• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 8th, 2023

Phaseout ng traditional jeepney extended

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng extension ang validity ng provisional authority o prangkisa ng mga traditional jeepneys habang pinag-iisipan ang mga gagawing pagbabago sa programa ng modernization ng pamahalaan.

 

Dahil dito, ang mga libo-libong traditional jeepneys ay maaari pa rin pumasada sa kanilang ruta. Dapat sana ay wala ng bisa ang kanilang prangkisa ngayon katapusan ng March sa buong bansa habang April naman ang sa Metro Manila.

 

Ihahayag ng LTFRB board ang petsa ng bagong deadline sa madaling panahon.

 

Upang ma-extend ang prangkisa ng mga traditional jeepneys, ang mga ito ay dapat sumunod sa mga requirements sa ilalim ng programa sa modernization ng transpor-tasyon tulad ng industry consolidation upang maging kooperatiba.

 

“Only 60 percent of the target number of vehicles for modernization had complied with the requirements under the program such as industry consolidation into cooperatives, while the remaining 40 percent continue to ply routes using traditional jeepneys. The LTFRB board is still in the process of outlining the program based on our studies. We have had three extensions already and we are drafting another extension,” wika ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz.

 

Saad ni Guadiz na ang target ng LTFRB ay 95 percent ng mga sasakyan ay dapat kasama sa upgrading sa ilalim ng programa sa modernization. Mga 85,000 na traditional jeepneys ang kanilang target para sa

nasabing programa ng ito ay magsimula subalit binago ng board ang figure. Sa ngayon, may 25,000 na traditional jeepneys ang hindi pa kasama sa programa sa modernization.

 

Kinakailangan din na papalitan nila ang traditional jeepneys ng mga electronic vehicles na ayon sa kanila ay mahirap sa kanilang hanay na matupad dahil sa ngayon pa lang ay problema na nila ang tumataas ng presyo ng krudo at gasolina.

 

Ayon sa grupong Manibela na hindi nila kayang magbayad ng monthly amortization na nagkakahalaga ng P500,000 para sa operasyon ng 10 hanggang 15 modern jeepneys na nagkakahalaga ng P2.7 million kada isa.

 

Kahit pa umutang sila ng Land Bank of the Philippines para sa loans upang gamitin sa pagbili ng modern jeepneys at kahit pa bigyansila ng LTFRB na P160,000 subsidy sa mga miyembro ng isang kooperatiba ay hindi nila kakayanin. Ang kabuuang gastos ay masyadong mataas para sa kanila dahil mayroon lamang silang maigsing ruta at limitadong dami ng pasahero ang modern jeepneys.

 

Gusto ng grupo na mabigyan sila ng mas mahabang ruta na may madaming pasahero upang ang mga drivers ay magkaroon ng mas mataas na kita gamit pa rin ang traditional jeepneys.

 

Mas gusto nila ang mas malaking jeepneys na tinatawag nilang “patok” na nagkakahalaga lamang ng P1.2 hanggang P1.4 million kung airconditioned. Ayon sa kanila mas matibay ito at mananatali pa rin ang “jeepney’s iconic look.”LASACMAR

3 HVI drug pushers timbog sa buy bust sa Caloocan, higit P1M shabu, nasabat

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P1 milyon halaga ng umano’y shabu sa tatlong tulak ng illegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO at Sub-Station 14 sa pangunguna ni P/Major Segundino Bulan Jr, ng buy bust operation sa Caloocan North na nagresulta sa pagkakaaresto kay Freddie Lusac, 33, at Mary Rose Peronilla.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang medium plastic sachets at isang knot-tied plastic bag na naglalaman lahat ng humigi’t kumulang 100 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000.00, buy bust money, P1,000 bill at isang Toyota Van.

 

 

Nauna rito, nasakote din ng mga operatiba ng SDEU sa buy bust operation sa Caloocan North dakong alas-10:00 ng gabi si Sotto Angelo alyas “Boss”, 19.

 

 

Nakuha sa kanya ang tatlong medium heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman lahat ng humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P374,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Caloocan police sa pamumuno ni P/Col. Lacuesta sa kanilang masigasig na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong HVI.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ads February 8, 2023

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

First solo concert niya after six years: ‘Renaissance Tour’ ni BEYONCE, tuloy na na magsisimula ngayong Mayo

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAGING simple at tahimik ang pag-celebrate ni Kristoffer Martin ng first wedding anniversary nila ng kanyang misis na si AC Banzon. Kasama nila sa pag-celebrate ay ang anak nilang si Precious Christine.

Advances nga raw ang pag-celebrate nila ng anniversary dahil sa mismong araw ng kanilang wedding annivesary ay manonood ang misis ni Kristoffer ng concert ng K-Pop group na ENHYPEN.

“Celebrated a day earlier kasi nunuod daw siya Enhypen bukas. Siyempre di ako papatalo. Mas mauna ko siya idate kesa makita siya ni Jungwon. Happy first wedding anniversary satin misis ko. Unang taon na tama tayo sa mata ng Diyos. Mahal kita ngayon at mamahalin kita bukas,” caption ni Kristoffer sa Instagram post nito.

Nag-post din ng kanyang mensahe para sa mister si AC. Grateful daw itong maging partner for life ang aktor.

“Who would have thought that we’ll be a testament that love is sweeter the second time around? Hahahaha. Thank you for being the man that you are, the father that you are and the husband you have become. You are my comfort, my strength and my home. Happy Anniversary! I love you so muchyyyy! (Post na ako now hehehehe magdadate na kami ni Jungwon ih).”

Abala na ulit si Kristoffer sa paggawa ng teleserye at kasama siya sa cast ng megaserye na Mga Lihim Ni Urduja kasama sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Michelle Dee, Arra San Agustin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Zoren Legaspi, Jeric Gonzales, and Rochelle Pangilinan.

***


TULOY na ang Renaissance Tour ni Beyonce simula sa May 2023.

Ito ang in-announce ng Live Nation, ang producer ng tour ni Beyonce: “The concerts — set for May and June in Europe and July to September in the United States and Canada — mark the singer’s first solo tour in over six years.”

Lumabas ang official announcement ilang araw bago ang 65th Grammy Awards kunsaan nominated si Beyonce sa nine categories para sa bagong album niya na Renaissance.

Hindi pa raw confirmed kung magkakaroon ng appearance si Queen Bey sa Grammys sa darating na Sunday sa Los Angeles.

According to Variety: “There is speculation she may even perform at the ceremony — possibly alongside her husband and fellow superstar Jay-Z, who the entertainment magazine reports will take the stage with rapper and producer DJ Khaled. Sunday’s ceremony could come down to a match-up between Beyonce and British pop diva Adele, who has been nominated for seven awards.”

Ni-release noong 2022 ang Renaissance na siyang seventh studio album ni Beyonce. Bahagi ng kikitain ng tour ni Beyonce ay mapuounta sa charitable organization niya na BeyGood na sumusuporta sa small businesses, scholarship funds and local community initiatives in cities throughout the tour.

 
(RUEL J. MENDOZA)

DA, nagtakda ng suggested retail price na P125/kilo ng imported red onions

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilo sa mga inangkat na pulang sibuyas sa Metro Manila simula bukas dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin.

 

 

Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) kasunod ng endorsement mula sa mga importer, traders at retailers.

 

 

Ayon kay DA Assistant Secretary for consumer affairs at spokesperson Kristine Evangelista nakipagpulong sila sa mga stakeholders’ kasama ang mga importer, traders at retailer.

 

 

Napagkasunduan nilang irekomenda ang P125 kada kilo ng suggested retail price (SRP) para sa mga inangkat na red onions na ngayon ay naaprubahan na.

 

 

Ang suggested retail price ay nag-average ng halaga ng mga red onions, na humigit-kumulang P77 kada kilo, ang presyo ng wholesaler na humigit-kumulang P94-110 kada kilo at ang gastos ng mga retailer tulad ng renta.

 

 

Naghahanap ng paraan ang Department of Agriculture na ipatupad ang Suggested Retail Price sa kalagitnaan ng linggo upang mabigyan sila ng oras na maipalaam sa publiko ang impormasyon at para sa mga retailer na mag-adjust.

 

 

Nilinaw din ng opisyal na ang mga red onions lamang ang magkakaroon ng SRP dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng pagpasok ng mga imports at local harvests.

Makakasama muli sina Vic, Sylvia at Martin: ICE, kinakabahan pa rin kapag may big concert

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MADAMDAMIN ang last taping day ni Dennis Trillo para sa hit serye na Maria Clara At Ibarra.

 

Gumanap siya sa serye bilang Crisostomo Ibarra sa unang bahagi ng serye, kung saan inilahad ang kuwento ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Nang tumawid ito sa kuwento ng ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo, agad ding nag-transition si Dennis bilang ang misteryosong alahero na si Simoun.

 

Hindi naman napigilan ng cast at crew ng serye na palakpakan i-cheer si Dennis nang matapos nito ang huling eksena niya sa set.

 

Ibinahagi ng Spanish language coach ng serye na si Roven Alejandro sa isang TikTok video na ang mga tagpo sa last taping day ni Dennis.

 

“Maraming salamat, ginoo, sa inspirasyon na patuloy mong ibinabahagi sa amin,” sulat niya sa video.

 

Makikitang bahagi rin ng eksena sina David Licauco, Kim de Leon, Luri Vincent Nalus, Jon Lucas, at Chai Fonacier.

 

Kumuha rin si Dennis ng litrato kasama si series director Zig Dulay.

 

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

 

***

 

NAKAGUGULAT pero kinakabahan pa rin pala si Ice Seguerra kapag may performance.

 

Kahit mahigit tatlong dekada na sa show business ay aminado ang singer na kinakabahan pa rin siya sa tuwing may big concert ito.

 

Sa darating na February 18, gagawin ang kaniyang Becoming Ice anniversary concert sa Waterfront Cebu City.

 

Unang isinigawa ni Ice ang kanyang 35th anniversary concert noong October 2022 sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.

 

Sabi ng “Pagdating ng Panahon” singer tungkol sa kaniyang Cebu show, “Woooooh! Naaalala ko when we first did the show sa Solaire. Ibang klase yung kaba at stress na naramdaman ko. It’s always a different feeling headlining a major concert at kahit ilang taon ko na ginagawa to, hindi nagababago yung pre-show jitters.

 

“Pero nung isa-isa nang nag confirm yung mga guests, gumaan pakiramdam ko coz I knew I’d be sharing the stage with friends. Napakaswerte ko na kahit big names sila sa industriya, mabilis na “yes” agad when I asked them to be part of the show.”

 

Makakasamang muli ni Ice sa kaniyang concert si Bossing Vic Sotto at aktres na si Sylvia Sanchez, na co-producer ng concert. Mapapanood din sina Martin Nievera, Bayang Barrios at Frenchie Dy sa Becoming Ice concert.

 

***

 

PASABOG ang mga rebelasyon ni Pokwang sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tulad na lamang ng inihayag ni Pokwang na hindi boto ang kanyang ina sa pakikipagrelasyon niya kay Lee O’Brian.

 

“Naging matigas ang ulo ko. Ayaw ng nanay ko sa kanya,” anang Kapuso comedienne na humingi ng tawad sa kanyang ina na namayapa na matapos na mauwi sa masaklap na hiwalayan ang relasyon nila ni Lee.

 

“Ma sorry. Sorry Ma hindi ako nakinig sa ‘yo. Sorry po. Kailangan ko po ng yakap niyo Ma. Nami-miss ko na si Mama, pero ‘di ba ayokong sumama,” sabi ni Pokwang.

 

Unti-unting nanghina ang ina ni Pokwang dahil sa dementia, hanggang sa pumanaw ito noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya.

 

Ipinaabot din ni Pokwang sa mga anak ang aral na kaniyang natutunan matapos ang hiwalayan nila ni Lee.

 

“Magtira kayo para sa sarili niyo mga anak. Kasi ‘yun ang hindi ko ginawa. Magtira kayo para sa sarili niyo para kapag dumating ang tamang tao meron pa kayong isi-share na pagmamahal para sa tamang tao sa buhay niyo,” pahayag niya.

 

Sa parehong panayam, nagtapat si Pokwang na may kinalaman sa pera at third party ang naging paghihiwalay nila, na taliwas sa mga una niyang pahayag.

 

Inilahad ni Tito Boy na bukas ang “Fast Talk with Boy Abunda” para sa panig ni Lee O’Brian.

(ROMMEL L. GONZALES)

Plunder at graft, isinampa vs Bantag

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LALO pang nadagdagan ang mga kasong kinakaharap ni dating Bureau of Corrections (BuCor) head Gerald Bantag makaraang sampahan siya ng mga kasong plunder at graft sa Department of Justice (DOJ) kahapon.

 

 

Si BuCor acting director Gregorio Catapang Jr. ang naghain ng mga kaso laban kay Bantag. Kabilang dito ang 11 kaso ng “malversation through falsification of official documents”, 11 “graft”, at 11 paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees.

 

 

Sinampahan din si Bantag ng kasong admi­nistratibo dahil sa “grave misconduct, dishonesty and conduct prejudicial to the interest of the service”.

 

 

Ilan sa akusasyon laban kay Bantag ay ang maanomalyang bidding para sa konstruksyon ng tatlong bilangguan sa Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan at sa Leyte Regional Prison, na nagkakahalaga ng P1 bilyon.

 

 

Sinabi ni Catapang na gumawa si Bantag ng hiwalay na Bidding and Awards Committee para sa naturang mga proyekto. Minaniobra umano ang naturang bidding nang magwagi ang Joint Venture ng CB Garay Philwide Builders at Rakki Corp. kahit na kulang-kulang ang mga ito sa requirements.

 

 

Ilan pa sa mga tauhan ng BuCor na kasama sa kaso ay sina: Correction Technical Supt. Arnold Jacinto Guzman; Correction Inspector Ric Rocaturba; Correction Inspector Solomon Areniego; Correction Technical Officer (CTO) 1 Jor-el De Jesus; CTO2 Angelo Castillo; at CTO2 Alexis Catindig.

 

 

Una nang nahaharap si Bantag sa dalawang bilang ng kaso ng pagiging utak umano sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Mabasa at inmate na si Jun Villamor. (Daris Jose)

Bahay ng pulis pinasok ng kawatan, baril at P30K cash natangay

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NATANGAY ng hindi pa kilalang magnanakaw ang issued firearm, P30,000 cash at cellphone ng isang pulis matapos pasukin ang bahay ng biktima sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa pahayag ni PSSg Gorgonio Pedro Buntan III, 45, nakatalaga sa Navotas police SWAT kay PSSg Karl Benzon Dela Cruz, natutulog siya sa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa Pat Buntan Corner Judge A Roldan St., Brgy., San Roque nang magising siya dakong alas-4:00 ng madaling araw para magbanyo.

 

 

Habang papunta sa banyo ay napansin ng biktima na nakaawang ang pinto ng kanyang bahay at nang kanyang tingnan ay nadiskubre niya na sira na ang pinto at puwersahang binuksan.

 

 

Agad niyang tiningnan ang kanyang personal na mga gamit sa ground floor hanggang sa matuklasan niya na ang kandado ng kanyang cabinet ay sira na at puwersahang binuksan.

 

 

Nang tingnan niya ang kanyang mga gamit sa loob ng cabinet ay nadiskubre niya na wala na ang kanyang issued firearm na isang Beretta 9mm pistol na may serial number P63495Z, Php 30,000.00 at cellphone na nasa Php 6,000.00 ang halaga.

 

 

Ipinaalam niya ang pangyayari sa kanyang mga kapabaro na nagsasagawa na ng follow up operation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

PBBM, nakikita ang mababang power rates sa Mindanao sa paglulunsad ng WESM

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang paglulunsad ng  Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa Mindanao ang magsisilbing hudyat para sa  investments at economic activity sa rehiyon, partikular na sa manufacturing at iba pang  energy-intensive industries.

 

 

Ayon sa Pangulo,  ang WESM sa kalaunan ay makalilikha ng hanapbuhay at oportunidad para sa mga residente at maging makaaapekto sa  power pricing lalo pa’t hinihikayat nito ang generators na makipag- compete at magbenta ng kanilang electricity sa mababang presyo “to secure a dispatch schedule.”

 

 

“Indeed, the presence of WESM in Mindanao and an interconnected and interdependent grid in the country will not only ensure a level playing field in the competitive energy market but will also provide assurance to investors,” ayon kay Pangulong Marcos sa  ceremonial launching ng WESM sa Mindanao Grid sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“In the long run, WESM will help in sustaining power generation investments to meet the ever-growing electricity demand,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang paliwanag naman ng Presidential Communications Office (PCO), ang WESM ay isang centralized venue para sa  trading electricity para sa  large-scale buyers at sellers at naglalayong magtatag ng “competitive, efficient, transparent, at reliable market” para sa elektrisidad.

 

 

“With the integration of the three main grids in WESM, the country can hopefully achieve its goal of having a joint WESM for the entire country and of attaining total capacity for the Philippines’ power demands,” ayon sa Pangulo.

 

 

Aniya pa, ang paglulunsad ng WESM ay isa ring mahalagang hakbang  para i- rationalize ang  power capacity at distribution ng bansa, umaasa na ang pagbaba ng fuel prices sa world market ang magiging daan para sa mababang  power costs  hindi lamang para sa industrial user kundi maging sa  household consumers.

 

 

Sinabi pa ng PCO na ang  Mindanao ay mayroong electrification rate na 87% at ang WESM sa Mindanao ay magkakaroon ng “crucial role” sa matagumpay na operasyon ng Mindanao-Visayas Interconnection Project (MVIP) lalo pa’t pinapayagan nito ang “efficient transmission and settlement” ng  electricity exchanges.

 

 

Sa ngayon, ang Mindanao ay mayroong 4,321 megawatts ng registered capacity, habng ang peak demand naman nito ay  2,167 megawatts lamang.

 

 

“With the establishment of WESM in Mindanao,  around 2,000 megawatts of uncontracted capacities can be sold in WESM and be dispatched at any given time, providing supply to distribution utilities, electric cooperatives and other end-users when their contracted power plants are not available,” ayon sa PCO.

 

 

Samantala, itinatag ng gobyerno ang WESM sa Luzon noong 2006, dahilan upang ang Pilipinas ay maging “first developing nation” sa Asya  na matagumpay na naipakilala ang WESM.

 

 

Taong 2010, naitatag din ang WESM  sa  Visayas.

 

 

Sa presensiya ng  WESM sa Mindanao, sinabi ng Pangulo na “looking forward” ang bansa  na makompleto ang MVIP sa pagtatapo ng Marso ngayong  taon,  na mapakikinabangan ng Mindanao at Visayas sa pamamagitan ng transmisyon ng electric power sa pagitan ng mga islang ito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Alfred Vargas to Star with Philippine Cinema Icons in ‘Pieta’

Posted on: February 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ALFRED Vargas continues to challenge himself as an actor and producer with his new project ‘Pieta’ which will start filming this February.

 

 

He will be playing the role of Isaac, who was just released from prison but believes he is wrongfully accused for the killing of his father years ago when he was young. Now, he is looking for an answer to know the truth.

 

 

Vargas will be acting with two of the most revered thespians in Philippine cinema in this cautionary tale of a mother and son trying to find answers from their tainted past as they seek redemption. No less than the Superstar and National Artist for Film and Broadcast Ms. Nora Aunor and multi-awarded actress and director Ms. Gina Alajar will play pivotal roles in the film to be directed by internationally-acclaimed filmmaker Adolfoo Alix, Jr.

 

 

Quezon City Councilor is also part of GMA’s new afternoon drama ‘Arabella’ which will premiere this February 27. Aunor’s latest film ‘Kontrabida’ won Best Asian Film in the Hanoi International Film Festival and will be released in the Philippines this year.

 

 

About ‘Pieta’:

 

 

After spending years in jail for killing his father, Isaac goes home to his mother, Rebecca (Aunor). He wanted to know the truth about his father’s death because he believes that he was wrongly accused.

 

 

But Rebecca, the key to finding out the truth, is now suffering from Alzheimer’s and is now barely able to see. She can’t recognize her own son and can’t even remember what happened in the past, mumbling rumbling thoughts and memories. Rebecca is being taken care of by a loyal friend, Beth (Alajar) who selflessly devoted herself to her.

 

 

As Isaac spends his days with his mother and warms up to her, he heeds the advice of Beth to abandon his search for the truth about what happened on the day his father died. The important thing is that he’s now with Rebecca, who needs him. He may now start a new life, on a clean slate.

 

 

But Isaac will be entangled in a mess due to his previous relationships, as well as the things he accidentally committed while in jail, while trying to save a friend’s life.

 

 

Isaac will be haunted by his enemies, as events unfold regarding Rebecca’s role in his father’s death, and Beth’s efforts to hide the truth.

 

 

What follows is an unconventional tale that will test our notions of what love can and cannot do.

 

 

‘Pieta’ is produced by Alternative Vision Cinema and Noble Wolf Films.

(ROHN ROMULO)