IBINUNYAG ng Philippine Coast Guard na mayroong nasa 26 na mga suspected Chinese maritime militia ang muling nakita malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Sa inilabas na larawan ng coastguard mula sa Maritime Domain Awareness flight na kinukumpirma ang pagkakaroon ng 26 na suspected Chinese maritime militia at Chinese Coast Guard.
Pinayuhan nila ang China Coast Guard 5304 na umalis sa lugar sa pamamagitan ng Chinese at English radio challenge.
Hindi naman malinaw kung nagsasagawa ba ng pangingisda ang nasabing mga barko ng China.
Sinabi naman ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na lumipad ang Cessna Caravan 2081 ng Coast Guard sa Ayungin at Sabina Shoals para magsagawa ng radio challenges sa Chinese coast guard vessels.
Magugunitang makailang beses ng naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs ng bansa dahil sa mga insidente sa West Philippine Sea. (Daris Jose)