TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang isusuko na kahit na isang pulgada ang Pilipinas sa teritoryo nito sa gitna ng kasalukuyang geopolitical tension.
Sa katunayan, nangako ang Pangulo na makikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino.
“The country has seen heightened geopolitical tensions that do not conform to our ideals of peace and threaten the security and stability of the country, of the region, and of the world,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa idinaos na Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming 2023 sa Baguio City.
“This country will not lose one inch of it’s territory. We will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law. We will work with our neighbors to secure the safety and security of our peoples,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.
Aniya pa, ang kasalukuyang operating environment ay “uncertain and grows increasingly complex” at sa nakalipas na pitong buwan ay ginagawa aniya ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para patnubayan at gabayan ang bansa tungo sa high-growth trajectory.
Habang patuloy na dine-develop ng bansa ang internal resources nito, sinabi ng Chief Executive na kailangan na isulong ng bansa ang “path of prosperity” na makapag-aambag sa mga layunin nito na ibahagi sa international community.
“We have cemented our bilateral relations with our allies, with partners, with our friends. And as we work on translating these investments into material benefits for our people, we must ensure that we continue to preserve the security and the safety of our nation,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos sa mga PMA alumni na sa kahit na anumang kapasidad, umaasa siya na ipagpapatuloy ng mga ito ang “lead a life of service beyond self—an ethos that can attribute to a premier institution such as the PMA. ”
Binati ang mga awardees ngayong taon para sa kanilang kani-kanilang tungkulin, hinikayat ng Pangulo ang alumni na ang kanilang “exemplary work” ay maging “emulated and ignite a desire for service in our young cadets.”
“Inspire them once more to become leaders of character. Stay true to the ideals and values—such as integrity, service before self, and professionalism— that you have gained from the Academy that everyone should innately possess as public servants,” ayon sa Pangulo.
Simula ng maitatag ang PMA noong 1930, nakalikha ito ng “selfless individuals” na inialay ang kanilang sarili para ipagtanggol ang bansa at pangalagaan ang “democratic ideals” at kalayaan na tinatamasa ngayon ng mga mamamayang Filipino.
Samantala, pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang PMA alumni para sa kanilang kontribusyon sa bansa.
Ang kanya aniyang gobyerno ayon sa Pangulo ay patuloy na ide-develop ang bansa at maghahangad ng mas maayos na buhay para mga mamamayang filipino bilang pagdakila dahil isinakripisyo ng mga ito ang kanilang buhay para sa kapakanan ng bansa. (Daris Jose)