• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 14th, 2023

5 pulis-escort ni Degamo, absent sa araw ng ambush

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAGRE-REPORT ni House Speaker Martin Romualdez sa Kongreso ang limang pulis-escort ng pinaslang na gobernador na si Roel Degamo.

 

 

Base kasi sa inisyal na report na natanggap ni Speaker Romualdez, hindi pumasok ang limang pulis bodyguard, na nakatalaga kay Degamo noong araw na pinaslang ang opisyal.

 

 

Ayon sa nagngingitngit sa galit na lider ng kongreso, “mga security sila ng opisyal tapos hindi sila papasok gayong alam nila na may banta sa buhay ni Gob. Degamo dahil sa away pulitika sa lugar.”

 

Sinabi pa ni romualdez, “alam na alam ng mga ang gunman na hindi papasok ang mga security escort ni Gob. Degamo kung kaya’t madali nilang napasok ang bahay ni Gob at nasagawa ang karumal-dumal na krimen.”

 

 

Dagdag pa ng representative mula sa 1st district ng Leyte, binigyan ng anim na police bodyguard si Degamo matapos mag-report ito kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos hinggil sa mga death threats na natatanggap niya. (Daris Jose)

PNP handang magbigay ng seguridad kay Teves

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na bibig­yan ng sapat na seguridad  si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves sa pagbabalik nito sa  bansa.

 

 

“We assure the family and loved ones of Congressman Teves na the PNP and other government forces [are] more than willing to provide security to him and hindi na niya kailangang mag-request,” ani PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo.

 

 

Ayon kay Fajardo, siniguro ng PNP Deputy Chief for Operations na may probisyon ng paglalaan ng seguridad kay Teves subalit kailangan lang nilang malaman kung kailan ang uwi nito sa Pilipinas.

 

 

Sa ngayon hindi pa maliwanag ang pagbabalik sa  bansa ni Teves.

 

 

Ang travel clearance ni Teves ay mula Pebrero 28 hanggang Marso 9.

 

 

Sa Amerika ang huling lokasyon ni Teves na alam ng publiko. Nitong Biyernes, naglabas ng pahayag si House Speaker Martin Romualdez na nagsasaad na pinapauwi na niya ang mambatatas para harapin ang mga alegasyon sa kanya.

 

 

Napag-alaman sa PNP na nakikipag-ugnayan na sila sa mga malalapit kay Teves para malaman kung kailan ito darating sa bansa.

 

 

Lumilitaw sa pagsisiyasat na Disyembre 2022 pa under surveillance ng mga killers si Negros Oriental Gov. Roel Degamo bago ito mapatay noong Marso 4.

 

 

Apat na suspek ang hawak na ng mga awtoridad at isa ang nasawi sa engkuwentro habang nasa lima hanggang anim pa umanong indibidwal na sangkot sa krimen ang iniimbestigahan ng PNP. (Daris Jose)

‘Political terrorism’ ang pagpatay kay Governor Degamo – senador

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INILARAWAN  ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isang “political terrorism” ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

 

 

Paliwanag ni Zubiri, sakop ito ng anti-terrorism law.

 

 

Ito at dahil ang pagpatay sa sibilyan o isang tao at pagsira ng mga ari-arian ay malinaw na pananakot.

 

 

Isa lang aniya ang mensahe ng nasa likod ng krimen: na mayrong naghahari sa Negros Oriental.

 

 

Kasabay nito, sinabi ni Zubiri na malinaw rin aniyang terorismo ang nangyari dahil puro high-powered firearms ang ginamit.

 

 

Dagdag ng senador, planodo raw ang pagpatay, pinondohan at gumamit pa ng rocket-propelled grenade. (Daris Jose)

Pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay: JASON, never sumagot at naapektuhan sa pamba-bash dahil kay MOIRA

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Palawan na nakabase si Jason Hernandez, ang dating karelasyon ni Moira dela Torre.

 

 

“Pumunta ako dun. Dapat vacation lang. Now I’m staying for the last seven months. Tapos, ang dami kong naging tropa dun, dami kong naging kaibigan.

 

 

“Dun ko na-realize na you don’t need a lot of things pala para maging masaya. Limang T-shirts, dalawang shorts, apat na brief, okay na. Ang saya!

 

 

“Sobrang saya,” pahayag ni Jason na nakausap ng press sa mediacon ng ‘The Write One’ dahil siya ang composer at singer ng kantang “Oras” na theme song ng series nina Bianca Umali at Ruru Madrid para sa GMA/VIU Philippines.

 

 

Naging mainit na isyu at hindi naging maganda ang hiwalayan nila ni Moira, at ngayon lamang magsasalita si Jason tungkol sa mga pamba-bash na dinanas niya.

 

 

“For me kasi, hindi ako affected kasi hindi ko sila kilala, e. Never ako sumagot. Hindi ko sila masisisi, kasi they know one side of the story.

 

 

“Ako, hindi rin ako magsasalita. Gets ko naman yung narrative na mukhang akong masama. Okay lang yun.

 

 

“Ako kasi, hindi ako… I’d rather be private,” seryosong sinabi ni Jason.

 

 

Pumayat si Jason dahil wala raw siyang ginagawa sa Palawan kundi tumakbo at asikasuhin ang ipinundar niyang negosyo doon.

 

 

“Same pa rin naman. Ako, ang mga friends ko nung high school ako, sila pa rin yung tropa ko hanggang ngayon. Hindi nagbago.

 

 

“Nasa Araneta ako, tumutugtog, may sold out concert, or nagbebenta ng lugaw sa airport, the same lang.

 

 

“I think, I’m not the new Jason, pero I’m much stronger. Mas matured. Mas natuto na.”

 

 

Nahingan rin ng reaksyon si Jason sa laki ng ipinayat ngayon ni Moira.

 

 

“I’m super happy for her.”

 

Wala raw silang komunikasyon ni Moira sa ngayon.

 

 

“May mga kailangan na transactions pero hanggang doon na lang.”

 

 

Lumuluwas lang raw siya sa Maynila kapag may trabaho pero sa Palawan na siya halos naninirahan.

 

 

“Gets ko si Kuya John Lloyd Cruz kung bakit siya lumipat dun. Sobrang simple,” kuwento pa ni Jason tungkol sa buhay niya ngayon sa Palawan.

 

 

“Ngayon, alam ko na yung importante sa buhay. Just friends, family, di ba? It’s all good. I’m good. Walang bitterness, walang ano. Pero gets ko naman na nasaktan siya.

 

“I think emotionally, I’m okay na, e. Siyempre sa simula, masakit, pero okay na. Like now, mas focus lang talaga ako sa family ko, sa business, sa friends,” pahayag pa ni Jason.

 

 

Kinanta ni Jason ang “Oras” bago ipinapanood ang unang dalawang episodes ng ‘The Write One’ kung saan kasama rin sina Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Mikee Quintos, Paul Salas at marami pang iba. Sa direksyon ni King Mark Baco.

 

 

Eere ito sa GMA Telebabad sa March 20, pero may advanced screenings sa VIU Philippines sa March 18.

 

 

***

 

 

SA unang pagkakataon ay magbibida sa isang pelikula si Mel Martinez at ito ay horror/comedy film na ‘D’ Aswang Slayerz’.

 

 

Matagal na si Mel sa showbiz, hindi ba siya nagkuwestiyon na tilalone overdue na ang pagkalooban siya ng isang pelikula?

 

 

Tumawa muna ito bago sumagot…

 

 

“Hindi naman po. Ako naman kasi kung ano naman yung maibibigay sa aking project, tatanggapin ko yan, e. There are no small roles, sabi, di ba, only small actors, so whether it’s big or small as long as you do your best.”

 

 

Wala rin siyang pagtatanong kung bakit ngayon lang siya nagbida?

 

 

“Hindi, wala akong ganun, e. Kasi every work for me is precious, whether… di ba for the longest time I’ve been the best friend, di ba, I’ve been the confidante, for the longest time ganun yung mga roles ko, BFF, pero minsan naman sa GMA nabibigyan naman ako ng pagkakataon na bida e, katulad sa ‘Wish Ko Lang, nagbida ako diyan, sa mga ibang mga ano na bida-bida din.

 

 

“Pero sa akin it’s all the same to me, as long as it’s work.”

 

 

Gaganap silang magtiyuhin ng isa pang bida sa pelikula, ang baguhang young actress na si Athalia Badere.

 

 

Marami silang kasamang sikat na content creators.

 

 

“We have content creators, like Christian Antolin, Magdalena Fox, Rosie Bagenben, na Tiktokerist din yan, mga influencers, and then we have Lester Tolentino, Benjie Rosales, mga Tiktokerists din yan, si Dawn Dupaya, at introducing si GJ Dorado tsaka si Chelsea Bon.

 

 

Showing na sa March 22 sa mga sinehan ang D’ Aswang Slayerz na mula sa Amartha Entertainment Production at sa direksyon ni Ricky Rivero.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Beijing, niresbakan ang US matapos siraan ang PH-China economic ties

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAGAN ng pansin ng Chinese Embassy sa Maynila ang Washington DC dahil sa paninira sa economic relations ng China sa Pilipinas.

 

 

Ang pahayag na ito ay tugon sa lumabas na ulat kung saan kinukuwestiyon ni State Department Undersecretary Victoria Nuland kung  talagang  aktuwal na nakalikha ng hanapbuhay  para sa mga Filipino ang pangako ng Beijing sa nakaraan.

 

 

“China and the Philippines are natural partners for the geographical proximity, close kinship, and complementary advantages,” ayon sa embahada.

 

 

“In recent years, under the strategic guidance of the two heads of state, China and the Philippines have deepened the synergy between the Belt and Road Initiative and the ‘Build, Build, Build’ and ‘Build Better More’ programs of the Philippines,” dagdag na wika nito.

 

 

Idagdag pa, napansin din na ang iba’t ibang government-to-government cooperation projects at ang kamakailan lamang na nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Beijing at Maynila sa agrikultura, pangisdaan,  finance, customs, e-commerce, tourism, at iba pa.

 

 

Idinagdag pa ng embahada na ang pag- export ng sariwang Philippine durian sa China ay inaasahan na makalilikha ng 10,000 direct at indirect job opportunities sa “farming, packing at logistics chain” sa Pilipinas.

 

 

“Since (President Ferdinand R. Marcos Jr.’s) state visit many Chinese business delegations are coming to the Philippines, reaching extensive agreements on expanding trade and investment cooperation between the two countries, demonstrating the huge potential and broad prospects of China-Philippines practical cooperation,” ayon sa embahada.

 

 

Hanggang sa umabot sa usapin ng lumalagong  defense cooperation sa pagitan ng US at Pilipinas, lalo na ang sinabi ni Nuland na ang access ng  Washington DC sa apat pang  EDCA ay makapagdadala ng  “economic opportunities, jobs” sa kanilang  host communities.

 

 

“Such cooperation will seriously endanger regional peace and stability and drag the Philippines into the abyss of geopolitical strife and damage its economic development at the end of the day,” ayon pa rin sa embahada.

 

 

Sinabi naman ni US Embassy spokesperson Kanishka Gangopadhyay  na ang commitment o pangako ng  Washington DC para ipagtanggol ang Pilipinas ay nananatiling  “ironclad” at maipagpapatuloy nito na palakasin ang kanilang “economic at investment relationship.”

 

 

“My only response to the PRC (People’s Republic of China) statement is to repeat what we have said for some time: The United States and the Philippines enjoy an alliance and partnership based on deep historical, economic, and cultural ties, and our shared democratic values,” anito sabay sabing “The United States and the Philippines stand together as friends, partners, and allies.”

 

 

Sinabi ng Department of Foreign Affairs  na sina Nuland at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo  ay nagpulong noong Marso 6 at tinalakay ang  mga kaganpan sa West Philippines Sea habang sinisipat mabuti ang mga plano para sa nalalapit na US-Philippines defense at foreign ministerial meeting.

(Daris Jose)

WATCH THE MUSIC VIDEO OF “SUZUME” OFFICIAL SONG BY RADWIMPS

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WARNER Bros. Philippines has released the music video of the “Suzume” Official Song by Radwimps feat toaka.  

 

 

Check it out below and watch Makoto Shinkai’s critically acclaimed magical adventure “Suzume” now playing in cinemas across the Philippines.

 

 

YouTube: https://youtu.be/n0v2uIeo4Y8

 

 

On the other side of the door, was time in its entirety—

 

 

“Suzume” is a coming-of-age story for the 17-year-old protagonist, Suzume, set in various disaster-stricken locations across Japan, where she must close the doors causing devastation.

 

 

Suzume’s journey begins in a quiet town in Kyushu (located in southwestern Japan) when she encounters a young man who tells her, “I’m looking for a door.” What Suzume finds is a single weathered door standing upright in the midst of ruins as though it was shielded from whatever catastrophe struck. Seemingly drawn by its power, Suzume reaches for the knob… Doors begin to open one after another all across Japan, unleashing destruction upon any who are near. Suzume must close these portals to prevent further disaster.

 

 

—The stars, then sunset, and the morning sky.

 

 

Within that realm, it was as though all time had melted together in the sky…

 

 

Never-before-seen scenery, encounters and farewells… A myriad of challenges await her on her journey. Despite all the obstacles in her way, Suzume’s adventure shines a ray of hope upon our own struggles against the toughest roads of anxiety and constraints that make up everyday life. This story of closing doors that connect our past to the present and future will leave a lasting impression upon all of our hearts.

 

 

Drawn in by these mysterious doors, Suzume’s journey is about to begin.

(ROHN ROMULO)

‘Everything Everywhere All At Once’, big winner sa 95th Academy Awards: MICHELLE YEOH, first Asian na manalo ng Oscar best actress at best actor si BRENDAN FRASER

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG trippy multiverse dramedy na Everything Everywhere All At Once ang tinanghal na big winner sa 95th Academy Awards dahil sa paghakot nito ng 7 awards.

 

 

Napanalunan ng naturang pelikula ang Best Picture, Best Director (Daniel Kwan and Daniel Scheinert), Best Actress (Michelle Yeoh), Best Supporting Actor (Ke Huy Quan), Best Supporting Actress (Jamie Lee Curtis), Best Original Screenplay, at Best Film Editing.

 

 

Michelle Yeoh makes history as the first Asian actress na manalo ng Oscar Best Actress. Ang kauna-unahang aktres of Asian descent na ma-nominate sa category na best actress ay si Merle Oberon para sa pelikulang Dark Angel in 1935. She was Indian-British.

 

 

Si Ke Huy Quan, na dating Hollywood child actor ay ang ikalawang Asian actor na manalo sa best supporting actor category. Ang unang Asian actor na nanalo sa category na ito ay si Haing S. Ngor para sa 1984 film na The Killing Fields. Ngot was American-Cambodian at pumanaw ito noong 1996.

 

 

Naging Oscar nominees naman noon ang mga magulang ni Jamie Lee Curtis na sina Tony Curtis at Janet Leigh. Na-nominate si Tony Curtis for best actor para sa 1957 film na Sweet Smell of Success. Si Janet Leigh naman ay na-nominate for best supporting actress para sa 1960 psychological thriller na Psycho.

 

 

Nagwaging best actor ay si Brendan Fraser for The Whale, ito ang pagbabalik ni Fraser pagkatapos nitong magpahinga sa pag-arte after 9 years. Umabot na sa sampung best actor awards ang napanalunan niya.

 

 

Ginanap sa Dolby Theater ang live presentation ng Oscar Awards kunsaan ang host ay si Jimmy Kimmel. Napanood din ang awards ceremony via live stream sa Disney+.

 

 

Heto ang iba pang winners:

Best Writing (Adapted Screenplay)
Sarah Polley, Women Talking

Best Animated Feature Film
Guillermo del Toro’s Pinocchio

Best International Feature Film
All Quiet on the Western Front

Best Documentary Feature
Navalny

Best Production Design
Christian M. Goldbeck and Ernestine Hipper, All Quiet on the Western Front

Best Sound
Mark Weingarten, James H. Mather, Al Nelson, Chris Burdon, and Mark Taylor, Top Gun: Maverick

Best Visual Effects
Joe Letteri, Richard Baneham, Eric Saindon, and Daniel Barrett, Avatar: The Way of Water

Best Cinematography
James Friend, All Quiet on the Western Front

Best Music (Original Song)
“Naatu Naatu” from RRR, music by M.M. Keeravaani, lyrics by Chandrabose

Best Music (Original Score)
Volker Bertelmann, All Quiet on the Western Front

Best Costume Design
Ruth E. Carter, Black Panther: Wakanda Forever

Best Makeup and Hairstyling
Adrien Morot, Judy Chin, and Anne Marie Bradley, The Whale

Best Live Action Short Film
An Irish Goodbye

Best Animated Short Film
The Boy, the Mole, the Fox, and the Horse

Best Documentary Short Film
The Elephant Whisperers

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Lalaki ba o Babae?: Trisha Tubu

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng isyu tungkol sa mga umano’y lalaki na naglalaro si liga ng mga babae.

 

Isa ngayon si Adamson Falcon women’s volleyball rookie sa nasa gitna ng kotrobersiya dahil kung maglaro ito ay parang may lakas ng isang lalaki bukod pa sa ang itsura, boses nito ay parang isang lalaki rin.

 

Naging palaisipan din sa mga fan at kritiko ang pagkakaroon nito ng napakalaking adams apple na makikita lang sa isang lalaki.

 

 

Sa isang interview, tahasang sinabi ni  rookie spiker  Trisha Tubu na pinipigilan niya ang “ingay sa social media” at pinananatili ang kanyang focus sa paghahatid ng panalo para sa Adamson Lady Falcons sa kanilang UAAP  women’s volleyball campaign.

Isang volleyball fan naman ang nagsabi na maging si Alyssa Valdez ay mapapahiya sa ipinakikitang husay at lakas ni Tubu na parang lalaki rin kung tumalon at dadaigin ang isang basketbolista.

 

May taas si Fubu na 5 foot  8 pero tila kaya nitong mag-dunk ng bola sa basketball ring kung susukatin ang kanyang lundag.

 

Hindi lingid sa kaalaman ni Tubu ang mga masamang komento tungkol sa kanyang hitsura. Aminado rin siyang hindi naging mabait sa kanya ang social media mula noong high school  kung saan naglaro siya sa UAAP girls’ volleyball para sa Adamson.

 

“Marami ang nagtataka at nagugulat sa aking appearance na parang isang lalaki na naglalaro sa liga ng mga kababaihan,” ani Tubu.

 

Nagtataka ang marami kung bakit private ang age, facebook maging ang gender ni Fubu at walang makuhang impormasyon ang media.

 

Matatandaang isa pang Pinoy na nakaladkad dati sa kontrobersiya kaugnay sa kanyang kasarian at ito ay si sprinter Nancy Navalta na may hawak ng Palaro record para sa 100-meter dash for girls noong 1997 at 200-meter dash for girls noong 1993.

 

Qualified umano si Navalta sa Olympics kung pagbabasehan ang record nitong nagawa pero nagkaroon ng kontrobersiya sa kanyang kasarian.

 

Base sa sex test na ginawa kay Navalta ng Philippine Center for Sports Medicine noon, si Navalta ay may kundisyon na tinatawag na hermaprodism o dalawa ang kasarian.  Sa huli, mas pinili ni Navalta na maging isang lalaki at magtapos ng criminology. Isa na siya ngayong sports consultant sa La Union.

 

Upang umano matapos na ang kotrobersiya at para maging patas din ang sports, hiniling ng mga fans sa pamunuan ng Adamson na sumailalim si Tubu sa isang examination para malamang kung siya ba ay lalaki o babae. (CARD)

Ads March 14, 2023

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments