• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 16th, 2023

ZACHARY LEVI RETURNS AS “SHAZAM!” IN THE EPIC SEQUEL “FURY OF THE GODS”

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE all-new epic adventure “Shazam! Fury of the Gods” marks the supercharged return of Zachary Levi as Shazam, the irreverent yet sincere, wise-cracking teen-turned-DC Super Hero who—along with his Shazamily—must harness their extraordinary superpowers to face off against the Daughters of Atlas. 

 

 

This trio of fierce Greek goddesses and their monsters will stop at nothing to reclaim their destiny and, oh yeah, destroy the world!

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/JvZSRT2Mqr0]

 

The film’s amped-up action, new worlds, stakes of mythological proportion, roster of aspirational heroes, exceedingly menacing villains and signature brand of humor perfectly tailored to star Levi made signing on for the David F. Sandberg-directed sequel an easy “yes” even before the script had been penned by writers Henry Gayden and Chris Morgan.

 

“I thoroughly enjoyed the pitch before I even got to read the script!” recalls Levi. “When David and Henry told me what the whole concept of the second movie was going to be, I was in. I thought, ‘These are great ingredients for building a really wonderful sequel to what we had already created,’ so I was very excited about that and about getting back together with all of the cast and crew I loved so much, and it’s just a really fun role to play. I mean, I get to be a Super Hero, and a really fun one at that.”

 

Sandberg returned to the helm excited to take the story and characters to the next level. He says, “At the end of ‘Shazam!’ we finally introduced the whole family as Super Heroes, but we just got a glimpse of that. One of the exciting things for me in this movie was exploring more about how they live as teenagers and work as Super Heroes together—and, as you might expect, it’s not always successful. Like Shazam, they are all still young at heart, some more than others, going through everything kids do.”

 

However, with all of that, there is still one secret ingredient at the core of the story that Levi believes is the real hook for audiences of all ages. He reveals, “It’s wish fulfillment! At some point in all our lives, we had dreams of becoming something like a superhero: stronger, faster, braver, or just more heroic in the world. That’s why comic books exist—these colorful pages full of fantasy, surrealism and magical realism that we can disappear into. Mix that with tons of heart and humor and charm, together with David’s direction, the terrific script, our incredible cast and crew—it all coalesces to create a superhero movie for everyone and just a really entertaining film.”

 

In Philippine cinemas starting March 15, “SHAZAM! Fury of the Gods” is distributed by Warner Bros. Philippines, a Warner Discovery company.  Join the conversation online and use the hashtag #ShazamMovie

 

(ROHN ROMULO)

Certified hot momma talaga sa silver bikini: MAX, walang balak na tumigil sa paglantad sa kanyang alindog

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Summer na, walang balak na tumigil si Max Collins sa paglantad ng kanyang alindog.

 

 

Certified Hot Momma si Max sa suot silver bikini habang dinadama ang init ng araw sa Boracay.

 

 

Nag-post si Max ng mga sizzling photo sa kanyang Instagram account at nilagyan niya ng caption na “island girl.”

 

 

Habang sa isa pang larawan, white bikini na may white fishnet tight naman ang suot niya.

 

 

Umani ng libo-libong likes at mga positibong komento naman ang ibinigay ng followers ni Max sa kaniyang posts.

 

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Max sa real status ng pagsasama nila ng mister na si Pancho Magno kung kanino may 2-year old son siya na si Skye Anakin.

 

 

Napapanood si Pancho sa GMA mega serye na ‘Mga Lihim Ni Urduja’.

 

 

***

 

 

UNTI-UNTI nang natatapos ang matagal nang pinapangarap na bahay ni Kapuso Drama Princess Barbie Forteza.

 

 

Tapos na raw ang panahon na nangungupahan sila ng bahay at sinigurado ni Barbie na magiging kumportable silang lahat sa pinapagawa niyang bahay.

 

 

Kasalukuyang nasa Chicago si Barbie para sa kanyang long-deserve vacation, pero pinost niya kanyang YouTube channel ang site visit niya na ikinatuwa ng kanyang 1.3 million subscribers.

 

 

Nagawa ngang i-share ni Barbie na may special room siyang pinagawa sa naturang bahay. Ito ay ang sarili niyang studio kunsaan puwede siyang magbabad para gawin niya ang lahat ng may kinalaman sa mga social media platforms niya.

 

 

Gagawin ngang maganda ni Barbie ang kanyang studio para doon siya mag-shoot ng kanyang mga online content at magiging exclusive ang lahat ng mga uploaded na photos at videos niya.

 

 

Bukod sa bagong teleserye na gagawin ni Barbie kasama si David Licauco sa June, may gagawin muna silang pelikula na isu-shoot sa Vienna, Austria. Lilipad daw sila for Europe kasama ang film crew on April 20.

 

 

***

 

 

SA tangkad ng baguhang Sparkle artist na si Skye Chua, puwedeng-puwede itong maging isang runway model.

 

 

May taas na 5′ 9″ si Skye at mukhang tumatangkad pa siya sa edad na 19.

 

 

Pero ang passion daw talaga ni Skye ay ang kanyang pagiging isang figure skater at bet niya talaga ang mag-compete dahil kabilang siya sa Philippine figure skating team.

 

 

Sa teleserye na ‘Hearts On Ice’, ginagampanan ni Skye ang papel na Sonja at siya ang kontrabida at mean girl sa bida na si Ashley Ortega.

 

 

Natatawa nga raw si Skye sa binigay na kontrabida role sa kanya dahil kailangan pa niyang alamin kung paano magtaray dahil tahimik at masayahin siya sa totoong buhay.

 

 

“I like to thank Ashley and our director, Dominic Zapata kasi sila ang tumutulong sa akin to bring life sa character ni Sonja. Hindi ako mataray in real life and I know na it’s all acting.

 

 

“This is my first time to really act and I am very nervous about it,” sey ni Skye na nagsabing abangan na lang ang mga eksenang tinatarayan niya si Ashley.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Reklamo sa LTO, pwede na sa online

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Maaari nang magreklamo online ang publiko sa Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng inilunsad na online complaint platform na “Isumbong Mo Kay Chief” QR code.

 

 

Ang LTO “Isumbong Mo Kay Chief” QR code ay  isang serbisyong digital na magagamit ng publiko para sa mas madaling pagpaparating ng mga reklamo at suhestiyon, gamit lang ang cellphone.

 

 

Pinangunahan ni LTO chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagpapaskil ng “Isumbong Mo Kay Chief” QR code sticker sa Licensing Section ng LTO Central Office, East Avenue, Quezon City, isa sa mga mataong lugar sa ahensya.

 

 

Nakapaskil na rin sa LTO district at regional offices sa buong bansa ang nasabing QR code sticker.

 

 

Sakaling may reklamo o suhestiyon, kailangan lamang na i-scan ang QR code gamit ang cellphone. Mula rito ay lalabas ang isang survey form kung saan ilalagay ang mga detalye ng reklamo o suhestyon na direktang mababasa ng mismong LTO Chief at maipaparating din sa mga hepe ng iba’t-ibang distrito ng ahensya. (Daris Jose)

Ibinuko ng director ng serye na labis na nag-alala: BIANCA at RURU, nagkatampuhan at nag-unfollow sa IG habang nagte-taping

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGKATAMPUHAN hanggang sa umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa Instagram ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid.

 

 

Ito ay habang nagte-taping sila para sa bago nilang proyekto, ang ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines.

 

 

Ang direktor ng show nila na si King Marc Baco ang nagbulgar nito.

 

 

Ayon kay King ay isa sa mga inaalala niya ay kung ano ang kanyang gagawin kapag nag-away sina Bianca at Ruru.

 

 

Na siyempe, kapag nagkagalit ang magkasintahan, may epekto iyon sa mga sweet moments ng dalawa sa show.

 

 

“Then one day, lumapit sa akin yung isa sa mga crew, ‘Direk, may nag-a-unfollow ng IG.’ ‘Sino yun?’ Siyempre kilala natin yun,” umpisang pagbubulgar ng direktor.

 

 

“Tapos nag-worry talaga ako. ‘Nasaan si Bianca?’ Nasa tent, direk.’ ‘Ano ginagawa?’ ‘Wala. Walang kinakausap.'”

 

 

At nasabi raw ni King sa sarili niya, “Ito na sinasabi ko, e.”

 

 

Nagkunwaring walang alam sa nangyayari si King nang puntahan niya si Bianca para bigyan ng instructions sa gagawing eksena kasama si Ruru.

 

 

Lihim na nagdasal na lang raw siya na maging maayos ang eksena, na siya namang nangyari; ni hindi raw mahahalatang may tampuhan sina Ruru at Bianca nang gumigiling na ang kamera, na ikinabilib niya sa kanyang mga artista

 

 

“Pero ang galing lang. Sobrang professional. Parang okay naman sila. Ang galing pa rin ng performance,” sabi ni direk King.

 

 

Maliit na tampuhan lang umano ang namagitan kina Bianca at Ruru at mabilis rin naman silang nag-follow sa IG ng bawat isa.

 

 

***

 

 

DAHIL isang figure skater ang papel ni Xian Lim sa ‘Hearts On Ice’, nausisa siya kung paano niya ito pinaghandaan gayong hindi naman siya figure skater sa tunay na buhay.

 

 

“At first they gave me a couple of sessions sa skating rink and then after po nun sabi ko since pinasok ko I need to enroll to be able to keep up with the skills of course nina Ashley and all the skaters that will be part of the series, kasi buong buhay nila talaga itong ginagawa, it’s their sport, and nakakahiya naman po kung papasok ako dito na wala akong alam sa mundo nila.

 

 

“So as much as possible, araw-araw, makikita nila ako doon, nila Ashley (Ortega), ni Skye Chua, may isang dambuhalang nahuhulog sa yelo, gumugulong-gulong, ako po yun,” ang tumatawang kuwento ni Xian.

 

 

“But it’s really fun, and very inspiring as well and uplifting dahil yung skating community napakabait po nila.”

 

 

Kumusta ang rapport o chemistry nila ni Ashley at bilang leading lady?

 

 

“I think na-break yung ice when nakikita niya akong, well nung mga first couple of sessions sa skating rink so iyon yung mga times na nahuhulug-hulog, well nagtatawanan lang talaga kami, e.

 

 

“And I think that really helped para mawala yung hiya namin sa isa’t-isa.

 

 

“Naku si Ashley, napakabait,” dagdag pa ni Xian.

 

 

“Mabait ho siya, she’s very enthusiastic and supportive and very patient at the same time.

 

 

“Palagi niyang sinasabi na, ‘Okay huwag kang ma-pressure, just take your time.’”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.

 

Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.

 

Sisipa ang FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20.

 

Ayon pa kay Samoura, kapuri-puri ang pagsabak ng mga bagong koponan dahil makakahikayat ang mga ito ng kabataan na pagbutihin ang mga sports na mapipili. (CARD)

Mahigit 31-K pamilya sa MIMAROPA at Western Visayas, apektado na ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng NDRRMC na patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog naMT Princess Empress   sa bahagi ng Oriental Mindoro.

 

 

Sa datos ng NDRRMC, umabot na sa 31,497 ang bilang ng mga pamilya mula sa lalawigan ng MIMAROPA at Western Visayas  ang naapektuhan na ng malawakang oil spill mula sa nasabing oil tanker, habang pumalo na sa 13,654 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan naman ang mga kabuhayan.

 

 

Sa isinagawang coordination meeting ngayon ng ilang opisyal ng NDRRMC, at mga representative ng ilang local government units ay tinalakay ng mga ito ang mas pagpapaigting pa sa ipinapatupad na reinforcement para sa nagpapatuloy na response operations sa mga lugar na apektado ng naturang oil spill.

 

 

Ayon kayNDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator, USEC. Ariel Nepomuceno, kaugnay nito ay magkakaroon ng “Integrated interventions” ang gobyerno para sa pagtugon sa epektong dulot ng oil spill.

 

 

Habang inaasahan din ang pagdating sa bansa ng isang vessel mula sa bansang Japan para tumulong sa naturang insidente.

 

 

Samantala, bukod dito ay iniulat din ng kagawaran na nitong March 14, ay umabot na sa PHP23.9 million ang katumbas na halaga ng kabuuang assistance na ipinamahagi na ng OCD, DSWD, LGUs, DOH, at mga non government organization para sa mga naapektuhan ng nasabing malawakang oil spill. (Daris Jose)

Carlos Yulo gold sa parallel bars sa Baku

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang unang gintong medalya sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan matapos pagharian ang parallel bars final noong Sabado ng gabi..

 

Matapos mapalampas ang final sa kanyang pet event floor exercise, si Yulo ay higit na nakabawi dito sa isang perpektong routine sa parallel bars para sa kanyang ikalawang ginto sa pangkalahatan sa World Cup series.

 

Tinalo ni Yulo si Illia Kovtun ng Ukraine na sumabak para sa kanyang ikapitong sunod na FIG World Cup title sa apparatus.

 

Sa kabila ng mas mababang marka sa difficulty para kay Yulo (6.5) kumpara kay Kovtun (6.6), ang 22-taong-gulang ay nakabawi dito sa kanyang execution kung saan nakakuha siya ng kumpetisyon na mataas na 8.900.

 

Nagtapos si Yulo na may 15.400 points first na sinundan ni Kovtun na na may 15.366.

 

Nakumpleto ni Cameron-Lie Bernard ng France ang podium na may kabuuang 14.600.

 

Ang top qualifier na si Curran Phillips ay nasa ikalima lamang na may 14.500.

 

Sumabak din si Yulo sa rings final ngunit hindi makabangon sa podium sa isang apparatus na hindi pa niya natatapos sa Top 3 mula nang masungkit niya ang ginto sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi noong nakaraang taon.

 

Matapos magkuwalipika sa ikalima na may 14.166, napunta si Yulo sa ika-7 sa final na may magkaparehong marka.

 

Ang home bet na si Nikita Simonov ang namuno sa kompetisyon na may 14.633. Nakumpleto nina Mahdi Ahmad Kohani ng Iran at Vinzenz Hoeck ng Austria ang podium.

 

Muling sasabak si Yulo sa vault final, kung saan siya ay dating world champion, sa Linggo.

 

Matapos ibagsak ang unang dalawang set, bumalik ang National University Bulldogs para manatiling walang talo sa UAAP Season 85 Men’s Volleyball Tournament, 22-25, 22-25, 25-14 25-22, 15-6, laban sa University of the East noong Linggo sa PhilSports Arena.

 

Si Congolese rookie Obed Mukaba ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa walong pag-atake, siyam na block, at isang service ace para sa NU, na ngayon ay nasa 5-0.

 

“I’m very thankful na kahit down kami ng two sets, we still managed to win. Credit also goes to my players who, despite encountering some issues with their performance on the court, were able to bounce back,” ani NU coach Dante Alinsunurin, na ang koponan ay nakagawa ng napakalaking 38 errors.

 

Sa paghabol ng apat na puntos sa pambungad na frame, 14-18, ang Red Warriors ay nagpasiklab ng 6-1 rally upang ibahin ang takbo ng laro at makakuha ng manipis na isang puntos na kalamangan matapos ang isang service ace mula sa team captain na si Ralph Ryan Imperial.

 

Si Kenneth Roi Culabat ay nagpako ng back-to-back off-the-block hits para selyuhan ang unang set para sa Sampaloc-based squad.

 

Nagsagawa ang UE ng panibagong come-from-behind win sa ikalawang set sa likod nina Lloyd Josafat at Imperial.

 

Ang three-peat-seeking NU ay nabuhay sa ikatlong frame at nakagawa ng 8-3 cushion matapos ang crosscourt attack ni Leo Aringo Jr.

 

Pinamunuan ang Bulldogs ni  Alinsunurin na nagtala ng 14 na atake sa ikatlong set kumpara sa anim ng Red Warriors upang palawigin ang laban.

 

Sa kanilang malinis na rekord, ang Bulldogs ay humiwalay sa huli sa ika-apat na set, kung saan umiskor si Mukaba ng back-to-back kills upang pilitin ang isang deciding set.

 

Tinapakan ng NU ang gas pedal sa fifth set para kumpletuhin ang reverse sweep at palawigin ang kanilang winning streak sa 23 laro, mula pa noong Season 81.

 

Umakyat ang Red Warriors sa 2-2 matapos ang dalawang sunod na pagkatalo at  susubukang makabangon laban sa FEU Tamaraws sa Miyerkules.

 

Sa kabilang banda, sisikapin ng NU na mapanatili ang walang kapintasan nitong rekord sa pagsagupa nila sa DLSU Green Spikers sa susunod na Sabado. (CARD)

Teves, 6 pa kinasuhan ng CIDG

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINAMPAHAN  na ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at anim nitong staff kaugnay sa mga hindi umano lisensiyadong mga armas at bala na nakuha sa isinagawang raid sa mga bahay ng kongresista ng nakalipas na linggo.

 

 

Ayon sa PNP-CIDG, bukod kay Teves sinampahan din ng kaso sina Hannah Mae Sumerano Oray, sekretarya ng kongresista; mister nitong si Heracleo Sangasin Oray; Jose Pablo Gimarangan; Roland Aguisanda Pablio; Rodolfo Teves Maturan, at Kyle Catan Maturan.

 

 

Isinagawa ang mga raid sa limang magkakaibang address sa Basay at Bawayan City sa Negros Oriental nitong Biyernes.

 

 

Nabatid na sina Teves, Gimarangan at Pablio ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) at sa Law on Explosives (RA 9516) habang “infringement” ng RA 10591 kina Hannah Mae Oray, Heracleo Sangasin Oray, Rodolfo Teves Maturan, at Joseph Kyle Catan Maturan.

 

 

Nilinaw naman ni PCol. Thomas Valmonte, CIDG legal division chief, na walang sinu­render na mga baril at sa halip ay pawang nakuha sa bisa ng search warrant. Ang mga ito ay walang kaukulang papeles.

 

 

Wala sa mga bahay nang isagawa ang raid si Cong. Teves na kasalukuyang nasa ibang bansa, gayunman ay sasampahan pa rin siya ng kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516, kasama sina Kurt Mathew Teves, at Axel Teves.

 

 

Samantala, inaalam na rin ng PNP ang supplier ng baril ni Teves na nagkuha sa raid at sa mga suspek.

 

 

Ani PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. bawat supplier ay may identified gun dealers.

 

 

Tukoy na ang serial numbers ng mga baril subalit walang dokumento kaya maituturing na loose firearms. (Daris Jose)