• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 20th, 2023

‘Maria Clara at Ibarra’, finalist sa entertainment category ng 2023 New York Festivals TV & Film Awards

Posted on: March 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG magiging busy year ang 2023 para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.  

 

 

Bukod kasi sa pagiging host ng two top-rating shows sa GMA Network, ang daily game show na“Family Feud” at ang informative show na “Amazing Earth” every Saturday  balitang inihahanda na rin ng GMA Public Affairs’ film, ang “Fireply,”

 

 

Sa isang interview kay Dingdong sa “24 Oras,” halata ang excitement niya na tuloy na rin ang paggawa niya ng movie, na dapat pala ay noon pa ginawa, pero hindi natuloy dahil nagkaroon tayo ng Covid-19 pandemic.

 

 

“Napakaganda po ng story nito. Narinig ko na noon ang kuwento nito,” say ni Dingdong.

 

 

“Natanong ko rin noon kung matutuloy pa kaya ito, and I’m glad nang malamn ko ngayon na tuloy na pala ito at buo na ang cast.”

 

 

The movie will revolve around looking for the magical island of the fireflies. Pangungunahan ni Dingdong ang cast, with Voltes V Legacy stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, Max Collins, Yuan Mikael, Epi Quizon, Alessandra de Rossi, Cherry Pie Picache, at Yayo Aguila.

 

 

May isa pa ring serye na gagawin si Dingdong for GMA, pero hindi pa siya nagbigay ng details tungkol dito.

 

 

Paano kung magkaroon ng overlap ang mga projects niya? “Definitely po magkakaroon, pero kakayanin ko.”

 

 

Another question, paano kung totoong may gagawin silang movie ng wife niya, si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Star Cinema, matuloy din kaya ito?

 

 

Sa ngayon wala pang malinaw tungkol sa naturang project, abala naman si Marian sa pagho-host ng OFW documentary series na “Tadhana” for GMA-7 every Saturday, 3:20PM.

 

 

***

 

 

CONGRATULATONS to “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

Kasama ang top-rating historical fantasy portal series ng GMA Network sa mga finalists on entertainment category sa coming New York Festivals TV & Film Awards 2023 competition.

 

Ang serye ay ginampanan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, David Licauco at Dennis Trillo.

 

 

Bukod sa #MCI, finalists din ang iba pang shows and documentaries ng GMA Network, like “Born To Be Wild” (Primate Planet); “I-Witness” (Black Soldier Fly); “One at Heart (Jessica Soho: Eleven); “One at Heart” (Jessica Soho: Wounds of Woes); “Reporter’s Notebook” (Our School is Sinking);  “Runaway Child Bride” (Documentary on Cultural Issues); “The Atom Araullo Specials” (Eye in the Dark); and “The Atom Araullo Specials “ (The Missing).

 

 

The winners will be announced at a virtual gala event on April 18, 2023.

 

 

***

 

 

MAY mga nalaman ang mga netizens tungkol kay “Hearts On Ice” lead actress na si Ashley Ortega, nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

 

 

Nang tanungin siya kung sino ang first love at first boyfriend niya ay  hindi naman tumangging sumagot si Ashley, at inaming si Kapuso actor din ito na si Juancho Trivino.

 

 

Matagal nang nangyari ito at ngayon naman ay happily married na si Juancho kay Joyce Pring at malapit na silang magkaroon ng second baby nila.

 

 

Si Ashley naman ay kahihiwalay lamang sa dating boyfriend na si Lucena Mayor Mark Alcala.  Mutual decision nila ang maghiwalay dahil si Ashley ay gustong mag-concentrate sa kanyang showbiz career.

 

 

Katambal ni Ashley sa serye si Xian Lim.  Napapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng “Mga Lihim ni Urduja.”

(NORA V. CALDERON)

Para itulak ang BIDA anti-drugs program, gamitin ang barangay assembly- Abalos

Posted on: March 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PANAHON na para gamitin ng mga opisyal ng 42,046 barangay ang barangay assembly para makakuha ng suporta para sa anti-drug campaign ng pamahalaan. 
Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan” (BIDA) program, isang  nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa pamamagitan ng pagtuunan pa ang  “demand reduction at rehabilitasyon ng komunidad.”
Ani Abalos, kailangan na samantalahin ang mga barangay assembly na itinakda ngayong buwan para komprehensibong maipaliwanag ang programa sa kanilang mga constituents at gawing mga tagapagtaguyod ng  BIDA.
“Nananawagan tayo na gamitin nila ang Barangay Assembly Day upang mahikayat ang kanilang constituents na maging BIDA advocates at maki-isa sa ating laban sa iligal na drogat,” ayon kay Abalos.
Ang assembly para kay Abalos ay isang oportunidad para maipaabot  sa komunidad at maipaliwanag  dito ang kooperasyon o pakikipagtulungan na nais na maitaguyod ng pamahalaan sa mga ito sa laban sa ilegal na droga.
“Hiling natin na tulungan tayo ng mga kababayan hanggang sa mga barangay upang mas lumakas pa at maging epektibo ang ating kampanya sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa mga susunod na  BIDA activities,”  aniya pa rin.
Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2023-032, pinaalalahanan ni Abalos  ang  local government units na magdaos ng Barangay Assembly Days kada semester gaya ng ibinigay na mandato  ng Local Government Code.
“This semester’s Barangay Assembly Day with the theme “B-BIDA KA! Barangay BIDA Ka sa Pagpapatupad ng Kapayapaan, Pangangalaga ng Kalikasan, at Pagpapaigting ng Pagkakaisa Tungo sa Isang Ligtas, Mapayapa, Maunlad at Masaganang Pamayanan , can be held in any Saturday or Sunday of March,” ayon sa DILG.
Maaari rin itong gawing face-to-face o sa pamamagitan ng blended mode (face-to-face and online).
Araw ng Sabado,  ang mga kabataang delegado  ay nakiisa sa BIDA summit sa Imus Sports Complex na inorganisa ng   Cavite provincial government, DILG, Cavite Police Provincial Office, at Cavite Provincial Advisory Group.
Sa  lecture proper,  si Pastor Ephraim Segovia, director ng  Calabarzon Battle Against Drugs,  ay nagpahayag na ang giyera laban sa  narcotics o ilegal na droga ay  itinuturing na “longest battle” na mayroon ang bansa at patuloy na nilalabanan nito.
Ibinahagi nito ang isang audio-visual presentation ukol sa  gory physical effects ng paggamit ng illegal drugs.
Samantala, inulit naman ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina ang magiging ambag ng youth sector  upang  makagawa ng pagkakaiba sa progreso ng bansa.
“I encourage you to participate and take part in the ongoing war against drugs campaign by the government, by simply spreading the pros and cons of using and abusing illegal drugs,” ang winika ni Valmocina sa kanyang naging talumpati.
Sinabi naman ni Col. Christopher Olazo, Cavite police director, na ang “awareness kits, flyers at posters” ay  ipinamahagi sa  buong lalawigan habang tinalakay naman sa dayalogo sa “Ugnayan sa Barangay”  ang  rehabilitation program. (Daris Jose)

LandBank, magbibigay sa mga batang ARBs ng P100K annual scholarship grant

Posted on: March 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAGBIBIGAY ang state-run Land Bank of the Philippines (LandBank)  ng P100,000 halaga ng taunang  scholarship grants sa  60  mga bata na agrarian reform beneficiaries (ARBs), magsasaka at mangingisda taun-taon hanggang 2028. 
Sa ilalim ng Iskolar ng LandBank Program, pipili ang lender ng  60 scholars kada taon mula 2023 hanggang 2028, sa kondisyon na ang  P100,000  kada taon ay para sa allowance at gastos para sa mga libro, damit at iba pang  course requirements.
Ang mga  eligible para sa  grant ay mga anak at apo  ng ARBs o maliliit na magsasaka at mangingisda  na graduating  na high school students na may minimum average grade na  90% o nabibilang sa  top 10% ng kanilang klase.
Kailangan din na magsumite ng mga ito ng letter of endorsement mula sa kanilang  senior high school principal, ipasa ang admission requirements ng katuwang na State Colleges and Universities (SUCs), mayroong total family income  na mas mababa sa P300,000, at walang anumang  ibang  financial assistance, grant, o scholarship.
Ang mapipiling  scholars ay maaaring mag-enroll sa mga kurso gaya ng horticulture, animal science, food technology, data analytics, information technology, accounting, agribusiness management, at agricultural, IT, industrial o management, civil, at mechanical engineering.
Ang mga Iskolar ng LandBank graduates ay aalukin naman ng  on-the-job (OJT) training sa  LandBank branches at lending centers, kabilang na ng  partner agencies at institusyon.
“We want the Iskolar ng LandBank Program to create meaningful impact in the lives of deserving students who really need assistance the most,”  ayon kay LandBank President and CEO Cecilia Borromeo.
“We are now reaching out to our partner cooperatives, associations, and organizations in the agri sector to nominate dependents from among their members,” dagdag na pahayag nito.
Ang LandBank ay may mandato na i-promote ang countryside development habang nananatiling financially viable.
Ipinatutupad nito ang  comprehensive agrarian reform program (CARP), nagbibigay ng tulong sa  mga maliliit na magsasaka at mangingisda at nagsisilbing  official depository ng  government funds.  (Daris Jose)

Ayaw nang itago kaya ipinagsigawan na… KLEA, matapang na inamin na gay at may rainbow heart

Posted on: March 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-OUT na nga ang Kapuso star at StarStruck 6 winner na si Klea Pineda.

 

 

Sa kanyang Instagram sa mismong kaarawan niya (March 19), proud na in-announce ng AraBella star na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.

 

 

Ayaw na raw itago ni Klea kung ano talaga siya at ipagsisigawan pa raw niya ito.

 

 

“My 24th birthday is extra special since I finally mustered up the courage to come out to the world as my true authentic self.

 

 

“Masasabi ko na ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. I want the world to know that I am a proud member of the LGBTQIA+ community.”

 

 

Dagdag pa ni Klea, “Alam ko mahirap at nakakatakot, but please know na walang mali sa atin at walang kulang sa atin kahit pa magpakatotoo tayo. Marami man ang manghusga, mas marami pa rin ang tatanggap at magmamahal sa’yo nang buong-buo. Just be the person that your younger self would be proud of!”

 

 

“From now on, I want to live my life fearlessly. Sana samahan nyo ako sa paggawa ng sarili kong kwento na alam kong tunay na magpapasaya sa akin.

 

 

“Let’s spread love and empowerment, everyone! And always remember, #LoveIsLove!”

 

 

Sabi pa ni Klea, “I’m proud na sabihin sa lahat ng mga Kapuso natin na I’m gay. I have a rainbow heart.

 

 

“‘Yung takot, nandidiyan siya parati pero mas nangingibabaw ‘yung excitement. For the longest time nag-be-base ako sa mga tao kung sino talaga ako.

 

 

“Ito ‘yung masasabi ko na sa akin, na ako ‘to, and I’m proud na ito ako.”

(RUEL J. MENDOZA)

DON’T MISS THE “DUNGEONS & DRAGONS” THE TAVERN EXPERIENCE AT SM MEGAMALL ON MARCH 25 & 26

Posted on: March 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AN epic adventure awaits. Get ready to enter the “DUNGEONS & DRAGONS: HONOR AMONG THIEVES” Tavern, an intimate and immersive experience where travelers step inside the world of Dungeons & Dragons and get a first taste of the lands, characters, and magic that will fill their adventure in theaters. 

 

Experience a weekend of epic fun and adventure as you battle with your friends in the tabletop adventure games. Learn how to paint miniature D&D figurines, take a photo at the gelatinous cube and spectacular standee.

  • Date: March 25 & 26

  • Venue: SM Megamall Mega Fashion Hall

  • Time: 10:00AM – 9:00PM

  • Admission to the Tavern is free! Everyone is welcome.

Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/XyTz-RRzrXg

 

About Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves

A charming thief and a band of unlikely adventurers undertake an epic heist to retrieve a lost relic, but things go dangerously awry when they run afoul of the wrong people.  Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves brings the rich world and playful spirit of the legendary roleplaying game to the big screen in a hilarious and action-packed adventure.

Paramount Pictures Presents In Association with eOne A Jonathan Goldstein & John Francis Daley Film

Directed by Jonathan Goldstein & John Francis Daley, screenplay by Jonathan Goldstein & John Francis Daley and Michael Gilio. Story by Chris McKay & Michael Gilio, based on HASBRO’S DUNGEONS & DRAGONS

The film stars Chris Pine, Michelle Rodriguez, Regé-Jean Page, Justice Smith, Sophia Lillis, Chloe Coleman, Daisy Head and Hugh Grant.

Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves, distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures, opens nationwide March 29, with special sneak previews on March 20 and 21. Connect with #DnDMovie and tag @paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

SolGen, hinihintay ang “go signal” ni PBBM para isumite ang draft EO ukol sa independent body na magiimbestiga sa drug war

Posted on: March 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAGHIHINTAY lamang ng “proper signal” ang tanggapan ni  Solicitor General Menardo Guevarra mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago isumite ang panukalang paglikha ng  independent body na mag-iimbestiga sa pagpatay na inuugnay sa  drug campaign ng Duterte administration. 
Sinabi ni Guevarra sa isang panayam na ang Office of the Solicitor General (OSG) ay lumikha ng isang panukala kabilang na ang draft  ng executive order (EO) na naglalayong lumikha ng independent panel noong nakaraang taon.
“The OSG has crafted the details of a proposed independent commission a long time ago, including a draft executive order. But we are waiting for the proper signals for its submission to the president,” anito.
Sinabi pa niya na habang nag-iimbestiga na ang pamahalaan ukol sa mga patayan na inuugnay sa  war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang panukalang  independent panel ay mayroong  advantage na magkaroon ng  “flexibility” sa operasyon nito.
“It may summon anyone it wants, at any time,” ani Guevarra.
Aniya pa, susuportahan ng  panukalang panel ang pagsisikap ng  legal system at law enforcement agencies.
“Our regular investigative processes, through our law enforcement agencies, the prosecution service, and our courts, and the work of an independent commission complement and will mutually reinforce each other,” diing pahayag nito.
At nang tanungin kung anong  “proper signals” ang hinihintay ng  OSG bago isumite kay Pangulong Marcos ang naturang “proposal”, sinabi ni  Guevarra  na “For now we are feeling the pulse of our political leadership on the acceptability of the idea.”
Sinabi pa niya na “the idea of creating an independent panel to probe the drug war killings after the International Criminal Court (ICC) pre-trial chamber gave the go signal to prosecutor Karim Khan to resume the investigation on drug-related killings that happened under Duterte.”
Umaasa naman aniya ang Pilipinas ani Guevarra na magbibigay ng kanyang komento si  Khan sa nasabing usapin. (Daris Jose)

Hollywood actor na si SAM NEILL, naging bukas na pag-usapan ang pakikipaglaban sa blood cancer

Posted on: March 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI inakala ng ‘Drag Race Philippines’ Season 1 contestant na si Eva Le Queen na mabibigyan siya ng pagkakataong umarte sa isang teleserye.

 

 

Kasama nga siya sa cast ng ‘The Write One’ ng GMA Public Affairs at Viu Philippines.

 

 

Ikinatuwa pa ni Eva na binigyan daw siya ng creative freedom para sa character niya sa teleserye.

 

 

“This is my first acting engagement. I’m a performer kasi, I do drag. Puwede pala na I am myself. Kasi for my role Queenie, hinayaan nila ako to do the creatives of who my character is. Talagang I do my own makeup on the set. I style myself. I do my own wigs.

 

 

“Hinayaan ako and I’m just really proud to represent the queer community and my drag community dito,” sey ni Eva na natuwang katrabaho sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Lotlot de Leon at iba pang kasama sa teleserye.

 

 

Dating OFW sa Singapore si Eva na taga-Marikina City. Umabot siya sa Final 4 ng ‘Drag Race Philippines’ at founder siya ng Drag Playhouse PH na tumutulong sa ibang drag artists na tulad niya.

 

 

***

 

 

NAGING bukas na ang Hollywood actor na si Sam Neill na pag-usapan ang pakikipaglaban niya sa sakit na cancer.

 

 

Na-diagnose last year ang 75-year old ‘Jurassic Park’ star with angioimmunoblastic T-cell lymphoma, isang rare form of non-Hodgkin lymphoma. Sumasailalim siya sa iba’t ibang chemotherapy drugs at ngayon ay cancer-free na siya.

 

 

Kinuwento niya ang kanyang pinagdaanan sa kanyang memoir na “Did I Ever Tell You This?”

 

 

“I never had any intention to write a book. But as I went on and kept writing, I realized it was actually sort of giving me a reason to live and I would go to bed thinking, ‘I’ll write about that tomorrow… That will entertain me.’ And so it was a lifesaver really, because I couldn’t have gone through that with nothing to do, you know?” sey ng aktor na unang naramdaman ang symptoms ng kanyang sakit habang nagpe-press tour siya para sa pelikulang ‘Jurassic World Dominion’ noong Mach 2022.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Implikasyon ng naging desisyon ng Korte Suprema sa JSMA sa China, Vietnam, pag-aaralan ng DoE

Posted on: March 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PAG-AARALAN ng  Department of Energy (DOE)  ang naging  desisyon at implikasyon ng  Supreme Court (SC) ruling sa Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa China at Vietnam na sinasabing  “void at unconstitutional.”
Sa isang kalatas, sinabi ni DOE Undersecretary Alessandro Sales na titingnan nito ang nasabing desisyon, makikipag-ugnayan sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para sa kung paano susulong gamit ang ruling.
“The DOE will work closely with the Office of the Solicitor-General and the Department of Justice in determining the next steps to be taken on the matter,”  ani Sales.
Sa ulat, natuklasan kasi  na ang ipinalabas na  desisyon ng Korte Suprema noong Enero 10, 2023  ay unconstitutional JMSU sa Agreement Area sa  South China Sea, dahil  “it allowed wholly-owned foreign corporations to explore the country’s natural resources.”
Ang JMSU—pumasok sa 2005 at napaso’ noong 2008—ay isang kasunduan ng Philippine National Oil Company (PNOC),  China National Offshore Oil Corp., at Vietnam Oil Gas Corp., may kinalaman sa  142,886 square kilometers sa South China Sea.
Nag-ugat ang kaso mula sa petisyong inihain nina dating Bayan Muna Party-List representatives Satur Ocampo at Teodoro Casiño, kapuwa iginiit ng mga ito na ang  JMSU ay illegal dahil nilabag nito ang 1987 Constitution kung saan  “reserves the exploration, development, and utilization of natural resources to Filipinos or corporations which are 60% owned by Filipinos.”
Samantala,  buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon, inamiyendahan ng DOE  ang seksyon ng  implementing rules and regulations (IRR) ng Renewable Energy (RE) Act of 2008, pinapayagan ang  foreign investors o mga kompanya na ma- engage sa “exploration, development, at utilization” ng Philippine renewable energy sources.
(Daris Jose)