ngayon sa pagba-vlog tungkol sa pamilya, since malapit na nga siyang ikasal at susubukang bumuo uli ng pamilya. Kahit pareho na silang may anak sa nauna nilang karelasyon.

 

 

Habang hindi pa niya ito nagagawa, nag-travel vlog muna siya na kung saan pinuntahan nila ang mga nakapalibot na isla sa Biliran. And infairness, sexy pa rin kaya carry niyang mag-two piece dahil certified ‘hot mama’ pa rin si China.

 

 

May balak din palang pumasok si China sa politika sa darating na panahon. Para mas lalo pa siyang makatulong sa mga kababayan natin, lalo na pag may sakuna, palagi siyang nagdo-donate ng mga delata, damit at cash.

 

 

No wonder, kaya pala siya sinuswerte bilang negosyante and deserving din siyang maging happy sa piling ng husband-to-be na si David.

(ROHN ROMULO)

ONE Championship magbabalik sa Manila

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ang ONE Championship ay nakatakdang magbalik sa Maynila nang may kalakasan, na gaganapin ang kauna-unahang double-header card ng bansa sa Disyembre 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

Ang unang live event ng Singapore promotion mula nang magsimula ang pandemya, ang ONE ay magtatanghal ng hindi isa kundi dalawang palabas para sa mga Pilipinong tagahanga.

 

Habang napupuno ng pananabik ang komunidad ng mixed martial arts ng Pilipinas, narito ang lahat ng kailangang malaman ng mga tagahanga tungkol sa ONE Fight Night 5 at ONE 164. (CARD)

New Thriller ‘The Menu’ Will Take You To A Shocking Culinary Experience

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ENYER a shocking and grisly culinary experience like no other with Searchlight Pictures’ “The Menu” starring Anya Taylor-Joy, Nicholas Hoult, and Ralph Fiennes now showing in Philippine cinemas.

 

 

In “The Menu,” Margot (Anya Taylor-Joy) and Tyler (Nicholas Hoult) travel to a coastal island to eat at an exclusive restaurant where the chef (Ralph Fiennes) has prepared a lavish menu, with some shocking surprises.

 

 

Watch the trailer below:

Directed by Mark Mylod (Game of Thrones), “The Menu” is a dark comedy horror film set in an exclusive restaurant headed by a reclusive world-renowned chef.

 

 

Joining Margot and Tyler on the occasion are three drunk tech bros, Bryce (Rob Yang), Soren (Arturo Castro) and Dave (Mark St. Cyr), repeat clients Anne and Richard (Judith Light and Reed Birney), renowned restaurant critic Lillian Bloom (Janet McTeer) and her magazine editor Ted (Paul Adelstein), and a famous movie star (John Leguizamo) with his assistant Felicity (Aimee Carrero).

 

 

Hosted by general Elsa (Hong Chau) who leads an immaculately dressed front-of-house staff, the evening slowly escalates and unfolds, as each course becomes more bizarre, and guests’ secrets are revealed. All these lead to a series of violent events that is part of Chef Slowik’s elaborate menu, culminating in a shocking finale that no one expects.

 

 

“The Menu” is now screening in the following theaters nationwide.

 

 

Join the conversations online by using #TheMenuPH and following 20th Century Studios Philippines on Facebook, Instagram, Twitter, and YouTube for updates.

 

(ROHN ROMULO)

Super League MVP: Alyssa Solomon ng National University

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Tinanghal si Alyssa Solomon bilang unang Shakey’s Super League MVP na tumapos sa perpektong title run ng National University noong Sabado sa Rizal Memorial Stadium.

 

Itinaas ni Solomon ang MVP trophy sa harap ng maraming tao matapos pangunahan ang Lady Bulldogs sweep ng De La Salle Lady Spikers, 25-23, 25-20, 25-20, sa winner-take-all final.

 

Ang 6-foot-2 sophomore ay nagwagi din ng Best Opposite Spiker matapos ang patuloy na pag-akay sa NU sa perpektong 8-0 title run, limang buwan pagkatapos ng kanilang 16-game sweep ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament na nagtapos sa 65-taong titulo ng paaralan. tagtuyot.

 

Sa kabila ng silver medal finish, napanalunan ni La Salle rookie Angel Canino ang 1st Best Outside Spiker, nang ang reigning UAAP MVP na si Bella Belen ay nakakuha ng 2nd Best Outside Spiker plum.

 

Nakuha ni Lady Spiker Thea Gagate ang 1st Best Middle Blocker, habang si Lady Bulldog Sheena Toring ay nakakuha ng 2nd Best Middle Blocker kung saan ang NU ay nakakuha ng kabuuang apat na indibidwal na parangal.

 

Si Louie Romero ng Adamson ay kinoronahan bilang Best Setter matapos makuha ng kanyang paaralan ang bronze medal sa limang set na panalo laban sa University of Santo Tomas.

 

Itinanghal ang UST skipper na si Bernadette Pepito bilang Best Libero ng liga. (CARD)

Public schools na may free Wi-Fi ‘kumonti sa 1.8%’; senador dismayado

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang 2% ng mga pampublikong paaralan ang merong libreng access sa internet Wi-Fi sa Pilipinas ayon sa isang senador — ito kahit limang taon na matapos maisabatas ang Republic Act 10929 o Free Internet Access in Public Places Act.

 

 

Ito ang pinuna ni Sen. Sherwin Gatchalian, sa isang pahayag na inilabas ngayong Lunes, matapos ang kanyang interpellation sa panukalang pondo ng Department of Information and Commmunications Technology (DICT).

 

 

“Ang ating mga mag-aaral ang makikinabang dito dahil paiigtingin nito ang pagdaloy ng impormasyon, lalo na para sa mga kababayan nating nangangailangan,” wika ni Gatchalian.

 

 

Sa Free Public Wi-Fi Dashboard ng gobyerno, 860 lang kasi sa 47,421 sa mga pampublikong paaralan sa buong Pilipinas ang may libreng Wi-Fi sa ngayon. Ang malupit pa rito, kumonti ito kumpara noon.

 

 

Noong Oktubre 2021 daw kasi, nasa 1,190 public schools ang may libreng Wi-Fi na siyang kumakatawan sa 2.5%. Bumaba pa ito sa 945 o 2% nitong Enero 2022. Pagdating ng Setyembre, bumaba pa ito sa 860 schools o 1.8% na lamang.

 

 

Kung pagsasamahin, aabot sa 4,764 sites sa buong Pilipinas ang sites na merong libreng Wi-Fi sa pampublikong sektor sa buong bansa, kasama na riyan ang mga eskwelahan, kolehiyo, unibersidad, ospital, atbp. government offices gaya ng city halls, municipal halls.

 

 

Una nang sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Basic Education kung paano nabigyang diin ng COVID-19 pandemic ang digital divide, lalo na noong ipatupad ang distance learning kung saan kailangan ang maayos at mabilis na internet.

 

 

Sa 2021 survey ng World Bank sa mga low-income households, tanging 40% lang ang may access sa internet. Sa parehong pag-aaral, lumalabas na nasa 95.5% ng mga naturang kabahayan ang gumamit ng paper-based learning modules at materyales.

 

 

Umabot sa P2.5 bilyon ang iminumungkahing pondo para sa 2023 upang ipatupad ang R.A. 10929. Una nang iprinopose sa Senate Resolution 59 na irebyu ng Senado ang pagpapatupad ng naturang batas maliban pa sa Open Distance Learning Act (R.A. 10650).

 

 

Ipinasa ang R.A. 10929 upang magbigay ng libreng internet access sa mga pampublikong mga lugar sa buong bansa. Kasama sa mga layon nitong mabenepisyuhan ang mga public basic education institutions, alternative learning system centers, state universities and colleges at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) technology instutions atbp. (Daris Jose)

Rescue ng Badjao, Aeta sa kalsada inumpisahan na ng DSWD

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lang ngayong Pasko, kundi buong taon na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Badjao at Aeta para hindi na hihingi ng limos sa mga lansangan.

 

 

Simula noong Nobyembre 18, aabot na sa 100 Badjao mula Mindanao ang na-rescue ng ahensya sa Metro Manila pa lamang.

 

 

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, hindi lang basta papauwiin sa kanilang lugar ang mga Indi­genous People (IP) na ito kundi bibigyan na sila ng pangkabuhayan.

 

 

“Dati-rati kasi bibigyan lang sila ng pagkain, bibilhan ng ticket ng barko, at bibigyan ng barya-barya at saka pauuwiin,” ani Tulfo.

 

 

Ayon kay Sec. Tulfo, “you do not solve their problem. Ang problema wala silang makain sa kanilang lugar dahil wala silang hanap buhay o pinagkakakitaan kaya pabalik-balik sila dito sa NCR o malalaking lungsod para magpalimos.”

 

 

Sampung libong piso bawat pamilya ng IPs na nare-rescue ngayon ang ibinibigay ng DSWD bilang puhunan nila pagdating sa kanilang lugar.

 

 

Bukod sa puhunan, binigyan din ng food pack, family at hygiene kits ang bawat pamilya.

 

 

“Ito ang isa sa mga pinatututukan ng Pangulong BBM na bigyan mg pangkabuhayan ang mga IPs para hindi na nagpapalimos pa sa kalsada,” ayon sa kalihim.

 

 

Ayon naman kay DSWD Standard Bureau Usec. Denise Bragas, na siyang nangangasiwa sa rescue operations ng IPs sa lansangan, isusunod na nila ang mga street children.

 

 

“In coordination po with the LGU, mga bata na palaboy ang isusunod naman na ng DSWD,” ayon kay Usec. Bragas.

 

 

Dagdag pa niya, “ang utos po sa amin ni Sec. Tulfo, kapag tatlong beses ng nare-rescue ang bata sa lansangan, hindi na po namin isosoli sa magulang nila bagkus gobyerno na po ang magpalaki at magpapa-aral sa kanila”. (Daris Jose)

Sinuspinde ng NCAA ang mga referee matapos ang disqualifying foul ni Egay Macaraya

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Walang katiyakang sinuspinde ng NCAA ang tatlo pang opisyal ng laro noong Biyernes, kasunod ng kontrobersyal na tawag sa laro sa pagitan ng San Sebastian at College of St. Benilde noong Martes.

 

Ang mga referee na sina Ricor Buaron, Roldan Dionison at Karlo Vergara ay sinuspinde hanggang sa susunod na abiso dahil sa pagpapatalsik kay Golden Stags coach Egay Macaraya sa affair noong Martes.

 

Higit pa rito, inalis na ang suspensiyon kay Macaraya dahil sa pagkaka-eject sa laro dahil sa paglabag sa disqualifying foul.

 

“It was seen that the referee erred by not taking the initiative to review the contested play for a possible act of violence and he should have exercised full restraint,”sabi ni league commissioner Tonichi Pujante sa isang pahayag.

 

Sa second quarter ng Blazers’ 83-78 trouncing sa Stags, na-ejected si Macaraya matapos siyang tawagan ng “disqualifying foul” nang humingi siya ng challenge ng coach matapos matamaan ni Mark Gil ang kanyang player na si Alex Desoyo.

 

Ngayong linggo lamang, anim na referee ang sinuspinde ng NCAA. Tatlong iba pa ang nasa ilalim ng “preventive suspension” pagkatapos ng debacle ng CSB at Jose Rizal University. (CARD)

Sirkulasyon ng pekeng pera at iba’t ibang modus ngayong Christmas season, ibinabala ng Philippine National Police sa publiko

Posted on: November 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TODO ngayon ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa sirkulasyon ng pekeng pera maging ang iba’t ibang modus ngayong holiday season.

 

 

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, tuwing sasapit naman ang Pasko at Bagong Taon ay nagkalat na ang iba’t ibang modus ng mga masasama ang loob.

 

 

Kabilang daw sa mga dapat bantayan ngayong holiday season ng publiko ang crimes against property gaya ng pagnanakaw at panloloko o panlilinlang na tumataas ang kaso kapag ganitong mga panahon.

 

 

Pinayuhan din ni Fajardo ang ating mga kababayan na mag-ingat sa mga transaksiyon kapag namimili sa mga palengke, sa mga mall, lalong-lalo na’t sa ganitong panahon ay marami ang mga balikabayan na uuwi sa Pilipinas at may bitbit na mga remittance.

 

 

Dahil dito, dapat ay magpapalit lamang daw ang ating mga kababayan sa kanilang pinaghirapang pera sa mga authorized money changer.

 

 

At dahil papalapit na ang Christmas Day, hinikayat din nito ang publiko na bumili na ng mga regalo at suplay nang mas maaga para maiwasan ang holiday shopping rush.

 

 

Pinayuhan din ng opisyal ang mga magsa-shopping na bumuli lamang sa mga legitimate sellers at kahit na sa mga online shops.

 

 

Una rito, pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isagawa ang “Feel-Look-Tilt” method para ma-check ang security features ng New Generation Currency (NGC) banknotes.