• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 6th, 2023

Fernando, humakot ng 24 na parangal para sa Bulacan

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Panibagong milyahe ang nakamit ng Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pagtanggap nito ng kabuuang 24 na nasyunal at rehiyonal na parangal para sa unang anim na buwan ng ikalawang termino ng punong lalawigan.

 

 

Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga tao sa likod ng tagumpay na ito, ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, na tumulong sa kanya upang maisakatuparan ang mga mithiin para sa dakilang lalawigan.

 

 

“Ang dami po nating pangarap para sa ating bayan, ang dami po nating kailangang gawin para makamit ang mga pangarap na ito, kaya naman malaki po ang ating pasasalamat sa ating mga kawani na siya nating nagiging katuwang upang isakatuparan ang lahat ng magagandang bagay na ito,” anang gobernador.

 

 

Iginiya ni Fernando ang ekonomiya ng lalawigan sa rurok nang iuwi nito ang 2022 Most Business-Friendly Province award mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry; at makamit ang ika-10 pwesto bilang Most Competitive Province sa lahat ng lalawigan sa bansa na ibinigay ng Department of Trade and Industry.

 

 

Gayundin, bilang resulta ng mabuting pamamahala, nakamit ng Pamahalaang Panlalawigan ang ika-anim nitong Seal of Good Local Governance ang apat pang parangal mula sa 2022 Gawad Timpukan Central Luzon Award kabilang ang Recognition for the Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children, Local Council for the Protection of Children, Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program 2021, at Local Government Support Fund-Conditional Matching Grants to Provinces.

 

 

 

Lumabas rin ang husay ng lalawigan sa pinansyal na aspeto ngayong taon at nakamit ang Top 3 sa Local Revenue Generation Hall of Fame Award para sa Fiscal Year (FY) 2018 hanggang 2020, at Top 2 sa Highest Locally Sources Revenues para sa FY 2021.

 

 

Pumukaw rin ng atensyon ang mga programang pangkalusugan ng lalawigan sa pagkakaloob dito ng limang parangal para sa lalawigan sa ginanap na 8th Central Luzon Excellence Awards for Health kabilang ang Outstanding Epidemiology and Surveillance Unit, Best in Multi-sectoral Collaboration on COVID-19 Vaccination, Pulang Laso Excellence Awards for Health na ipinagkaloob sa Bulacan Medical Center (Hospital Category), Excellence Award for DRRM-H Institutionalization, at Excellence Award in UHC Implementation.

 

 

 

Nag-uwi rin ng limang parangal ang sektor ng agrikultura para sa lalawigan kabilang ang Rank 2 on Outstanding Performance in the implementation of projects, accounts and programs under the High Value Crops and Development Program; Highest Accomplishment on the distribution and submission of signed list for inorganic fertilizer; Highest Number of verified farmers and farm lots under the RCM-FFR (Provincial Category; Outstanding Province in Central Luzon, at Highest Accomplishment on the distribution and submission of signed list for inorganic fertilizers (RCEF Provinces).

 

 

Nakamit rin ng lalawigan ang Beyond Compliant Seal of Excellence sa ginanap na Ika-22 Gawad Kalasag Seal for Local DRRM Councils and Offices.

 

 

Dagdag pa rito, pinarangalan ang Bulacan bilang 2021 Top Performing Public Library in the Philippines – Provincial Category ng National Library of the Philippines at Asia Foundation, at ng Energy Efficiency Excellence Awards mula sa Department of Energy; wagi ang SINEliksik Bulacan ng Best Program for Culture and the Arts Grand Champion mula sa Association of Tourism Officers of the Philippines – Department of Tourism; at kinilala si Fernando bilang 2022 Most Influential Elected Official ng Gawad Amerika Awards.

 

 

 

Higit sa mga pagkilala, ang mahalaga para kay Fernando ay ang epekto ng mga parangal na ito para sa mga Bulakenyo.

 

 

“Oo, mahalaga ang mga parangal na tulad ng mga ito. Ngunit ang lubos na importante ay ang sinisimbolo ng mga ito, na ibinibigay natin ang maaasahang serbisyo-publiko sa ating mga kalalawigan. At hindi sila nagkamali na tayo ang pinili nila na mamuno sa kanila tungo sa kaunlaran,” anang gobernador. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

KAPISTAHAN NG POONG NAZARENO, KASADO NA

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ALL system go na para sa Kapistahan ng ng Itim na Poong Nazareno o Nazareno 2023  sa Enero 9.

 

 

Sa press conference na dinaluhan ni Manila Mayor Honey Lacuna, MPD,BFP,DOH,MMDA,AFP at iba pang ahensya ng gobyerno at nang ilang opisyal ng Quiapo church inilatag ang ilang mga panuntunan sa naturang aktibidad.

 

 

Ayon kay Nazareno adviser Alex Irasga,tuloy ang pagdiriwang bagamat wala na ang tradisyonal na “Traslacion” ay magkakaroon naman ng “Walk of Faith”.

 

 

Ang ruta ng Walk of Faith ay magsisimula ng ala una ng madaling araw sa January 8, sa Quirino Grandstand patungong simbahan ng Quiapo.

 

 

Ang prusisyon ay inaasahang tatagal ng higit dalawang oras.

 

 

Para naman sa mga dadalo ng misa, pinapayagan na ang full seating at standing capacity sa loob ng simbahan.

 

 

Pinapayagan rin ang pagsusuot ng tsinelas at sapatos ng mga deboto, pagdala ng mga maliliit na replika ng imahen, wheelchair, maliliit na camera, portable chair at flashlight, at transparent na kapote.

 

 

Pinayuhan naman ang mga deboto na huwag nang magdala ng malaking replika, banners, drone at professional camera, selfie stick, matatalas na bagay, pyrotechnic devices, tents at picnic items, at malalaking bag dahil ito ay ipinagbabawal.

 

 

Ayon kay Irasga, ang MPD lamang ang maaaring magpalipad ng drone .

 

 

Pinayuhan na rin ang mga deboto na magdala ng snacks at water canister ngunit tiyakin na hindi magkakalat ng basura.

 

 

Ang mga may sakit o sintomas ng COVID-19 ay pinayuhan  na rin na huwag ng dumalo pa sa aktiobidad at sa bahay nalang mamalagi upang hindi na makapanghawa pa ng ibang deboto.

 

 

Samantala, inihahanda na rin ang bahagi ng Quirino Grandstand para sa mga inilatag na aktibidad kaugnay sa Nazareno 2023. (GENE ADSUARA)

Pamahalaan, patuloy na mino-monitor ang mga dumating na Chinese nationals sa bansa na nagpositibo sa Coronavirus disease 19

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY  raw na mino-monitor ng pamahalaan ang mga Chinese nationals na dumating sa bansa na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

 

Ayon sa Burea of Quarantine, dahil na rin sa patuloy na pagpapaigting ng border control ng Pilipinas, nakapagtala sila ng ilang mga Chinese nationals na nag-positibo sa nakamamatay na virus.

 

 

Sinabi ni Bureau of Quarantine Deputy Director Roberto Salvador Jr., nagpositibo ang mga ito sa antigen test dahil hindi pa bakunado ang mga ito.

 

 

Agad namang inilagay sa isolation at isasailalim muli sa RT-PCR test sa Philippine Genome Center upang malaman kung anong variant ng Covid-19 ang kanilang dala.

 

 

Sa ngayon ay patuloy na hinihintay ng Bureau of Quarantine ang resulta ng RT PCR test ng mga ito na kasalukyang nasa isolation facility ng Philippine Genome Center.

 

 

Muli namang tiniyak ng Bureau of Quarantine ang mas pinaigting na border control ng ating bansa sa inbound travelers na mula sa China.

Bilang ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA Carousel Busway, binawasan ng LTFRB

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINAWASAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang mga bus na bumibiyahe sa EDSA Carousel busway, kasunod na rin nang pagtatapos na ng libreng sakay program ng pamahalaan noong Disyembre 31, 2022.

 

 

Ayon sa LTFRB, ibinalik na nila sa orihinal na 550 units ang bilang ng mga public utility buses (PUBs), mula sa 758 units na idineploy upang magsilbi sa mga commuters noong holiday rush.

 

 

Anang LTFRB, imo-monitor nila ang sitwasyon upang matukoy kung sapat ang naturang orihinal na 550 units upang tugunan ang commuter demand, o kung kakailangan pa nilang mag-deploy ng karagdagang units.

 

 

Kasunod nang pagtatapos ng free ride program ng pamahalaan, nabatid na ang mga bus na bumibiyahe sa ruta ng EDSA carousel ay naniningil na ngayon ng mula P12 hanggang P73, alinsunod sa fare matrix na inaprubahan ng LTFRB.

 

 

Ayon kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz, layunin ng fare matrix na tiyaking ang mga pasahero ay sinisingil ng tama.

 

 

Hinikayat din naman niya ang mga pasahero na kaagad na i-report sa kanilang tanggapan kung may nalalaman silang mga abusadong drivers na naniningil ng sobra-sobrang pasahero. (Daris Jose)

DOH: Nadisgrasya ng paputok nitong New Year 2022 ‘mas mataas nang 42%’

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT  ng 262 kaso ng fireworks-related injuries ilang araw bago at matapos ang Bagong Taon — mas marami nang halos kalahati kumpara sa parehong panahon noong last year.

 

 

Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH), Martes, ayon sa mga pagmamatyag ng kagawaran mula ika-21 ng Disyembre, 2022 hanggang ika-3 ng Enero, 2023.

 

 

“Mula, Jan.2, limampu’t isa (51) ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals,” sabi ng DOH kanina.

 

 

“Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa dalawandaan at animnapu’t dalawa (262) na mas mataas ng apatnapu’t dalawang porsyento (42%) kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa.”

 

 

Sa kabila nito, lumalabas na mas mababa ito 15% kumpara sa five-year average na 308 sa parehong time period.

 

 

Pinakamarami sa mga nadisgrasya ang National Capital Region na nakapagtala ng 126 sugatan, bagay na sinundan ng Western Visayas (31) at Ilocos Region (23). Nasa 80% sa mga naputukan ay lalaki (208 katao).

 

 

Narito ang mga paputok na nagtala ng pinakaraming FWRIs:

kwitis (54)

boga (30)

5-star (21)

hindi pa tiyak (17)

fountain (16)

Ang boga at 5-star hindi hindi pinahihintulutang gamitin sa batas.

 

 

Ito naman ang mga parte ng katawan ng kadalasang napuputukan:

kamay (92)

mata (75)

hita (35)

ulo (34)

braso (31)

“One hundred forty-five (56%) cases occurred in the street, while 107 (14%) occurred at home,” dagdag pa ng DOH.

 

 

“Forty-five (17%) cases were allegedly intoxicated with alcohol at the time of injury.”

 

 

Kumpirmado namang tinamaan ng ligaw na bala ang isang 64-anyos na babae sa Maynila, bagay na nangyari raw bandang 3:22 a.m. noong madaling araw ng Bagong Taon.

 

 

“[She] was… hit by a stray bullet while she was walking on her way to her brother-in-law’s place of residence,” sabi pa ng DOH. Agad siyang dinala sa Philippine General Hospital, bagay na na-validate ng Philippine National Police noong ika-2 ng Enero.

 

 

Sa kabutihang palad, wala pa namang kaso ng nakalunok ng paputok at wala pa ring namamatay dahil sa FWRIs.

 

 

Una nang hinala ng DOH na dumami ang kaso ngayong taon kumpara noong 2020 at 2021 lalo na’t kasagsagan noon ng COVID-19 lockdowns at community quarantines, bagay na tinanggal na ngayon.

Mga bagong talagang opisyales, nanumpa kay ES Bersamin

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANUMPA sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mga bagong opisyal na naitalagang manilbihan sa administrasyong Marcos.

 

 

Kasama sa mga nasabing bagong opisyal si retired Police General Gilbert D. Cruz na nanumpa bilang Undersecretary ng Presidential Anti – Organized Crime Commission (PAOCC).

 

 

Si Cruz ay nanilbihan din dati sa Dangerous Drugs Board bilang permanent member nito at naging director din ng Philippine National Police Academy (PNPA).

 

 

Bukod kay Cruz, isa pang nanumpa kay ES Bersamin ay si Atty. Rogelio D. Peig II.

 

 

Kasunod naman ito ng pagkakatalaga sa kanya   bilang  Undersecretary for Strategic Action and Response Office sa ilalim ng tanggapan ng  Executive Secretary. (Daris Jose)

PBBM iaangat ang ugnayan ng Pinas sa China

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalagay niya sa mas mataas na antas ang relasyon ng Pilipinas at China sa kanyang 3-day trip sa Beijing.

 

 

“I look forward to my meeting with President Xi as we work towards shifting the trajectory of our relations to a higher gear that would hopefully bring numerous prospects and abundant opportunities for the peace and development to the peoples of both our countries,” pahayag ng Pangulo bago umalis ng bansa.

 

 

Nagtungo si Marcos sa China dahil sa imbitasyon ni President Xi Jinping.

 

 

Hindi naman tinukoy ni Marcos kung igigiit niya kay Xi Jinping ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kung saan nanatili ang tensyon dahil sa patuloy na pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng China.

 

 

“The issues between our two countries are problems that do not belong between two friends such as Philippines and China. We will seek to resolve those issues to mutual benefit of our two countries,” ani Marcos.

 

 

Sa isang briefing noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ilalabas ng Pangulo ang maritime issue at magkakaroon ng “direktang linya ng komunikasyon” para sa dalawang bansa para talakayin ang mga tensyon sa West Philippine Sea.

 

 

Inaasahang lalagda ang Pilipinas ng hanggang 14 bilateral na kasunduan sa China, kabilang ang isang deal sa digital cooperation, tourism cooperation, agrikultura at imprastraktura.

 

 

Interesado rin ang China sa agrikultura ng Pilipinas, renewable energy, nickel processing, at durian, na posibleng mga paksa para sa mga kasunduan sa negosyo.

 

 

Kasama ni Marcos sa biyahe sina First Lady Liza Araneta-Marcos, House Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, dating Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo, mga miyembro ng economic team at isang “sizeable” business delegation.

 

 

Ito ang unang paglalakbay ni Marcos sa ibang bansa ngayong 2023 at ika-pito mula nang maupo siya sa Malacañang noong nakaraang taon. (Daris Jose)

Ads January 6, 2023

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MUSIC, COSTUME DESIGN OF “BABYLON” TAKE SPOTLIGHT IN NEW FEATURETTES

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PARAMOUNT Pictures has just shared behind-the-scenes featurettes about the costume design and original score of the eagerly anticipated Babylon, in theaters across the Philippines starting February 1st.   

 

 

Step into the wardrobe of Babylon with costume designer Mary Zophres, and listen to a score for the ages from Academy Award winner Justin Hurwitz, composer of the original soundtrack.

 

 

Costume Featurette: https://youtu.be/cPFAHU8Z6EA

 

 

Scoring Featurette: https://youtu.be/z3Olw9Qb9vc

 

 

The job of creating a wardrobe that was both reminiscent of a bygone era but also timeless fell to award-winning costume designer, Mary Zophres, who reunited for the third time with director Damien Chazelle after working with him on First Man and La La Land, for which she was nominated for an Academy Award.

 

 

“This is the kind of movie where the characters largely define themselves through what they’re wearing,” says Chazelle, “so that meant a lot of work for Mary, who was trying to carve out moments for these iconic outfits to give the characters their due at various junctures in the story.”

 

 

Meanwhile, years before any cameras rolled on Babylon, Chazelle turned to his longtime collaborator, Justin Hurwitz, who has composed the scores for all of Chazelle’s films, including Whiplash, La La Land and First Man.

 

 

“We wanted to give Babylon a musical universe of its own, a sound that wouldn’t be so anachronistic as to take anybody out of the 1920s, but also a far cry from the usual depiction of quaint 20s jazz,” says Hurwitz. “It’s a lot wilder and more aggressive. Something to keep in mind is that the music which was recorded and survived from the 20s is just a tiny sliver of the music that was actually being played in Los Angeles at the time. There was underground music that was never recorded. We wanted to imagine the depth and variety and wild range of sounds that could have been, though we’ll never know. Music that we felt hadn’t been depicted on film before.”

 

 

About Babylon

 

 

From Damien Chazelle, Babylon is an original epic set in 1920s Los Angeles led by Brad Pitt, Margot Robbie and Diego Calva, with an ensemble cast including Jean Smart, Jovan Adepo and Li Jun Li. A tale of outsized ambition and outrageous excess, it traces the rise and fall of multiple characters during an era of unbridled decadence and depravity in early Hollywood.

 

 

Paramount Pictures presents in association with C2 Motion Picture Group, a Marc Platt / Wild Chickens / Organism Pictures Production, a Damien Chazelle Film, Babylon. Written and Directed by Damien Chazelle. Produced by Marc Platt, p.g.a., Matthew Plouffe, p.g.a., Olivia Hamilton, p.g.a. Executive Produced by Michael Beugg, Tobey Maguire, Wyck Godfrey, Helen Estabrook, Adam Siegel, Jason Cloth and Dave Caplan.

 

 

Babylon stars Brad Pitt, Margot Robbie, Diego Calva, Jean Smart, Jovan Adepo, Li Jun Li, P.J. Byrne, Lukas Haas, Olivia Hamilton, Tobey Maguire, Max Minghella, Rory Scovel, Katherine Waterston, Flea, Jeff Garlin, Eric Roberts, Ethan Suplee, Samara Weaving, Olivia Wilde.

 

 

Babylon is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

 

 

Connect with #BabylonMovie and tag @paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

Aliw na aliw ang mga netizens sa kanilang Instagram post: DENNIS at JENNYLYN, larawan ng masayang pamilya kasama ang tatlong anak

Posted on: January 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINA Xian Lim at Kim Chiu ang tunay na “lovers in Paris” dahil doon sila nag-celebrate ng Pasko.

 

 

Nakakakilig ang mga litrato at video nila habang sweet na sweet na rumarampa sa mga pamosong lugar sa Paris tulad ng Eiffel Tower na bagay na bagay sa magkasintahang tulad nila.

 

 

And the romantic that he is, hindi pa man ganap na natatapos ang kanilang European getaway ay isang nakakakilig na mensahe ang ipinahayag ni Xian kay Kim Chiu via his Instagram account.

 

 

Nag-post si Xian ng compilation ng mga photos and videos ng tour nila sa France na may kasamang napaka-sweet na mensahe para sa girlfriend niya of more than ten years.

 

 

“Before this trip ends, huge shout out to my love, travel partner, bestfriend at lahat lahat na @chinitaprincess ❤️ This trip was a blast and I had a wonderful time spending every second with you…

 

 

Times may get rough and we may get lost along our journey but it’s finding our way together that matters most. It’s pretty cool how after so many years, we still learn and discover new things about each other 😊”

 

 

To visiting more countries and to traveling the world with you ❤️”

 

 

***

 

 

RELATE na relate ang mga batang 90’s sa sikat na cartoon na Voltes V na tungkol sa isang robot na may limang bahagi na nagbu-volt in kapag may kalaban.

 

 

Isa sa mga super-fanatic kay Voltes V ay ang komedyanteng si Michael V kaya naman proud niyang inihayag na napaiyak siya habang pinapanood ang mega-trailer ng Voltes V: Legacy na upcoming live action series ng GMA ngayong 2023.

 

 

Nag-post pa si Michael V sa kanyang Facebook account ng ilang screenshot mula sa trailer kalakip ang kuwento ng kanyang pag-iyak, pagkakilabot at ang “sermon” niya sa mga posibleng maging basher ng show kapag ipinalabas na.

 

 

“First time akong naiyak habang nanonood ng cartoon. This shot says it all! Nagbara lalamunan ko ng slight!

 

 

“Arrival shot… GOOSEBUMPS!,”

 

 

“You made me travel back to my childhood and relive a feeling that has long been waiting to be rekindled. I’m looking forward to that feeling in every episode.

 

 

“This is my childhood coming to reality!

 

 

“I know, nag-express na ‘ko ng excitement ko sa previous post ko pero this trailer got me more excited than ever! Nabasa ko rin ‘yung mga comments n’yo and I’m glad na maraming nag-a-agree especially ‘yung TOTOONG FANS ng V5.

 

 

“Pero s’yempre hindi mawawala ‘yung mga nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng bashers. Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan.

 

 

“To all the fans and the bashers, this show is for you! Wala kahit isa sa inyo ang puwedeng magnakaw ng saya na naramdaman ko nu’ng napanood ko ‘to.”

 

 

***

 

 

SUPER nakaka-good vibes ang naging holiday vacation ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

 

 

Sa halip na mangibang-bansa sa pagsalubong ng Bagong taon ay napili nina Dennis at Jennylyn na sa Palawan magpunta kung saan kasama nila ang kanilang anak na si Baby Dylan, ang anak ni Jennylyn (sa dating karelasyon si Patrick Gacria) na si Alex Jazz at si Calix (na anak ni Dennis at dating karelasyong si Carlene Aguilar).

 

 

Aliw na aliw ang mga netizens sa mga litrato sa Instagram nina Jennylyn at Dennis kung saan makikita na larawan sila ng isang masayang pamilya.

 

 

“Happy New Year!🥳🏝️☀️
#dylanjaydeho #jazzyboy #calixho #newyear2023”, ang caption ni Jennylyn sa litrato nilang lima, “My bodyguards”, naman ang caption ni Dennis sa litrato nilang tatlo ni Calix at Alex Jazz, at “My girls”, naman ang caption niya sa litrato nina Jennylyn at Dylan sa tabing-dagat.

 

(ROMMEL L. GONZALES)