HINDI na nga nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na mag-post sa kanyang Instagram account para magpaalala at bigyang linaw na isang malaking ‘fake news’ ang mga kalat na kalat na mga produkto na in-endorse daw niya.
Kaya naman, tiyak na gigil na gigil si Mega habang tina-type ang kanyang post na dahil may bago naman products na ginagamit siya para makapanloko, “Isa pa itong FAKE!!! Madami silang produkto pang iba. Ingat po kayo! Ginagamit po kaming mga artista ng di namin alam kahit ang produktong ito di naman namin kilala! FAKE PO ITO.
“Please share and try to inform as many people as you can. Pati si @draivee ginamit din po nila, nag-edit pa ng mga video namin. FAKE PO LAHAT YON LALO NA SA FACEBOOK! Thank you po!”
Last month, may nakita kaming parang cereal na may chia seeds, na ginagamit daw ni Sharon para pumayat at ito naman may bagong lumabas na tipong gummy candies na pampapayat din. Parehong in-edit ang photo niya para magmukhang hawak niya.
Kaya naman nang makita naman si Sharon sa celebrity screening ng ‘Batang Quiapo’ nabanggit namin ang produkto sa kanya, at gulat na gulat siya. Dahil wala siyang kaalam-alam na ginawa siyang endorser, kaya mega-deny siya at dapat daw nilang magawan ng paraan at kung matunton nila ang gumagawa nito ay puwede silang magdemanda.
Sa totoo lang, hindi lang si Sharon ang biktima ng mga fake advertisements, nakita namin sa same products si Dimples Romana, Dra. Vicky Belo, Dr. Willie Ong at marami pang iba. Maging si Ara Mina at anak niya, ay naging biktima rin ng ibang products.
Dapat talaga ay may gumawa ng hakbang para matigil na ang ganitong klaseng panloloko sa publiko, na for sure, ‘yun iba ay napabili ng produkto nang makitang ini-endorse ng kanilang iniidolo.
***
SPEAKING of ‘fake news’, suspended na ang PH showbusiness department ng Pinoy History pagkatapos maglabas na gagawa raw ng pelikula sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at 2018 Miss Universe Catriona Gray under GMA Films na plano raw isali sa Metro Manila Film Festival 2023.
Last Friday, Feb. 17, ay ipinost sa Facebook page ni Pinoy History ang larawan ni Queen Car na naka-Maria Clara costume na may caption sa post, “Papaano kung ‘di namatay si Jose Rizal?’
“Iyan daw ang titulo ng pelikulang pagbibidahan ni Dingdong Dantes, makakasama ni Dantes ang mga batikang aktor ng ating panahon kagaya nila Jean Garcia, Snooky Serna, Sandy Andolong, Hero Angeles at Robert Arevalo with Luis Alandy, Jason Abalos, Ariella Arida, Benjamin Alves, Ynna Assistio at Yayo Aguila.
“Kasama sa pelikula si Catriona Gray-Milby na gagampanan ang karakter ni Josephine Bracken, dito itutuloy ang kwento at isasalarawan ang magiging pamilya ni Jose Rizal at mga kaabang-abang na eksenang hindi pa nagagawa patungkol sa magiging buhay hanggang sa ito’y mamatay sa edad na 101 noong 1962.
“Kwentong tila babaguhin ang buong kasaysayan ng bansa. Magsisimula ang kwento sa Calamba kung saan may isang bata ay nagtanong kay Gloria Romero ‘Paano Lola kung ‘di namatay si Jose Rizal?’ Ang batang ito ay apo ni Gemma Cruz-Araneta, ang apo ni Jose Rizal sa kapatid nitong si Maria Mercado.”
Kaya naman nagtatakang komento ni Cat sa post, “Grabe naman this page, lagging fake news peddler. Wala akong part ng movie na to. Name ko po, Catriona Gray – hindi pa ako married. Kaloka.”
At dahil sa fake news nilang hatid ay agad silang humingi ng apology kay Catriona.
“An apology to Miss Catriona Elisa Ragas Will Magnayon Gray. (Soon Mrs. Milby).
“The News about Catriona is part of the movie ‘What if Jose Rizal did not die’ is not true.”
Post pa ng Pinoy History, “We held meeting for the Pinoy History Showbusiness Department, we sincerely apologize to Catriona Gray, Suzette Doctolero and GMA Films for the wrong information we had in the last post about Ms Gray.
“We will ensure the verification and authenticity of the news before publishing it. Thank you for understansding it.
“As a result, PH-Showbusiness department will be suspended for posting.”
(ROHN ROMULO)