• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 7th, 2023

DILG Sec. Abalos pinagbibitiw ang ilang opisyal ng PNP

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAPASUMITE  ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr ang lahat ng mga colonels at henerals ng Philippine National Police (PNP) na magsumite sila ng courtesy resignation.

 

 

Ayon sa kalihim na lumabas sa kanilang imbestigasyon kaya hindi masawata ang iligal na droga sa bansa ay dahil sangkot ang mga heneral at mga colonel.

 

 

Base na rin sa rekomendasyon ng PNP ay umapela na lamang siya na magsumite na ang mga ito ng courtesy resignation.

 

 

Dagdag pa nito na bagama’t nakakabigla ay ito aniya ang nakikita niyang tamang gawin para magsimula muli.

 

 

Mayroong committee ito ng binuo na mag-aaral sa mga profile ng mga opisyal na magsusumite ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Habang pinag-aaralan aniya ang kanilang courtesy resignation ay patuloy din ang mga opisyal sa paggampan ng kanilang trabaho.

 

 

Hindi naman nito binanggit kung sino-sino ang bubuo ng limang personalidad na mag-rereview ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na isinangkot ang mga matataas na opisyal ng PNP sa iligal na droga dahil noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay pinangalanan na rin nito ang ilang heneral ng PNP na may kinalaman sa bentahan ng illegal na droga. (Daris Jose)

 

Ads January 7, 2023

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“To the most beautiful soul in the world”: Birthday message ni ENRIQUE kay LIZA, punum-puno ng pagmamahal

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD sa napakadalang mag-post, matagal na rin na hindi halos nagpo-post sina Enrique Gil at Liza Soberano ng picture na magkasama sila.

 

 

Lalo na si Enrique, madalang na lang itong mag-post.

 

 

Si Liza ay nasa America, pursuing her Hollywood dreams. Habang si Enrique naman ay nasa bansa. At may mga bali-balita na tila nagpa-plano na lumipat ng Kapuso network.

 

 

Masayang-masaya at tila nakahinga naman at napanatag ang kalooban ng mga LizQuen fans. Ang dahilan, ang Instagram birthday greeting ni Enrique sa girlfriend.

 

 

Sabi ng isang fan, “We’ve been waiting all along for your birthday greetings. Finally, all the curiosities and worries are all gone now.”

 

 

25th birthday ni Liza nitong January 4, pero tulad ng nagdaang Pasko at Bagong Taon, magkahiwalay pa rin silang dalawa.

 

 

Pero hindi na pinalampas ni Enrique na hindi mabati ang girlfriend through Instagram. At sa birthday greeting na ito ni Quen, pati ang mga kaibigan nilang artista at director ay napa-comment na “so much love.” Meaning, ramdam nila ang pagmamahal ng aktor kay Liza.

 

 

Sabi ni Quen, “We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart. To the most beautiful soul in the world. To my best friend and baby. I love you so much. Happy Birthday!”

 

 

Karamihan naman sa mga comment ay miss na miss na mapanood o makitang muli ma magkasama ang LizQuen. Marami rin ang nagre-request na sana raw, magkasama ang mga ito sa movie.

 

 

***

 

 

KUNG pagbabasehan ngayon ang mga Instagram posting nina Sofia Andres at ng partner niya na si Daniel Miranda, pwedeng sabihin na ang hinihinalang break-up nila lalo na nitong nakaraang Holidays ay hindi natuloy.

 

 

Siyempre, good news ito lalo na sa kanilang mga supporters o fans.

 

 

Naunang nag-post sa kanyang Instagram stories si Daniel. Nag-post ito ng picture ng kanyang mag-ina at may caption na, “Through thick and thin, I love you both very much.”

 

 

Wala namang mga sweet messages pa mula kay Sofia. Pero after a long time na wala itong post kasama si Daniel, nag-post na ito ng series of pictures na makikita na kasama na si Daniel.

 

 

Nangyari ito sa unang visit daw ng anak nila na si Zoe sa dentist.

 

 

Mababasa sa mga comments sa Instagram post na ito ni Sofia na natutuwa ang mga followers nila dahil “cancelled” daw ang isyung hiwalayan. At may iba na nagsabing, “All’s well. Nakahinga na ‘ko.”

 

 

At least, hindi nila pinangalawahan sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

(ROSE GARCIA)

‘Avatar: The Way of Water’ overtakes ‘Top Gun: Maverick’ at the global box office

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

JAMES Cameron has hit it out of the park all over again with his latest release Avatar 2. 

 

 

It was just a few days ago we heard the news of the film crossing the $1 billion mark at the box office. Before we could blink an eye, The Way Of Water has hit the $1.5 billion milestone and surpassed blockbusters like Top Gun Maverick and Furious 7.

 

 

While Top Gun Maverick remained in the 11th position of Highest-Grossers of All Time, Furious 7 was officially a part of the Top 10. It was just yesterday when the film surpassed the collections of Frozen II ($1.450 billion) and gained the 12th spot.

 

 

As per the latest box office updates, Avatar 2 has garnered a total collection of $1.516 billion at the worldwide box office. Top Gun Maverick with earnings of $1.48 billion has been bid goodbye along with Furious 7 which is no longer in the Top 10 with its $1.515 billion collection.

 

 

That indeed is a huge mark to have been achieved by James Cameron and the team. But as they say, the game has just started! It is now to be seen how many more records Avatar 2 manages to break in its lifetime and where it lands on The Highest-Grossers of All Time list.

 

 

So far, that record is held by its predecessor Avatar with box office.

(ROHN ROMULO)

Eight years ago pa huling naka-work sa teleserye: CARLA, excited sa muli nilang pagtatambal ni GABBY at kasama pa si BEAUTY

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED si Carla Abellana dahil sa muling pagtatambal nila na teleserye ni Gabby Concepcion na may title na ‘Stolen Life.’

 

 

Huli silang nagkasama ni Gabby ay sa teleserye na ‘Because Of You’ noong 2015. Kaya after 8 years ay balik ang tambalan nila na hinihintay ng maraming fans nila. At ang ka-love triangle nila ay si Beauty Gonzalez.

 

 

“Very excited and privileged to be working again with kuya Gabby. It’s been like 8 years na pala since we’ve worked together. It’s time na siguro to work again with him,” sey ni Carla na huling napanood sa teleserye na ‘To Have And To Hold’ at mapapanood soon sa ‘Voltes V: Legacy.’

 

 

Ang ‘First Lady’ naman ang huling teleserye ni Gabby at natuwa ito sa muling pagsasama nila ni Carla: “Nagulat ako na kami ulit ni Carla. I’m really happy because nag-enjoy kami sa Because of You.”

 

 

Si Beauty naman ay kasalukuyang napapanood sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ ay first time makakasama sina Gabby at Carla sa isang teleserye: “I’m so grateful ’cause I got to work with these two big stars of GMA. Finally it’s happening.”

 

 

Sa February na raw ang simula ng kanilang taping.

 

 

***

 

 

MULING magbabalik sa pag-arte sa isang teleserye si Judy Ann Santos.

 

 

Sa kanyang Instagram account, pinost ni Juday ang isang video clip ng paghahanda niya para sa isang shoot.

 

 

Sey pa niya sa video: “Back to work. Shooting for a series.”

 

 

Noong 2019 pa huling nagbida sa teleseryeng ‘Starla si Juday. Nag-guest din siya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

 

 

Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020, nag-host si Juday ng public service/documentary program na ‘Paano Kita Mapasasamalatan?’ Naging guest host naman siya sa morning show na ‘Magandang Buhay’ noong 2022.

 

 

Pinost din ni Juday ang ilang highlights ng buhay niya kasama ang pamilya at mga kaibigan sa nagdaang taon.

 

 

“Looking back to 2022 with a grateful heart.. to finally be able to spend time with family and friends.. celebrate our childrens bdays.. travel.. create more core memories to look back to.. and the chance to share our blessings,” caption pa ni Juday.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pagrepaso sa K-12 program aarangkada ngayong Enero

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SISIMULAN na ngayong Enero ang pagrepaso sa K to 12 program at sa buong basic education system sa bansa ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

 

 

Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, may 10 taon ang binigay ng kongreso sa EDCOM II para pag-aralan ang buong educational system at para gawan sila ng rekomendasyon para mapaghusay at maiahon mula sa krisis.

 

 

Idinagdag pa ni Gatchalian na susuriin ng EDCOM II ang pagtupad sa mga batas na lumikha sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at TESDA.

 

 

“Sa pagbubukas ng 2023, agaran nating sisimulan ang maigting na pagsusuri sa estado ng edukasyon sa ating bansa. Sa pamamagitan ng EDCOM II, magpapanukala at magsusulong tayo ng mga repormang tutugon sa krisis na bumabalot sa sektor ng edukasyon,” giit pa ni Gatchalian.

 

 

Magsisilbi naman tagapayo ng EDCOM 11 ang legislation and policy advisory kung saan kabilang sa miyembro nito sina Pasig Mayor Vico Sotto at Taguig City Mayor Lani Cayetano.

 

 

Mula naman sa Academe kasapi rin sina dating Ateneo de Manila President Fr. Bienvenido Nebres and former University of the Philippines College of Social Sciences and Philosophy dean Dr. Maria Cynthia Rose Bautista.

Kailangang i-confine para sa medical assessment: KRIS, humihingi ng matinding panalangin para sa kanya at kay BIMBY

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram official fanpage account na @KrisAquinoWorld, nag-post ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa in-upload na litrato nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste, kasama rin sina Joshua at Bimby, nang dalawin sila sa Amerika.

 

 

Mukhang hindi na-inform si Kris na ia-upload ito sa social media, pero na-appreciate niya ang gestures na ginawa nito kahit malayo kung saan sila nag-i-stay.

 

 

Inamin din niya na na kailangang nila ni Bimby na magpa-confine ilang ilang araw para sa medical assessment.

 

 

Sa naging komento ni Kris, “I’m curious, my friend Atty Donna sent me the screenshot — so ako na ang mag co-comment: kayo ni VG Marc keep in touch? Friends kayo? Obviously he was the 1 who sent you my pic (i wasn’t told he would).

 

 

“I’ve avoided posting any pics of myself because i’ve been privately chronicling my journey — hoping na after the many months na titiisin ko ang immunosuppressant therapy (i’ve researched all the warnings of how weak i’ll feel, the likelihood that i’ll have low grade fever, throw up often, weight loss, feel even more fatigued than i do now, and yung possibility that i’ll lose my hair- after all the medication is what’s given to cancer patients undergoing chemotherapy- BUT for rheumatology patients yung dosage is about 15%) i’d be able to show all of you in a documentary- na hindi ako SUMUKO, sa lahat ng kinailangan pagdaanan, tinuloy ang LABAN.”

 

 

Dagdag pa niya, “This picture was from New Year’s Day- VG Marc was kind to visit us kahit malayo kami from where their family stays… walang mahanap na polka dots na shirt, sweater, hoodie or anything si Alvin- ‘di siguro uso here in the (American flag)… thank God, sanay na kayo na ever present yung pearls ko.

 

 

“THANK YOU for keeping us in your prayers- next week we super need MORE especially for our doctors. Bimb needs to go in for a few nights confinement for his full medical assessment (he & kuya had their primary immunodeficiency genetic testing done- because both of them have the same blood type as me, like all my siblings, & our mom).

 

 

“I’m a firm believer it’s BETTER to know early so if needed, solutions are still available. my 6’1, 15 year old sa pediatrics pa rin so magbabantay ako.

 

 

“Then i’ll be confined for 5 nights to confirm that my previous diagnosis of having 4 autoimmune conditions was correct & to confirm if i do have a 5th because of my recent blood panel. Thank you for being so compassionate & consistent.

 

 

“P.S. Alvin will email you pics every now & then. Para w/ my approval,”

(ROHN ROMULO)

DOTr, CAAP walang obligasyon na i-compensate mga pasahero sa NAIA shutdown – Sec. Bautista

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na walang contractual obligation ang DOTr at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bigyan ng kumpensasyon o refund ang mga pasaherong apektado ng ilang oras na shutdown sa Philippine airspace na dulot ng aberya sa suplay ng kuryente noong Bagong Taon.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Bautista kasunod na rin ng panawagan ni Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan, partikular na sa CAAP, na i-compensate ang libu-libong pasahero na hindi nakabiyahe dahil sa power outage sa air traffic management system ng bansa.

 

 

Ayon kay Bautista, kailangang pag-aralang mabuti ang legalidad nang pag-compensate sa mga air travelers na naapektuhan ng airspace shutdown.

 

 

“Dapat pag-aralan natin ang legality nito ano,” pahayag pa ni Bautista, sa panayam..

 

 

“Unang una, ‘yung CAAP at saka DOTr wala kaming arrangement with the passengers, ‘di katulad ng airlines. Bumili sila ng ticket, merong obligation ang mga airlines na ilipad sila o i-refund ang kanilang pamasahe,” paliwanag pa niya.

 

 

Idinagdag naman ni Bautista na kahit hindi contractually obliged ang pamahalaan na i-compensate ang mga pasahero, maaari aniyang morally obligated naman ang DOTr at CAAP.

 

 

“Pero ang legality nito dapat pag-aralan mabuti dahil, ako hindi naman abogado, pero sa pagkakaintindi ko walang contractual obligation between the passengers and DOTr or CAAP,” aniya pa. “Dapat pag-aralan mabuti ng ating mga abogado para ano ba ‘yung dapat ­maging sagot ng ­gobyerno.” (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

DOTr: Aviation officials, mananagot sa nangyaring kaguluhan sa NAIA

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na mananagot ang sino man na mga aviation officials sa nangyaring air traffic management system breakdown na siyang naging sanhi nang paghinto ng operasyon ng mga airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang Bagong Taon.

 

 

“The DOTr will hold accountable each and every person responsible for the loss of communication and power at the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) that led to the fiasco at the Ninoy Aquino International Airport. Once we find out who the negligent persons are, who caused this problem to happen, they will be held accountable,” wika ni Bautista.

 

 

Habang bumalik na sa normal ang operasyon sa NAIA, nagbigay naman ng assurance si Bautista na ginagawa nila ang lahat upang hindi na mangyari ang ganitong pangyayari kung saan na kansela at naantala ang mga daang flights at naapektuhan ang 56,000 na mga stranded na pasahero.

 

 

Ayon sa kanya, ang nasabing equipment ay sinusuring mabuti kung dapat na itong palitan o di kaya magkaroon ng upgrading ang traffic management system sa CAAP.

 

 

Sa ngayon ay gusto ni Bautista na magkaroon ng upgrading ang electrical equipment sa CAAP upang masigurado na hindi na talagang mangyayari ang nakaraang insidente.

 

 

Nagbigay naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa DOTr ng kanilang tulong upang maging madali ang pagbili ng mga kailangan kagamitan sa CAAP upang tumaas ang efficiency ng CAAP sa pag- handle ng air traffic nito.

 

 

Samantala, ang National Security Adviser nasi Clarita Carlos naman ay nagsabi sa pamahalaan na dapat na ipahayag na ang communications at electrical facilities ng CAAP ay mahalaga sa pagbibigay ng proteksyon sa ating national security.

 

 

Sa pamamagitan ng ganitong declaration, ang CAAP ay magkakaroon ng mabilis na paraan upang mabigyan ng priority ang upgrading na kailangan.

 

 

Sinabi naman ng CAAP na walang posibilidad na ang management system ay inatake sapagkat ang mga electrical ports ay hindi kayang manipulahin sa labas ng CAAP.

 

 

Nangako naman ang CAAP sa mga security officials na kanilang ipasusuri sa mga cyber security experts ang mga pangyayari.

 

 

Kung kaya’t noong nakaraang pagpupulong na ginawa ng mga top-level officials ng DOTr kasama ang mga representatives ng DICT, Department of National Defense (DND), National Intelligence Coordination Agency (NICA), at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines ay napagkasunduan na magkaroon ng upgrading ng mga existing facilities at upang magkaroon ng immediate replacement ng mga nasirang equipment. LASACMAR    

‘Fruitful talks” kay Pres. Xi, Iniulat ni PBBM

Posted on: January 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabunga at produktibong  bilateral meeting nito kay Chinese President Xi Jinping sa  Beijing.

 

 

Ang nasabing miting ay nakatuon sa  “soft infrastructure, climate change, renewable energy, people-to-people ties at agricultural cooperation na kinabibilangan ng tinatawag na  “durian protocol.”

 

 

“It has been a very wide-ranging discussion… the meeting ran very long, and that’s why I’m actually very optimistic because President Xi seemed to be genuinely interested in all of these issues and finding a way to move forward to again strengthen the relationship between China and the Philippines. I’m quite gratified that we had made a good start,” ang wika ni Pangulong Marcos sa isang panayam.

 

 

Naging mahaba, matagal at detalyado naman ang naging pag-uusap ng mga Asian leaders ukol sa  climate change, inilarawan ni Pangulong Marcos bilang  “a subject that we cannot leave alone or it will come back to haunt us in the future.”

 

 

Ayon sa Pangulo, mayroon din aniyang nag-aalok ng tinatawag na “soft infrastructure” pagdating sa aspeto ng  digitalisasyon sa  government bureaucracy at pagpapabuti sa  connectivity sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

“We had a very fruitful exchange of ideas and beginnings of a plan for moving forward… And we covered so many subjects, much more than as usual for these very formal meetings. We talked about the trade imbalance between our country and China and what we can do to remedy this,” ayon sa Pangulo.

 

 

Nagbunga rin aniya ang naturang pagpupulong ng  “durian protocol,” nagtapos sa isang kasunduan para sa page-export ng  durian sa  China.

 

 

Kapwa naman sumang-ayon ang Maynila at Beijing sa isang “protocol of phytosanitary requirements” para sa pag-  export ng  fresh durian mula Pilipinas patungong China sa pagitan ng  Department of Agriculture (DA) at General Administration of Customs ng China.

 

 

“Because they are opening their trade to imports of durian and other agricultural products from the Philippines so that we can redress the imbalance in our imports and exports from China,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Pinag-uusapan din ng dalawang lider kung ano ang kanilang gagawin para  “to move forward, to avoid any possible mistakes, misunderstandings that could trigger a bigger problem than what we already have.”

 

 

“And I was very clear in trying to talk about the plight of our fishermen. And the President (Xi) promised that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial, so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Binanggit din ng Punong Ehekutibo ang naging pagpulong nila ni Chinese Premier Li Kequiang at  National Congress of the People’s Republic of China chairman Li Zhanshu.

 

 

“I met with the Premier, Premier Li, who I had met before in Cambodia. And we continued the discussions that we began there, which were essentially about the strengthening again of relationships between China and the Philippines,” ani Pangulong Marcos. (Daris Jose)