• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 17th, 2023

Kahit sugatan at duguan: KRISTOFFER, natapos at nag-2nd place pa sa sinalihang triathlon

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
KAHIT sugatan at duguan, nagawang matapos ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang sinalihan nitong triathlon kamakailan.

Nag-2nd place pa ang aktor sa naturang competition na inakala niyang hindi niya matatapos dahil sa mga natamo niyang aksidente.

May tatlong levels ang triathlon at ito ay swimming, cycling at long distance running.

Makikita sa Instagram post niya na nagkaroon ng malaking sugat sa kanyang tuhod, siko at kamay dahil sa pagsemplang niya sa sinasakyan na bisikleta.

Pero hindi raw iyon nakapanghina ng loob ng aktor dahil nagawa pa rin niyang tumakbo hanggang sa finish line kahit na duguan siya.

Nagpalakas daw ng kanyang loob na tapusin ang karera ay ang kanyang misis na si AC Banzon at ang kanilang na si Pre’ na hindi tumigil na mag-cheer sa kanya hanggang sa makabangon siya at tapusin ang sinalihan na competition.

Heto ang pinost ni Kristoffer: “LORD GRABE KA KANINA! Naka Podium tayo sa first triathlon natin mga Kapuso! 2nd place! Sumemplang pa ko sa bike. Nangyayari talaga aksidente pero grabe yung binigay na strength mo sakin Lord! Natapos ko siya dahil sayo! Grabe support system ko sa asawa at anak ko.

:Thank you mommy @acbanzooon sa pagsupport sakin sa simula pa lang ng nagregister ako hanggang sa race kanina. And kay Prè na grabe magcheer. Ginanahan ako ng malala pag-ahon ko sa dagat nung narinig ko yung sigaw niya. Pati sayo @philii.calii.doe jusko kabado ka rin ramdam ko salamat sa pagtakbo para makuhanan ako. Haha.
“Sa aming team na Core Tri team! first nating race to as a team! Proud ako sa inyo! Grabe yung fit ni @frederick_forwardmotionfits. Kahit sumemplang na and dami na sugat, namamaintain ko yung speed sa bike This race will definitely have a special place in my heart. Ang daming nangyari sa race na to. Congraaats sa lahat ng participants!”

Naging malaking tulong din daw kay Kristoffer ang naging matinding training niya para sa mega teleserye na ‘Mga Lihim ni Urduja.’

***

MAGBABALIK ang Manila Film Festival sa Araw Ng Maynila sa buwan ng June.

Nagkaroon na ng pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) at nagsimila na ang pagtanggap ng entries for original feature film screenplays noong nakaraang February 10.

Bukaas ang naturang film festival sa mga young filmmakers ng bansa. Bukas din ito na magbigay ng grants sa mga students from both private and public schools na magsa-submit ng kanilang entries.

Kabilang sa Committee of Mentors ng TMFF sina Jay Altarejos at Al Tantay. Joven Tan is the chairperson, with Jose Javier Reyes, Joel Lamangan and Pancho Maniquis as members.

Manila Vice Mayor Yul Servo (a.k.a. John Marvin Nieto) at si Mayor Honey Lacuna ang nag-revive ng naturang film festival sa taonbg ito.

“Okay lang ba na magkaroon tayo ng Manila Film Festival? Her answer was ‘Sure.’ Trabahuhin mo.’ This will not be possible without the support of our mayor,” sey ni Vice Mayor Servo.

Ayon pa sa TMFF co-chairpoersin na si Edith Fider: “The vision of the festival is to uplift the film industry and for the event to go global. We want to compete in the international market. We thought about the new filmmakers, new graduates who have fresh ideas. We are still looking for scripts – a total of eight. So far, the schools are responsive. We gave them the preliminary selection.”

“I wanted the young producers who will join to submit films that are out of the box, from new minds, new generation. The festival will screen films on the cinemas, streaming platforms and in schools. We want to support TMFF full blast. Especially the newbies, they need all the support they can get.”

Nagsimula ang Manila Film Festival noong 1966 noong mayor ng Manila si Antonio Villegas. Binalik ito noong 1992, pero muling natigil noong 2003.

Mula sa 300 entries, pipili ang committee ng 20 hanggang maiwan na ang walong official entries na bibigyan ng grants na P300,000 to a maximum of P500,000.

Ang mga entries at dapat ma-highlight ang specific landmark in Manila, tulad ng Rizal Park, Quiapo Church or Binondo.

The premiere night of the TMFF will be on June 14. Screening of official entries will be from June 17 to 24, culminating on the actual Araw ng Maynila celebration on June 24. Awarding of the winners will be announced before the Manila cityhood celebration.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads February 17, 2023

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

‘The Big One’, dapat ¬paghandaan – Romualdez

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT  ni House Speaker Martin Romualdez na dapat paghandaan ng pamahalaan, lalo na ang mga firts responders, sakaling tumama ang malakas na lindol o tinatawag na “The Big One” sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

 

 

Ayon sa mga eksperto, libu-libo ang magiging biktima ng nasabing lindol tulad ng nangyari sa Turkey at Syria kung walang paghahanda ang bawat isa.

 

 

“We want to find out if we are really  ready at ano ang dapat gawin ng publiko,” ani Romualdez. “Na-experience na kasi natin ito during Yolanda na ‘yung mga first-responders naging biktima ng nasabing delubyo.”

 

 

“Sino ang papalit sa kanila, do we have enough equipment to dig through rubbles o may sapat ba na food packs ang gobyerno sa libu-libong maaapektuhan ng lindol na ito,” pahayag pa ng Leyte solon.

 

 

Matatandaang nitong Lunes ay dumating si Turkey Ambassador Niyazi Aykol sa Kongreso para tanggapin ang $100,000 ang personal donation ni Romualdez para sa mga biktima ng lindol sa nasabing bansa.

 

 

Sinabi ni Ambassador Aykol kay Romualdez na 20 taon na raw nilang alam na tatama ang isang malakas na lindol pero hindi nila inakala na ganito ito kalakas.

 

 

Kaya naman gustong malaman ni Romualdez kung gaano kalakas na lindol o intensity ang kakayanin ng National Capital Region (NCR) at ilan ang projected casualties.

 

 

Balak ni Speaker na ipatawag ang lahat ng disaster agencies at first responder units para malaman kung may operational plan o ‘Oplan’ na ang pamahalaan. (Daris Jose)

BEN AFFLECK’S “AIR” TO BE DISTRIBUTED BY WARNER BROS. IN PH

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MANILA, February 15, 2023 — “AIR,” directed by Ben Affleck, from Amazon Studios, Skydance Sports, Mandalay Pictures, and the first project from Affleck and Matt Damon’s Artists Equity, will receive a wide theatrical release in the Philippines through Warner Bros. Pictures starting April 19, 2023.

 

 

[Watch the trailer of “AIR” at https://youtu.be/7OKPknt7EtU]

 

 

In a first of its kind arrangement, Warner Bros. Pictures is handling the international rollout of “AIR” as part of its distribution pact with Amazon’s MGM.

 

 

“Ben, Matt, and this all-star cast have delivered a fantastic film that will move, inspire, and entertain audiences around the globe,” said Jennifer Salke, Head of Amazon and MGM Studios. “With Ben’s incredible direction, the film delivers a nostalgic look back at a culture-defining moment that absolutely lends itself to a global theatrical event.”

 

 

Said director Ben Affleck: “Matt and I are very excited for audiences to see `AIR’ and proud that it’s the first release from Artists Equity. The movie was an extraordinary experience where we had the honor of working with some of the best cast and crew in the business, all of whom brought passion, persistence, and creativity to a collective effort at recreating a remarkable and aspirational story. I appreciate and value Jen Salke’s faith in our ability to execute on and deliver a movie we are proud of, as well as her and Sue Kroll’s incredible ongoing support of the film. Amazon Studios, Skydance,and Mandalay were all critical to getting this done, and the film couldn’t have been made without them.  We value the steps it took on each of their parts to make it happen and want to thank them. This was the best creative and personal experience of our lives and we look forward to many more like it.”

 

 

From award-winning director Ben Affleck, “AIR” reveals the unbelievable game-changing partnership between a then rookie Michael Jordan and Nike’s fledgling basketball division which revolutionized the world of sports and contemporary culture with the Air Jordan brand. This moving story follows the career-defining gamble of an unconventional team with everything on the line, the uncompromising vision of a mother who knows the worth of her son’s immense talent, and the basketball phenom who would become the greatest of all time.

 

 

Matt Damon plays maverick Nike executive Sonny Vaccaro and Affleck plays Nike co-founder Phil Knight with Jason Bateman as Rob Strasser, Chris Messina as David Falk, Matthew Maher as Peter Moore, Marlon Wayans as George Raveling, Chris Tucker as Howard White, Viola Davis as Deloris Jordan, Gustaf Skarsgård as Horst Dassler, and Julius Tennon as James Jordan – among others.

 

 

This marks the first time Affleck is directing a feature film starring Damon.  With a script penned by Alex Convery, AIR is produced by David Ellison, Jesse Sisgold, Jon Weinbach, Ben Affleck, Matt Damon, Madison Ainley, Jeff Robinov, Peter Guber, and Jason Michael Berman. Executive producers include Dana Goldberg, Don Granger, Kevin Halloran, Michael Joe, Drew Vinton, John Graham, Peter E. Strauss, and Jordan Moldo

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #AIRMovie

 (ROHN ROMULO)

123 aftershocks niyanig ang lalawigan ng Masbate

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na nakakapagtala ng mga aftershocks ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lalawigan ng Masbate.

 

 

Ito ay kasunod pa rin ng pagtama ng magnitude 6.0 na lindol doon kaninang madaling araw.

 

 

Sa ulat ng kagawaran, as of 12:00 ng tanghali ay pumalo na sa 123 ang bilang ng mga aftershocks na yumanig sa naturang lalawigan.

 

 

Nasa 44 dito ang naitala bilang plotted earthquakes, habang nasa 13 naman ang naramdaman.

 

 

Anila, ang naturang mga aftershocks ay mayroong lakas na 1.5 hanggang 4.2 na magnitude.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang naitatalang major damages ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Masbate na niyanig ng lindol ngunit nagpapatuloy pa rin anila ang ginagawang assessment ng local disaster response units hinggil sa mga pinsalang tinamo ng nasabing lalawigan.

 

 

Habang suspendido na rin naman ang lahat ng mga klase at trabaho sa buong Masbate bilang bahagi pa rin ng pag-iingat. (Daris Jose)

Pagkuha ng PhD sa UP, pangako sa ina: ALFRED, kinakiligan nang namigay ng roses noong V-Day

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING kinilig sa ginawa ng aktor at Quezon City Councilor na si Alfred Vargas noong Araw ng mga Puso, February 14 na kung saan bumisita siya sa University of the Philippines para mag-enroll sa UP School of Urban and Regional Planning para sa kanyang Doctorate degree on urban planning.

 

 

Nakuha ngang magpakilig ang isa sa kinilalang TV heartthrob at matinee idol dahil matapos niyang mag-enroll ay nagsimula siyang maglibot sa campus para mamigay ng red roses sa mga kababaihan na kilabibilangan ng mga kapwa estudyante, ilang guro at staff din ng UP.

 

 

Ayon sa Instagram reel post ni Konsi Alfred may caption ito na, “Met so many lovely people in UP Diliman during enrollment… So I thought of giving them roses for V-day Happy V-day, everyone!”

 

 

“BTW, I got my form 5 na! Thank you, UP!”

 

 

Ayon pa sa paniniwala ni Alfred na makakasama sina Nora Aunor at Gina Alajar sa ‘Pieta’, hindi lang dapat sa Araw ng mga Puso dapat ipinapakita ang ating pagmamahal sa mga babae sa buhay natin. Dahil araw-araw ay deserve ng ating mga nanay, asawa, kapatid, kaklase, iniirog na makatanggap ng ating appreciation, kahit sa mumunting paraan, tulad ng pagbibigay ng bulaklak o ano mang regalo na magpapasaya sa kanila.

 

 

Kaya naman ‘di naitago ang pagkakilig at pagkagulat sa ginawang pambubulaga at sweet gesture ni Konsi Alfred. Na ang Ilan at ‘di pinalampas na nagpakuha ng picture o magpa-selfie sa guwapong aktor at pulitiko.

 

 

Mayroon na ngang Master’s Degree in Public Administration si Alfred mula sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance at nasa plano niya ang mag-PhD sa Urban Planning.
Pangako rin niya ito sa kanyang yumaong ina na si Atty. Susana “Ching” Dumlao Vargas. Sa minamahal niyang ina natutunan ang pagpupursige sa pag-aaral at ang pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng serbisyon publiko.

 

 

Pagbabahagi pa ni Alfred, “Yes, after finishing my masters in public ad in UPNCPAG in 2021, I took the entrance exam of the college last year naman (2022). I passed it, and I am now pursuing my PhD in UPSURP (UP School of Urban and Regional Planning)to become an urban planner.

 

“It’s a long journey which will probably take me 4-5 years coz I’ll first have to get my urban planning diploma for the first two years, then masters for urban planning for another year, then my PhD for another 1-2 years, depending on my schedule.

 

“I love being a student again. I get a lot of insights and wisdom from my profs and classmates which I can apply as public servant. Learning is an everyday process. It should never end. I think I’ll continue to study, study, and study until I’m a senior citizen!

 

“I finished AB Management Economics in Ateneo de Manila as my undergrad. Then finished my MPA in UPNCPAG. And I will do everything I can to get that PhD from UPSURP in the next few years.

 

“I feel so lucky to have had the chance to study in two of the best universities in our country.”

 

Active na active nga si Councilor Vargas sa social media na kung saan umabot na sa 500K followers niya sa TikTok para maabot ang kanyang constituents at makapagbigay tulong at impormasyon, ginagamit rin ni Alfred ang social media para makapagpasaya ng publiko.

 

***

 

 

NAGBIGAY nga ng statement ang Movie and Television and Classifcation Board regarding sa pelikulang ‘Plane’.

 

 

Ayon kay Chair Dionella Maria G. Sotto-Antonio:

 

 

“We acknowledge the sentiments expressed by our honorable Senators concerning the film, “Plane.” Although the film is fictional, we still would not want our country to be portrayed in a negative and inaccurate light. The MTRCB will re- evaluate the film in view of their concerns and will take all necessary measures if found to be in any way injurious to the prestige of the Philippines or its people.”

(ROHN ROMULO)

Pinas, malapit na sa rice self-sufficiency sa loob ng 2 taon kung ikakasa ang ‘major reorganization’- PBBM

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit na ang bansa sa rice self-sufficiency sa loob ng dalawang taon kung ipatutupad ng gobyerno ang  “major reorganization” sa ahensiya nito.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at  National Irrigation Administration (NIA) sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“From that discussion, we have begun to put on the timetable of what are the things that we need to do. And sa aming calculation, kung magawa natin lahat ng kailangang gawin — kasi marami tayong kailangan ayusin, marami tayong ire-reorganize — pero kung magawa natin lahat ‘yan, we will be close to self-sufficiency for rice in two years,” ayon kay Pangulong  Marcos.

 

 

“There’s a great deal of work to do pero nakikita na namin kung papaano gagawin. So that’s what we will work on for now,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na kailangan ng plano ng “cooperation, convergence, and coordination” kasama ang DA, NIA, Department of Public Works and Highways (DPWH), at  National Economic and Development Authority (NEDA).

 

 

“So our next meeting will be that. Nandiyan na lahat ng mga concerned agency  and we will present the timetable as to what needs to be done, what forms of coordination need to be done,” dagdag na wika nito.

 

 

Ayon sa Malakanyang, ang gobyerno ay nagpapatupad na ng estratehiya para itaas ang  rice production, gaya ng  “convincing irrigators associations (IA) and farmers to plant hybrid rice, adopting alternate wetting and drying as a water-saving technology for irrigated lands, harvesting in September during the wet season, and ratooning after the wet season harvest.”

 

 

Ang rice ratooning o sagibo ay  ang pagpapatubo ng bagong suwi o uhay mula sa mga  pinaggapasan ng pangunahing tanim o main crop at maging  sa second crop ng palay.

 

 

Sa ratooning, hindi na kailangang  dumaan pa sa paghahanda ng lupa, pamumunla, at pagtatanim, at mas kaunting pataba ang kailangan kaya mas matipid. Bukod dito, sa tag-ulan at tag-araw, maaari ring umani ng katumbas sa 20 hanggang 60 porsyento ng main crop. Mas mabilis din itong  anihin dahil 45-60 araw lang matapos i-ratoon, ay maaari nang anihin.

 

 

Sinabi pa n Malakanyang na ang  NIA ay may total investment pledge ng mahigit sa ₱1 trillion mula sa  potential private partners, kung saan papayagan ang ahensiya na isulong ang irrigation projects nito ng walang restriksyon sa limitadong  funding.

 

 

“As of Dec. 31, 2021,  tinatayang may 2.04 million hectares (ha), o 65%  potential irrigable area ng  3.13 million ha ng bansa ang na-develop. May 1.5 milyong magsasaka ang nakinabang dito.

 

 

Tinatayang may 1.09 million ha, o 35%, ng natitirang lugar ang nananatiling kailangang i-develop.

3 patay, 1 kritikal sa pamamaril ng kapitbahay sa Caloocan

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang tatlong babae, kabilang ang 72-anyos na biyuda habang nasa kritikal naman na kalagayan ang asawa ng isa sa namatay matapos pagbabarilin ng kanilang kapitbahay sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang si Lourma Orbe, 72, at kanyang manugang na si Angelica Orbe, 39, kapwa ng No. 299 Gen. Luna St. Brgy. 10, habang dead-on-arrival naman sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang kanilang kapitbahay na si Mary Jane Abary, 48.

 

 

Ginagamot naman sa naturang pagamutan ang asawa ni Angelica na si Christian Orbe, 38, sanhi rin ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.

 

 

Hawak naman ng Caloocan City Police ang suspek na kinilala bilang si William Jaymee Sy, 46, ng No. 296 Gen. Luna st. Brgy. 10 na nahaharap ngayon sa kaukulang mga kaso.

 

 

Base sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, naganap ang insiente sa pagitan ng bandang alas-6:40 ng gabi hanggang 7:09 ng gabi sa Gen. Luna St., Corner  5th St., Brgy. 10.

 

 

Sa salaysay sa pulisya ng saksing si Shebo Orbe, 36, armado umano ang suspek ng mga baril at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong babae.

 

 

Mabilis namang rumesponde sa nasabing lugar ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek at narekober  sa kanya ang isang 9mm pistol na may isang magazine at 23 bala, isang cal. 38 revolver na may anim na bala, 12 gauge shotgun na may walong bala, folding knife, cellphone, ammunition box at glock box para sa 9mm.

 

 

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung anu ang motibo ng suspek sa pamamaril sa mga biktima. (Richard Mesa)

Sa pag-amin nina Aljur at AJ: KYLIE, pahapyaw na sinabing happy para sa kanilang relasyon

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA ang Valentine’s Day ng pamilya ni Richard Yap, nang umalis siya, kasama ang wife niyang si Melody at mga anak na sina Ashley at Dylan, for Zurich, Switzerland, last February 14.  

 

 

Ayon kay Richard, sa Switzerland na raw nila isi-celebrate ng family niya ang Valentine’s Day, na araw naman ng pag-alis nila ng kapwa Kapuso, sina Gabbi Garcia at Will Ashley, para sa pagsisimula ng shooting nila roon ng “Unbreak My Heart,” a collaboration ng teleserye between GMA Network, ABS-CBN and Viu Philippines.

 

 

Makakasama rin nila sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia.  First time na magtatambal sina Gabbi at Joshua, while Richard and Jodi will reunite, after nilang magtambal noon sa “Be Careful With My Heart.”

 

 

May additional trip pa rin sila sa Italy, dahil may kukunan din doon na mga eksena ng teleserye, na ipalalabas sa GMA-7 at will be streamed in 15 territories outside the Philippines on Viu this 2023.

 

 

***

 

 

VALENTINE’S Day report pa rin tayo:  Hindi pinalampas ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang pagsi-celebrate ng Valentine’s Day na siyempre kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto, sa Boracay.

 

 

Nag-post si Marian sa kanyang Facebook page ng pictures ng kanyang family habang nasa Boracay sila at kita mo ang kaligayahan ng buong pamilya habang magkakasama sila roon.

 

 

Very open na rin ang mag-sweethearts na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, na sa The Vineyard in Tanauan, Batangas naman nagpalipas ng Valentine’s Day.

 

 

Post ni Julie Anne, “my kind of all-day picnics and everyday Valentine’s.  Sinagot naman ito ni Rayver ng “my everyday Valentine.”  Natuwa naman ang mga fans nila, “thanks for sharing photos of your celebration.  So happy you finally find The One!”

 

 

Sa Tagaytay naman nagpalipas ng Valentine’s Day ang mag-sweethearts na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva.  Tuwang-tuwa ang mga fans ng lovers nang mag-guest si Gil sa “Fast Talk with Boy Abunda” na lahat ng tanong kay Gil sa 2-minute fast talk, lahat yata ng sagot niya ay ‘Lexi Gonzales.’  Nakatutuwa ang comments ng mga fans na “bagay kayo,” “magkamukha kayo” “para kayong kambal.”  Lahat ng mga activities nila kasi ay napapanood ng mga fans nila sa YouTube channel ni Lexi.

 

 

Isa nga ritong ipinakita ni Lexi ay nang magsabit siya ng pink lock sa Seoul Tower na may names nila ni Gil nang mag-shoot sila noon sa Korea ng “Running Man Philippines.”

 

Magkatambal ngayon sina Lexi at Gil sa “Underage”.

 

 

***

 

 

TAMANG-TAMA na media conference ng “Mga Lihim ni Urduja,” na tampok sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez,  lumabas ang balita ng pag-amin nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon.

 

 

Kaya sinamantala na ng mga press na matanong si Kylie.  Pero maingat namang sumagot ito sa tanong.

 

 

“I’m happy for everybody, and everybody’s happy, and that’s what important,” sagot ni Kylie.

 

 

“I’m just happy everyone’s finding their happiness already.”

 

 

Kasama ni Kylie ang brother-in-law niyang si Vin Abrenica at masaya siya dahil para silang isang family (ang buong cast) kapag magkakasama sa set.

(NORA V. CALDERON)

Mahigit P3.41-B pondo para sa Filipino scholars sa technical vocational institutions, inilabas na ng DBM

Posted on: February 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P3.410 billion para pondohan ang pag-aaral ng mga Pilipinong mag-aaral sa technical vocational institutions.

 

 

Ito ay kasunod ng paglagda ni DBM Secretary Amenah Pangandaman noong nakalipas na araw sa special allotment release order (SARO) para sa paglalabas ng naturang pondo sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) Act.

 

 

Saklaw sa popondohan ang gastusin sa tertiary education ng lahat ng Pilipinong estudyante sa technical vocational institutions na nakarehistro sa ilalim ng TESDA.

 

 

Nasa 54,783 target beneficiaries ang naturang programa ngayong taon na ipapatupad sa buong bansa sa pamamagitan ng Diploma Programs.

 

 

Ipinunto ng Budget Secretary na ang pinakamagandang investment para sa ating mga kabataang Pilipino ay ang edukasyon at makakatiyak din na walang mag-aaral ang mapag-iiwanan.

 

 

Sinabi din ng DNM na ang naturang pondo ay kalakip sa regular budget ng TESDA para ngayong taon kung saan saklaw dito ang payment para sa tuition fees, miscellaneous fees, accident insurance, trainee provision, health/protective equipment, internet allowance, starter tool kits, national assessment fees at iba pang school fees ng mga benepisyaryo para sa kasalukuyang taon. (Daris Jose)