NATAPOS ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang rehab ng mga train cars ng nasabing rail line kung kaya’t makakaa sana ang mga pasahero ng pagbabago sa train availability nito.
Dumating na ang final set ng 72 train-cars ng MRT na ginawa sa maintenance yard nito. Dahil dito buo at tapos na ang rehabilitation ng 23-year old na rail line kung saan ito ay natapos ng ahead ng tatlong buwan sa kanyang target date.
Sa ngayon, ang MRT 3 ay makapaglalabas na ng hanggang 21 train sets kapag peak hours upang madagdagan at mabibigyan ng serbisyo ang tumataas na bilang ng mga pasahero dahil sa pagbubukas ng klase at trabaho sa mga paaralan at opisina.
“The rehabilitation will also cut the waiting time between trains to four minutes from the previous interval of 9.5 minutes. It will also increase the speed of train cars to 60 kilometers per hour, from 30 kph, slashing travel time from end to end to just 45 minutes from 1.25 minutes,” wikani Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Noong nakaraang taon ay nagbigay ng libreng sakay ang DOTr at MRT3 sa mga pasahero ng panahon pa ng dating president Duterte subalit natapos ito ng umupo nasi President Marcos dahil sa kakulangan ng pondo.
Ang gumawa ng buong rehabilitation ay ang tatlong kumpanya ng Sumitomo Corp., Mitsubishi Heavy Industries Inc. at TES Philippines. Silarin ang gumawa ng design at building ng MRT 3 system. Ang nasabing 3 kumpanya ay siya rin nag-maintain ng system mula 2000 hanggang mag expire ang kontrata noong 2012.
Sa bagong kontrata na nilagdaan nila sa pamahalaan, ang consortium ang gagawa ng upgrading ng MRT sub-system sa pamamagitan ng pagpapalit ng revenue tracks at modernization ng signaling system nito.
Nakapagtala ang MRT3 ng 93.33 million napasaheronoong 2022 kung saan ito ay mahigit na nadoble mula sa 45.69 million nadati pang bilang ng mga pasahero noong 2021. LASACMAR