• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 20th, 2023

Mahusay na cybersecurity ng Philippines, inilahad ni Marcos sa Davos

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINULONG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland ang mahusay na cybersecurity system sa bansa.

 

 

Sa nasabing forum, inilahad ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng mas mahusay na cybersecurity system para mapangalagaan ang mga sensitibong impormasyon.

 

 

Iginiit pa ng Pangulo na isang malaking isyu ang seguridad kaya kailangan na makalikha nang mas matatag at mas matibay na sistema laban sa cyber attack.

 

 

Inamin din ng Pa­ngulo na napakabagal ng internet connectivity sa Pilipinas kaya kailangan pa ng pamahalaan na maikonek ang milyun-milyong Filipino at maisulong ang digital economy.

 

 

Nakakalungkot din umano na base sa mga isinagawang pag-aaral ay nag-uusap ang mga Filipino at nagpapaabot ng kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng internet subalit hindi kinakausap ang gobyerno.

 

 

Dahil dito kaya kumikilos na ang mga lokal na pamahalaan para matiyak ang siguradong internet connectivity infrastructure sa kanilang mga nasasakupan upang mara­ting at makaugnayan ang kanilang mga residente na nasa malalayong lugar.

 

 

Sinabi pa ni Marcos na ito ngayon ang ginagawa ng gobyerno para bubuin ang data basis ng gobyerno at isa na rito ang paggamit ng national ID para mapabilis ang public at private transactions.

 

 

Inihayag din niya na welcome sa pamahalaan ang anumang tulong para mapasigla ang mga i­nisyatibo sa digitalization.

 

 

Nabatid na sa ilalim ng administrasyong Marcos pinagana muli ang libo-libong mga dating off-line areas na nasa ilalim ng broadband ng masa at libreng wifi program ng Department of Information and Communication Technology (DICT). (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Pinas, planong gamitin ang mining revenues para sa Maharlika Investment Fund

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ng Pilipinas na tapikin ang  mining industry para tumulong na suportahan ang nililikhang sovereign wealth fund.

 

 

Habang sinimulan  na ng 18-member government delegation ang World Economic Forum annual meetings hinggil sa global pitch para sa Maharlika Investment Fund (MIF), Ipinaliwanag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang konsepto ng  sovereign wealth fund ay  “ordinary” lamang sa ibang bansa dahil huhugutin dito ang pondo para  sa long-term investments.

 

 

“For instance,  oil-rich countries use excess money from their oil sales for such fund. Those kinds of assets are exhaustible so you need to set aside something for future generations,”ayon kay Diokno.

 

 

Samantala, nakapag-ambag naman na ang Philippine mining industry ng  ₱102.3 billion sa domestic economy noong 2020 sa kabila ng mga hamon  na bitbit ng  COVID-19 pandemic, ang tantiya ng  Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). (Daris Jose)

Asawa na si Mikee, naglabas din ng saloobin: ALEX, piniling manahimik after na mag-sorry sa maling nagawa

Posted on: January 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SI Lipa City Councilor Mikee Morada, ang humingi ng dispensa tungkol sa viral icing-smearing video involving his wife, Alex Gonzaga. 

 

 

Sa kanyang personal facebook account:

 

 

“Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration.  Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali.

 

 

“Nagkamali talaga siya.  Na-recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan.  Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa rin sa kanya.

 

“Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati pinagdaanan niya bilang babae ay naungkat pa.  Kahit nagkakamali ang isang tao, wala pa rin tayo karapatan murahin ito.

 

 

“Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa  sa taong pinaka-naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan.

 

 

“Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito.  Humihingi kami ng paumanhin sa inyo.”

 

 

Dagdag pa Mikee, “Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali.

 

 

“Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo.  Pero may awa ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat.

 

 

“I love you!”

 

***

 

 

TOTOO kaya ang balitang babalik daw muli si Jona (Jonalyn Viray) sa GMA Network, dahil nag-expire na ang kontrata nito sa ABS-CBN?  Matatandaan na nanalo noon si Jona bilang first Pinoy Pop Superstar grand winner sa GMA.  Siya, with Aicelle Santos at Maricris Garcia ang bumuo ng trio girl-group na La Diva, until umalis siya at lumipat sa ABS-CBN.

 

 

Doon niya pinalitan ang original name niyang Jonalyn Viray as Jona.  Doon siya nakilala sa pangalang iyon sa mga shows niya here and abroad ng ABS-CBN.

 

 

Kung makabalik si Jona sa GMA, ibabalik kaya nila ulit ang La Diva trio nila nina Aicelle at Maricris?

 

                                           ***

 

 

THE King of Talk Boy Abunda makes his much-awaited television comeback via “Fast Talk with Boy Abunda” beginning this Monday, January 23 from 4:05 – 4:25p.m. on GMA Network

 

“There’s no stopping GMA Network from bringing up-to-the-minute showbiz news that are based on facts and public interest.  That is why the showbiz authority, Mr. Boy Abunda, is all set for his newest daily talk show.”

 

 

Ipi-feature ni Boy Abunda ang rundown and analysis of the latest showbiz news and interviews with celebrities.

 

 

For the pilot week, Boy has a powerhouse list of guests including Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Box Office Queen Bea Alonzo, and Sparkle prime stars Glaiza de Castro (with husband David Rainey) and Paolo Contis.

 

 

Ang “Fast Talk with Boy Abunda” ay mapapanood din abroad via GMA Pinoy TV.

(NORA V. CALDERON)