• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 1st, 2023

Labi ni Ranara, isinailalim sa NBI autopsy

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINAILALIM na sa awtopsiya ng mga forensic expert ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labi ng OFW na si Jullebee Ranara, na pinaslang at sinunog sa Kuwait ng kanyang tinedyer na amo.

 

 

Makaraang duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara, agad na nagtu­ngo ang NBI forensic team sa punerarya sa Bacoor, Cavite na pinagdalhan sa bangkay.

 

 

Layon ng awtopsiya na masuri ang tinamong panloob at panlabas na pinsala sa katawan ng Pilipina para matukoy ang mga sirkumstansya na dahilan ng kaniyang pagkasawi.

 

 

Inaasahan naman na matatapos ang “histopathology at general toxico­logy examinations” sa mga sampol na tisyu sa loob ng dalawang linggo.

 

 

Nabatid na duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara nitong Biyernes ng gabi at mismong ang pamilya niya ang humi­ling sa NBI na isailalim sa awtopsiya ang bangkay.

 

 

Natagpuan sa isang disyerto sa Kuwait ang labi ni Ranara na sinunog. Itinuturo ang 17-taong gulang na lalaking amo ng biktima na siyang suspek sa pagpaslang at sinasabing panggagahasa sa OFW. (Daris Jose)

E-sabong isama sa mga illegal gambling – PNP

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.

 

 

Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.

 

 

Sinabi ni Azurin na  dapat na mabigyan ng kaukulang parusa ang mga service providers na hindi magba-block ng e-sabong websites.

 

 

Ipinaliwanag pa nito na, kailangang naka-block ang website ng e-sabong at hindi lamang tatanggalin ang website dahil maaari pa rin itong ma-access bunsod ng  teknolohiya.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin umanop sila sa Department of Information and Communications Technology(DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) upang masugpo ang e-sabong partikular ang mga e-sabong operators.

 

 

Nakaraang taon nang suspindihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang in Executive Order (EO) 9 ang  online sabong sa buong bansa.

Bukod sa ‘di matatawaran ang pagtulong sa mga OFWs: ARNELL, naglunsad ng health and wellness campaign para sa OWWA employees

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GRABE at hindi talaga matatawaran ang dedikasyon at concern ng Executive Director Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), na kapag nagkakaroon ng problema at agad siyang gumagawa ng solusyon, katulad na lang ng bagong kaso ng isa nating kababayan sa Kuwait na patuloy nilang tinututukan at nangakong silang hindi pababayaan, pati na ang pamilya nito.

 

 

Pero bukod dito, kailangan din nilang bigyang pansin ang kalusugan ng mga empleyado ng kanyang pinamumunuang ahensya ng gobyerno. Kaya naman naisipan nilang ilunsad ang health and wellness campaign, kasama ang OWWA Deputy Administrator na si Honey Quiño.

 

 

Aminado si Arnell na minsan ay halos 24 hours ang inilalaan nilang oras para makapagtrabaho sa OWWA kaya naman apektado na ang kanilang kalusugan. Hindi talaga maiiwasan angsobrang pagpupuyat, ‘di pagkain ng tama at healthy food, at sobra-sobrang stress.

 

 

Ipinakita nga sa amin ni Arnell ang kanyang opisina, na kung saan meron siyang simpleng bedroom, dahil doon na siya halos nakatira at ‘di nakakauwi sa kanyang sariling tahanan. Nawala na rin ang kanyang social life, na nagagawa niya noong nasa showbiz pa siya.

 

 

Mas matindi pa nga trabaho niya, kumpara sa puyatan sa taping o shooting sa showbiz.

 

 

Kuwento pa ng administrator, “Sa showbiz ganoon din ginagawa namin eh, tuloy-tuloy ang trabaho. Pero iba ang stress dito sa OWWA and for good reason. Kasi buhay ng ating mga bayaning OFW ang pinag-uusapan. Hindi ka puwedeng basta-basta na lang.”

 

 

Dagdag pa niya, “It’s not an easy task. It’s taxing on the mind, body.

 

 

“Dahil sa dami ng trabaho, wala na akong exercise. Hangga’t maaari kapag may free time, tini-take advantage ko ito to get some much needed sleep.”

 

 

Isa pa sa sakripisyo ni Arnell, kahit ang anak pala niya ay hindi na rin niya nakikita at nakaka-bonding sa rami ng trabaho sa OWWA.

 

 

“Kasi tila hindi lang ako ang nakalimot na sa benepisyo ng ehersisyo rito. Dahil sa aming trabaho, marami sa amin ang out of shape, lethargic, walang energy and I think we have to take care of ourselves as well. So, I thought, maybe it’s time we implement something that would somehow mitigate that,” kuwento pa niya.

 

 

Nasaksihan naman namin ang pangunguna nina Arnell at Honey sa Zumba dance session para sa mga empleyado ng OWWA, na ginanap sa labas ng building. Bago mag-join ang bihis sina Arnell, nagsalita muna siya na halos pagbibiro, na dapat daw seryosohin at bigyan ng oras sa natuwang health and wellness campaign, dahil hindi maganda sa katawan ang benepisyo nito, pati na rin sa maayos na pag-iisip nang sa ganun makapagtrabaho siya at makatulong sa mga nangangailang OFWs.

 

 

Pangako pa ni Administrator Arnell, na sa susunod nilang Christmas party sa December ay magkakaroon sila ng awarding sa mga employees na malaki ang nabawas na timbang, lalo na ‘yun naglalakihan ang mga tiyan.

 

 

Meron din palang basketball team ang OWWA, na isa rin sa tututukan niya, na mag-improve. Ang naturang sports para sa mga kalalakihan ay malaki ang tulong para sa kanilang maayos na kalusugan.

 

 

Tama nga naman si Arnell, na dapat maging healthy ang mga empleyado, at parang bawal talaga ang magkasakit, sa rami at tindi ng kanilang trabaho sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

 

 

Anyway, si Arnell ay in-appoint noong 2016 ni President Rodrigo Duterte bilang Assistant Vice President for Community Relation and Services Department of the ng PAGCOR, na kung nagsilbi siya hanggang January 2018. Dahil inilipat siya sa OWWA bilang Deputy Executive Director and Deputy Administrator.

 

 

After almost a year, na-resign siya noong February 2019 dahil sa personal reasons. Pagkalipas ng ilang buwan muling kinuha ang kanyang serbisyo para maging Administrator, na kung saan bihisa na at alam ang pasikot-sikot sa mga nagiging problema ng OFWs. Na kung saan maraming programa at serbisyo ang ipinagkakaloob nila tulad ng financial and legal assistance, at serbisyong legal. Nakapagpo-provide din ang OWWA ng scholarships, calamity assistance at social benefits sa bawat miyembro ng OFW.

 

 

Last year (August 10, 2022), in-appoint naman siya ni President Bongbong Marcos as the new administrator ng OWWA at patuloy nga ang masigasig na pagseserbisyo ni Administrator Arnell Ignacio.

 

(ROHN ROMULO)

Nalungkot dahil sa USA magka-college si MIEL: SHARON, pinagpi-pray na matagpuan na ni KC ang ‘true love’

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY pa rin si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa kanyang advocacy na tumulong sa mga nangangailangan.

 

 

Kaya naka-set na siya to appear on the cover of a new fashion bookazine (book magazine), for the benefit of visually-impaired children under the care of charities he is supporting.

 

 

Kasama rito ni Alden ang good friend and fashion line collaborator, celebrity fashion designer, si Avel Bacudio, na nag-share din ng mga exclusive photos ni Alden na kuha nila noon sa New York, para sa cover at cover feature din ng fashion book, ang “Pormang Artista: 100+ Celebrities on Fashion and Style.”  Bale second installment na ito ng best-selling bookazine “Mukhang Artista: 100+ Celebrities on Beauty and Make-Up” with Kylie Padilla naman as cover.

 

 

Naging devoted si alden na tulungan ang mga blind children, matapos niyang mag-immersion noon, kasama ang mga bulag, nang gawin niya ang GMA series niyang “The Gift,” na gumanap siyang isang bulag.

 

 

Since then, lagi niyang naiimbita ang mga blind kids na mag-guest tulad noong kanyang 2018 concert.

 

 

Ayon pa kay Alden, “one of the best voices I heard in my life, are those blind kids. They sing very well, regardless of their disability they can still deliver a great experience to other people through songs.”

 

 

***

 

HAPPY si Megastar Sharon Cuneta last Christmas hanggang birthday niya last January 5, dahil bumalik sa bansa ang panganay niyang si KC Concepcion from Los Angeless, California.

 

 

Nang mag-guest si Sharon sa ‘Magandang Buhay,’ inamin niya na “polar opposites” sila ni KC.

 

 

“There was a lot of things na she and her papa are very much alike, pero anak ko siya, bali-baligtarin man ang mundo isa lang ang nanay mo at siya lang panganay ko.

 

 

“I’m proud of her achievements, she’s a hard worker and I’m proud of that, iyon ang naipamana ko sa kanya, na you don’t need a man in order to survive pero I’m still praying, syempre, I want her to find true love”.

 

 

Na aayon sa social media, KC is now in a relationship with Filipino-Swiss Steve Michael.

 

 

Pero nalungkot si Sharon ngayong her youngest daughter Miel Pangilinan is graduating na in high school at will go to college na.

 

 

Gusto pala ni Miel to study rin abroad like her older sister Frankie, pero nakiusap si Sharon, “here na lang, pls, pls, pls?  Oh, well… you know Dad and Mama will give you what you want, even if it’ll hurt to be away from you.”

 

 

So, may time pa si Sharon na makipag-bonding kay Miel, bago ito pumunta ng USA this summer.

 

 

***

 

NANGHIHINAYANG ang mga fans nina Barbie Forteza ng “Maria Clara at Ibarra,” Jillian Ward ng “Abot-Kamay Na Pangarap, at Kate Valdez ng “Unica Hija,” dahil sunud-sunod na magtatapos ang kani-kanilang teleserye sa GMA Network.

 

 

Pumasok na si Klay (Barbie Forteza) sa mundo ng “El Filibusterismo.”  Paano kaya niya maililigtas ang mga kaibigan niyang sina Ibarra/Simoun (Dennis Trillo), Maria Clara (Julie Anne San Jose) at si Fidel (David Licauco).  Napapanood ang serye 8pm gabi-gabi.

 

 

Makikilala na ba ni Analyn (Jillian) na ang tunay niyang ama ay si Dr. RJ Tanyag (Richard Yap)? Paano na ang relasyon ng ina niyang si Lyneth (Carmina Villarroel) at Michael (Dominic Ochoa)?  Ano ang gagawin ni Moira (Pinky Amador) kapag nalaman niyang totoo ang hinala niya tungkol kina Lyneth at Dr. RJ?  Napapanood ang serye Mondays to Saturdays, 2:30pm.

 

 

Labis naman ang paghihirap ni Kate Valdez sa dual role niya as Bianca and her clone na si Hope.  Nakilala na ni Hope ang tunay na inang si Diane (Katrina Halili), hindi siya matanggap nito, at nakulong pa siya sa nasusunog na laboratory, mabuti at nailigtas siya ni Ralph (Kelvin Miranda).  Matanggap na kaya siya ni Diane na tunay niyang anak?

 

 

“Unica Hija” daily at 3:25pm.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Sa bahay lang nag-celebrate ng wedding anniversary… MIKAEL at MEGAN, wala pang planong magka-baby at happy sa kanilang pets

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-CELEBRATE ng kanilang 3rd wedding anniversary ang mag-asawang Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young. 

 

 

Kinasal ang dalawa noong January 25, 2020.

 

 

Sa kanilang YouTube channel, nag-post sila ng isang nostalgic compilation video.

 

 

Sa Instagram ni Megan, binalikan niya ang 12-year relationship nila ni Mikael sa pamamagitan ng mga sweet photos nilang dalawa.

 

 

Caption pa niya: “3 years married and a total of 12 years by your side #BonezFofoForever.”

 

 

Walang big party sa anniversary nila ni Mikael. Sa bahay lang daw sila ay nanonood sila ng pelikulang ‘Everything Everywhere All At Once’ ni Michelle Yeoh habang kumakain ng Korean snack bibimbap kasama ang kanilang furbabies.

 

 

Si Mikael naman ay nag-post sa kanyang Instagram ng mga never-before-seen moments sa wedding reception.

 

 

Sey ni Mikael: “I’d love to elaborate on the inside scoop of these photos/videos but I think I’d need a podcast to explain everything LOL. On that note, comment below if you also don’t remember most of your wedding reception as well.”

 

 

Hinahanapan na ng kanilang followers sa social meda ng anak ang dalawa. Pero mukhang wala pa sa plano ng dalawa ang magkaroon ng baby at mukhang happy sila sa kanilang mga furbabies.

 

 

***

 

 

MALAKI ang paniniwala ng bagong GMA Music artist na si Abby Clutario na puwedeng makilala sa buong mundo ang OPM (Original Pilipino Music).

 

 

Tulad daw ng K-pop, na maraming fans worldwide, kaya raw ma-achieve iyon ng OPM sa pamamagitan ng suporta mula sa mga Pinoy at ng lokal na gobyerno.

 

 

“Ang K-pop, Koreanovela, everything that’s Korean, bakit ba siya umabot dito? Because sila, mismo, they can promote themselves kahit sa kanila lang, even with their language.

 

 

“Kahit di natin naintindihan, puro subtitles lang, ‘yung K-pop sobrang dalang lang makita natin ‘yung English doon para maka-relate tayo, but still, alam natin siya.”

 

 

“If they can recognize the talent ng Philippines, then we can. Puwede natin talaga ‘yun magawa worldwide,” sey ni Abby.

 

 

Unang single ni Abby sa ilalim ng alternative music label ng GMA Music na AltG Records, pinili niya ang song ng UDD na “Tadhana” kesa sa mag-cover version siya ng isang foreign song.

 

 

“Pinoy na Pinoy ang tunog ng Tadhana. Mula sa lyrics at sa melody, it’s 100% Pinoy music. Madaling maka-relate sa song. Kaya sa mga susunod kong singles, I will be making original songs again and once in a while, cover version ng ibang OPM songs.”

 

 

Pasok agad ang “Tadhana” at no. 5 on iTunes Philippines’ Top 100 Songs chart noong i-release ito at included pa sa Spotify’s Fresh Finds Philippines playlist.

 

 

Gamit ni Abby na instrument ay ang Chapman Stick na isang electric instrument na may 10-12 strings. Ilang sa mga international music artists na gumamit nito ay sina Carlos Alonso of Glueleg, Jeff Ament of Pearl Jam, John Balance of Coil and Current 93, Blue Man Group, Zeta Bosio of Soda Stereo, Brian Bourne and Terry Burrows.

 

 

Kilala sa indie music scene si Abby. Vocalist at keyboardist siya progressive rock band na fuseboxx, at member din siya ng world fusion group na Manila Sky.n Nakapag-perforn na rin siya ng solo bilang singer-pianist para sa mga Filipino artists tulad nila Ryan Cayabyab, Noel Cabangon, and Kate Torralba.

(RUEL J. MENDOZA)

DepEd, nagsisi sa kakulangan ng guidance counselors, nangako na aayusin ang pay issue

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang Department of Education (DepEd) na kapos ito sa guidance counselors para daluhan ang “psychosocial needs” ng mga estudyante.

 

 

Ang kakapusan sa mga guidance councilors ay bunsod ng mababang bayad at kakulangan ng  career progression.

 

 

“Nahihirapan tayo mag provide ng guidance counselors sa lahat ng paaralan dahil sa salary grade ng guidance counselors,” ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa sa isang panayam.

 

 

“Parang wala silang career progression sa ngayon,” dagdag na wika nito.

 

 

Araw ng Huwebes, nasawi ang isang 12-taong gulang na bata matapos niyang aksidenteng maputukan ang sarili ng baril na kaniyang dinala sa eskwelahan sa San Jose Del Monte City, Bulacan habang noong nakaraang linggo ay patay aman ang isang grade 7 student matapos saksakin ng kanyang kaklase sa loob mismo ng paaralan na pinapasukan nito  sa lungsod ng Quezon.

 

 

Tinuran ni Poa na ang mga violent incidents na kinasasangkutan ng mga kabataang estudyante ay maaaring may kaugnayan sa mental health issues.

 

 

“The problem is deeper than security,” ayon kay Poa sabay sabing ang presensiya ng guidance counselors sa bawat eskuwelahan ay makatutulong n tugunan ang “mental health needs” ng mga estudyante.

 

 

“Ang teachers, meron po ‘yang teacher 1, teacher 2, teacher 3. Pero pagdating ng sa counselors nakikita natin ‘yung kawalan ng ganoong progression and that is something we like to work on,” ang wika ni Poa.

 

 

“Ayoko muna i-preempt but that is something the Vice President would like to address sa kanyang basic education report this Monday,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ng DepEd  na hihingin nito ang tulong ng mga  mental health experts at advocates para lumikha at magpatupad ng mga programa para tugunan ang karahasan sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga estudyante.

 

 

“This is an opportunity for us lalo na ngayong we are reviewing the K to 12 curriculum to put in the subjects na hindi lang makatutulong sa academics kundi pati sa mental health at internet use,” ani Poa.

 

 

Samantala, ukol naman sa security concerns sa mga  eskuwelahan, sinabi ni Poa na inatasan na ni Vice President at  Education Secretary Sara Duterte  ang lahat ng regional at schools division offices na makipag-ugnayan sa  Philippine National Police para madetermina kung anong paaralan ang kailangang isailalim sa spot inspections ng mga armas o sandata sa hanay ng mga mag-aaral at  staff members. (Daris Jose)

Ads February 1, 2023

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Kazakhstan Asian Indoor hindi malulundagan ni EJ Obiena

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PUWERSADO si Ernest John ‘EJ’ Obiena at ang iba pang miyembro ng national pole vault team na huwag na lang sumali sa gaganaping Asian Indoor Athletics Championships sa Pebrero 1- 12 sa Nur Sultan, Kazakhstan.

 

Siniwalat ni Philippine Athletics Track and Field Association president Agapito ‘Terry’ Capistrano Martes na hindi makakalahok ang reigning World Athletics No.3 men’s pole vaulter at ang tatlong iba sa PH team sa continental meet dahil sa problema sa logistics.

 

Inesplika ni PATAFA secretary general Edward Kho, na ang mga airline sa Astana ay gumagamit lang ng maliliit na sasakyang panghimpapawid at hindi pinapayagan ang pagkakarga ng mga mahahabang pole.

 

Pero hinirit ni Capistrano na pinag-iisipan pa ni Obiena ang huling minutong desisyon kung hahabol sa biyahe sa lupa para madala ang mga pole.

 

Sinimulan ni Obiena ang indoor season sa pagkopo ng pilak at gintong medalya sa Germany at France. (CARD)

Nonito Donaire Jr. laban kay Jason Moloney, ikakasa na

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATUTUNAYAN ni 40-year old Nonito Donaire, Jr. na hindi pa siya laos sa pakikipagbasagan ng mukha sa nakatakda nitong pagsubok makasungkit muli ng world boxing title.

 

Inutusan ng World Boxing Council (WBC) na lumaban muli ang veteran boxer na si Nonito sa pro boxing, na naging kampeon na sa apat na weight division.

 

Tatapatan ni Donaire si Jason Moloney para sa bakanteng bantamweight title.

 

Inaasahan ang magkabilang kampo na sumagot kung kakagat ba sila sa nasabing laban hanggang Pebrero 17.

 

Naging posible ang matchup na Donaire kontra Moloney matapos ang pag-anunsyo ni Naoya Inoue na ibankante ang unified belt para makaakyat sa junior featherweight category.

 

Sina Moloney at Donaire ang naging numero unong choice ng WBC dahil sila ang mga bantamweight contender.

 

Magugunitang huling lumaban ang Talibon-pride boxer na si Donaire noong Hunyo 7, 2022 kung saan bumagsak siya kay Japanese monster Inoue para sa ikalawang pagkakataon.

 

Samantala, si Moloney naman ay may 4-win streak matapos kumuha ng panalo kamakailan naman kontra Nawaphon Kaikanha. (CARD)

Hidilyn, Caloy, Alex, at EJ, mga kandidato para sa PSA Athlete of the Year award

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA dami ng mga premyadong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa taong 2022 ay walang itulak kabigin ang Philippine Sportswriters Association (PSA) kung sino sa mga nasa listahan ang dapat na tanghaling Athlete of the Year.

 

Ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo, ang world-ranked pole vaulter na si EJ Obiena, ang two-time world champion na si Carlos Yulo, at ang history makers na si Alex Eala at ang Filipinas football team ay lahat ay nasa listahan prestihiyosong individual award na eksklusibong ibinibigay ng pinakamatandang media organization sa bansa.

 

Ngayong darating na Marso 6, muling ibabandera ng PSA ang tradisyonal na San Miguel Corporation (SMC)-PSA Awards Night na gagawin sa Ballroom ng Diamond Hotel.

 

Ibibigay din sa isa sa pinakamalaking PSA Awards Night nitong mga nakaraang taon na inihandog ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, ICTSI, 1Pacman, Rain or Shine at OkBet ang President’s Award, Hall of Fame, Lifetime Achievement Award, National Sports Association of the Year, Executive of the Year, Mr. Basketball, Ms. Football, Major Awards, Tony Siddayao Awards, Pioneers/Founders Awards, Lifetime Award in Sports Journalism at ang karaniwang citations.

 

Ang 31-anyos na Diaz ay napunta sa limelight kasunod ng tatlong ginto sa 88th IWF World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia.

 

Ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa ay winalis ang women’s 55kgs class sa pamamagitan ng pag-top sa snatch, clean and jerk,l at total lift para sa dominanteng panalo sa mundo sa unang pagkakataon.

 

Bukod dito ay pinaingay din ng Team Filipinas ang kampanya ng bansa sa 2022 sa isang mataas na rekord matapos nitong ilagay ang isang makasaysayang tiket para sa kauna-unahang pagkakataon sa FIFA Women’s World Cup.

 

Nagawa ito ng Filipina booters sa pamamagitan ng pinakamahusay na pagtatapos sa ikatlong puwesto sa AFC Women’s Asian Cup na ginanap sa Pune, India noong Pebrero.

 

Sa pagitan ng mga nasabing panalo, nagawa din nina Yulo, Obiena at Eala na patuloy na imarka ang pangalang ng Pilipinas sa mapa sa larangan ng sports.

 

Nanalo si Yulo ng tatlong gintong medalya sa 9th Asian Artistic Gymnastics Championships sa Doha, Qatar, at nang maglaon, nasungkit niya ang isang pilak at isang tanso sa 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa M&S Bank Arena sa Liverpool, England.

 

Hindi rin nagpatalo ang 27-anyos na si Obiena, na nakakuha ng makasaysayang bronze medal sa World Athletics Championships sa Oregon sa likod ng bagong Asian-high record na 5.94 meters sa men’s pole vault. Itinaas ng tagumpay ang tubong Tondo sa no. 3 sa world rankings.

 

At sino nga ba ang makakalimot kung paano tinatak ng kaakit-akit na Pinay na si Eala ang kanyang klase sa mundo ng tennis nang makuha niya ang 142nd US Open junior girls’ singles championship sa Flushing Meadows, New York.

 

Ang kanyang 6-2, 6-4 na panalo laban sa Czech na si Lucie Havlickova sa finals ang naging dahilan upang siya ang unang Pinoy na nakakuha ng junior singles grand slam crown.

 

Nagkataon, silang lima ay nanalo rin ng mga medalya sa 31st Southeast Asian Games, kung saan si Yulo ang nanguna sa bid ng bansa sa pamamagitan ng pagwawagi ng kabuuang limang ginto nang matapos ang Pilipinas sa ikaapat na pwesto. (CARD)